The Chosen Seven/C14 My Friend is Back!
+ Add to Library
The Chosen Seven/C14 My Friend is Back!
+ Add to Library

C14 My Friend is Back!

Sa pagkatalo nina Drien, Kanji at Rimack ay natigil na rin sa pakikipaglaban sina Belle at Elle.

" Kung ganun, Hindi totoong nag-aaway kayo?." Tanong ni Avery.

" Ano ka ba Avery?, Imposible namang mag-away kami ni Ella ng ganun," Pangiti tugon ni Belle ng nakapameywang.

" Hindi ako makapaniwala, at talagang binigyan niyo pa talaga ng pangalan ang mga powers niyo, "

" Hay Naku Avery!, Ang saya kayang bigyan ng pangalan ang mga powers natin, " Pangising Tugon nito, Nakakunot na noo namang nagsalita si Avery.

" at ano naman ang masaya dun!, Non-Gravitic Shield?, Waving Thunder?, at tapos iyong isa " Moon Bathing?, Niloloko niyo yata ako!, Sun bathing lang ang meron sa mundong ito!,"

" Avery, Tigilan mo nga ang pagka oa mo, Hindi ka bagay maging straightman sa story na ito," Pangiinsulto ni Brian, Tumitig si Avery kay Brian ng napakatalim, Napatahimik na lang sa Brian at sumipol na parang walang nangyari.

" Kalimutan niyo na nga yan, Ang mahalaga ay nailigtas na natin si Aidan, " Saad ni Cyrus, agad na tumakbo si Aidan at sinabing...

" Guys, Alam niyo ba?!, Nakuha ko na ang powers ko," Nakangiting pag-anunsyo nito sa mga kaibigan.

" Ano?, Kung ganun nakuha mo na rin ang powers mo?, Ibig sabihin nakuha na nating lahat ang powers ng liwanag ng buwan," Saad nito, nagkatinginan sina Ella at Belle at sinabing....

" Ah sa totoo niyan hindi tayong lahat," Nakasamingot na Saad ni Ella, Napataas naman ng isang kilay si Cyrus at tumingin sa paligid at sinabing...

" Oo nga tama ka, "

" Ano bang pinagsasabi niyo diyan, Oo nga pala guys nasaan si Kian?." Tanong ni Aidan at Napatahimik ang lahat at walang maisagot sina Brian sa tanong ni Aidan. " Anong Problema?, Bakit ang tahimik niyo?."

" Kasi Aidan sa totoo niyan...........Naiwan si Kian doon sa Forest of Dream, " Tugon ni Brian.

" Forest of Dream?, Hindi ko pa narinig ang lugar na iyan ah, Pero Bakit niyo siya iniwan run?, Baka mapahamak ang buhay niya dun,"

" Iyon na nga Aidan, Hindi namin alam kung buhay pa siya o patay kasi ginawa siyang handog sa hari ng mga diwata!," Tugon ni Brian, Nanlaki ang mga mata ni Aidan ng marinig ang mga salitang iyon mula kay Brian.

" Ang ibig mo bang sabihin?, Patay na si Kian?. "

" Hindi kami nakakasigurado tungkol diyan, Ang sabi sa amin ng diwata ay gagawin nilang handog si Kian sa kanilang hari, Pero hindi man lang naman narinig ang huling salita niya o kaya iyong katawan niyang patay na," Maseryosong Tugon ni Brian, Napatahimik si Aidan at sa ilang sandali ay sinabing.......

" Alam niyo guys, Hindi na ako magpapadala sa emosyon, Noon ay umiiyak lang ako magdamag at takot harapin ang mga problema............. Pero ngayon sinisigurado kong hindi na ako mahina," Saad nito, Napangiti naman sina Cyrus sa sinabi ni Aidan.

" Alam mo Aidan, Medyo tumatanda ka na, " Saad ni Brian.

" Nagiging seryoso na ang mga pangyayari Brian, Please wag mo nang sirain, " Sita ni Belle, hanggang sa may liwanag silang nakita mula sa isang kagubatan.

" Ano iyong liwanag na iyon?." Tanong ni Avery, kumunot ang noo ni Aidan at sinabing...

" Brian, Puwede bang gumawa ka ulit ng isang Magic Airplane?. "

" Huh?, Bakit?."

" Basta Gawin mo na lang!," Sigaw ni Aidan agad na kinaway ni Brian ang kanyang kamay at lumabas mula rito ang isang liwanag na naging isang eroplano.

" Huwag niyong sasabihin na sasakay ulit tayo diyan?. " Tanong ni Belle, Agad na sumakay si Aidan sa eroplano, sumundo naman si Brian at Cyrus sa kaniya ngunit nanatiling nakatayo ang Girls.

" Hoy!, Ano pang ginagawa niyo diyan sakay na!," Sigaw ni Brian.

" Niloloko niyo ba ako?, Bakit naman kami sasakay sa sasakyang mapanganib?." Pasigaw na Tanong ni Belle.

" Hay Naku Girls!, Huwag na kayo mag-inarte diyan!, May pupuntahan pa tayo oh!," Pagsermon ni Brian, inikot ni Belle ang kanyang nga mata at napilitan na lang silang sumakay sa eroplano. "Are you ready, Guys?."

Pangiting Tanong ni Brian, Napalunok na lang sina Belle, Cyrus, Ella at Avery dahil natatakot sa kung anuman ang mangyayari.

" Bakit parang takot na takot kayo?, Wala naman sigurong mangyayaring masama," Saad ni Aidan agad na pinaandar ni Brian ang eroplano at napanganga na lang sila ng makita kung paano gumalaw ang eroplano.

" Ano ba Brian!, Bakit ang sobrang bagal ng eroplano mo!, " Sigaw ni Aidan.

" Pasensya na Aidan, natatakot na rin kasi ako na mabangga kami ulit,"

" Umalis ka diyan!, Ako ang mag di-drive!," Sigaw ni Aidan, napabuntong hininga sina Cyrus at nagpalit na ng posisyon sina Aidan at Brian.

" Ready. Set. Go!, " Sigaw ni Aidan at mabilis na pinaandar ni Aidan ang eroplano ngunit ligtas parin ang kanyang pamamaraan sa pag drive.

" Wow!, Buti na lang magaling si Aidan rito," Puri ni Belle.

Ilang minuto ay lumipas ay nakarating ulit sina Brian sa Forest Of Dream.

" Diba dito galing yung liwanag na nakita natin kanina?," Maamong pag tanong ni Aidan.

" Oo, at dito rin sa lugar nato namatay ay este nawala si Kian, " Saad ni Brian, Hanggang sa isang liwanag ang nakita mula sa kanilang gilid, napatingin sila rito at nakita ang isang katawan na siyang nakalutang.

" Ano iyon?." Tanong ni Brian, hindi nila malaman kung kanino ang katawang yun dahil nababalutan ito ng liwanag at tanging parang anino lamang niya ang nakikita nina Brian, Ngunit nanlaki ang mga mata nila Brian nang biglang mas lumiwanag ang katawan ng tao, nabalutan ng liwanag ang buong paligid dahilan para mapatakip ng mata sina Aidan.

" Anong nangyari?." Tanong ni Brian hanggang nakita nila ang isang batang nakadapa at walang malay.

" Tara, Tignan natin!," Utos ni Aidan, agad silang lumapit sa batang kasing-edad nila at Tinignan nila ang mukha nito at nanlaki ang mga mata nila sa nakita.

" Teka ito si........," Nanlalaking matang Saad ni Brian.

"ITO SI KIAN!," Sigaw ng lahat, agad nilang ginising si Kian ngunit hindi nila ito magising.

" May pulso pa siya kaya't posibleng buhay pa siya!," Saad ni Cyrus at agad nilang ipinaharap si Kian, nanlaki naman ang mata ni Avery sa nakita..

" EWWW!, Bigyan niyo nga siya ng damit, Nakahubad siya!," Sigaw ni Avery ng nakatakip ang mga mata.

" Anong magagawa namin?, Wala kaming extrang damit eh, at tsaka huwag mo nga kaming lokohin diyan, alam ko namang natuwa ka pa eh " Biro ni Brian

" Anong sinabi mo!?, Hindi totoo yu ah!, "

" Tumigil na nga kayo, ang mahalaga ay nalaman na natin na buhay si Kian, " Nakangiting Saad ni Cyrus, agad niya itong binuhat idinala sa kanilang Magic airplane.....

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height