The Chosen Seven/C8 The First Battle
+ Add to Library
The Chosen Seven/C8 The First Battle
+ Add to Library

C8 The First Battle

Ngayon, Tignan natin kung paano mo maililigtas ang sarili mo sa mga kidlat nato!," Sigaw ni Drien sabay taas nang mga kamay at biglang may lumabas na kidlat mula sa kalangitan.

" Naku po, Sign na yata to na kailangan ko nang... UMILAAAAAG!, " Sigaw ni Kian at tumakbo nang mabilis si Kian upang makailag sa mga kidlat na balak siyang tamaan, Samantala, sina Brian, Aidan at Belle ay hinarap si Kanji at si Cyrus at Ella naman ay kinalaban si Rimack.

" YAAAHHH!," Sigaw ni Belle habang nakalabas ang kanyang Magic shield.

" Pati naman ikaw Belle may powers na rin?." Tanong ni Brian na halatang naiingget.

" Sa totoo niyan ay 4 na Buwan pa lang ako rito kaya medyo hindi ko pa namamaster ang powers ko,"

" 4 months ka na rito?, Eh 4 days ka palang nawawala dun sa Earth eh," Saad ni Aidan at napatingin naman si Belle.

" 4 days pa lang akong nawawala ron?,....... Kung ganun tama nga na magkaiba ang takbo nang oras dito sa mundong to at sa Earth, "

" Huh?, Mas lalo tuloy akong ninenerbyos sa mga nangyayari, ' Nanginginig na Saad ni Aidan.

" Kalimutan mo muna iyon, sa ngayon ay kailangan muna nating talunin tung pangit na unggoy nato para matapos nang labanan na to," Putol na Belle sa usapan sabay sugod kay Rimack.

Samantala patuloy paring inaatake ni Drien si Kian.

" Ano na?, Wala ka na bang ibang magawa kundi tumakbo?." Pangiinsulto ni Drien, at natapilok si Kian sa isang bato dahilan para siya'y madapa.

" Humph!, Tatanga-tanga ka kasi, At ngayon harapin mo na ang katapusan mo!," Saad ni Drien ngunit biglang sumulpot si Avery sa likod niya.

" Surprise!!," Nakangiting Saad ni Avery sabay labas nang kapangyarihan niya mula sa kanyang kamay.

"AAAAH!," Sigaw ni Drien na tumilapon dahil sa nangyari, agad na lumapit si Avery kay Kian at agad na sinabihan..

Kian, Hindi ko alam kung bakit ka pinalaban agad nang Hari rito sa mga labanan, pero kailangan mo munang magtago.

" Huh?, Bakit naman?. "

" Duhh!, Wala ka pang powers, Hindi mo siya matatalo kung kamay mo lang ang gagamitin mo, " Tugon ni Adira sabay alis sa harap ni Kian.

" HAHAHA, At sa tingin mo ba malakas ka na dahil sa ginawa mo sakin?, Humph!, Nagkakamali ka!. " Sigaw ni Drien sabay sugod kay Avery, Sunod-sunod na mahika ang lumabas mula sa kamay ni Drien, Mabilis na umilag si Avery at gumamit nang isang Magic shield upang hindi siya masaktan

"M-Masyado siyang malakas!, Imposibleng matalo ko siya sa pag-ilag lang," Nahihirapang Saad ni Avery ngunit dahil sa lakas nang mahika ni Drien ay nawasak nito ang Magic Shield ni Avery at natamaan siya sa balikat.

"Ah!,"

" Avery!," Sigaw ni Kian at mabilis na tumakbo patungo kay Avery.

" Hmmm, Worried ka?, Natatakot kang mamatay ang Girlfriend mo sa mismong harapan mo!,"

" Hoy!, Hindi ko siya Girlfriend,"

" Hindi ko siya Girlfriend, Eh Sino bang may pake?, Ang mas mabuti pa tapusin ko na kayong dalawa para matapos na ito," Naka Vile Smile na Saad ni Drien, agad na nag-ipon nang enerhiya si Drien sa kanyang mga kamay, parang isang buhawi ang lalabas.

" Lagot!, Mukhang katapusan na natin!," Sabi ni Kian sabay pikit nang mata, masuwerte silang nakaligtas nang prinotektahan sila ni Ella.

" Siguro mas kailangan mo pang galingan," Pangiting Saad ni Ella kay Drien, at isang malaking nagbubulang apoy ang lumabas sa kamay ni Ella, hindi nakaiwas si Drien kaya't natamaan siya dahilan para mahimatay siya, tumalikod si Ella at napangisi sa nakita niya.

" May naiistorbo ba ako?." Tanong ni Ella, napamulat si Kian at dun niya nalaman na nakayakap na siya kay Avery.

Ahhh!, P-Pasensya na!," Sigaw ni Kian at agad siyang bumitaw. "Avery, Hindi parin natin natatalo sina Rimack at si Kanji, Tara!," Utos ni Ella, at tumungo sila sa labanan sa pagitan nina Cyrus at Kanji.

" Samantala, sa labanan nina Rimack, Belle, Brian at Aidan.

" May plano ako, Brian umupo ka, at yumuko ka na rin," Utos ni Belle, umupo at yumuko agad si Brian at pinatong ni Belle ang isa niyang paa sa ulo nito. " Aidan, l distract mo iyang pangit na iyan!,"

"Okay," Saad ni Aidan. Bumuntong Hininga ito at agad na tumakbo.

"At saan mo na naman balak pumunta?." Tanong ni Rimack na talagang bahagyang ngumiti, Ligtas na nakakailag si Aidan sa mahika na hinahagis sa kanya ni Rimack, Samantala, Bumwelo si Belle at mabilis na umatake kay Rimack, para siyang isang bulalakaw sa kanyang pag atake kay Rimack, nang humarap si Rimack kay Belle ay hindi niya namalayang tinapunan na siya nang isang mahika sanhi para tumilapon siya.

" Problem Solved!," Ngiting sabi ni Belle." Kayong dalawa tulungan natin si sina Cyrus," Maamong Saad nito, mabilis silang tumakbo papunta kina Cyrus at naabutan nilang kinakalaban nila si Kanji.

" Kahit tatlo kayo hindi niyo pa rin ako matatalo," Pagmamayabang nito, agad na pumunta sina Belle sa labanan at sinabing.......

" Mali ka!, Pito laban sa isa!," Sigaw ni Belle, Nagkasalubong ang mga kilay ni Kanji at sinabing...

"Hindi pa ito dito natatapos!," Sigaw niya at naglaho siya kasama ng kanyang mga kasamahan.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height