THE CHOSEN ONE/C6 MAGICAL LOVERS STONE
+ Add to Library
THE CHOSEN ONE/C6 MAGICAL LOVERS STONE
+ Add to Library

C6 MAGICAL LOVERS STONE

"Sa isang malayong lugar, kasalungat nitong magical land, duon nakatira ang isang makapangyarihang babaeng napiling tagapag ligtas" kwento ni mama habang ako ay nakahiga

"Tagapag ligtas po?" tanong ko

"The chosen one ika nga nila, nasa kanya ang basbas ng lahat ng hari at reyna. Upang protektahan ang mundo ng mga mortal"

"Mortal?"

"Ito ang mga taong naninirahan sa kabilang mundo, walang kapangyarihan o kahit na anong mahika. Isang araw, Ang babaeng tagapagligtas ay nahulog ang loob sa isang mortal, Nakipagtalik ito sa kanya at kinausap ang lahat ng hari at reyna upang basbasan ang kanilang pagsasama"

Inayos nito ang kumot ko at malungkot akong tinignan

"Ngunit binalaan lang sila ng reynang pinakaginagalang sa lahat"

"Ano po ang sabi?"

"Ang mga katulad nating nagtataglay ng kapangyarihan ay hindi dapat magmahal ng mortal, Isang sumpa ito galing pa sa isang napakasamang mahekero na walang sinuman ang makakatibag"

"Hala ano pong nangyare sa tapagligtas?"

Hindi ko napansin pero kita Kong lihim siyang nagpunas ng luha

"Nagtanan sila at pinili niya ang pag ibig, hindi kalaunan ay namatay ang tagapagligtas sa kadahilanang linabag nito ang batas ng mga may kapangyarihan, ngunit bago siya namatay ay mayroon siyang isinumpang bagay gamit ang kanyang puting mahika at kapangyarihan"

"Ano po iyon?"

"Ito ang tinatawag nila 'The magical lovers stone' Itinago niya ito sa kasuluksulukan ng kagubatan, ang kung sino man ang makahawak nito ay iilaw ang kanyang kapalaran, ang lalaking mamahalin nito ay makakaligtas, at ang babaeng makapangyarihang mag mamay ari nito ay matitibag niya ang sumpa"

"Panu pong nakaligtas yung asawa ng tagapagligtas?"

"Isinakripisyo niya ang kanyang sarili para sa kaligtasan ng kanyang asawa"

Bigla akong nagising dahil may bumuhos sakin ng tubig

"Gumising ka na diyan! Bibisita ang lolo ng young master! kailangan nating maghanda!" sigaw ng kung sino sakin

Tch. gigisingin lang pala kailangan pang buhusan ng tubig amp.

Hindi ko na siya pinansin at nag ayos na.

Hindi ko maiwasang isipin ang panaginip ko, parang totoong kinuwento yon sakin ni ina nung buhay pa siya. The magical lovers stone? nagkibit balikat nalang ako at nagsimula ng magtrabaho.

KASALUKUYAN akong naglilinis sa sala nang may pumasok na matanda, teka si Dean to ah. Agad agad akong tumalikod sa kanya para di'ako makita

Puta? sa kanila pala ang school na yon shit!

"Exuce me, where's Clint?" tanong niya...

Sakin? SAKIN! bat sakin pa!? letche naman

"Uhm..N-nasa office po nila"

Pasalamat ko nalang at umalis na, pero nga naman ang malas, pinatawag pa ako ng MASTER daw sa opisina at magdala daw ako ng meryenda

Kumuha na ako ng kahit ano at nagtimpla ng mango juice. Tsaka ko ipinasok dun. Halatang may pinag kukwentuhan

"Miss Celeste?" pansin sakin ni dean

ngumiwi naman ako "Yes dean, ako nga po"

"What a surprise, come join us. I'm telling a story" ngiti nito sakin

"Lo' she need to work" angal ng MASTER ko daw

"No. its fine marami ka ng katulong, let her stay here and join us, magaan ang loob ko sa kanya" ngumiti ito sakin ng makahulugan

Diko na pinansin at naupo sa tabi nitong lalaking diko kilala

"For you siguro isa itong kwentong bata lamang at Hindi totoo, but its true. Its not just a fantasy"

"Ano po ba yon lo?" tanong nung mukhang loko loko, ngumiti ng malungkot si dean

"I fell inlove with an immortal girl. Isa siyang makapangyarihang tagapag ligtas" agad akong natuod sa kanyang sinabi at naalala ang kwento ni mama tungkol sa "The chosen one"

"Lo' there's no such things" bagot na sabi nung master ko daw

"Story time to Clint hayaan mo na" sabi naman nitong katabi ko

"HAHAHAHA you don't believe me, don't you?" tumango naman sila "This is the reason why I'm still single, in their world they have this curse, made by a very dark magic. Saying all of the creature who lives in their land, should never fall inlove with a mortal, but she choose to stay with me and disobey the curse, she died saving me" malungkot na sabi nito

Kung ganon siya nga ang lalaking minahal ng tagapag ligtas, ang gumawa ng Lunas sa sumpa

"The magical lovers stone" dinapigilang bulong ko

Na narinig nitong katabi ko "Huh? Magical lovers stone?" takang tanong niya sakin

Nanlaki ang mga mata ko, shit!

"How did you know about that? tanging ang makapangyarihang mga tao lamang ang may alam tungkol sa bagay na iyan" kunot noong tanong niya

"K-kailangan ko na pong umalis" aalis na sana ako pero hinakawan niya ang braso ko

"N-naniniwala ka sakin, may alam ka, alam Kong may alam ka, tulungan mo ako, nakikiusap ako" nabigla pa ako nung lumuhod ito sa harap ko

"Lo!" sabay sabay na tawag ng apat, sinamaan pa ako ng tingin nung Clint

"Pakiusap alam Kong may nalalaman ka" sabi pa nito

"P-pasensya na po, wala po akong alam diyan sa sinasabi niyo"

Kako at hinigit ang kamay ko at tumakbo na palabas, ang bilis ng tibok ng puso ko, shit! muntikan na yon ah

PAGKATAPOS ng lahat ng trabaho ay andito ako sa kusina nakatunganga, hindi ko alam kung ano ang iisipin at gawin

Nabigla ako ng may humila sakin at kinorner ako sa may ref, si boss Clint lang pala

"I'm commanding you. Help my lolo or you're dead" nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sakin

"P-pero-" Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko ng bigla ay halikan at dilaan niya ang leeg ko

Tila lahat ng balahibo ko ay nagsitayo dahil sa ginawa niya, hindi ako makagalaw

"Yes or No?" Using his seductive husky voice he whispered to my ears

Napapikit nalang ako, ano na namang gulo to pheobe? shit naman talaga

"Y-yes, okey fine"

And with that he left. What the hell are you doing to me Mr. Clint?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height