THE CHOSEN ONE/C5 WIFE AND MAID
+ Add to Library
THE CHOSEN ONE/C5 WIFE AND MAID
+ Add to Library

C5 WIFE AND MAID

Kinabukasan feeling ko normal na ulit ang araw ko, wala na yung mga lalaking nagbabantay sa daan kaya naman nakahinga ako ng maluwag

Pagdating sa school ay taka ako nung bigla akong ipinatawag ng dean. Nagkibit balikat nalang ako at nagderetso sa deans office

"Pinatawag niyo po ako sir?"

"Yes please sit down miss Celeste, someone wants to talk to you, maiwan na kita"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya pero hinayaan ko nalang

Makalipas ang ilang sandali ay bumukas ang pinto, nangunot ang noo ko dahil sa presensya nila. Sila na naman?

"Yow! miss phoebe KENDAL celeste" batid Kong nang aasar ang isang ito

"Magandang umaga miss KENDAL"

"Musta araw mo miss KENDAL"

Napatingin ako sa likod at bumungad sakin ang nakakaloko nilang ngiti. Mga hayop

Nakangisi naman ngayon ang lalaking pinakamatangkad sa kanila "Are you wearing a mask?" Tanong niya at kinorner pa talaga ako sa table at inilapit sakin ang kanyang mukha

Ngumiwi ako "No, why would I wear a mask?"

Ngumisi lang ito "I want to make a deal miss Phoebe KENDAL Celeste"

"Ano bang problema niyo sa pangalawang pangalan ko?"

"Ganda lang banggitin HAHAHAHA" banggit ng isa sa tatlong tukmol

"Ano na naman ba kailangan niyo?"

"You." deretso at seryosong sabi nitong kaharap ko

"Me?" pagtataka ko

"Yes. Be my wife, I don't accept no as an answer. And you have no choice but to say yes. Or I'll kill you"

Napataas naman ang kilay ko, kill me? Oh really? pag ikaw kinulong ko sa air bubble ko ewan ko lang kung hanggang saan ka lulutang lutang sa ere kasama yang baril mo

Pero syempre act like a normal human

"B-bakit?"

"Just say yes already dammit!" inis na sabi niya at tinutukan ako ng baril

Kung Hindi ko lang naalala na nagpapanggap akong normal na tao ay baka kanina ko pa pinalutang baril nito at hinampas sa ulo niya

"O-okey, Deal"

Ngumisi naman siya at binaba ang baril "Get her" utos niya at agad naman nila ako hinawakan

"T-teka may klase pa ako!" sigaw at pumiglas ko pero ayaw nila ako bitawan

Buti nalang nakakapagpigil ako, kundi kanina pa talsik tung apat na to

"You'll stop going to school from now on" kamo niya at ngumisi

DINALA nila ako dito sa mansion na pinagkulungan nila sakin dati puta don't tell me ikukulong na naman ako?

Pagkatigil ng van ay kinaladkad nila ako papasok, letche talaga, kung pwede lang gamitan ng isang mahika ang apat na to, bulagta na siguro sila ngayon.

"MANANG!" sigaw nung lalaking asawa ko daw

"Yes young master" yukong sabi ng isang matanda

"Dress her. She's new" turo pa niya sakin

"Yes sir"

Laglag naman ang panga Kong nakatingin sa kanilang apat na paakyat sa taas, ako? katulong?

Binawalan niya akong mag aral, ginawa niya akong asawa pero ang labas ko katulong?

Sa sobrang inis ko ay di inaasahang nabasag ko ang isang flower vase gamit ang mata.

"Naku naman Alexis! halika ngat linisin mo iyong nabasag" Sigaw netong kaharap ko at tsaka nakangiting bumaling sakin

"Halika na iha ipapakita ko sayo ang pagtutulugan mo" inaya niya naman ako sa kung saan

PAGKATAPOS magpalit ng uniform ng mga katulong ay agad akong tinawag ng hinayupak Kong MASTER daw

Pagkapasok sa kwarto kung asan sila ay ngingisi ngisi sakin ang tatlo samantalang ang boss naman ay walang emosyong nakatingin sakin

"Kailangan niyo?" inis na tanong ko

"Bring us snacks"

umirap nalang ako at nagpunta sa baba at kumuha ng snack, kumuha na ako ng kahit na anong makita ko at isang 1.75 liters coke.

Agad ko itong pinunta sa kanila.

"Clean our basement" ngisi pa niyang utos sakin

Padabog nalang akong umalis don at nagpunta sa basement.

Boom sabog! letche ilang bagyo ba ang dumaan dito? SOBRANG KALAT! okey fine tinatamad ako

Pinawalang gana ko muna ang mga CCTV cameras at pinalutang ang mga kalat. Agad ko namang kinontrol ang mga kahon at inilagay sa isang sulok

Ang mga kalat na nakalutang naman ay inilagay ko sa basurahan, pinitik ko din ang walis tambo at agad itong kumilos mag isa, Ang mga kalat naman sa lamesa ay pinalutang ko at isa isang pinagbabato sa basurahan.

Ginamitan ko na ng powers dahil tinatamad ako, pagkatapos ay pinagana ko na ulit ang mga CCTV at kunwari ay inaayos ko ang walis at dustpan. Tsaka lumabas

Ngingisi ngisi akong nagtungo sa maids quarter at natulog na, pakealam ko kung magalit yon pag natulog ako. Napagod akong tumayo don sa basement eh.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height