C9 The Ball of Masquerade
" Sa palasyo ay maraming mga tao ang nagtitipon para marinig ang anunsyo nang Hari.
Ano kaya iyon?, Magdidiwang kaya?." Bulongan nang nga tao hanggang sa dumating na ang Hari at masayang sinabing............
" Mga Royal Families, Royalties at sa iba pang mga taong pinagkakatiwalaan ako, Dahil sa natapos na ang aking misyon na kumpletuhin ang 7 taong pinili nang buwan ay nais kong magsaya tayong lahat, Tayo ay magkakaroon nang..... .Masquerade Ball!, " Anunsyo nang Hari sa mga tao, abot tenga ang ngiti nang mga tao at naghihiyawan pa sa tuwa, samantala sina Kian, Brian, Aidan, Avery at ang iba pa ay bumalik na ulit sa kanilang mga normal na edad.
" Ah, Ano ba itong Masquerade Ball?. " Tanong ni Avery nang nakataas ang kanyang isang kilay at sinagot naman siya ni Kian.
" Masquerade Ball, Isa itong party na pinagdiriwang nang mga royals, ito iyong party na nagsusuot ka nang mask, pero alam niyo ba?, karamihan sa napapanood ko ay hindi alam nang karamihan kung sino iyong sinasayaw nila sa party, pag nagustuhan nila iyong taong nakasayaw nila ay hahanapin nila iyon, "
Oo nga, Alam ko na ngayon, Marami rin nga akong napapanood tungkol diyan, Saad nito, tumungo ang pitong pinili nang buwan sa kanilang tambayan kung saan sila nagkuwekuwentuhan.
" Ah Guys!, May naisip na ba kayo kung sino ang makakasayaw niyo sa Ball?." Tanong Ni Cyrus, natahimik ang lahat at napataas ang isang kilay, pero tumitig si Brian kay Ella.
" Basta ikaw lang Ella sapat na," Pangiting sabi ni Brian,"
" Humph!, Asa ka, Hindi ikaw ang tipo kong lalaki noh!," Sita ni Ella, tumayo si Cyrus sa inuupuan niyang patungan at sinabing.....
" Huwag muna nating isipin iyan, sa tingin ko ay magsanay muna tayo para mas gumaling pa tayo,"
" Oo, Sang-ayon ako sayo, " Saad ni Avery nang patango, tumungo ang pito sa training area kung saang maraming nageensayo (Samantala sa silangang bahagi ng Planet Haesis)
"Pagbabayaran nila ang ginawa nila, Hindi ko palalampasin ang ginawa nilang pagtalo samin," Magkadikit na kilay na Saad ni Drien tumungo siya sa kanyang silid at kinuha bolang Crystal.
" Bolang Kristal, ipakita mo sakin ang mga nagbabait-baitang mga bata. Aniya nito, at dahan-dahang ipinakita nang bolang kristal sina Kian at nakita ni Drien na nagsasanay ang mga ito.
" Guys!, Excited na rin ba kayo sa Masquerade Ball?. " Tanong ni Aidan habang pinoprotektahan ang sarili gamit ang espada.
" Sa totoo niyan kinakabahan ako para kasing may masamang mangyayari!," Tugon ni Kian, napangisi si Drien sa narinig.
" Humph! Dapat ka lang kabahan bata, dahil talagang may mangyayaring masama sa party niyo mamayang gabi HAHAHAHA HAHAHAHAH!," Malakas na Tawa ni Drien, samantala, sa training area ay napatumba ni Kian si Cyrus gamit ang espada.
Wow!, Saan mo natutunan iyong fighting technique na iyon, Kian?. " Tanong ni Cyrus, tinanggal ni Kian ang espada sa harap ni Cyrus at sinagot ang tanong niyo.
" Hehe, Natutunan ko lang iyan sa mga Fantasy shows katulad nang anime, at medyo natuto rin ako nang matial arts.,"
" Nanonood rin ako nang mga anime......... Pero hindi ko alam na puwede kang matuto ng mga fighting skills," Ani ni Cyrus, tinulungan ni Kian si Cyrus na makatayo. " Atleast paano gumaling ka Kian, nagtataka lang ako kung bakit hindi mo ginamit iyang fighting skills na iyan," Aniya nito.
Samantala si Drien, Rimack at Kanji ay gumawa nang plano para sugurin at sirain ang Ball of Masquerade.
Gumawa ako nang isang plano na kung saan ay papababagsakin ang The Chosen Seven na iyon," Saad ni Drien, at inilabas niya ang isang potion na kulay berde.
" Ah, Ano naman iyan?." Tanong ni Rimack, NakaVile Smile na tumugon si Drien.
" Malalaman mo rin...., "
Naghahanda na ang lahat para sa Masquerade Ball, nakahanda na ang mesa, mga dekorasyon at siyempre ang mga pagkain.
" Excited na ako mamaya, Ito na ang first Masquerade Ball na mararanasan ko," Abot tengang ngiting Saad ni Brian, Tumingin si Kian sa bintana at nakita ang papalubog na araw.
"Ilang oras na lang ay magsisimula na ang Party, Kailangan na rin siguro nating maghanda, "Aniya nito.
Ilang oras ang nakalipas ay sa wakas magsisimula na ang party, marami na agad ang mga taong dumalo at nag-uusap habang umiinom nang wine, samantala sina Avery, Belle At Ella ay nakasuot nang ballgown at para silang mga prinsesa sa suot nila habang sina Cyrus at ang iba pa ay nakasuot nang damit panprinsipe.
" Guys, Ang dami namang matatanda rito, para tulo'y sila iyong mga prinsesa't prinsipe," Saad ni Brian, napangisi si Kian at nakaisip nang ideya.
" Kung ganun bakit hindi na lang natin gamitin iyong powers nating tumanda, Ayos na rin iyon para mas maging komportable tayo sa party," Ideya ni Kian, Napatango ang lahat at lumipat sila sa ibang puwesto at naghanda.
" Tara Guys!, Mag transform na tayo!," Utos ni Cyrus at unti-unting lumiwanag ang katawan nila at napuno nang liwanag, at nang nawala ito ay naging mga binata na ulit sila.
" Yes!, Namiss ko tong katawang to," Ngiting Saad ni Brian habang niyayakap ang sarili, mabilis silang bumalik sila sa party at nagsaya.
(samantala, sa kaharian nang Nomonia kung saan naninirahan sina Drien)
" Drien, nagsisimula na ang Masquerade Ball," Saad ni Kanji.
" Huwag kang masyadong magmadali Kanji, Kaunting oras na lang ay mangyayari na inaasam-asam natin," Saad ni Drien, samantala, inanunsyo na nang Hari na simulan na ang Ball of Masquerade, Nakamask na ang mga tao at ang lahat ay uminom nang wine maliban kina Kian.
Mas mabuti pa iyong juice kaysa sa wine hindi ba, mas masarap pa," Saad ni Kian sabay inom ng iuice napatingin si Brian sa Taas at nanigas sa nakita niya.
" Ah Guys, Ako lang ba o parang may mga dragon na paparating rito," Aniya nito, tumingan sina Kian sa taas at nanlaki ang mga mata nila sa nakita.
" Naku po!, Sina Drien!," Sigaw Ni Kian
" HUWAAHAHHAHAHA," Halakhak ni Drien, nilagay ni Drien ang ginawa niyang potion sa kanyang evil wand at biglang lumabas rito ang mga kulay berdeng mahika na tinama niya sa mga tao, at nang tamaan ang mga tao nang mahika ni Drien ay nanigas ang mga ito kabilang na ang Hari.
" T-Teka, Naninigas ang mga tao?. " Tanong ni Brian nang nakataas ang isa niyang kilay.
" Mag-ingat kayo!, Wand niya ang dahilan kung bakit Naninigas ang mga tao, Huwag kayong magpapahuli!," Ani ni Cyrus, Sa pamamagitan nang kanilang magic powers ay na suot nila ang kanilang Magical armors, Bumaba mula sa Dragon niya si Drien kasama ang mga kapatid niya at sinabing.......
" Kamusta kayo The Chosen Seven, " NakaVile smile na Saad nito.
" Ikaw na naman Drien?!," Pasigaw na Tanong ni Cyrus, pilyong sumagot si Drien.
" Hehe, Nice to see you too,"
" Hay Naku!, Kailan ba kayo titigil sa kaka atake samin?." Tanong ni Brian, Napangisi si Drien at sinagot ang tanong nito.
" Simple lang naman, Titigil kami......... Kapag mawawala na kayo sa mundong to!, " Sigaw ni Drien sabay tama nang kanyang wand sa pitong batang pinili nang buwan, nakailag ang lahat at nag grupo-grupo sila para talunin ang tatlo, si Belle at si Aidan laban kay Kanji, Si Brian at Ella laban kay Rimack, at si Kian, Cyrus at Avery laban kay Drien.
Marahas na ginamit ni Drien ang kanyang Wand at patuloy na pinapatamaan sina Kian, mabuti na lang ay nakakailag sila at may kapangyarihan rin sina Cyrus at Avery.
" Pasensya na Guys, Hindi ako makakatulong wala akong powers," Pagpapaumanhin ni Kian.
" Ayos lang, ikaw na lang ang mag distract sa kanya para matalo namin siya," Saad ni Cyrus tumango si Kian at dinistract si Drien, Samantala patuloy na ginagamit ni Ella ang Magic Shield para maprotektahan sila laban sa mahika ni Drien.
" Bakit ganun?, Bakit parang mas lumakas siya?." Tanong ni Ella na nahihirapan dahil sa lakas nang mahika ni Rimack, dahil sa inis ni Drien ay ginawa niya na ang plano niya.
" Naiinis na ako, Kailangan matalo na kayo!," Saad nito sabay kuha nang isa pang potion sa kanyang bulsa, itinapon niya ito sa taas at ginamit ang kanyang Wand para lagyan pa ito nang mahika.
" Kinakalat niya ang potion na iyan sa buong paligid!, Kapag kumalat iyan siguradong katapusan na natin!, " Saad ni Avery nang nakatingala sa taas, at habang tumatagal ay lalong lumalakas ang puwersa nang Magic ni Drien sa potion
[BOOOOM!]
" AAAAAHHHHH!," Sigaw nina Avery at tumilapon ang lahat pagkatapos sumabog ang potion.
" HAHHAHA!, Bingo!, " NakaVile Smile na Saad ni Drien. "Ngayon sino ang uunahin ko sa invona pito?." Tanong ni na Saad ni Drien. " Ngayon sino ang uunahin ko sa inyong pito?." Tanong ni Drien habang nakalabas ang mahika niya mula sa kanyang kamay, nanlaki ang mga mata niya nang bigla siyang inatake ni Ella gamit ang kapangyarihan nito.
" Humph!, Iyon lang ba ang kaya mo Girlie?." Pagmamayabang ni Drien sabay tama nang kanyang mahika kay Ella, dahil sa lakas nang mahika ay napatilapon ulit si Ella at nawalan nang Malay.
" Ella!," Sigaw ni Brian, Lumapit si Drien sa walang malay na si Ella at sinabing.......
" Walang Kuwenta, Siguro mas mabuti pang tuluyan ko na kayong lahat para wala nang sagabal sa mga plano ko," Saad nito at naglabas si Drien nang madilim na mahika mula sa kanyang kamay at habang tumatagal ay lumalaki ito at nang somobra na nag laki ay inihagis niya na ito sa amin ngunit napatigil siya nang biglang sumugod si Brian at sinubukang pigilan ang mahika. " A-Ano iyan? ." Tanong nito, Nakita ni Drien na sinusubukang pigilan ni Brian ang malaking mahika
" Hindi ako makakapayag........ na saktan mo ang mga kaibigan ko!, AAAAAAHHHH!," Sigaw ni Brian.
Hindi!, Hindi nangyayari to!," Sigaw ni
Drien
"AAAAAAHHHHG," Sigaw ni Brian at biglang may liwanag na lumabas mula sa mga kamay niya at habang tumatagal ay mas lalong pa itong lumiliwanag na para itong sasabog, dahil sa dilaw mang liwanag ay napatakip sina Kian nang mukha, dahil sa liwanag ay nagkakaroon nang puwersa sa Brian na ihagis ito,
inihagis ni Brian ang itim na mahika papunta kina Drien.
" HINDIIIIIII," Sigaw nang tatlo at tumilapon sila nang napakalayo.
" Mukhang tapos na," Saad nito
" Tapos na ba?." Tanong ni Aidan, naglike symbol si Brian gamit ang kanyang kamay, Ngunit dahil sa lakas na ginamit niya kanina ay unti-unting pumipikit ang mga mata niya at bumagsak sa lupa dahil sa hina.
" Naku po!, Brian," Nanlalaking matang Sigaw ni Kian sabay takbo papunta kay Brian, binuhat ni Cyrus si Ella at binuhat naman ni Kian si Brian, ang lahat ay bumabalik na sa dati kabilang na ang Hari.
" Mahal na Hari!, Mabuti naman at bumalik na kayo sa dati, " Ngiting sabi ni Kian, Inayos nang Hari ang damit nito at nagtanong.
" Anong nagyari sa kanilang dalawa?."
" Well, Nahimatay si Ella dahil kay Drien, habang si Brian naman ay nanghina dahil sa lakas na ginamit niya kanina!, " Tugon ni Kian.
" Okay, Ngayon dalhin na natin sila sa mga silid nila kailangan nilang magpagaling at ibalik ang mga lakas nila, " Saad nang Hari, idinala nila ang dalawa sa mga silid nito at hinayaang magpagaling, dumating ulit ang Hari sa Ball of Masquerade at sinabing....
" Huwag kayong matakot, Tuloy ang Ball!," Sigaw nang Hari.
Pagkatapos dalhin ang sina Brian at Ella sa silid nito ay nag usap sina Avery.
" Alam niyo ba kung ano iyong liwanag na lumabas sa kamay ni Brian?." Tanong ni Aidan
"Iyon...... Iyon ang Liwanag nang Buwan, Posibleng nakuha niya na ang kapangyarihan nito," Maseryosong Tugon ni Avery, Napatanong naman ulit si Aidan rito.
" Kung ganun paggising niya ay may kapangyarihan na rin siya gaya niyo?."
" Sa tingin ko Oo, Nakuha niya ang kapangyarihan niya dahil sa galit na sinaktan ni Drien si Ella, " Tugon ni Avery, Nagtanong naman si Kian upang siya'y maliwanagan.
" So ibig mong sabihin ay dapat magalit rin kami para magkaroon kami ng powers?. "
" Alam ng buwan kung sinasadya niyo lang magalit, hindi naman tanga yung buwan noh!," Tugon ni Avery ng nakakross ang mga kamay, sumimangot si Kian at si Aidan at hindi malaman kung ano ang gagawin para
magkaroon rin sila ng powers.......