THE CHOSEN ONE/C8 MAFIA WAR
+ Add to Library
THE CHOSEN ONE/C8 MAFIA WAR
+ Add to Library

C8 MAFIA WAR

SOMEONE'S POV

"Master, naipalabas na ng magical land ang napiling tagapagligtas"

Napangisi naman ako "Maghanda kayo at hahanapin natin ang tagapagligtas, walang maaring sumira saking mga plano"

"Masusunod master"

Napainom ako sa iniinom Kong dugo. Hindi pwedeng may hahadlang sa plano Kong sakupin ang Mundo ng mga mortal. Ako ang mag hahari at lahat sila ay luluhod sa ilalim ng kapangyarihan ko.

PHEOBE'S POV

Kasalukuyan akong nagtatago sa isang kwarto. Hindi manlang sinabi nung apat na yon na may bakbakan pala dito, at plano pa ata ng Clint na yon na iwan ako dito sa bakbakan.

Nung magsimula kasi ang pagsabog mula sa mababang parte ng hotel ay biglang nawala ang apat, Hindi ko na sila nakita kaya kailangan Kong makaligtas ng mag isa. Buti sana kung binigyan nila ako ng baril.

Napaalerto ako nung may marinig akong palapit sakin. Hinanda ko ang thunder ball sa kamay ko, no choice ako kundi gumamit ng kapangyarihan.

Pagbukas ng pinto kung saan ako ay hinayaan ko muna siyang pumasok, madilim dito sa paligid pero hindi yun hadlang para makita ko ang lahat, remember? my ability of super vision.

May kung anong kinuha siya sa may drawer "Hinding Hindi ka mapupunta kila ludicrous. Ako ang titingalain ng lahat" kamo pa niya

Too bad. mamamatay kana, ang kanina pang nakahandang dark thunder ball sa kamay ko ay ibinato ko sa kanya, agad naman siyang nakuryente at nangisay. Kinuha ko na ang hawak niyang folder at tumakbo palabas

Bahala na kayo diyan, agad akong nagteleport papunta sa maids quarter. Sa kasamaang palad sa mismong harapan ako ni Alexis bumungad, nanlalaki ang mga mata niya

Sisigaw na sana siya pero agad Kong tinakpan ang bibig niya

"Sshh please..kung ano man ang nakita mo kalimutan mo na"

nakatitig lang siya sakin na para ba akong multo

"Please?" Dahan dahan siyang tumango na nanlalaki ang mga mata

Dahan dahan ko ding binitawan ang bibig niya "W-wag mong ipagsasabi ang nakita mo please" sabi ko pa

Nanginginig siyang lumayo sakin "M-m-mul-t-to" napangiwi naman ako sa sinabi niya

Lalapitan ko na sana siya kaso bigla siyang nagtatakbo palabas habang sumisigaw ng multo. Napailing naman ako at agad siyang sinundan

"MULTOOOO! MAY MULTOOOOO!!" umiiyak na sigaw niya

Agad ko naman siyang hinila at tinakpan ulit ang bibig niya, walang tao sa paligid kaya hinila ko ulit siya pabalik sa kwarto namin

"Alexis naman"

"M-multo ka!" natatakot na sigaw niya

"Hindi! Hindi, Hindi ako multo" kako pero napailing iling naman siya

"I'm sorry" kako nalang at pinatulog ko siya, pinalutang ko siya at inilagay sa kama tsaka ko hinawakan ang kanyang noo

Umilaw ang palad kong nakalapat sa noo niya, kapangyarihan Kong magtanggal ng alaala. Tinanggalan ko siya ng alaala mula nung sumulpot ako sa harap niya

Bumuntong hininga ako at tinignan ang folder na nakuha ko kanina sa lalaking yon, agad ko itong binuksan

Nanlaki ang mata ko nang makitang records ito ng iba't ibang underground transaction. Kontrata at access ng napakalaking pera at ari-arian, meron pang leaked information about sa L. corporation. Pero ang huli ang nakaagaw ng pansin ko...

HABANG hinihintay ang apat na impakto ay nakatayo lang ako sa may pintuan at tinititigan ito

"Oy Phoebe mag iisang oras kanang nakatayo diyan, mukha kang tanga" diko na pinansin si Alexis

Mas mukha kang tanga kanina.

Rinig ko ang yapak niya paalis. Kasabay nang presensya mga taong kanina ko pa inaabangan

Pagbukas nila ng pinto ay gulat silang napatingin sakin

"H-how?" utal na tanong ni locky

"We've been searching the whole hotel for almost an hour andito ka lang pala" malamig na sabi ni Clint

medyo nagulat pa ako don, pero that doesn't matter, pinakita ko sa kanila ang folder na hawak ko

"What's that?" -Clint

"Resignation paper?" -grey

"Ah marriage contract?" -liam

"That's a folder" -locky

"Tangina mo talaga locky!" sabay batok sa kanya ni grey

Seryoso lang akong nakatingin sa kanila

"Recorded illegal transaction, Access of big amount of money and many holdings, Leaked information about L. corporation, and a...mafia contract"

Biglang sumeryoso ang kanilang mukha "To my office, NOW!" galit na sigaw nito at kinaladkad ako papunta sa office niya

"WHERE THE HELL DID YOU GET THAT!?"

"May balak ba kayong magtalaga ng Mafia war?"

balik na tanong ko

"Answer my question damnit!" galit na sigaw niya

"Nakita ko to sa hotel kanina, ngayon tanong ko naman ang sagutin mo"

"Wala ka ng pakealam don, now give me that folder and forget about what you saw"

"Answer my question first"

"Ano naman sayo kung OO"

"HINDI MAARI!" biglang sigaw ko "Hindi niyo alam yang ginagawa niyo, once na umusbong ang mafia war..." lalabas ang hari ng kadiliman, sapagkat nakatalaga sa tadhana, na ang pag usbong ng mafia war sa taon kung saan itatalaga ang bagong nagapagligtas, ay ang pagkawala ng hari ng kadiliman na siyang nagbigay ng sumpa sa magical land

Gusto Kong sabihin pero Hindi maaari.

"Ano?" seryosong tanong niya sakin

"Binabalaan ko kayo, wag na wag niyong uumpisahan yang binabalak niyo"

kako at lumabas ng office

Now I get it. tadhana na mismo ang naglapit sakin sa mga taong kailangan Kong protektahan. Ngayon ang kailangan Kong gawin ay pigilan ang mangyayaring labanan.

Kung Hindi, magkakaroon ng bagong digmaan, mag isa ko, laban sa hari ng kadiliman.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height