C13 IT'S A DATE
“Seryoso Khrystal? Hindi mo talaga alam ang ibig sabihin ng tandang?” seryosong tanong ni John habang nakakunot ang noo.
“Anong pakialam mo sa ibig sabihin ng tandang na ‘yan? Puwede ba mag-drive ka na lang at baka mabangga pa tayo! Saka labinlimang minuto na tayo nasa kalsada wala pa rin tayo sa pupuntahan natin,” napasimangot na lang siya pagkatapos niyang magsalita