THE CHOSEN ONE/C7 LOLO/APO
+ Add to Library
THE CHOSEN ONE/C7 LOLO/APO
+ Add to Library

C7 LOLO/APO

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag ayos, tsaka nagluto ng kakainin ko.

5:57am palang ng marinig Kong may nagdoor bell. Agad naman siyang pinapasok, rinig ko ang bawat hakbang niya.

Ang lolo ni Clint, si Dean. Patungo siya dito sa kusina, ngunit ang pinagtataka ko ay ang sumunod sa kanya, maingat lang sila, I use my power of vision, nakita Kong papasok ang tatlong kasama ni Clint. Samantalang nasa may second floor si Clint pinapanood sila.

Wew what a scene. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

"Miss Celeste" tawag sakin ni dean "Ang aga pa, nagtatrabaho kana"

"Maagang nagising dean eh" kako at isinalin sa Plato ang prinito Kong itlog, hotdog at tuyo. "Kain tayo Dean" alok ko pa

Umupo naman siya kaya naupo ako sa harap niya "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, may kapangyarihan kaba?" deretsong tanong niya

Puta? Hindi pa ako nakaka get over sa problema ko bilang 'Chosen one' tapos yung panaginip ko about sa magical lovers stone, tapos ngayon meron na naman. Ano ba ang uunahin Kong gawin?

Alamin ang responsibilidad ko? hanapin ang magical lovers stone, O tulungan tung asawa ng namatay na tagapag ligtas?

"Miss Celeste?"

"Phoebe nalang po dean, A-ano pong kapangyarihan?" kunwari'y inosente na tanong ko

"Malakas ang kutob Kong nanggaling ka sa mundo ng mga makapangyarihan, sila lamang at ako ang nakakaalam sa sinumpang bato"

Hindi ako nagsalita at kinuha ang sinaing Kong kanin kanina

"S-sa totoo lang Dean Hindi ko kayo matutulungan sa kung ano mang gusto niyo, isa lang po akong ordinaryong tao"

Tahimik naman siya at ganun din ako "Kung ganon ako ang tutulong sayo, mapagkakatiwalaan ako"

Napatingin ako sa kanya at naningkit ang mga mata "Ano ang nalalaman mo?" deretsong tanong ko

"Alam Kong galing ka sa mundo nila at ipinadala ka dito sa mundo ng mga ordinaryo bilang tagapagligtas" seryoso ring sabi nito

Hindi na ako nagsalita, kung pano niya nalaman ang bagay na yon? ay hindi ko na alam

"Hayaan mo nalang ako dean"

yumuko siya at kita ko ang pagkawalang pag asa sa kanyang mukha, hinawakan ko ang kanyang kamay

"Dean, sa tamang panahon matutulungan kita, pero sa panahon ngayon, hindi pa. Pasensya na dean"

"Maghihintay ako miss Celeste, you're my only chance, at least before I die. I want to see her grave. Kahit ang libingan manlang nito ang malaman ko"

Ngumiti lang ako "A-ano pala pangalan ng t-tagapligtas dean?"

"Samara, Samara calista Celest-" natigilan siya at napatingin sakin

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya "LOLO/APO!?"

HINDI parin ako makapaniwala sa nalaman ko kanina, lolo ko ang dean, ibig sabihin non kadugo ko ang hinayupak na Clint. Ngumiwi naman ako

Kasalukuyan akong nandito sa garden at pinapanuod ang mga binuhay Kong bulaklak na sumasayaw sa harapan ko

"PHEOBE!" biglang tawag ng kung sino kaya agad akong pumitik at biglang bumagsak ang mga bulaklak

"Andito ka lang pala" biglang sulpot ng tatlong kaibigan ni Clint

"Bakit?" tanong ko

"Mag ayos ka daw sabi ni boss Clint may pupuntahan tayo" sabi ng isang lalaki basta diko alam pangalan eh

"Nga pala, para di ka malito, I'm locky diamant" pakilala nung mukhang lokoloko

"Grey forzfield" sabi nung nasa kaliwa ni locky

"Liam Buenaventura" sabi naman ng nasa kanan

Tumango tango nalang ako "San pala punta natin?"

"Wag kana mag tanong halika na" sabi ni grey at hinila ako.

Nakasuot ako ngayon ng isang off shoulder ball gown na kulay blue. Now I know where we're going, To a party pero bakit pang princess ang suot ko?

Kinuha ko ang isang hair brush at naglagay ng kaunting kapangyarihan duon para pamalit, iwinagayway ko ang hair brush at ipinitik sa suot ko, kuminang ang suot ko at lumiwanag, pagkawala ng liwanag ay nakasuot na ako ng isang slim dress, simple but elegant. May suot din akong gloves hanggang siko. Naka ayus na din ang nakalugay at kulot kong wavy hair

Ayus na to. Lumabas na ako at naaubatan ang apat sa sala, tumaas ang kilay nila

"That's not the dress I want you to wear" seryosong sabi ni Clint

"Ano ba pupuntahan natin? A ball, princess party? where there will be crowned as king and queens? ano ako bata para mag ball gown?"

"Tch" kamo niya at nauna na

"You look stunning pheobe" -grey

"Wew mas gumanda ka" -locky

"Pagpasensyahan mo na si boss ganun lang talaga yon"- liam

Ngumiwi nalang ako

" May dalaw kasi" kamo pa ni locky kaya nagtawanan kami

Sa dami ng pangyayare nakakalimutan ko na ang ibang nangyare, jeez. Hayaan na nga lang.

Pagdating sa Venue ay hindi ko mapigilang mamangha, napakatayog na hotel.

Ang paggaganapan pa ng party ay sa 20th floor. Wew. Pagkapasok sa main venue ay maraming tao, puros mayayaman, Hindi ata ako kabilang dito. Natigil sila at napatingin samin, or mostly sakin

Ang iba ang masama ang tingin sakin ang iba ay nandidiri, since I hate attention, binasag ko yong vase na malayo sa lahat para madivert ang atensyon nila

Parang wala lang naman yon at nagtuloy na sila sa mga ginagawa nila. Pagkaupo sa table namin ay may nagserve agad ng pagkain

"Ano ba ginagawa ko dito?"

Hindi ko alam kung bat sinama nila ako dito.

"Kumakain" sarkasmo na sagot ni locky

"Correction, nakaupo" kako nalang sinamaan niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya

"Oh, baka mag away kayo" sita ni grey

"Eh siya kasi eh" sumbong nitong locky

"Inaano kita?" pabalang na tanong ko

"Nang aaway ka!" singhal nito sakin

"Bakla!" singhal ko din

"Aba't-"

"Tama na yan, mag aaway pa eh" awat ni liam

"Stop. It'll start soon"

Hah? alin? ngumisi naman silang tatlo

Okey? what's going on?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height