C4 The Moonlight
Bago ako matulog ay pumupunta ako
sa silid na ngayon ko lang nadiskubre ang silid kung saan naroon ang liwanag nang buwan, pinapanood ko ang liwanag na kulay asul nito.
"Anak, Nandiyan ka ba?" Tanong
sakin ni Papa sabay pasok sa kuwarto.
Anong ginagawa mo rito?."
Tinititigan ko po ang liwanag niya,
kahit po na sabihing aura natin ang gusto nilang kunin ay hindi ko parin pong maiwasang mamangha sa ganda nang liwanag niya, " Tugon ko kay Papa habang nakatitig ako sa liwanag nang buwan.
" Nakakamangha naman talaga ang
liwanag nang buwan, Alam mo ba Kian, hindi naman talaga mapanganib ang kunin nang liwanag nang buwan ang aura mo, sadyang ang ayaw ko lang ay iyong mapunta ka sa peligro dahil sa mga digmaang nagaganap sa mundong iyon, isa pa maraming mga Evil Witches o mga masasamang nilalang ang mga nandun, Gusto ko lang naman maging ligtas ka," Saad ni Papa, napatitig ako sa kanya at napangisi na lang dahil hindi ko talaga
alam na sasabihin niya iyon, hindi ko alam basta naninibago ako sa kanya, nung bata pa kasi ako strikto siya sa mga bodyguards at maids.
Kinabukasan ay nagbihis na ako at
sinuot ko na ang ID ko at Nakangiting
nagpaalam sa mga magulang ko, nang
nakapasok na ako sa Gate ng school ay
nakita ko ang lahat nang mga estudyante at teachers na nagtitipon at dahil nakita ko si Brian ay siya na ang tinanungan.
"Brian, Anong nangyayari rito?.".
Tanong ko kay Brian.
"Tumingin ka sa taas, Kian!" Sabi sa
kin ni Brian sabay turo sa langit nang
tumingala ako ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
" lyan ang..... Liwanag nang Buwan,"
"Liwanag Nang Buwan?, Pero ang
alam ko wala namang liwanag ang buwan," Saad ni Brian, Akalain mo may
natututunan rin pala tong si Brian.
"Hindi naman iyong buwan sa Solar
System ang tinutukoy ko, Brian, " Sabi ko sa kanya at napaisip ako kung bakit
parang nababaliw na ang liwanag nang
buwan sa kalangitan.
"Grabe!, Parang hindi ko to gusto ah,"
Mamamatay na ba tayong lahat?." Tanong ni Brian na medyo nanginginig sa takot.
"Huwag mong sabihin iyan, Hindi pa
mangyayari iyon, Pampagaan nang loob ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko nang
biglang lumakas ang enerhiya ng liwanag nang buwan na para itong sasabog
nakatingin ang lahat sa langit hanggang sa bigla na lang may bumaba na laser mula sa langit at talagang tatlo pa talaga ang laser.
"Tignan niyo!,' Sigaw ni Brian na
nakaturo sa laser at habang tinititigan ko ang laser ay lumalakas rin ang enerhiya nito.
"Kian!" Sigaw na sambit ni Brian sa
pangalan ko, ngayon ko lang napansin na ako ang tatamaan nang isang laser
habang ang dalawang laser naman ay
balak tamaan sina Brian at Aidan, hindi ko magalaw ang mga paa ko sa takot,
nanginginig na ako at napapikit na lang
hanggang sa dumating si Papa na may
dalang isang salamin, Hinarangan ako ni Papa at ginamit ang salamin bilang isang kalasag at nang tumama ang liwanag sa salamin ay naabsorb nito ang kapangyarihan nang liwanag ng buwan.
"Papa?, Ano pong ginagawa niyo
rito?" Tanong ko sa kanya, humarap siya sakin at sinabing..
"Tara, umuwi na tayo,!"
"Pero may pasok pa po ako, Papa"
Saad ko sa kanya lumapit ang Papa ko sa mga teachers.
"Puwede ko ba siyang kunin?."
Tanong ni Papa, tumango na lang ang mga teachers at nakanganga parin sa nangyari, hinawakan ni Papa ang mga kamay ko sabay hila sakin.
"Brian, Puwede ka bang sumama
sakin?." Tanong ko
"Sige" Tugon niya at tinawag niya si
Aidan, at naglakad kami papuntang bahay, dun ko napagisip-isip na tumakbo si Papa papuntang school.
Nang nakauwi na kami ay tumungo
kami sa silid kung saan ay kami lang ni
Papa ang nakakaalam.
"Huh?, Hindi ba iyan iyong liwanag
kanina sa langit, Bakit iyan nandito?."
Tanong ni Brian nana nakataas ang isang talaga aura natin," Paninigurado ni Aidan, natawa na lang ako kahit seryoso na ang mga nangyayari.
"Hindi, Mga totoong tao parin tayo
siyempre," Tugon ko
"Kian, Alam mo ba kung ano ang ibig
sabihin nang nangyari kanina?. "
Seryosong tanong ni Papa sakin, umiling ako dahil hindi ko alam kung bakit parang gusto kaming saktan nang liwanag nang buwan.
" Ibig sabihin non ay matagal nang gustong kunin nang liwanag nang buwan ang aura niyo Kian, Nagagalit na ang liwanag at talagang sapilitan na niyang kinukuha ang aura niyo," Maamong Paliwanag samin ni Papa, nagkatinginan naman sina Aidan at Brian at hindi naiintindihan ang mga nangyayari.
"Ang mas mabuti pa, dumito na rin mo na kayo ahhhh.."Hindi masambit ni Papa ang pangalan nina Brian at Aidan kasi nga hindi niya alam ang pangalan nang mga kaibigan ko.
"Si Brian po at si Aidan" Pagpapakilala ko sa kanila.
"Brian at Aidan mabuti pa't dumito
muna kayo, Saad ni Papa, napatanong
naman si Aidan dito.
"Bakit naman po?."
"Dahil maaring kunin rin kayo nang
liwanag nang iyon lalo pa't isa kayo sa
mga pinili nanh liwanag na iyon, kung
gustong gusto talagang kunin nang
liwanag nang buwan ang aura natin ay
iisa-isahin niya na tayo," Tugon ni Papa.
" lbig po bang sabihin non, nasa
panganib na rin po kami?. " Tanong ni Brian, tumango si Papa sa pagsagot, lumabas kami sa sikretong silid at
tumungo kaming tatlo nina Brian at Aidan sa kuwarto ko.
"Grabe, Pala Tong aura natin Kian, napakamagical" Saad ni Brian halatang hindi siya makapaniwala sa nangyari, ikaw pa naman ang makakita nang laser pababa galing sa langit.
"Oo nga, pero hindi ko inaasahan na
ganun kayo ka daling maniniwala sakin," Sabi ko sa kanila, nagsalita naman si Brian at sinabing....
"Ano ka ba Kian?, Pagkatapos nang nangyari kanina sa school, hindi pa ba kami maniniwala sayo,"
"Salamat pero.. Ayos lang ba talaga sa inyo na manatali kayo rito?."
"Oo naman, Sino ba ako para
tanggihan ang isang malaking bahay;" Nakangiting Sabi sa kin ni Brian.
Limang Oras ang lumipas ay tinawag na kami nang Yaya para sa tanghalian.
" Mr. Kian, Handa na po ang tanghalian ninyo, Saad nang Yaya, Pabulong na tumawa sina Brian at Aidan.
"M-Mr. Kian?, Hahaha," Bulungan nina Kian at Aidan at palihim na tumawa, Humph!, Akala siguro nila hindi ko narinig iyon.
" Tara na, Kain na tayo, Sabi ko sa kanila sabay tayo sa higaan ko.
"Huh?, Ayos lang ba sa inyo?." Tanong ni Aidan, Sa mukha niyang iyon ay mukhang nahihiya siya.
"Oo naman, Kapatid na rin ang turing ko sa inyo kaya't puwede kayong pumunta rito anumang oras.
"Salamat ah," Pagpapasalamat na Brian sabay tapik sakin nang malakas
sakin, bumaba na kami para mag tanghalian at tumungo na sa mahabang mesa.
"Wow!, Mukhang ang sasarap nang
mga pagkain, " Nakangangang sabi ni Brian.
"Hoy! Tumutulo na ang laway mo, Ngayon ka pa lang ba nakakita nang ganitong mga pagkain?." Tanong ko sa
kanya.
"Hindi naman kasi kami mayaman
katulad mo,"
"Oo na Sige na, Umupo na kayo at
kakain na, " Utos ko sa kanila, Sarap na sarap naman si Brian sa pagkain habang si Aidan ay tahimik at maayos na kumakain..