C10 The Birthday Boy
Ilang araw na rin ang lumipas simula nang naganap ang Masquerade Ball, Dahan-dahang binuksan ni Brian ang kanyang mga mata at bumangon mula sa kanyang hinihigaan.
" Anong nagyari?." Pahikab nitong tanong sa sarili, hanggang sa naalala niya ang nangyari sa Masquerade Ball kung saan nagapi niya ang kanilang kalaban na si Drien at nakuha niya ang kaniyang bagong kapangyarihan. " Sandali, Totoo Ba Iyon?." Tanong nito, binuksan ni Brian ang kanyang mga palad at itinutok sa baso malapit sa kanya at ang mga mata niya'y nanlaki nang biglang may lumabas na kumikinang na mahika mula sa kanyang kamay at ang basong kanyang tinamaan ay bigla na lamang lumiit , at napatingin si Brian sa pinto nang biglang may kumatok si Kian nang malakas. "Tuloy!." Saad nito, Mabilis na Pumasok sina Kian ngunit Dahan-dahan parin ang kanilang paglakad upang hindi makagawa nang ingay.
" Brian, Naalala mo ba kung kailan iyong birthday ni Aidan?." Pabulong na Tanong ni Kian, napataas ang isang kilay ni Brian at napailing sa kadahilanang hindi niya alam ang kaarawan nang kaibigan.
" Hindi niya sinabi sakin iyong birthday niya at napansin ko rin na hindi man lang niya binabanggit ang petsa nang birthday niya sa tuwing nagdadaldalan tayong tatlo, at sa pagkakaalam ko ay hindi man lang niya tayo iniimbita sa birthday niya, iniisip ko tuloy na hindi siya nagcecelebrate nang birthday"
" Well, Nalaman ko kung kailan yung birthday niya," Pagiting Saad ni Kian sabay kuha nang phone niya sa kanyang bulsa
" Teka?, Nadala mo iyong phone mo dito?. " Tanong ni Brian.
" Yup, Lagi ko namang dala to kaya hindi na nakakagulat na napasama to dito sa loob nang Libro, "
" Kung alam ko lang na mangyayari to sana na lang pala'y dinala ko ang phone ko," Nakasimangot na Saad ni Brian. Masiglang pinindot ni Kian ang Calendar app niya sa phone at ipinakita ni Kian ang petsa kung kailan ang araw nang kaarawan ni Aidan." Ano naman iyan?. " Tanong nito.
" March 02 na ang petsa ngayon, at nalaman ko na ang date na iyan ay hango ang birthday ni Aidan,"
" Paano mo naman nalaman?."
" Nung naiwan niya ang wallet niya sa kotse ko, nakita ko na nakabukas ang wallet niya at nakita ko rin ang picture niya nung bata siya at sa may bandang ibaba nang litrato ay nakasulat ang petsa , "
" Kung ganun dapat tayong maghanda nang sorpresa sa kanya, " Mungkahi ni Brian. Tumayo siya sa kanyang higaan, at napatingin si Cyrus sa baso at napanganga sa nakita.
" Wow!, Nagawa mong paliitin iyong baso, Ang galing mo Brian, " Puri nito, napangisi si Brian at sinabing.
" Siyempre ako yata to, " Pagmamayabang nito, inikot ni Avery ang kanyang mga mata at sinabing.......
" Sige na, Lumabas na tayo," Sita ni Avery ngunit ang hindi nila namamalayan ay pinapanood na sila nang kanilang mga kalaban gamit ang bolang kristal.
" Balak nilang gumawa nang isang surprise party para sa kaibigan nila, ang sweet naman," Ani Kanji, seryoso ang mga mukha nila Drien at sinabing...
" Bolang Kristal, Ipakita mo nga samin ang kaibigan nilang gusto nilang sorpresahin," Utos nito at ipinakita nang bolang kristal si Aidan at nakita nilang nakasimangot at nakatingin lamang sa bintana.
" Aahhh Tignan mo siya, Ang Lungkot niya," Saad ni Rimack na para bang nang-aasar, nagvile smile si Drien at sinabing.......
" Dahil diyan, may naisip akong napakasamang ideya," Kinuha ni Drien ang kanyang Wand at sinabing...." Tara na't sorpresahin natin ang ating.........................Birthday Boy, "
Samantala, tumungo sina Kian sa bayan upang bumili nang mga sangkap para sa birthday party ni Aidan.
" Wala bang Harina dito?. " Inis na Saad ni Brian, kahit si Kian ay wala rin mahanap na harina tumingin siya sa kaliwa't kanan at nakita ang isang malaking itlog.
" Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang harina rito sa bayan, pero may nakita akong isang magical na itlog na puwede nating isangkap,"
" Kian, Itlog iyan nang Dragon hindi iyan itlog nang manok, hindi natin puwedeng isangkap iyan sa lulutuin natin," Sita ni Avery, binaba ni Kian ang itlog at nagtanong....
" Nagtitinda sila nang itlog nang Dragon dito?."
" Oo, dito sa mundong to ay ginagawang alaga ang mga Dragon, kaso napakamahal niyan kaya't walang masyadong nakakabili, " Tugon ni Cyrus, napanganga si Kian ngunit pinutol ni Brian ang pagkahanga nito.
" Guys, Saan tayo makakabili nang harina, hindi tayo makakagawa nang cake kung wala ang mga sakap na iyon, "
" Brian huminahon ka nga, hindi nila maiintindihan pag sinabi mong bibili ka nang harina," Saad ni Avery sabay lapit sa tindera. " Manang, pagbili nga po nang Alibkos, "
" Sige Iha!, " Ngiting sabi nang tindera sabay kuha nang Harina sa loob nang isang kabinet at ibinigay kay Avery.
" Anong sinabi mo?, Alibkos?. " Tanong ni Brian nang nakataas ang isang kilay, napangsi si Adira at sinagot ang tanong nito.
" Katulad sa mundo natin ay may iba't ibang lenggwahe rin ang mga nandidito, hindi ko alam kung ano ang tawag sa salita nila kasi natutunan ko lang naman iyon kasi lagi kong naririnig sa kanila,"
" Humph!, Para sakin may pagka Greek Word ang salitang iyon, " Mungkahi ni Kian ngunit nakisingit si Cyrus at sinabing.....
" Guys, Mamaya na nating pag-usapan iyan, Meron pa tayong sorpresang gagawin, Tara na!, " Utos ni Cyrus, sumakay na sila sa kanilang dragon at bumalik na sa Kastilyo.
Samantala, nakadungaw lang sa bintana si Aidan at tahimik na pinagmamasdan ang tanawin.
"Haaay, Napakaboring nang araw na to, Sana naman may mangyaring kakaiba ngayong araw," Hiling nito at nanlaki ang mga mata niya nang may boses siyang narinig mula sa kanyang likod.
" Then Your Wish is My Command,"
" D-Drien?." Kunot noong Tanong nito kay Drien habang ito'y NakaVile Smile." Paano ka nakapasok dito?. "
" Wala ka bang isip?, May magic ako, puwede akong pumunta kahit saan.............. Kahit dito sa Kastilyo," Pilyong sagot nito, kinuha ni Drien ang kanyang Wand at sinabing... " Matulog ka muna nang mahimbing at ako na ang bahala sa araw mo ngayon," Saad nito, gamit ang kanyang wand ay napatulog niya si Aidan sabay tawag sa dalawa niyang kapatid na siyang lumitaw sa likod niya. " Dalhin niyo siya sa Kastilyo, Ako na muna ang bahala rito, " Utos nito, naglaho sina Kanji at Rimack kasama si Aidan, ginamit ni Drien ang kanyang Wand at hindi nagtagal ay unti-unti nang nagiiba ang hitsura niya hanggang sa naging kamukha na niya si Aidan.
Ngunit abala sa pagluluto sina Kian nang cake at iba pang mga putahe.
" Malapit nangmnaluto ang Pizza!," Sigaw ni Cyrus, habang si Brian naman ay abala sap45w0 paggawa nang mga inumin.
" Siguradong ito na ang pinakamasarap na lemonade na matitikman niya, Siyempre ako ang gumawa eh, Sinigurado kong sakti ang bawat timpla," Pagmamayabang ni Brian, napaikot nang mata si Ella at sinabing.....
" Alam mo huwag ka munang magyabang diyan, tapusin mo muna iyang ginagawa mo para mas mapaaga ang party, maliwanag ba?."
" Guys, Kamusta na iyong cake?. " Tanong ni Kian habang nagbabake nang panibagong cake.
" Hindi pa naman gaanong luto, Belle Ella, Cyrus Puwede bang kayo ang magbantay kay Aidan, wala na tayong magiging sorpresa kapag nalaman niya ang ginagawa natin," Utos ni q wa , Tumango ang tatlo at sabay labas nang kusina, at habang naglalakad ang tatlo ay nakita nila Aidan na palakad-lakad.
" Aidan, Anong ginagawa mo diyan?. " Diretsong Tanong ni Cyrus , Tahimik na humakbang si Aidan papalayo sa kanila at hindi man lang sila pinansin. " May problema ba siya?." Tanong nito, kumubo't balikat si Ella at patuloy silang tumitig kay Aidan habang papalayo ito sa kanila, NakaVile Smile naman si Aidan habang nakatalikod sa mga kaibigan, Hindi na nagdalawang isip si Cyrus at sinundan si Aidan.
" Aidan!, " Sigaw ni Cyrus sabay hawak sa balikat ni Aidan, napatigil ito sa paglalakad at dahan-dahang humarap kay Cyrus. " Ah, May problema ba?." Tanong ni Cyrus, sa una ay walang reaksyon si Aidan sa tanong nito ngunit ginulat siya nang bigla itong ngumiti nang napakasama, dahil nga nagpanggap lang si Drien bilang Aidan ay kinuha niya ang kanyang wand at marahas na ginamit ito kay Cyrus dahilan para tumilapon siya sa pader.
" Humph!, Masakit ba?."
" Kailan ka pa nagkaroon nang powers?." Tanong ni Cyrus habang pinipilit itayo ang kanyang sarili sa sahig.
" Wala ka nang pakialam dun, isa pa, wala namang saysay na gamitin ko pa tong katawang to," dikit kulay na Saad nito at ibinalik na ni Drien ang dati nitong hitsura.
" Drien......... Bakit nga ba hindi ako nagulat?." Tanong ni Cryus sa sarili, tinayo na ni Cyrus ang sarili at nag transform siya.
" Mabuti naman at binalik mo na iyang pagkabinata mong edad, ayaw ko naman kasi manakit nang isang batang walang kalaban-laban," Masamang Ngiting Saad ni Drien, gamit ang wand nito ay gumawa siya nang isang nagliliwanag at umiikot na mahika na para bang isang buhawi, walang takot na itinama ni Drien ang mahika kay Cyrus. "Katapusan mo na!, "
" Huh?!,." Nanlalaking matang Sigaw ni Cyrus, napapikit na lang siya sapagkat masyadong malakas ang mahikang iyon para sa kanya..
Sa kabutihang palad ay nakarating sina Avery at ang iba pa at nagsanib puwersa sina Belle, Avery at Ella upang pigilan ang mahika ngunit masyado paring malakas ang mahika kaya't bumagsak sa sahig ang tatlong dalagita at patuloy na dumiretso ang mahika papunta kay Cyrus, Mabilis na tumungo si Brian sa harap ni Cyrus para protektahan ngunit dahil wala pa siyang alam sa powers niya ay hindi niya alam kung ano ang gagawin, ibinukas niya ang kanyang mga palad at napapikit siya.
" Magiging masakit to!." nakapikit nitong sabi, ngunit napatigil ang lahat nang na-absorb nang palad ni Aidan ang kapangyarihan inilabas ni Drien.
" I-Imposible Iyon," Nanlalaking matang Saad ni Drien, dahil sa gulat ay hindi na rin siya makagalaw, kahit sa Brian ay hindi rin makapaniwala sa nangyari..
" Tumingin ka sa mga kalaban mo Pangit!," Sigaw ni Avery, tumilapon si Drien nang bigla siyang atakihin ni Avery gamit ang mahika. " Sumuko ka na Drien!." Sigaw nito, napangisi na lang si Drien at tumawa nang malakas.
" HAHAHHA, O sige, Sabihin na nating natalo ako, at puwede niyo akong tapusin anumang oras dahil sa kalagayan ko ngayon at maliligtas na ang kahariang ito, pero.......................................... Kung maliligtas ang kaharian niyo, Sino naman ang magliligtas sa kaibigan niyo?."
" Ano ang ibig mong sabihin?. " Dikit Kilay na Tanong ni Avery, sumagot naman si Drien nang walang pag-aalinlangan.
" Bihag ko ngayon ang kaibigan niyo, kaya't sa oras na tapusin niyo ako ngayon ay posibleng tapusin din ng mga kapatid ko ang kaibigan niyong si Aidan, "
" Ang ibig mo bang sabihin dinakip mo si Aidan," Tanong ni Ella.
" Sa totoo niyan binihag namin siya, " Sagot ni Drien, napataas nang kilay si Brian at nagtanong....
" Ah hindi ba magkaparehas lang iyong dinakip at tsaka binihag..................... Kian, matalino ka diba?, puwede bang ipaliwanag mo?."
" Ang english nang dinakip ay caught habang ang english naman nang bihag ay capture, at ang salitang mo caught ay isang past tense habang ang capture naman ay puwedeng verb," Paliwanag ni Kian, napatahimik na lang si Brian sa paliwanag ni Kian.
" Humph!, Hindi ito ang oras para sa Trivia Time, Ang mas mabuti pa ay iligtas niyo ang kaibigan niyo, pumunta kayo sa Kastilyo nang Nomonia at doon naghihintay ang kawawa niyong kaibigan, Bilisan niyo na lang at tumatakbo ang oras at bilisan niyo bago pa mahuli ang lahat HHAHAHAHHA, " Banta ni Drien sabay laho.
" Nakatakas siya!," Saad ni Brian.
" Hayaa mo na ang lalaking iyon, Brian, Ang mahalaga ay mailigtas natin si Aidan, " Maamong Saad ni Kian, dahil sa pag-aalala ay napatanong na rin si Cyrus.
" Pero Paano naman?, Eh wala nga tayong kaalam-alam tungkol sa Kastilyo nang Nomonia na sinabi nang unggoy na Drien na iyon, "
" Puntahan natin ang Hari, Baka may alam siya tungkol dito," Mungkahi ni Kian, tumango ang lahat at mabilis na tumakbo papunta sa Hari...