The CANIS’s Heart/C1 The Grey-eyed Disaster
+ Add to Library
The CANIS’s Heart/C1 The Grey-eyed Disaster
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 The Grey-eyed Disaster

BINABAYBAY ni Maxine ang maputik na daan patungo sa sakayan ng tricycle. Unang araw ng klase at hindi siya puwedeng mahuli.

Sa Wilford University nag-aaral ang dalaga—isang prestihiyoso at kilalang unibersidad na kadalasang pinapasukan lamang ng mga sikat at mayayaman. At hindi siya kabilang sa mga iyon.

Isang kasambahay lamang ang kanyang ina na mahigit sampung taon nang naninilbihan sa mga Alfonzo.

Hindi niya maiwasang mainis sa mga sandaling iyon. Wala man lang ni isang tricycle na dumaraan kung kailan siya nagmamadali. Dagdag pa roon ang nagbabantang pag-ulan dahil sa makulimlim na kalangitan.

Lalo pa siyang napasimangot nang may humarurot na itim na sasakyan mula sa kanyang likuran. Muntik na siyang matalsikan ng putik.

Kotse iyon ni Beatriz, ang unica hija ng mag-asawang Alfonzo. Kung gaano kabait ang mag-asawa, kabaligtaran naman ang kanilang anak. Saksakan ito ng kamalditahan at ubod ng yabang.

AGAD na nagtungo si Maxine sa restroom pagdating niya sa Wilford. Pinagmasdan niya ang sariling repleksiyon sa salamin at napailing.

Papasok pa lamang siya ngunit para na siyang pauwi sa hitsura niya.

Hindi kasi siya tulad ng ibang estudyanteng hatid-sundo ng magagarang sasakyan. Kaya bago pa man siya makarating sa unibersidad, mukhang pagod na pagod na siya.

Matapos mag-retouch ay lumabas na siya ng restroom. Ngunit paglabas na paglabas niya ay sinadya siyang banggain ng dalawang babaeng papasok pa lamang. Nabitawan niya ang mga librong dala at nagkalat ang mga iyon sa sahig.

Agad siyang yumuko upang pulutin ang mga iyon.

“Sorry,” maarteng saad ng isa sa mga babae, halatang hindi naman sinsero. “Hindi kasi kita nakita.”

“Served right,” dagdag naman ng kasama nito habang natatawa.

Pinili na lamang ni Maxine na huwag silang patulan at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sanay na siya.

Ganito na ang naging buhay niya mula nang makapasok siya sa Wilford. Ngunit wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magtiis. Ayaw niyang masayang ang pagkakataong ipinagkaloob sa kanya ng mag-asawang Alfonzo.

Sa katunayan, graduating na siya ngayong taon sa kursong BHRM.

NATAPOS ang unang klase ni Maxine. At dahil alas dos pa ng hapon ang susunod niyang subject, nagpasiya muna siyang umuwi.

Tulad ng nakagawian niya, naglakad siya patungo sa sakayan. Walking distance lamang iyon mula sa unibersidad kaya araw-araw niya iyong tinitiis na lakarin.

Hindi pa nagtatagal ay nagsimula nang umambon.

Napabilis ang kanyang lakad. Mabuti na lamang at nakarating siya sa bus stop bago pa lumakas ang ulan.

Dumukot siya ng panyo mula sa kanyang bag upang punasan ang mga patak ng ulan sa mukha nang bigla iyong tangayin ng hangin.

Mabilis siyang humakbang upang habulin iyon ngunit isang motorsiklo ang humarurot patungo sa kanyang direksiyon.

Agad siyang nakaiwas, subalit nawalan siya ng balanse.

Isang matinis na tili ang kumawala sa kanyang bibig bago siya bumagsak sa semento.

Kasabay niyon ay nakita rin niyang tumilapon ang sakay ng motorsiklo at ilang beses na gumulong sa kalsada.

Pinilit niyang tumayo kahit masakit ang katawan. Alam niyang mas malala ang tinamo ng rider.

“Kuya, okay ka lang?!” malakas niyang tanong habang paika-ikang lumalapit dito.

Nakatakip ang helmet sa mukha nito kaya hindi niya makita ang anyo ng lalaki.

Tinulungan niya itong makabangon hanggang sa makaupo ito nang maayos.

“Kuya, okay ka lang?” ulit niyang tanong.

Ngunit hindi niya inaasahan ang reaksyon niya nang alisin nito ang helmet.

Marami nang gwapo sa Wilford, ngunit tila hindi ordinaryo ang taglay na kaguwapuhan ng lalaking nasa harapan niya.

Katamtaman ang kapal ng kilay nito, matangos ang ilong, mamula-mula ang mga labi, at lalo pang namumukod-tangi ang kulay abong mga matang bahagyang singkit.

Paano nagkaroon ng ganito kaguwapong nilalang sa Sta. Monica?

Malamang ay dayo ito.

“Are you stupid?!” galit na bulyaw ng lalaki na agad nagpabalik sa kanya sa realidad.

Salubong ang mga kilay nitong nakatitig sa kanya.

“You’re just gonna cross without looking if there is a vehicle or not?!”

Parang bula namang naglaho ang paghanga niya rito.

Nag-init ang kanyang mga tainga sa inis.

Tinawag ba naman siyang tanga.

“A-ano kamo?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Hoy, Mister! Nasaktan din naman ako, ah! At tingnan mo nga ang uniporme ko. Ang dumi na! Sino kaya ang mabilis magmaneho na parang kanya ang buong kalsada?”

Nagtaas lamang ng kilay ang lalaki. Sumilay sa mga labi nito ang isang naiinis na ngiti.

Nakakainis man, pero parang lalo itong gumuwapo sa paningin niya.

“And now it’s my fault? Do you have any idea how much my Harley-Davidson costs? Even if you work your entire life, you still can’t pay for this.”

Pasimple niyang sinulyapan ang motorsiklo.

Lihim siyang napalunok nang makita ang sirang side mirror nito.

Hindi niya alam ang eksaktong modelo ngunit mukhang napakamahal nito.

Tumayo ang lalaki at agad na nilapitan ang motor.

Napatingala si Maxine habang sinusundan ito ng tingin.

Ang tangkad nito.

Marahil ay isa itong basketball player.

Ilang sandali pa ay pinaandar na ng lalaki ang motorsiklo at mabilis na humarurot palayo.

Magrereklamo pa sana siya ngunit mabilis na itong naglaho sa kanyang paningin.

Sa sobrang inis ay napadyak siya sa kalsada at halos maiyak habang pinagmamasdan ang direksiyong tinahak nito.

Marahil ay sa Wilford din nag-aaral ang lalaking iyon.

Sobrang yabang!

KULANG na lamang ay umusok ang ilong ni Maxine sa inis nang makauwi siya sa mansyon.

Nagulat pa si Perlita sa kanyang hitsura ngunit hindi na ito nagtanong. Ayaw rin namang magkuwento ng dalaga.

Agad siyang nagtungo sa maid’s quarters at naligo.

UNANG tinungo ni Maxine ang vegetable section ng supermarket.

Dahil alas dos pa ng hapon ang kanyang klase, siya na ang nagprisintang mamalengke upang hindi na ang kanyang ina ang gumawa nito.

Muli niyang sinipat ang listahan bago nagsimulang mamili.

Akmang kukuha siya ng isang buong repolyo nang may isa pang kamay na sabay na umabot dito.

Awtomatiko niyang nilingon ang katabi.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

“Ikaw?!”

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height