C11 The Illusionary Challenge
Mabilis na tumatakbo si Aidan sa hallway nang kastilyo nang Nomonia, Ngunit dahil sa lawak nang lugar ay hindi niya mahanap kung saan ang lugar palabas.
" Patay na!, Mukhang naliligaw na yata ako," Hinihingal na Saad nito.
Samantala, nakapasok na sa loob nang gubat ang magkakaibigan na sina Kian at lumantad sa kanila ang mga nagliliparang mga alitaptap.
" Ang ganda nila," Ngiting sabi ni Avery.
" Sa tingin ko ito iyong sinasabi nilang Forest of Dream," Saad ni Cyrus, napatingin ang lahat kay Cyrus at napatanong.
" Ah, Ano tong Forest of Dream?." Tanong ni Brian.
" Ang Forest of Dream ay ang isa sa pinakamisteryong lugar dito sa mundong to, Ngunit ang sabi nila meron raw isang diwata rito na susubok sa katatagan nang emotion mo,"
" Tama ka dyan Bata," Saad nang isang hindi kilalang dalagita, napatingin sina Cyrus sa taas at nakita ang isang diwata na bumaba galing sa taas.
" S-Siya!, Siya yung diwata!, " Sigaw ni Cyrus.
" Ako si Avrielle, ang namamahala sa kagubatang ito, Anong dahilan kung bakit kayo nandidito mga bata?." Tanong nang diwata, nagkatinginan ang magkakaibigan at tumugon.
" Ililigtas po kasi namin ang kaibigan naming si Aidan, hawak po siya nang masasamang tao kaya't kailangan naming puntahan sila ron sa Kastilyo nang Nomonia, " Tugon ni Cyrus, napangisi ang diwata at sinabing....
" Hanga ako sa inyo dahil kahit mga bata pa kayo ay may tapang na kayong labanan ang mga masasama............. Pero bago kayo makaalis sa kagubatang ito ay kailangan niyong magtagumpay sa aking pagsubok,"
" Pagsubok, Ano po iyon?." Tanong ni Kian, Isang Liwanag ang lumabas mula sa palad nang diwata, at dahil sa silaw ay napatakip nang mga mata sina Kian at ang buong paligid ay napalibutan nang liwanag......
Si Aidan ay hinanap ang daan upang makalabas nang Palasyo ngunit kahit anong gawin niya ay nahahanap niya ang maling labasan.
" Kailangan ko nang makita ang daan palabas bago pa magising sina Drien," Saad ni Aidan ngunit pagtalikod niya ay nakita niyang nakatayo at masigla ang tatlong magkakapatid.
" Not so Fast," English ni Drien, Napaatras si Aidan dahil sa wala na siyang matatakbuhan...
Samantala sa Forest of Dreams......
" Huh?, Nasan ako?. " Tanong ni Brian, Tanging dilim lamang ang nasa paligid ni Brian hanggang sa isang kamukha niya ang nagpakita sa harap niya at masama ang ngiti nito.
" T-Teka, I-Ikaw," Nanlalaking matang sabi ni Brian.
" Bakit parang gulat na gulat ka, Ako'y Ikaw hindi pa ba halata?. " Tanong nito nang naka Vile smile.
" Huh?."
" Bakit?, Hinahanap mo ba ang mga kaibigan mo?." Tanong nang Impostor na Brian.
" Bakit?, alam mo kung nasan sila?."
" HAHAHHAH, Kung ako sayo wag mo na silang hanapin, Bakit?, Dahil hindi ka na nila kailangan, Masyado ka nang pabigat sa kanila, at alam mo ba? Hindi nakakatawa ang mga biro mo!, " Pangiinsulto nang Impostor na Brian.
" H-Hindi iyan Totoo!, " Sigaw ni Brian.
" Alam mo kasi, hindi iyan yung mahalaga ngayon, kung ako sayo mas pagtuunan mo nang pansin ang kalaban na nasa harap mo ngayon para makalabas ka sa ilusyon na ito, Pero ang tanong..................................Kaya mo ba akong talunin?, " Tanong nito. Nagsalubong ang mga kilay ni Brian at ngumiti.
" Siyempre naman kaya kitang talunin, basta't huwag mong kakalimutan na masarap ang ulam namin mamayang gabi, ikaw na mismo ang nagsabi na ikaw at ako ay iisa kaya't pag pinatay mo ako hindi ka rin makakakain nang masarap na ulam namin mamaya,"
" Wala akong pakialam kung masarap ang ulam niyo mamaya pero......................................... Ano iyong ulam niyo mamaya?. " Kunot noong tanong nang impostor na Brian.
" Ano ka ba?!, Marami kaming ito ng pagkain, meron kaming fried chicken, pasta at marami pang iba " Ngiting sabi nito, inikot ng impostor na Brian ang kanyang dila sa kanyang bibig.
" Humph!, Dahil nga iisa kami ay malamang ay iisa rin ang mga gusto at ayaw namin, " Sabi ni Brian sa kanyang isip........
Samantala, Si Avery ay wala ring makita kundi kulay itim, Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga kaklase nito.
" HAHAHAHAH!," Malakas na Halakhak nang mga kaklase niya.
" Bakit anong problema niyo?." Tanong ni Avery hanggang sa nagsigawan ang mga kaklase niya.
" Wala naman, Gusto ka lang naming asarin, baka hindi mo pa alam na nandito ka sa mundo nang ilusyon kaya't kailangan mo kaming talunin upang makalabas ka rito at iligtas ang kaibigan mo," Tugon nang isa niyang kaklase, "
" Kung kayo rin naman pala ang mga kalaban ko ay matatalo ko kayo,"
" Naku naman Avery, Hindi ko alam na may natitira pang tapang diyan sa loob mo.................... Pero sa tingin ko ay mawawala na iyan kapag natalo ka namin sa labang to, " Pang-iinsulto nito
Samantala, Nagising sina Ella, Belle at Cyrus sa isang madalim na lugar kung saan ay nakatagpo nila ang mga babaeng may mga hawak na espada....
" Ano ang mga iyan?." Tanong ni Ella, Nagsimula nang humakbang ang mga babaeng mandirigma at balak sugurin ang tatlo.
" Huh?." Pagtataka ni Cyrus, Ginamit niya agad ang kanyang Magic shield upang hindi sila masaktan laban sa mga babaeng mandirigma.
" Ano ang gagawin natin?, Ang dami nila!," Tanong ni Belle habang nahihirapan naman si Cyrus dahil pilit na winawasak nang mga babaeng mandirigma ang kanyang shield.
Samantala, Si Kian ay nagising sa isang lugar kung saan ay maraming mga dahon na kulay berde.
" Kian, " Sambit nang babae sa boses ni Kian, napatingin sa likod si Kian atb nakita niya ang diwata na nagbigay sa kanila nang pagsubok.
" Ikaw po yung diwata kanina diba?." Tanong ni Kian.
" Ako nga, pero meron ka pang dapat malaman,"
" Ano iyon?." Tanong ni Kian ng nakataas ang isang kilay, inilabas ng diwata ang kanyang Magic Wand, Ginamit ng diwata ang kanyang Magic wand at gumawa nang isang malaking bolang kristal, ipinakita nang malaking bolang kristal sina Brian, Avery, Belle,Ella at Cyrus at makikitang kinakalaban nila ang mga taong nakaharap nila kanina.
" Kian, Ikaw ang napili ko dahil alam kong matalino ka," Saad nang diwata, tumingin si Kian sa diwata at nagtaka.
" napili?, Ano pong ibig mong sabihin ron?." Tanong ni Kian
" Ikaw ang napili kong magdesisyon kung sino ang ililigtas mo sa dalawang grupong ito................... Si Avery at Brian?, o sina Cyrus, Belle at Ella?."
" Teka Ano?, Ako ang magdedesisyon kung sino ang ililigtas ko?. "
" Bilisan mo ang pagpapasiya, tumatakbo ang oras, sigurado akong hindi nila kakayanin ang mga ilusyong iyon, " Saad nang diwata, hindi makapagsalita si Kian sa narinig dahil hindi niya alam kung sino ang kanyang ililigtas.
" Bakit kailangan ko pang pumili?. " Tanong ni Kian
" Alam mo na siguro ang kuwento na wala ng tao ang nakakalabas sa gubat na ito,............ Kasinungalingan ang lahat ng iyon, may nakakalabas pa ring mga tao rito ngunit ang mga taong hindi nakakalabas rito ay ang mga taong hindi pinili nang kanilang kaibigan na iligtas, at ang mga taong hindi nakakalabas rito ay ginagawa naming handog sa aming hari, " Tugon ng diwata, nanlaki ang mga mata ni Kian sa sinagot ng Diwata, nanginig ang buong katawan niya at halos naninigas na.
" Ngayon Kian, Sino ang gusto mong ligtas?............. Si Avery at Brian?, O sina Cyrus, Ella at Belle?. "
Namamawis na si Kian sa kakaisip kung sino ang kanyang ililigtas at kung sino ang gusto niyang maging handog.
" Nahihirapan ka ba, Kung ganun may idagdag ako sa pagpipilian, Sino ang gusto mong maging handog?.................... Sina Avery at Brian, Sina Belle, Ella at Cyrus...................... o Ikaw?." Maseryosong Tanong ng diwata.
" Ako?." Tanong ni Kian, Natahimik si Kian at Tinignan ang sitwasyon ng mga kaibigan.
Nakita niyang Pinapaulanan nang Magic blaser si Avery, habang sina Cyrus ay nakikipaglaban sa mga babaeng Mandirigma. " Kung ito lang ang paraan para maligtas ang mga kaibigan ko.......................... SIGE!!, Ako na lang ang gawin niyong handog sa inyong hari!," Sigaw ni Kian sa diwata, napanganga ang diwata sa sinabi ni Kian, napangisi ito sinabing......
" Kung iyan ang iyong desisyon ay wala na akong magagawa, " Mahinahon nitong sabi, nagpakawala ito nang isang malaking liwanag na kumalat sa buong palagid dahilan para masilawan si Kian.
Samantala, Si Aidan ay makita nina Drien at walang makitang daan si Aidan kundi ang isang bintana.
" Wala ka nang matatakbuhan Aidan," Saad ni Drien, tumingin si Aidan sa bintana at nalaman niyang masyado itong mataas para talonin niya ito, napalunok siya at tumingin ulit kay Drien.
" Magbabayad ka sa ginawa mo!, Sinira mo ang limited edition bubble cage ko" Paninisi ni Rimack.
" Ano ka ba Rimack?, Isa lang iyong Bubble cage, Isa pa wala akong pakialam kung limited edition iyon, ang mahalaga ay dakpin na natin iyan!," Sita ni Drien, mabilis na tumungo si Drien kay Aidan, hindi nag dalawang isip si Aidan at matapang siyang tumalon sa bintana.
" AAAAAAHHH, " Sigaw niya habang siya'y nahuhulog mula sa bintana ng kastilyo, nanlaki ang mga mata ni Drien nang makitang mahulog si Aidan sa bintana.
" Sinadya niya bang mahulog?." Tanong ni Kanji...
Ngunit habang nahuhulog si Aidan ay nanlaki ang mga mata niya ng bigla siyang pinalibutan nang isang liwanag dahilan para lumiwanag ang kanyang buong katawan, "
" Anong nangyayari?. " Tanong ni Aidan sa sarili, ligtas siyang nakababa at nanlalaki parin ang mga mata sa nangyari,"
Niyugyog ni Aidan ang kanyang kamay at biglang nagsilabasan ang makikinang na liwanag mula sa kanyang kamay.
" Sandali, Nakuha ko na ba ang powers ko?." Tanong nito sa sarili.
" Kung nakuha mo iyon ibig sabihin ay good news, " NakaVile Smile na Saad ni Drien, dahil sa taka ay sinubukan ni Aidan ang kanyang bagong kapangyarihan kina Drien, isang kulay asul na laser ang lumabas mula sa daliri ni Aidan, tumama ang laser na ito kay Rimack dahilan para tumilapon ito sa pader nang kastilyo.
" Wow!, Ang galing!, Hindi talaga ako magsasawang gamitin to araw araw!,"
" Huwag ka munang magyabang diyan!, Walang wala ang kapangyarihan mo sa mga kapangyarihan namin!," Pagmamayabang ni Drien, naglabas nang isang liwanag si Drien kung saan ay inihagis niya kay Aidan, nagkalat ang usok sanhi nang pagkatama nang mahika kay Aidan.
" HAHAHHAHA, " Halakhak ni Drien, Ngunit habang nawawala ang usok ay nakita ni Drien si Aidan na nakangiti at sinabing........
" Siguro mas kailangan mo pang galingan," Pang-iinsulto nito, nagkasalubong ang mga kilay ni Drien nang marinig ito kay Aidan, Ngunit nanlaki ang mga mata ni Aidan nang biglang lumiwanag ang kinatatayuan nito at bigla na lang lumabas ang isang puno kung saan ay napunta si Aidan sa tuktok nang puno.
" Teka, Ano iyan?." Tanong ni Kanji.