C31 WAR
Kinagabihan ay dumiretso na agad siya sa kuwarto pagkatapos niyang patulugin si Janice. Tumingin siya sa orasan na nasa dinding at nakita niyang alas-diyes na ng gabi.
“Bakit kaya wala pa si Beast? Tapos hindi pa siya nag-text sa akin. Lagot talaga siya sa akin mamaya kapag pumasok siya rito sa kuwarto namin,” nakasimangot na sabi niya pagkatapos ay pinatay ang ilaw sa kuwarto
