C1 Chapter One
"Happy birthday~ Happy birthdayyyy~ Happy birthday to youuu," Kanta naming dalawa ni Mama kasabay ng pagkumpas at palakpak ng dalawang kamay ko. Si Mama ang may hawak ng Chocolate cake at mababakas ang kaligayan sa kaniyang malapad na ngiti.
Nang matapos ng pagkanta namin ay agad kong sinindihan ang candle na nakabaon sa gitna ng cake na sumisimbolo ang numberong siyam.
"Oh, make a wish and blow the cake," Sambit ko sa kanilang dalawa na nakaupo lang sa hospital bed at magkatabi. Nakangiti si Venz habang si Vanz naman ay napapakamot sa batok na halatang nahihiya pa. I smiled at that thought. Even if they're getting older as days goes by, they're still my baby brothers.
"Thank you ate at Mama!" Sabay nilang sambit. Lumapit si Mama sa kanilang dalawa habang hawak-hawak ang cake. Kinunan ko naman sila ng litrato habang dahan-dahan nilang ipinikit ang mga mata tanda na sila'y humihiling. I took some shots of them and after that, they finally blow the candle.
"Happy birthday mga anak kong makukulit!" Mahigpit na niyakap ni Mama ang kambal matapos niyang ipatong ang cake sa lamesang nasa gilid. I was smiling ear to ear seeing them happy.
Agad nilang binigyan ng halik si Mama sa pisngi. Nakangiti naman ako habang kinukunan ulit sila ng litrato.
"Ate," Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ng kambal. Nilagay ko sa bulsa ang cellphone at mabilis na naglakad palapit sa pwesto nila. Alam kasi nilang 'di sila pwedeng maging malikot nang husto dahil may nakakabit na swero sa kanilang dalawa.
"Pasensya na nga pala dahil isang cake lang ang nabili namin ni Mama," Mabilis ko silang ginawaran ng halik sa noo. Umupo ako sa hospital bed na nasa harapan nila, ang higaan ni Venz. Tabi kasi sila ngayon na nakaupo sa higaan ni Vanz.
"Ok lang 'yun ate, kambal naman kami kaya dapat share-share lang kami," Ani Venz. Sobrang saya nang mukha nilang dalawa ni Vanz. Ang cute talaga ng kambal na 'to. Nakangiti pa si Vanz sa'kin habang naniningkit ang mga mata. Masaya ako dahil nakikita ko silang masaya.
"Oh basta, dapat always behave kayo dito sa hospital ah, baka sa susunod na birthday n'yo ay sa bahay na natin mace-celebrate," Pagpapalakas ng loob ni Mama sa kanila. Tumayo s'ya at nag-slice ng cake sa lamesa. Nagsigawan naman silang dalawa dahil sa excitement na makakain.
"Oo nga, tapos lahat ng friends n'yo ay pupunta. Maglalaro kayo dun, maghahabulan hanggang matapos ang handaan." Dagdag ko pa. Nakadagdag iyon sa pagliliwanag ng kanilang mukha.
"Yeyyy! gusto ko ng lumabas dito sa hospital!" Vanz yelled at nagtitigan silang dalawa ni Venz, mukhang pareho sila ng iniisip. Kambal talaga.
"Gusto naming pumunta ng park!" Excited na saad ng dalawa. Gustong-gusto na talaga nilang makalabas dito sa hospital. Hindi ko sila masisisi. Sino ba namang taong gustong nasa hospital lang na nakakulong? Hindi mo nakikita ang nangyayari sa labas at tila wala kang kalayaan.
3 months na din ang nakalipas simula nang ma-confine silang dalawa dito. Nagsimula ito no'ng nagkaroon ng symptoms si Venz na tila na-over fatigue s'ya.
Isang week lang pagkatapos no'n ay sumunod naman si Vanz. Sabi ng doctor, dahil identical twins sila ay may 1-5% na chance na makuha din ng isa ang sakit ng kambal n'ya. Unfortunately, nagkaroon nga si Vanz ng parehong sakit.
Pinanood ko lang silang dalawa habang sinusubuan sila ng cake ni Mama. They suffered from one of the common disease called 'Childhood Acute Lymphoblastic Leukemia'. Stage 2, Intermediate risk. Ang advise ng doctor ay kailangan nilang sumailalim sa chemotherapy.
Napawi ang ngiti ko nang mapansin ang maliliit na pasa nila sa iba't-ibang parte ng kanilang katawan. Mapapansin talaga ito kapag malapitan kahit pa na nakasuot silang dalawa ng hospital gown. Napalunok ako. Oo nga pala, dahil may leukemia sila, nagkakaroon din sila ng mga bruises.
Patuloy ko lang silang sinusundan ng tingin. Nag-uunahan kung sino ang unang susubo sa cake na nasa kutsara. Nagtatawanan na parang madali lamang ang lahat ng pinagdadananan nila at tila walang iniindang karamdaman.
Nasasaktan ako para sa kanila. Napakabata pa nila para maranasan ang ganito. Ano kaya ang magiging reaksyon ng ama namin kapag nalaman niya ang kalagayan ng pamilya namin ngayon? Agad ko itong iwinaksi sa isipan. I shouldn't be thinking of him, but I can't help it.
Alam kong hindi naman kami mayaman pero may kaya ang pamilya namin dati. Walang trabaho si Mama as of now, dahil kasi sa edad n'yang 52, masyado ng nadi-discriminate kapag usapang matataas na trabaho, Mas gusto nila 'yung mga bata o katatapos lang sa kolehiyo.
Kahit ilang months na rin ang nakaraan mula no'ng na-confine ang kambal dito, hindi pa rin ako nasasanay na hindi ko sila madatnan sa bahay kapag uuwi o makikita bago pumasok sa school.
"Carren, kumuha ka na ng cake mo d'yan sa lamesa ah, kain ka lang d'yan. Subuan ko lang ang mga kapatid mo." Nguso n'ya sa direksyon ng lamesa kung sa'n nakapatong ang na-slice ng cake. Tumango lang ako sa kan'ya.
"Sige lang ma, hindi pa ako kakain. Pwede bang lumabas muna ako? ka-kape lang sandali." Paalam ko. Wala naman s'yang nagawa kundi ang tumango. Tumayo na ako at nagpaalam sa kambal. "Oh, kayong dalawa, babalik din ako dahil maglalaro pa tayo mamaya ah!"
"Sige sige ate!"
"Balik ka agad ate ah,"
"Balik ka agad, Carren. 'Wag masyadong lumayo." Bilin sa'kin ni Mama. Nginitian ko lang s'ya at tumango. Agad akong lumabas ng kwarto.
Nang makalabas, napasandal na lang ako sa pintuan at napatitig sa kawalan. Tila ba nag-flashback ang lahat sa isipan ko. 11 na taong gulang lang ako no'n pero sariwa pa rin sa alaala ko. An 11 year old kid already knows how to think. I just can't help it. Siguro kung naging mabuting ama siya, he could have lead our family at the right path.
"M-Ma, n-nakita ko si Papa may kasamang babae sa park. Bakit magkasama sila?" Naguguluhan kong saad. Walang tigil ang kalabog ng puso ko habang sinasabi ang mga katagang ito kay Mama.
Naglalaro lang kami ng mga kaklase ko kanina sa park dahil na-suspend and afternoon class nang makita ko si Papa habang may kaakbay na babae.
"C-Carren? ba't ang aga mong umuwi? wala ka na bang klase? teka, ano bang sinasabi mo?" Tinitigan ako ni Mama, matindi ang kabang nararamdaman ko. Siguradong-sigurado ako sa nakita ko. Alam kong malaki ang chance na paniwalaan ako ni Mama dahil malaki ang tiwala n'ya sakin at hindi din ako nagsisinungaling sa kaniya.
"Una na ako, Selva." Paalam sa kan'ya ng isa naming tenant na nadatnan kong kausap n'ya kanina. Mukhang kasisingil lang sa kaniya ni Mama ng upa sa aming paupahang apartment.
"S-sige," Nauutal na tugon ni Mama. Hinawakan n'ya ako sa magkabilang braso bago marahang tinitigan sa mata.
"A-Anak, nakita mo? a-ah..." Napatigil siya at tila ba'y naging malalim ang pag-iisip. I saw pain in her eyes that she must have endured for too long. "N-nasaan ang Papa mo?" nanginginig ang boses niya. Kahit sa murang edad na ito, alam ko ang nangyayari. Alam ko kung anong ginawa ni Papa sa'min. Alam ko kung ano ang ibig-sabihin nang makitang nakikipag-halikan siya sa isang babae sa park habang inaakbayan ito.
"O-opo, Mama! s-sa park." Sumbong ko. Pinagmasdan ako ng ilang segundo ni Mama. May mga luhang nagbabadya sa kaniyang mga mata.
"D-dapat hindi mo na nakita! dapat hindi na." Napapailing siya na para bang may isang reyalisasyong naisip. Pinunasan n'ya ang luha gamit ang likod ng kaniyang palad. "A-ang tanga ko, ikaw pa ang nagpamulat sa akin na dapat ko ng hiwalayan ang Papa mo," nanginginig siya.
"M-Mama... bakit gano'n si Papa?" Naguguluhang tanong ko. Napaluhod si Mama at umiyak nang umiyak, napapailing habang nakatitig sa semento dito sa garahe. Unti-unting kumawala ang mga luha sa mata ko habang nakatitig lang sa kaniya.
Napahilamos si Mama sa mukha at halatang stress na stress na mula sa pag-aalaga sa amin.
"S-sorry, Carren. A-alam ko ng may iba ang Papa mo pero hindi ko agad siya hiniwalayan. Bakit kailangang makita mo pa ang lahat? dapat hindi mo na nakita... I totally regret that I married a man like him! gabi-gabi kong iniisip kung anong nagawa ko para humantong sa ganito ang buhay ko!" Sigaw n'ya at nagpupuyos sa inis at hinanakit. Ngayon, nakita ko si mama na nasasaktan at parang nanggagalaiti dahil sa sakit na nararamdaman. Patuloy sa pag-iyak si Mama. Puno ng pagsisisi.
Lumapit ako kay Mama. Agad n'ya akong niyakap nang mahigpit sa gitna ng kaniyang pag-iyak. Hindi ko alam kung saan nagkulang si Mama o kung bakit naging ganito ang buhay namin. Si Mama ang pinakamahalagang tao sa buhay ko at kahit kailan ay alam kong ginagawa niya ang lahat para sa'min-sa'kin.
Nakarinig kami ng sunod-sunod na pag-iyak ng mga sanggol. Agad na tumayo si Mama at hinawi ang mga luha n'ya. Parang winawasak ang puso ko dahil sa nasaksihan.
"P-pupuntahan ko lang ang mga kapatid mo." Narinig kong wika n'ya bago tumakbo papasok sa loob ng bahay. Napansin ko pa ang tuwalya sa may balikat n'ya. Ganito si Mama kapag inaalagaan ang kambal. Mga sanggol pa lamang ang mga kapatid ko.
Ang kambal na anim na taong gulang ngayon... Ang mga kapatid kong walang kinikilalang ama.
Simula no'ng araw na iyon, ang gusto ko na lang ay makatulong sa pamilya ko. Siguro may rason kung bakit ako ang nakasaksi no'ng eksena na iyon sa park pero dahil doon, tinukso ako ng mga kaklase ko.
Masakit sa isang anak na makita iyon, pero mas masakit ang makita mong nasasaktan ang Ina mong nagluwal sa'yo dahil sa maling desisyong pinili ng Ama mo.
Noong araw na iyon, hindi na kami nagpaalam pa kahit kanino. Agad kaming umalis sa lugar na iyon na umalis. Sabi ni Mama, nahakot n'ya lahat ng lakas na iyon dahil sa amin. Kailangan niyang magpakatatag para sa aming mga anak n'ya. Tila marami siyang napagtanto.
Lagi niyang sinasabi sa'kin na kami ang lakas niya.
Bumyahe kami noon ng pagkalayo-layo para umalis sa lugar na 'yon at napadpad kami rito. Dala-dala n'ya kaming tatlong anak niya. Bitbit ko si Vanz nong mga panahong iyon at si Venz naman ang bitbit ni Mama. Sa paraan ng pag-akap n'ya samin, tila naramdaman kong gustong-gusto nya kaming protektahan.
Masamang tao ang lalakeng iyon. Masamang tao ang lalaking minsan ko ng tinawag na Ama. Ilang beses na siyang nakulong ngunit gamit ang kakayahan ng pamilya namin, madali lang siyang nakalalabas. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na anak n'ya ako. Hindi ko na ako magtataka kung bakit gano'n na lang ang reaksyon ni Mama ng sambitin ko iyon sa kanya, dahil alam nya kung ano ang kayang gawin ng pinakasalan n'yang lalake.
Mabuti at agad namulat si Mama sa pagkakataong 'yun, nang sabihin ko sa kan'yang nakita ko si Papa na may nakasamang ibang babae, napagtanto n'yang hindi na niya kaya ang magtiis, dahil sa ilang taong pagsasama nilang dalawa ni Papa, halos araw-araw na siyang nagtitiis... Para sa'min.
Simula no'ng magpakasal si Mama at Papa, Bumukod na sila ayon sa sinabi sa'kin ni Mama. Hindi n'ya na alam kung naroon pa ba sa dati nilang bahay ang kanyang mga magulang o wala na. Ni minsan ay hindi na ito nakabisita sa kanila, dahil na rin siguro sa layo ng lugar. Hindi n'ya na inalam kung patay na ba ito o buhay pa. Ayaw rin kasi ng lalakeng pinakasalan nya na bumisita sya mismo sa lugar ng mga magulang n'ya dahil kami na daw ang bago nyang pamilya. Makasarili talaga. Pero alam ko namang gusto pang makita ni Mama ang magulang n'ya, siguro'y natatakot lang s'yang iwan kami rito. Natatakot na baka kapag sinama n'ya kami sa kanya ay malaman ng magulang nya ang ginawa ni Papa sa kanya.
Oo at hindi naman ako masyado sinasaktan ni Papa pero madalas kong natutunghayan na sinasaktan n'ya si Mama. Pinagbubuhatan ng kamay at kung ano-anong pag-aakusa ang ginagawa n'ya.
Palagi s'yang naiinis dahil mas inaasikaso ako ni Mama, lalo pa no'ng dumating ang kambal. Napakawala n'yang kwentang Ama. Napag-alaman ko ding minsan ay umuuwi s'ya ng babae sa bahay, si Mama mismo ang nakakita.
Nagsimula kami ng panibagong buhay. Wala ng pakialam si Mama sa naiwan namin do'n. Kahit may kaya ang pamilya namin ay hindi na iyon alintana ni Mama. Ang mahalaga ay magkasama kaming apat ngayon, at 'yun ang mahalaga.
Namuhay kami ng wala s'ya... At laking pasasalamat namin nang hindi na n'ya kami hinanap.
Kaya nga kapag kaharap ko ang mga kapatid ko, kailangan kong iparamdam ang positivity ng buhay. Kahit lubos akong nalulungkot dahil sa lagay nila, hindi ko ito pinaparamdam dahil alam kong magiging malungkot din sila.
Uh yeah, this is my life. My life means my Family.
Nabalik ako sa reyalidad nang biglang tumunog ang speaker ng ospital. Bumuntong hininga ako bago naglakad sa mahabang hallway.
Agad akong napahinto nang tumunog ang cellphone ko. Tinitigan ko muna ang screen ng ilang segundo bago sinagot ito. Hinanda ko na ang sarili sa anumang balita ang matatanggap ko.
"Carren, napalitan ka na sa pwesto. Wala ka ng trabaho." Napapikit ako dahil sa narinig.