C6 The World of Haesis
Hindi inaasahan nang magkakaibigan
na sina Brian, Aidan at Kian na ang araw na akala nilay magiging simple lamang ay magiging araw nang magpapabago sa kanilang mga buhay.
Ano kaya ang mangyayari sa tatlong
ito ngayo'y nasa loob na sila nang Libro
nang Buwan nang Haesis?..
Sa mundo nang Haesis, matatagpuang walang malay sina Kian,
Brian, at Aidan.
"Sino kaya ang mga batang to?, Bigla
na lang silang lumitaw diyan?." Bulong
bulongan nang mga tao na nasa paligid
nina Kian, Brian at Aidan, Dahan dahang binuksan ni Kian ang mga mata nito.
"N-Nasan ako?" Tanong nito sa sarili
habang pinipilit na makatayo hanggang sa may isang matandang babae ang lumapit at tinulungan siyang makatayo.
" Iho, Ayos ka lang ba?." Tanong nang
matanda.
" Opo, Ayos lang po ako, Tugon ni
Kian na halatang nanghihina, napatingin siya sa likod at nakitang walang malay ang mga kaibigan niya.
" Naku po!, Brian, Aidan!" Nanlalaking matang Sigaw ni Kian sabay gising sa dalawa.
"Kian, nasan tayo?." Malumanay na
tanong ni Aidan, Tinayo ni Kian si Aidan at sinagot ang tanong nito
"Hindi ko alam bago palang kasi
sakin itong lugar na to eh, pero wag mo munang intindihin iyon gisingin muna natin si Brian!,". Sagot ni Kian, Ginising nang Ginising nang dalawa si Brian hanggang sa binuhasan nang matanda si Brian nang malamig na tubig.
"AAAAHHHH!!, "Sigaw ni Brian,
napatayo siya sa lamig nang tubig,
pasimpleng tumawa si Aidan at Kian
kasama ang mga taong bayan.
" Kian, Anong nangyari?." Tanong ni
Brian.
" Hindi ko alam, ang naaalala ko lang
nandun tayo sa Library,"
"Mga bata, Nandito kayo sa Bayan
nang Zierre, Hayaan niyo akong
magpakilala, Ako si Cecilia at ako ang
taong ginagalang sa bayang to at idadala ko ngayon sa Hari nang Haesis ngayon na," Saad nang matanda, napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
" Hari?, Sandali lang nandito ba kami
sa bansang hari ang namumuno?, Bakit
may Hari?. "
"Ano ka ba bata?, Hari naman talaga
ang namumuno sa bawat
bansa.....nandito ka sa Planetangg
Haesis," Maamong Tugon nang
matandang si Cecilia.
Samantala sa Earth, ay nakaupong
binabasa nang tatay ni Kian ang libro.
"Nagdududa lang po ako Sir, Bakit
hindi pa kayo napupunta sa Libro eh
binabasa niyo naman po, pero sina Kian at iyong mga kaibigan niya ay napunta Libro nung binasa nila iyan?." Tanong nang Yaya, tiniklop nang tatay ni Kian ang Libro at maamong sinagot ito.
"Dahil tanging ang may malakas na
aura lamang ang pinupunterya nang
liwanag nang buwan, at ngayon ko lang
nalamam na malakas ang aura ng anak ko at nang mga kaibigan niya, ito ang dahilan kaya't hindi ko sila pinapalabas kanina sa kuwarto,"
"Kaya naman pala, hindi malakas ang
mga aura natin kaya hindi tayo nahigop
nang Libro," Saad nang Yaya
Ngunit sa mundo nang Haesis ay
idinala na ng matandang si Cecilia ang
tatlong menor de edad sa hari nang
Haesis...
" Ah Lola, Sino po ba ang Hari rito sa
Haesis." Tanong ni Kian kay Lola Cecilia, at nang malapit na sila sa pintuan nang
Palasyo ay sinagot niya ang tanong ng
batang si Kian.
"Malalaman mo rin, Bata,"
"Wow!, Ganito pala ang hitsura nang
palasyo, Matagal ko ng naririnig ang
tungkol rito pero hindi ko pa nakikita,
Hulog Panga sabi ni Kian, dinala ni Lola Cecilia sina Kian, Brian, at Aidan kung saan naroon ang Hari, napalunok sina Kian dahil mukhang wala sa mood iyong hari.
" Mahal na Hari, ito po ang mga
batang misteryosong lumitaw sa Bayan
nang Zierre, " Sumbong nang matanda sa Hari, napatayo ang Hari mula sa Trono niya at pinaalis ang mga kawal kasama na Si Lola Cecilia.
" Ah Kian, Alam mo ba kung bakit
pinaalis sila nang Hari?. " Tanong ni Brian sa kaibigan habang nakakapit siya sa balikat ni Kian, Sobrang maamo ang mukha nang Hari, Ganun ba sila Lagi?, Wala ba silang Positive side or Bright Side?.
"Ngayon mga bata magpakilala kayo,"
"Ah K-Kami?, Ah ang ibig kong
sabihin, A-Ako po si Kian, Eto naman po si B-Brian at Aidan," Utal Utal na
pagpapakilala ni Kian, halos namamawis at nanginginig na ang tatlo sa takot dahil baka kung ano gawin sa kanila nang Hari.
" Ngayon, Sino sa inyo ang
magpapaliwanag kung paano kayo basta- basta lumitaw na lang sa Bayan nang Zietta" Tanong nang Hari sa mga bata, Nang tumalikod si Kian ay nakita nito na nakatingin sina Brian at Aidan sa kaniya
"B-Bakit kayo nakatangin sakin?"
Tanong ni Kian sa kanila habang
namamawis.
"Kian ang pangalan mo, tama ba?."
"Yes, Ah, Ang ibig kong sabihin, Opo
Mahal na Hari, Saad nito nang nakayuko sa kanya.
"Magsalita ka!"
"Kasi Mahal na Hari, Nandon po kami sa Silid-Aklatan tapos po may nakita po
kaming Libro tapos po nang binasa namin iyon, Bigla na lang po kaming napunta
rito!. " Paliwanag ni Kian sa kanya nang may pa body language pa, napakunot
naman ang noo niya at nagtanong ulit.
"Saan ba tungkol ang Librong binasa
nito?."
"Tungkol po iyon sa Liwanag nang
Buwan, Nang Binasa po namin iyon bigla na lang po kaming napunta rito, "
Tugon ni Kian, napatingin si Kian kina Brian at Aidan at nagtataka parin kung ano ang binabalak nang Hari.
"Kung ang Liwanag nang Buwan ang
nagdala sa inyo rito, ang ibig sabihin non ay espesyal kayo, "
" Special kami?, Wow wala pang
nakapagsabi sakin non!, " Pangiting Sabi ni Brian, humakbang papalapit kina Kian ang Hari at sinabing...
" Dahil ang Liwanag nang Buwan na
mismo ang nagdala sa inyo rito, Wala
akong magagawa kundi gawin kayong
mga prinsipe nang Haesis, "Maamong
Saad nang Hari sa kanila, Nanlaki ang mga mata ng mga bata at halos mahulog na ang mga Panga nila sa narinig, Sila?, Prinsipe?, Ngayon lang yata nila masasabi na ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay nila.
"Halikayo, ipapakita ko sa inyo ang
mga prinsesat prinsipe," Sabi nang Hari
nang nakangiti at dinala sina Kian, Brian, at Aidan sa isang prinsesa, nanlaki ang mga mata nila nang nakita ang babaeng nasa harapan nila.
"Siya si Princess Avery, at sa tingin ko
ay magkasing edad lang kayo,"
"Princess Avery?, Eh parang siya rin
iyong pangit na nerd na kaklase natin
diba?" Saad ni Brian habang nakaturo ang daliri kay Princess Avery, Dahan dahang humakbang ang prinsesa papunta kina
sabay bulong sa tenga ko.
" Long Time No See. Kian,"
Bulong nang Prinsesa sa kay Kian,
Talagang nagsitayuan ang mga balahibo ni Kian sa kanya, Doon siya napaisip na talaga nga bang si Avery iyong prinsesa..