The Chosen Seven/C12 The Disappearance of Kian
+ Add to Library
The Chosen Seven/C12 The Disappearance of Kian
+ Add to Library

C12 The Disappearance of Kian

Brian's POV

" G-Gutom na ako, Wala ba tayong makakain diyan?." Tanong ko, tumutunog na ang sikmura ko dahil sa gutom tapos ang taas pa ng aakyatin namin.

" Wala na tayong pagkain, Nakalimutan mo na bang kinain ng pating na iyon ang mga pagkain natin? o sabihin na rin nating pati tayo ay kinain na rin ng pating na iyon," Tugon ni Belle. Ano ba yan?, Nanghihina na ako dahil sa gutom tapos yun lang yung sasabihin niya.

" Bakit di ka na lang pumitas ng mga prutas mula sa mga puno? , Isa pa marami akong nakikitang mga puno maraming bunga," Mungkahi ni Avery, tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga prutas na nagliliwanag. Teka lang, Hindi naman sigurado mapanganib ang mga prutas na iyon diba?, Baka pag kinain ko yan magiging isa akong taong isinumpa. Tapos ang mga mukha nila ay parang gusto nilang kumuha ako ng prutas mula sa mga puno.

" Bakit hindi ka na pumitas?." Tanong ni Avery.

" Ayoko nga, Baka mamatay ako pag kinain ko iyan,"

" Ano ka ba?, Imposibleng mamatay ka, pero sa tingin ko puwede kang mamatay sa huling Chapter ng storyang to," Pananakot sa kin ni Avery, Inikot ko ang mga mata ko sa sinabi niya ngunit nakita kong napakalayo pa ang tuktok ng bundok dahilan para maluha luha ako.

" Guys, Bakit hindi na lang natin gamitin ang powers natin para maka akyat na tayo dun sa bundok, " Ideya ko, napangisi naman si Cyrus at sinabing.....

" Alam mo kasi Brian hindi pa masyadong malakas ang kapangyarihan natin kaya walang saysay ang paggamit nun, " Sabi niya sa kin ngunit nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakagawa ako ng isang nagliliwanag na jet kung saan ay ginawa ko sa pamamagitan ng Magic.

" Nakagawa ka ng isang Magic jet sa pamamagitan ng kapangyarihan mo?, Imposible!, " Puri sakin ni Cyrus!, Humph!, Hindi mo na kailangan sabihin iyon Cyrus dahil alam kong magaling na ako sa simula pa lang. Sumakay na kaming lahat sa Magic jet at ang mga girls ay halatang nanginginig dahil baka raw mabangga kami.

" Handa na ba kayo!, " Tanong ko.

" Sa totoo niyan hindi pa," Sagot ni Belle ng nanginginig, Nagbilang ako hanggang tatlo at sinimulan ng paandarin ang jet.

" WhooooHoooo," Sigaw ko at abot tenga ang ngiti nang pinaandar ko ang jet dahil first time kong mag drive.

" Brian, Puwede bang bagalan mo naman ang pag drive, Baka ma disgrasya tayo niyan eh!," Mungkahi ni Cyrus habang nakakapit sa upuan.

" Ano ka ba Cyrus, Ang saya kaya nito!," Saad ko.

" Ginagawa mo nang Children Show ang kuwentong to, Alam mo ba iyon!," Sigaw ni Belle ngunit dahil sa bilis ng pagdrive ko ay aksidenteng nasagi ng jet ang sanga ng puno dahilan para tumilapon kaming lahat.

" AAAAAAHHHHHHH!, ".......

" Aray ko!, Ang sakit nun!, " Saad ko habang pinipilit na makatayo.

" Ano ka ba Brian!? , Gusto mo bang mamatay na tayong lahat rito!? ," Pasigaw na tanong sa kin ni Belle, Ngunit nang napanganga ako ng makita ako ang isang kastilyong mukhang tirahan ng mga witches.

" I-Iyan ba ang Kastilyo ng Nomonia?." Tanong ni Avery. At sa wakas ay nakatayo na ako at patuloy na tinitigan ang kastilyo.

" Mukhang tirahan ng mga witch ang kastilyong iyan," Saad ko.

" Iyon ay dahil mga witch naman talaga ang mga lalaking yun, Puwede bang gamitin mo naman iyang utak mo paminsan minsan," Pang iinsulto sa akin ni Belle, Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil tanggap ko naman iyon hehe.

" Pero ano yung mataas na puno na nandun?." Tanong ni Avery, Tinitigan naman ng mabuti ni Belle ang tuktok ng puno.

" Sandali, Parang may tao roon sa tuktok ng puno!," Sigaw ni Belle, Dahil sa sinabi niya ay napatingin na rin kami at mukhang tao nga ang nandun, pero sino kaya yun?.

" Guys, Hindi kaya trap nina Drien yang nakikita natin?." Hula ni Cyrus ngunit nanlaki ang mga mata ko nabg makita ko si Belle na may hawak na telescope.

" Saan mo naman nakuha yang telescope na iyan?."

" Duh, Akin ang telescope na to noh,"

"Ano ka ba?, Hindi ko naman tinatanong kung kaynino yang telescope na iyan," Saad ko sa kanya, sinita na lang kami ni Avery at ginamit na ni Belle ang telescope na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

" Sandali kilala ko iyong tao na yun ah!," Saad ni Belle, Nagtaasan naman ang mga kilay dahil sa pagtataka. " S-S-Si Aidan iyon!," Sigaw niya. Agad kong kinuha ang telescope mula sa kanya at sinigurado ko kung si Aidan ba talaga yun at nakita ng dalawa kong mata na siya nga yung tao sa tuktok ng puno.

" Si Aidan nga!, Pero ang ginagawa niya sa tuktok ng puno?." Tanong ko

" Hindi na yun mahalaga!, Ang mahalaga ay nalaman na nating buhay si Aidan, Kailangan nating makagawa ng paraan upang makarating agad sa punong yun!," Mungkahi ni Cyrus at dahil sa talino ko ay nakaisip agad ako ng ideya.

" Alam ko na kung ano ang gagawin!, " Saad ko, at ginamit ko ang powers ko upang gumawa ng Magic airplane.

" Kanina Magic Jet tapos ngayon Magic Airplane?, Niloloko niyo yata ako eh," Saad ni Belle, sumakay na agad ko at ako umupo sa harapan.

" Umalis ka diyan Brian, Ako Magdidrive!, " Saad ni Cyrus, Pinilit rin ako nina Avery at wala akong nagawa kundi ang magparaya...

" AIDAN!....... PAPUNTA NA KAMI DIYAN!, " Sigaw ko. Agad na pinaandar ni Cyrus ang eroplano at nagsimula na itong lumipad ligtas kaming bumiyahe sa ere dahil kay Cyrus, Wow!, Hindi ko alam na magaling pala si Cyrus na mag drive ng eroplano, Para sakin kasi ang hirap nun!.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height