C12 Twelve
Lumayo ako agad kay Zieg nang marinig ko ang sinabi ni Albert sa kabilang linya. Sa lakas ng kaba ko ay parang gusto nang lumabas ng puso ko sa dibdib ko. Hindi ako nakapagsalita dahil I was caught off guard.
"May nagsabi kila mama at papa, ate. Sila nag utos sa akin na tawagan ka." Sabi nya ulit.
Liningon ko si Zieg na kunot ang noo na nakatingin sa akin