C2 New Students
BRIAN'S POV
Ang saya nang sleepover party namin nila Kian at Aidan, at sa tingin ko iyon iyong first time kong matulog sa isang malaking bahay ngunit may isang hindi natutuwa dahil Late na naman raw ako sa school.
"Brian, Malalate ka na sa eskwela mo!, Kailan ka ba titino ha!?." Madramang Tanong sakin ni Mama, Humph!, Grabe naman to si Mama, Magsusuklay na nga lang ako.
" Sige na ma, Pasok na ko," Paalam ko sa kanya, Naglalakad lang ako papuntang eskwelahan, pero ayos lang naman sakin iyon kasi malapit lang naman iyong eskwelahan sa bahay namin.
"Hay sa wakas nandito na ako," Buntong Hininga kong sabi at pinakita ko ang ID ko sa guard at siyempre pumasok na ako sa Room namin, at naabutan kong may pinag-uusapan sina Kian at Aidan.
"Hoy!, Ang iyang pinaguusapan niyong dalawa?."
" Wala naman, pinag uusapan lang namin kung gaano ka kalikot matulog kagabi," Sagot sa kin ni Aidan na napakahonest naman, at nilagay ko na ang bag ko sa upuan sabay upo.
" Ang tagal naman ni Ma'am, Kailan ba siya darating?." Inip na tanong ko sa dalawa.
" Bakit mo pa hinihintay si Ma'am, eh hindi ka naman nakikinig sa klase?. "
Asar sakin ni Aidan at tahimik na tumawa kasama si Kian, Humph!, Akala mo naman hindi ko sila naririnig, at nagulat na lang ako nang biglang nagtanong si Kian.
" Guys, naniniwala ba kayo sa Magic?." Tanong niya samin, Napataas naman ang isang kilay ko dahil hindi niya pa iyan natanong samin kasi nga ang akala ko ay wala siyang interes tungkol sa mga ganung bagay.
" Sa tingin ko totoo ang magic, Kasi kung hindi totoo ang Magic bakit tayo nandidito ngayon?." Sagot ni Aidan.
" Ah Kian, Bakit mo naman na tanong iyan?." Tanong ko sa kanya, hindi niyo ako masisisi, hindi ko pa kasi siyang nakitang magtanong nang ganun.
" Naaalala niyo pa ba iyong pumunta tayo sa Alzechqa Book Store kahapon?."
"Oo, " Sabay naming sagot ni Aidan
" Nung oras na umalis kayo para magbanyo ay bigla na lang lumiwanag iyong libro na binili ko doon sa Alzecha Book Store, Bigla na lang akong hinigop ng librong iyon papasok ng libro, at may narinig pa akong isang boses na sabi raw ay kailangan na tumungo ang mga batang ipinili ng buwan sa mundo na hindi ko na maalala kung ano ang pangalan ng,' Kuwento sa amin ni Kian, halata sa mukha niya na natatakot siya pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako hindi.
" Ano nga ba ang hitsura nang Libro?. "Tanong ko.
" Makakalimutan ka talaga, Universe ang picture nang librong iyon, at alam niyo ba na inihagis ko na iyon pero ang nakapagtataka ay bumalik ulit sakin,"
" Nakita mo iyong libro kahapon?, Hindi ba kahapon rin tayo nag sleepover?. "Tanong ni Aidan, Pabiro kong sinagot ang tanong niya.
" Baliw ka hindi iyon kahapon, kagabi iyon," Biro ko sa kanila ngunit hindi man lang sila natawa, Pinag isipan ko iyong joke na iyon tapos hindi man lang sila natawa, Grabe sila, Hindi nila inappreciate iyong joke ko.
" 4:45 pm nang hapon ay may narinig akong nagdoorbell, ngunit nung pumunta ako sa Gate ay wala namang tao, at nung pabalik na ako sa mansion ay bigla ulit siyang nagdoorbell ngunit pagtingin ko ay wala namang tao sa gate, at nung tumalikod ako ay sunod sunod na tunog nang doorbell ang narinig ko, tumigil ang pag tunog nang tumingin ako sa gate ngunit nang pagharap ko ay nakita ko ang libro, siguradong sigurado ako na iyon iyong libro na binili ko kahapon dahil magkapareha sila nang design," Kuwento sa amin ni Kian, Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko to pero naniniwala ako sa kanya, pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko....
"Kian, nanginginig ka!, " Gulat kong sabi sa kanya.
" Hehe, Joke " Sabi niya pa nang nakapeace sign
" GRABE KA TINAKOT MO KAMI!!," Sigaw ko sa kanya, Sino ba naman ang hindi matatakot hindi ba?, Bigla siyang manginginig pagkatapos niyang magkuwento nang nakakatakot.
" Ayan na si Ma'am!," Sigaw nang kaklase namin at nagsiayos na nang upo ang lahat bago pa pumasok nang classroom si Ma'am.
" Good Morning Class!, Gusto ko sanang batiin niyo ang inyong mga bagong kaklase na sina Ella, Belle at Avery," Saad ni Ma'am at sabay na pumasok ang tatlo sa classroom at tumayo sa harap naming lahat.
" Ako si Ella, 12 years old,"
" Humph!, Maganda siya ah, " Puri ko sa babae habang nakasandal ang kamay ko sa upuan.
" Bakit Brian?, Inlove ka na ba?," Paasar na Tanong ni Aidan sakin, Bruh!, porket ba sinabi kong maganda ang babaeng iyon, inlove na agad?
" Ako si Belle, 11 years old hehe,"
Ang Ganda niya!, Sa tingin ko siya ang pinakamaganda sa kanilang tatlo!, " Pangiti kong sabi kina Aidan at Kian ngunit hindi man lang nila ako pinansin.
"A-Ako naman si Avery, 12 years old,"
"Hmmmmm!, Hindi siya masyadong kagandahan, merong siyang nerdy glasses at iyon iyong nagpapapangit sa kanya, at sa ugali niya para siyang introverted," Mahina kong Sabi kina Kian at Aidan, Grabe napakajudgmental ko diba.
"Ano ka ba Brian?, Walang isinilang na pangit sa mundong to, isa pa medyo maganda naman siya nang konti," Saad ni Kian.
"Seryoso ka?, Nagagandahan ka sa
kanya?, Wow!, Ang pangit nang taste mo sa mga babae, Kian," Asar ko kay Kian
nang nakangiti, Ngunit napatingin kami kay Maam nang bigla niyang tinawag si
Kian.
" Kian, Absent ba ngayon ang katabi mo?." Tanong ni Ma'am habang nakaturo sa upuan na walang nakaupo.
" Ah Opo Ma'am, Absent siya ngayon, Ang sabi raw po niya may lalakaran raw po sila nang nanay niya," Sagot ni Kian.
" Kung ganon puwede bang si Avery muna ang umupo diyan?. " Tanong ni Ma'am sabay hawak sa balikat ni Avery.
" Of Course!," Tugon ni Kian, Tsk! may pa english english pa siyang nalalaman ah, nilagay na ni Nerdy Girl ay ang ibig kong sabihin nilagay na ni Avery ang bag niya sa upuan.
" Hi, Ako si Kian, " Pagpapakilala ni Kian kay Avery, Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang mga ganung bagay.
" Ako si Avery, Nice to Meet You!," Saad ni Avery, Hindi ko alam pero parang piling ko may pagkalandi rin Tong si Avery, at pinaupo na rin ni Ma'am si Ella sa harap ko at si Stella naman ay sa likod ni Aidan.
RECESS TIME"
KIAN'S POV
Pasensya na pala kayo sa kaibigan kong si Brian, Please pagtiisan niyo na lang ang ugali niya.
" Gusto mo?." Tanong sakin ni Avery habang hawak niya ang kanyang cookies.
"Salamat," Siyempre tinanggap ko, hindi ako cold tulad nang mga heartthrob boys na lagi niyong napapanood sa TV.
" Kumuha ka lang diyan ah,"
" Hehe, Salamat," Saad ko sa kanya
ngunit nagsitayo ang mga balahibo ko nang biglang dumating si Brian.
"Oy Libreng Cookies!," Abot tengang Ngiting Sabi ni Brian sabay kuha nang cookies." Salamat rito sa cookies Kian,"
" Ah sa totoo niyan hindi talaga sakin iyang mga cookies na iyan,"
" Huh?."
" Kay Avery iyang cookies na iyan,"
"A-Ano?."
Hahahah, Halatang Gulat na Gulat siya, Paano ba naman kasi tinawag tawag niyang pangit at nerd si Avery kanina.
" Hehe, Magkaibigan tayo hindi ba, Avery hehe," Mapagpanggap na Sabi ni Brian, Hindi ko alam kung ano tawag sa kanya, Tsk!, Napaka plastik.
" Huh, Pero kanina ang sabi mo- "
" Hay Naku Kian, Wala akong sinabi, Hindi ko sinabing introverted at tsaka nerdy type si Avery hahaha, " Pagsisinungaling ni Brian, hindi ko na natuloy ang sinabi ko kasi tinakpan ni Brian ang bibig ko.
" Sige lang kuha ka lang diyan ahhhhh-," Hindi na nasambit ni Avery ang pangalan ni Brian kasi nga hindi niya alam ang pangalan nito.
" Brian ang pangalan ko hehe, "
" Okay, Kuha ka lang diyan Brian, Maganda rin ang pangalan mo ah, "
" Salamat sa papuri," Abot tengang Ngiting Ani ni Brian habang kumakain nang cookies, Bruh! Hindi patas, Si Avery pinuri siya pero siya jinudge niya lang.
At nang uwian na ay nakita ko si Brian na para bang may sinusundan.
" Brian, Anong ginagawa mo diyan?. " Tanong ko sa kanya ngunit hindi man lang siya humarap.
" Sinusundan ko si Ella, Aalamin ko kung saan siya nakatira," Tugon sakin no Brian
"Ah so pag nalaman mo na kung saan siya nakatira, Anong gagawin mo?."
" Wala naman, gusto ko lang alamin,"
" Brian, Alam mo bang Halatang halata na inlove ka kay Ella?."
" A-Ako?, I-In love?, Hindi Kaya!, " Tanggi ni Brian at talagang sumigaw pa talaga siya ah.
" Kung hindi mo siya gusto edi sana hindi mo siya sinusundan ngayon,"
" Okay Aaminin ko na, Hindi ko siya gusto, Crush ko lang siya,"
"Napakahonest mo rin naman pala
Brian, "
" Siyempre!, Parte sa buhay ng mga lalaki ang sundan at alamin ang bahay ng mga crush o gusto nila, Ginagawa Koto kasi lalaki ako!, " Matapang na sabi ni Brian at nag muscle pose pa siya.
" Basta warning ko lang sa iyo, 13 years old ka pa lang, hindi pa tayo puwedeng magkagirlfriend," Sermon ko sa kanya.
"Ano ba iyan!?, Hindi ko na tuloy siya nakita, Ikaw kasi eh, " Sisi sakin ni Brian, Ako pa talaga sinisi niya ah.
Ilang minuto ang lumipas ay sumakay na ako nang kotse at umuwi na sa mansion namin at nakarinig ako nang isang balita.
" Mr. Kian, Babalik na po rito ang papa niyo next week, " Nakangiting Sabi ng yaya sakin, Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay yaya.
" Talaga, Well, Good news nga iyan," Saad ko sa kanila sabay akyat sa kuwarto ko at higa sa kama.
" Babalik na siya rito?, Halos 3 taon rin
siyang nagtagal sa Amerika, Ano na
naman kayang gagawin niya kapag nakabalik na siya rito, Hay Naku!, Ayaw ko ng alamin, Mahina kong sabi, Sa totoo niyan may kompanya kami doon sa Amerika na hanggang sa ngayon hindi ko pa nakikita, pero ang sabi sakin ni papa sa oras raw na may mangyari sa kanila ay sa akin raw niya ipapamana ang kompanya niya, pero wala naman akong interes tungkol sa kompanya niya, at isa pa ay wala akong alam tungkol sa business.
" Mr. Kian! Handa na po ang tanghalian niyo!," Sigaw nang yaya doon sa baba, pinagbawalan kasi sila na pumasok sa kuwarto ko pag nandito ako, puwede lang sila pumasok pag nandon ako sa labas o nandun ako sa school, Nagbihis muna ako bago bumaba at pinaupo na ako sa mesa,, at talagang napaka boring dahil ako lang ang mag isa, pero nasanay na ako kaya wala ng problema sa kin iyan...
" Mr. Kian, gusto nang mga magulang mo na magkaroon ka nang girlfriend bilang gabay sa trabaho mo doon," Sabi sakin nang yaya na ikinalaki naman nang mga mata ko.
" Sandali lang!, 12 years old pa lang ako, Hindi pa akong puwedeng magkagirlfriend.
" Pero iyon po iyong gusto ng mga magulang niyo,"
" Hay Naku!, Hindi ba niya kayang mag antay nang 6 years o kahit 4 years man lang, Hindi porket fantasy ang genre ng storyang ay puwede na niyang gawin anuman ang gusto niya! " Reklamo ko kay Yaya at nagpatuloy na muna ako sa pagkain habang ang ang mga yaya ay nakatayo sa gilid at likod ko, pero aaminin na ako masaya ako dahil 7 days na lang ay babalik na sila Mama at Papa rito, pero hindi ko na inaasahan ang pasalubong nila dahil may pera rin naman ako katulad nila.
"Teka Yaya, Ano ba ang dahilan at uuwi sina Mama at Papa rito?." Tanong ko kay Yaya, Mahinog sumagot si Yaya at naintindihan ko naman ang sinabi niya.
" Ang alam ko may tatapusin silang trabaho rito kaya't uuwi sila,"
" Hay Naku!, Sabi na nga ba ang kompanya na naman ang dahilan nang pag uwi nila, Bakit ba ako umasa?," Pabulong kong Tanong sa sarili ko na may halong inis.