THE CHOSEN ONE/C9 OPENING WAR
+ Add to Library
THE CHOSEN ONE/C9 OPENING WAR
+ Add to Library

C9 OPENING WAR

GREY'S POV

"Hindi umano nakita sa isang kwarto ng nasabing hotel na pinangyarihan ng trahedya ang anak ng isang sikat na business tycoon, Kinikilalang si Emper G. Valintin, Pahayag ng nakakita na, natirik daw ang mata nito at tila ba kinuryente, Hindi malaman kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito sapagkat wala naman daw wire o kahit anong nakakakuryente sa tabi nito, kaya inassume nalang na kinuryente ito ng pumatay sa kanya"

Agad na pinatay ni Clint ang TV

"Kuryente?" nagtatakang tanong ni liam

"Saang kwarto daw siya natagpuan?" Tanong ni locky

"According to the investigators, ang bangkay niya ay nakita sa kwarto ni Richard, kung saan nandun yang mga folders na nakuha ni Phoebe" sagot ko naman

"Kung ganon..may tsansang si pheobe ang pumatay Kay emper?" naguguluhang tanong ni liam

"How come?" naguguluhang tanong ni Clint

"Yan na din ang tanong ko, ang kwartong yon ni Richard ay nasa pinakaliblib na bahagi ng hotel, kung may magtatangka man na kuhain ang folder na ito ay iilan lang tayo, imposibleng tauhan natin ang pumatay Kay emper dahil nakatalaga ang mga ito sa sariling pwesto. Kasi ang hangganan lang ng tauhan natin ay sa bungad ng hallway, Hindi na sakop non ang papasok sa kwarto ni Richard" mahabang paliwanag ko

"It only mean two things" seryosong saad ni Clint "We have new opponent or Phoebe killed him"

"I doubt that..how can Phoebe kill him? We leave her with nothing" liam

"What if nakakuha siya ng panguryente sa daan niya papunta don?" locky

"The question is, why is she there?" tanong ko

"Maybe hiding?" kunot noong sagot ni locky

"What is she doing there?" liam

"Baka nga nagtatago" locky

"There's so much room she can hide, much closer than Richard's room" seryosong sabi ni Clint

napaisip naman kami, tama nga, dahil paglabas ng main venue ng hotel may mas malapit na mga kwarto na pwede niyang pagtaguan, bakit napunta siya sa kwarto ni Richard

"Drop that topic, ang mahalaga nawala na si emper, pabor yon satin. Ang talagang tanong dito ay ang inasta ni phoebe kahapon" basag ni liam sa katahimikan

Muntik ko ng makalimutan yon, bakit nga ba niya kami binalaan about sa mafia war?

"What do you think?" seryoso paring tanong ni Clint

"Iisa lang naiisip ko, Hindi ko alam kung kalaban ba si phoebe o ordinaryong mamamayan lang" locky

"What if she's one of our opponent's assassin?" liam

"Edi sana nawawala na ang mga dukumento ni boss ngayon"

"Tsaka kung assassin man siya, dapat paFC na siya satin o di'kaya ay papansin, pero sa kinikilos niya, Malabo" locky

"What if she's just playing with us" biglang sabi ni boss

"I still doubt that boss, I can feel something towards Phoebe, not in a romantic way, But I can feel it, she's not our enemy, Hindi pa nagkakamali ang hinala ko" sagot ko naman agad

"Whatever Phoebe's role is, I don't care, let's prepare, one of the mafia boss will take his revenge for his son's death" seryosong saad ni Clint

Agad naman kaming napaayos at nagplano na

PHOEBE'S POV

"Moon will shine..

Blood will scatter..

As the opening war last..

The real war begins.."

Halos Hindi ko na alam kung ano ang iisipin dahil sa pangitain na yan na sinabi ni king Aqua sa panaginip ko

Alam Kong ang opening war na tinutukoy niya ay ang plano nila Clint na mafia war. As soon as possible dapat ko silang pigilan. Kung Hindi man ay kailangan ko nang maghanda sa nalalapit na digmaan.

Ngunit ano ang gagawin ko? shit naman!

"My child"

Agad akong nagpalinga linga, sino yon?

"I am the king of sky my child, only you can hear me. I want to say something to you"

Agad naman akong napayuko "Yes your highness?"

"I bet you can sense that the real battle will begin, I want you to find the three mythical creatures and collide with them. For you possess the power that magical land never have. Be ready for the real war and the queen of nature will guide you. I trust you my child, now go"

Napakamot naman ako ng ulo, sabi na nga ba't mangyayari to eh

Three mythical creatures? saang lupalop naman ng Mundo ko hahanapin yon? ni hindi ko nga alam kung ano ang itsura nila eh.

Bahala na, Agad akong bumalik sa bahay, sa bahay ko sa mikata subdivision. Kinuha ko ang dapat Kong kunin at agad na naghanda sa paghahanap

Sana manlang binigyan ako ng clue.

"One is under the sea..

One is sleeping under the forest..

And the last found at a magical place.."

Mukhang nadinig ang hinaing ko, under the sea? at saang lupalop ko naman ng katubigan hahanapin yon? Under the forest? seryoso? kasuloksulukan ng kagubatan? magical place?

"Magical land" agad na nasabi ko

Agad akong lumabas ng bahay dala ang dynamism bag ko pero Hindi pa ako nakakalayo sa may bahay nang may pumukpok sa ulo ko.

Agad akong nawalan ng Malay.

NAGISING akong nakatali ang kamay at paa nakapacking tape ang bibig at nasa isang mabahong bodega

Taena naman kung kailan may misyon tsaka pa ulit ako makikidnap. Tinignan ko ng masama ang kung sino mang walangyang pumasok sa kwartong kinalalagyan ko

"Gising na ang prinsesa ni haring Clinton" nakangising sabi nito

Tumaas naman ang kilay ko pano naman ako makakapagsalita. Geh kumausap ka diyan ng kung ano, wag ako.

"Tutunganga ka diyan? di ka sasagot!" sigaw pa nito

Lol. Tanga ka boy? May packing tape nga diba.

Nang mahimasmasan ata siya sa pagiging tanga tinanggal niya ang packing tape sa bibig ko

"Eh kung sa may lahi ka ba namang tanga eh, sisigawan moko eh may packing tape bibig ko ang bobo nito, sino ka ba!?"

Isang sampal ang natanggap ko, puta sakit non ah

"Ako ang tatapos sa asawa mo!"

Asawa? may asawa ak- ay oo nga pala letche! pahamak ang isang yon

"Isa ka ring mafia?"

"I'm Richard Aguilar! At hotel ko lang naman ang sinira ng magaling mong asawa!" tsaka niya ako sinampal ulit

"Tangina mo! ako ba sumira sa hotel mo!?" singhal ko, taena kung si Clint ang kailangan mo edi sana siya ang kinidnap mo!

Sinampal niya ulit ako, namumuro na to ah!

"Huwag mokong masumbat sumbatan! Hawak ko ang buhay mo ngayon! Ikaw ang panlaban ko, once na nagsimula na ang mafia war mula sa panig ng valintin at ludicrous"

No...kailangan Kong makawala dito..shit! Hindi maaari!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height