C57 Chapter 57
Maingat na inilagay ni Franco ang lahat ng gamit nila sa likod ng sasakyan. Uuwi na sila ngayon at sa Hacienda muna sila tutuloy. Gusto daw ni Kamille na puntahan muna ang Hacienda at hindi nya naman ito masisisi dahil giliw na giliw ito sa lugar na iyon.
"Mahal ayos na ba yan?" tanong ni Kamille sa kanya. Nasa loob na ito ng sasakyan at nasa tabi ito ng driver's seat
