Taming The Insensitive/C12 Chapter 11
+ Add to Library
Taming The Insensitive/C12 Chapter 11
+ Add to Library

C12 Chapter 11

"What will be your impression if ever I have a suitor?" tanong ko sa aking ina na busy sa pagliligpit ng mga gamit niya

Kasalukuyan kaming nag vi-video call ngayon.Tumawag siya para daw kumustahin ang kalagayan ko.

Hindi rin ako sigurado kung tama bang tanungin ko siya tungkol dito pero matapos nung nangyari two months ago,sa tingin dapat ko muna itong ipagpaalam sa kanya.

I don't have any suitors since then.Ang alam ko lang maraming nagkakagusto sakin dahil maganda daw ako pero wala ni isa ang nangahas na ligawan ako.Siguro dahil mahirap tansyahin ang pag uugali ko.

"Naku anak si Dexter ba yan?Sabi ko na nga ba eh ikaw pa rin ang gusto niya Hanggang ngayon.Buti nagkaroon na nang lakas ng loob ang batang iyon." tugon habang inaayos ang mga kagamitan niya sa mesa.Galing pa kasi siya sa trabaho kaya makalat pa doon.

"It's not Dexter." tipid na tugon ko

"Nagbibiro ka ba anak?Si Dexter lang ang kilala kong karapatdapat sayo.Kung magkakaroon ka ng manliligaw o nobyo,si Dexter dapat yun." seryosong tugon niya.Napatigil siya sa kanyang ginagawa at matamang tinignan ako na para bang may ginawa akong kasalanan sa kanya.

"Bakit ba lahat nalang kayo si Dexter ang gusto pa sakin?Pati si MommyLa boto sa kanya.Ni hindi ko nga gusto." inirapan ko siya.

"Sino bang magulang ang hindi gustong mapabuti ang anak niya?Your future is settle with him.Gwapo naman siya,mabait at mayaman...Ano pa bang hinahanap mo Yash?" biglang tumaas ang tono ng kanyang pananalita.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko siya gusto!" tinaasan ko na rin siya ng boses.

"Yan bang manliligaw mo,gusto mo ba yan?Kaya ka bang buhayin niyan?Anong estado ng buhay niyan?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"He's still studying like me.He's an orphan and his family.... don't have any business but he's good at dancing and he's attitude is great." mariing sagot ko sa kanya.

"Sa madaling salita,walang silbi." seryosong tugon niya.

"How dare you to say that!" I shouted at her.

"Mother's knows best,Yashlyn.Kaya dapat sundin mo nalang ang gusto ko.Wag kang magpaligaw sa iba,kay Dexter ka lang.Anytime by now,he will confess to you.I know it already na gusto ka niya.Dati pa siya nanghingi ng permission sa akin na ligawan ka pero hindi ko alam bakit hindi niya tinuloy.Ayusin mo din kasi ang ugali mo para sa kanya.Magugustuhan mo naman rin siya kalaunan." wika niya sa akin.

"Great,so your manipulating my life again?" sarkastikong wika ko sa kanya.

"Gusto ko lang mapabuti ang kalagayan mo.Minsan ka nalang susugal sa pag-ibig,dapat dun ka sa sigurado."tugon niya sa akin.

"What the hell are you talking about?You know what I shouldn't ask for your opinion.It doesn't matter at all.Malaki na ako kaya wag mo na akong kontrolin lalo na kung sino dapat ang mamahalin ko." I said and shut my laptop to make her stop talking.

Matagal na akong naiirita sa mga pangaral niya walang katuturan.Palagi niya nalang pinakikialaman ang buhay ko.Kaya ako bumukod para makaiwas sa kanya pero wala naman akong sariling pera kaya pinagtitiisan ko nalang makasama siya.Maybe I am a rebel and disobedient daughter but she's worst than me.

Nung nalaman niyang namatay si Daddy,parang natuwa pa siya.Ni hindi siya pumunta sa lamay at sa mismong paglibing niya.She was the one who wanted to destroy their marriage.Hindi ako naniniwalang mutual decision yun.Mahal na mahal siya ng Daddy ko at kailanman hindi siya nagkulang sa kanya.Siya lang ang nagsawa at bumitaw sa pagsasama nila.Napakababaw ng rason niya diba?Kung maghihiway sila sana inisip niya man lang ako.

She should include me in every decision she'll make cause I'm her child.After my Dad's burial,inilayo niya ako sa anumang tao o bagay na may kaugnayan sa Daddy ko.Hanggang ngayon,wala pa rin akong contact sa mga kamag-anak o kaibigan man lang ni Daddy.Binagbantaan niya pa ako na kung dadalaw daw ako kay Daddy ay itatakwil niya.Hindi na niya susuportahan ang pag aaral,pagkain at buhay ko.

Gusto ko na ngang magtrabaho para makalayo na sa kanya.Gusto kong pag aralin at buhayin ang sarili ko.Ayoko nang umasa sa kanya dahil kung ano pang masabi niya.

"Nag away na naman ba kayo ng Mommy mo?" tanong ni MommyLa na kasalukuyang nagkakape ngayon.

Kakababa ko lang mula sa hagdanan.Bitbit ko ang aking bag.Two months na ang nakalipas at simula na ng klase namin ngayon.Bitin nga dahil kaunti lang ang bakasyon.

"She started it.Bakit ba kasi palagi nalang siya nakikialam sa buhay ko!" inis na wika ko.

"Alam mo naman ang Mommy mo.Gusto lang niya mapabuti ka." tugon ni MommyLa sabay higop ng kanyang kape.

"Whatever." I rolled my eyes at her.

Aalis na sana ako pero nahagip ng aking paningin ang isang bouquet ng bulaklak,teddy bear at chocolate na nakapatong sa mesa.May paper bag din dun at sa hinala ko ay pagkain ang laman nun.

Kanino kaya to galing?Kay Demitri kaya to?

Mula nong pumunta kami sa puntod ng mga magulang ay bihira nalang kami mag usap ni Demitri.Hindi kami nagkita sa loob ng dalawang buwan dahil pareho kaming busy sa buhay namin.Sabi niya pinapatulong daw siya ng auntie niya sa munti nitong karinderya.Through chat,text at call lang kami nag uusap.Binigay ko na sa kanya ang social media account at number ko para madali nalang niya akong ma contact.

"MommyLa,kanino galing yan?" wika ko sabay turo sa mga kagamitang nasa mesa.

"Ay oo nga pala Yashleng!Nakalimutan ko atang sabihin sayo!Tumatanda na talaga ako!" sabi niya habang nakahawak sa kanyang noon.

"Ngayon lang ba yan?Sinong nagbigay niyan at para kanino yan?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Hindi naman halatang excited ka hija,nakangiti ka na wala pa nga akong sinasabi kung kanino galing yan" she teased me.

"W-Who?Me?I-I'm not smiling MommyLa!I'm just curios who give that." ani ko at nag iwas ng tingin sa kanya.

"Bigay to ni Dexter hija,para sayo." my smile automatically faded when she said those words. "Maaga siyang pumunta dito para ibigay sayo yan.Ikaw ha,hindi mo sinasabi na nanliligaw na pala siya sayo.Naku kayo talagang mga kabataan ang hilig niyong mag sekreto ng mga bagay-bagay." wika ni MommyLa.

"He's not courting me." kunot noong tugon ko.

"Talaga?Sabi niya eh dalawang buwan ka na niyang nililigawan.Ngayon lang daw siya nakabisita ulit dito dahil busy siya family business nila." wika ni MommyLa habang iniabot sa akin ang mga bulaklak.

"Alam mo Yashleng ang swerte mo kay Dexter.Kitang-kita ko kung gaano ka pinahahalagahan ng batang iyon.Mula pa nong tayo'y nasa China hanggang dito sa Pilipinas eh hindi nagbago ang nararamdaman niya para sayo.Masaya ako at binigyan mo na din ng pansin ang nararamdaman niya para sayo.Tiyak naman akong tatratuhin ka ng tama at aalagaan ka ni Dexter." dagdag pa niya

"Hindi ko tatanggapin yan.Baka masunog o matapon ko pa yan." naiinis na wika ko kay MommyLa at naglakad na papalayo sa kanya.

They are very annoying!Why do they also push me to love Dexter more than friends?Ito namang si Dexter kung ano-anong sinasabi sa kanila.I think it's clear to him na kaibigan lang ang turing ko sa kanya pero hindi pala.Kinukunsinti din niya ang mga desisyon ng nanay at lola ko.Alam naman niyang ayaw na ayaw ko yun pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

It's true na madalang nalang makapunta dito si Dexter dahil sa family business nila but I don't remember na binigyan ko siya ng permission na ligawan ako.I thought were doing well but now I hate him too.Sana pala hindi nalang siya bumalik dito sa Pilipinas at nanatili nalang sa China.

Dexter is good looking and he also have a nice attitude but he's clearly not my type.Kahit pa dati nung magkasama kami,hindi ko siya nakitaan ng kahit anumang romantic feelings.Most of the girls are falling for him but not me.Mas mabuting maging magkaibigan nalang kami dahil kahit kailan hinding-hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya para sakin.

Biglang nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.

"Yashlyn!Bakit hindi mo tinanggap ang mga regalo ni Dexter?Nakakahiya!Iisa pa naman kayo ng skwelahan na pinapasukan.Siguradong dismayado siya ngayon sayo." galit na wika ng aking ina.

Wala ako sa mood sa mga sermon niya kaya binaba ko nalang agad ang telepono.

Ano naman kung iisa lang kami ng school? Kahihiyahan na ba para sa pamilya nila ang ginawa ko?Argh,mag kikita pala kami ngayon!Parang nawalan nako ng ganang pumasok sa school!Hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Dexter pag nagkita kami.Baka kung ano pang masasakit na salita ang masambit ko sa kanya.

Pinili ko nalang tumambay dito sa baywalk habang pinagmamasdan ang malumanay na paghampas ng alon.Maganda ang tanawin dito at talagang napaka refreshing ng ambiance.Walang gaanong tao dito ngayon dahil weekdays.Buti nalang hindi ako naka uniporme ngayon at baka masita pako ng mga pulis na nandirito ngayon.

Matamang kong tinignan ang kaaya-ayang tanawin.Sana kasi payapa din nito ang buhay ko ngayon.Hindi ko maintindan kung bakit nila pinipilit at pinagsisiksikan sa taong hindi ko naman gusto.Nasa wastong edad na naman ako.Siguro panahon na para mag desisyon ako para sa sarili ko lalo na kung sino ang pakikisamahan ko.

"Yash?Gagi!First of day class tapos nakatambay ka lang dito?" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Demitri.

Bakit ba sumusulpot nalang siya bigla-bigla,tsk!

"Bakit ka nandito?Sinusundan mo ba ako?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba,nagkataon lang no.May diniliver akong ulam malapit dito sa baywalk.Inutusan kasi ako ni auntie na ibigay yun sa costumer niya.Pupunta na din ako sa school,sasabay ka ba?" wika niya.

"Hindi na,paki sabi nalang absent ako ngayon." wika ko at nag iwas ng tingin sa kanya.

"Bakit?May sakit ka ba?" agad niyang hinaplos ang noo ko kaya bahagyang nag init ang mukha ko. "Mukhang wala naman ha.Bat ba ayaw mong pumasok ha?Sayang first day ngayon oh." naka ngusong sambit niya.

"Wala ako sa mood." tipid na tugon ko at iniwakli ang kamay niya.

"Anong problema ng baby ko ha," wika niya habang pinipisil ang matataba kong mga pisngi.

Naging mabilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko ring mas nag blush ako ngayon.Para akong nakakaramdam ng ano...Ano nga ba yun....Kilig?

Kinikilig na ba ako sa kanya?May emosyon na ba ulit ako?

"Hey stop it!N-Nakakahiya may mga tao oh." nakangusong sambit ko.

"Ang cute mo kasi." nagulat ako ng inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at pinagpantay ang aming mga ilong saka niya ako ni-nose to nose.

"T-Tama na,Demitri." ani ko at bahagyang umiwas sa kanya.

"Ano bang problema mo ngayon ha?Bat ang grumpy mo na naman." malumanay na wika niya.

Hindi na ako nagsalita at sinubukang hindi siya pansinin.Nakatitig lang siya sakin ngayon habang hinihintay ang sagot ko.

I'm hesitant to say what my problem is.Pakiramdam ko hindi niya dapat malaman yun.Mas mabuti ng hindi niya alam,baka kung ano pang masabi niya sa akin.The last time I open up about my Mom,he think na tama palagi ang desisyon ng nanay at para din daw iyon sa welfare ko.

"Oh sige parang ayaw mo talaga sabihin.Okay lang,sasamahan nalang kita dito." ani niya at tinabihan ako.

"No,you should go to school right now." pagpupumilit ko sa kanya.

Ayoko namang maging dahilan ng pag absent niya no.Mukhang excited pa naman siya sa first day of school.

"Kung hindi ka papasok,edi hindi rin ako papasok.Dapat may kasama ka dito mahirap na baka maagaw ka sakin." he said while caressing my hair.

May kaagaw ka naman talaga pffft itago nalang natin sa pangalang Dexter na nagkukunsinti ng maling desisyon.

I just smile at him.He's so sweet.Tama talaga na siya ang pinili ko.

"Tara,date tayo." ani niya sabay hawak sa kamay ko

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng street foods dito sa isang food stall na malapit sa position namin kanina.Actually it's my first time to try this foods.I've never eat street foods before kasi bawal daw yun para sa akin.Mom said that I should eat classy food and not those foods sold along the street.

"What's this?" ani ko sabay tuhog nitong hugis bilog na pagkain.

"Ah kwek kwek yan.Ito oh isawsaw mo sa suka,mas masarap yan." sambit niya.

I obey his suggestion and he was right.It's really good!Para siyang itlog na binalutan ng harina.Kumuha pa ako nito sabay subo agad sa bibig ko.Nagmukha ata akong matakaw ngayon.Di kasi ako kumain kanina kaya naman siguro okay nato pantawid ng gutom.

"Itong white?Masarap ba to?" tanong ko sa kanya.

"Fish ball yan haha halatang di ka kumakain nito ha." he chuckled

"It's my first time." tipid na sagot ko.

"Wee?Di nga?Ngayon pa lang ako naka encounter ng taong di kumakain ng street foods ha.Sarap kaya nito," wika niya sabay subo ng tinuhog niya kanina.

"Ayaw ni Mommy na kumakain ako ng ganito.Pagkaing mahirap kasi daw to." sambit ko sabay sawsaw sa suka nitong fish ball.

"Ma'am, grabe naman po kayo.Hinay-hinay lang po sa pananalita.Nakakasakit ka na po ng damdamin ng iba." napalingon ako ng biglang magsalita ang vendor.

"Ah sorry ate,first time niya kasi to.Pasensya na talaga." nakayukong sambit ni Demitri sa kanya.

Madali namin natapos ang pagkain namin saka nagbayad kami ng sakto sa vendor.Hindi pala pwede magbayad ng tingian dito.

"May problema ba sa sinabi ko kanina?" tanong ko kay Demitri na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang kamay ko.

"Nakakainsulto lang siguro yung sinabi mo kanina pero hayaan mo na.Sa susunod wag mo nalang ulitin.Sabi mo magiging sensitive kana sa mga taong nakapaligid sayo diba?"wika niya sabay pisil ng marahan sa kamay ko.

"I'll try,sorry." ani ko sa kanya.

"Hays wag ka ng malungkot diyan.Tara,may ice cream dun!" sambit niya sabay hila sa akin.

Napakasarap pala nitong ice cream na inilalako sa kalye.Ilang piraso din ang naubos ko.Natikman ko na ata lahat ng flavors na tinitinda ng sorbetero.Of course,pera ko ang pinambayad ko sa lahat ng kinain ko.Nag alok naman si Demitri na siya nalang daw ang magbabayad but I refuse.

Nakakahiya rin kung siya ang sasalo sa lahat ng ginastos ko.Alam kong pinaghirapan niya ang pera niya na yun.Dapat sarili niya ang pinaggagastusan niya at hindi ang ibang tao.

Naglalakad kami habang nilalasap ang matamis na sorbetes na ito.Hawak-hawak pa rin ni Demitri ang aking kamay at mas humigpit pa ang hawak niya dito.Para kaming yung mga usual na mag jowa na nag de-date.

Pero hindi kami ganun.

Naguguluhan din ako.

Hindi pa niya ako pormal na nililigawan.Puro pahapyaw na salita lamang.Hindi ko nga rin alam kung ano kami eh.Ilang beses na niya ako niyakap at hinalikan pero wala namang progress sa amin.Normal lang bang makipaghalikan at yakapan lalo na pag wala kayong label?

Ayoko din naman siyang kulitin tungkol sa bagay na yun.Kasi ano...feeling ko Ang awkward naman ata kung pupunahin ko yun.Parang atat naman akong makipag relasyon sa kanya.Babae pa rin ako no kaya dapat di ko gawin ang mga bagay na iyon.Para naman akong uhaw sa lalaki pag nagkataon.

"Yash,okay ka lang ba?" nabalik ang aking ulirat ng magsalita si Demitri na nasa tabi ko ngayon.

"H-Ha oo,why?" nauutal na tugon ko.

"Mukhang malalim ang iniisip mo eh" wika niya sabay subo ng huli niyang sorbetes.

Ang awkward naman din niyang tignan ngayon!Pfft!Ano ba tong nasa sa isip ko!

"Gusto mo din?Dapat talaga tinatlo mo na yan.Mukhang sarap na sarap ka." he chuckled.

Ewan ko ba pero biglang nag init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Demitri?" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" ani niya at sumilay na naman ang gwapo niyang mukha.

"P-Pwede bang magtanong?" kinakabahan sambit ko.

"Ano yun?"

Hindi ako sure kung dapat ko na bang sabihin to pero gigil na talaga akong malaman kung ano kami.Para na rin maging malinaw sa akin ang lahat.Gusto ko na din siyang pormal na ipakilala sa pamilya ko kahit alam kong tutol sila sa kanya.

"Ano ba tayo?" diretsong tanong ko sa kanya.

"H-Ha?Ano bang sinasabi mo?" his eyebrows furrowed.

"Nililigawan mo ba ako?" sambit ko.Hays wala na akong pakialam kung mag mukha akong atat o nag a assume dito basta nasabi ko na sa kanya.

"Hindi pa ba halata?" sambit niya at direkta akong tinignan sa mata.

"Akala ko kasi biro lang yun.Pagkatapos mong mag confess,minsan ka nalang magparamdam sakin.Feeling ko tuloy hindi totoo yung sinabi mo." sambit ko.

"Busy lang talaga ako Yash kaya sorry.Tiyaka mukha ba akong nakikipagbiruan sayo?Oo alam kung mapagbiro akong tao pero pagdating sa pag ibig nagiging seryoso ako Yash." seryosong tugon niya.

"Mahal kita,Yashlyn.Will you allow me to court you?" ani niya sabay haplos sa aking mga pisngi.

I just him a nodded and I immediately felt his soft lips on mine.

This was magical.Sa unang pagkakataon,naramdaman ko na may magmamahal pa pala sa akin.

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height