The Days Of Sunshine/C2 Chapter two
+ Add to Library
The Days Of Sunshine/C2 Chapter two
+ Add to Library

C2 Chapter two

Nang makabili ng kape sa 'di kalayuang tindahan malapit sa ospital ay napag-desisyunan kong bumalik na agad dahil baka hanapin ako ni Mama at ng mga kapatid ko, sabi ko kasi ay babalik ako agad.

Ngayon pa talaga ako nawalan ng trabaho. Ilang araw nga lang ako hindi pumasok, napalitan na agad ako. Nitong mga nakaraang araw kasi ay busy sa school at gabi na ako nakakauwi. Hindi na ako nakakahabol sa trabaho dahil tinutulungan ko pa si Mama pagdating sa bahay at dito sa ospital. Pero ayos lang, meron pa namang ibang paraan. 'Yun nga lang, ano? ang hirap makahanap ng pera ngayon lalo pa't estudyante lang ako.

Kung kailan kami nag-iipon para sa treatment ng dalawa kong kapatid, saka naman 'to nangyari. Sana makahanap uli ako ng mas magandang trabaho. 'Yung medyo malaki ang sahod. Cashier lang naman kasi ang naging trabaho ko nitong mga nakaraang linggo at mababa ang sahod, 24 hours kasi 'yong burger station at pang-6 hanggang 10 ako ng gabi.

Bumuntong-hininga ako at saka tinahak ang mahabang hallway pabalik ng kwarto ng kambal. May mga nagdadaanang mga nurses habang tulak-tulak ang mga pasyenteng naka-swero, meron ding mga taong naglalakad ng kasalungat sa'kin at kapwa may sariling mundo.

Mag a-alas otso na rin ng gabi, patapos na ang visiting hours.

Huminto ako nang makarating sa tapat ng kwarto ng mga kapatid ko at agad na pinihit nang dahan-dahan ang doorknob. Semi-private room ang kinuha namin para nang sa gano'n may privacy din kahit papaano. Dalawang pasyente lang kada-kwarto kapag gano'n. Siguro nga ipapalipat na lang sila ng kwarto dahil mas magastos. Oo at marami kaming naiwan sa dati naming lugar, pero nang pumunta kami sa lugar na ito ay may nadala naman si Mama ngunit tiyak kong naubos na ito simula nong in-admit ang kambal sa ospital. Pinakatago-tago n'ya itong pera pero dahil emergency at buhay na ng kambal ang pinag-uusapan, kailangan ni Mama galawin ang pera.

"Ate!" Sigaw nila ang bumungad sa'kin. Agad akong ngumiti at lumapit sa kanila. "Oh, asan si Mama?" Tanong ko nang mapansing wala sa kwartong ito si Mama.

"Nag-usap lang sila ni Doc, babalik din 'yun." Ang nurse na nakatayo sa gilid ang sumagot sa tanong ko. Nilaro ko naman ang buhok ng kambal. Siya si ate Chaine, simula no'ng ma-confine ang kambal ay siya na ang madalas kong makitang nag-aasikaso sa kanila. Wala akong alam sa trabaho nila kaya hindi ko tiyak ang mga bagay tungkol diyan.

"Ate, play pa ba tayo?" Inilipat ko ang tingin kay Venz nang kalabitin n'ya ako. Tila ba'y kumukutitap ang mukha nilang dalawa habang naghihintay ng sagot mula sa 'kin.

"Sige na ate, pleaseee...." Pangungulit pa nila habang dahan-dahan akong inaalog sa braso. Umakto naman ako na parang napapaisip nang malalim habang nakatingin sa taas upang inisin sila.

Patuloy pa rin sila sa pangungulit sa'kin. Napaka-cute lang nila! Kapag bumibisita talaga ako rito ay nilalaro ko talaga ang dalawang 'to bago kami makauwi ni Mama. Kailangan din kasi nilang magpahinga pagkatapos ng visiting hours. Madali lang din silang hingalin at mapagod, dahil na rin sa kalagayan nila. No'ng kaco-confine lang nila ay nakatambay lang kami rito sa Hospital upang bantayan sila ngunit napagtanto naming mas mainam na ituloy pa rin namin ang buhay sa labas ng Hospital na ito. May mga responsibilidad pa kaming kailangang gawin. Sa'kin ay ang pag-aaral ko at ang pagre-review o trabaho na ngayon ay wala na.

Kiniliti ko silang dalawa. Naglaro pa kami ng bato-bato pick, whisper challenge, paunahan ng pagsasagot sa mga binibigay kong mga basic questions katulad na lang ng related sa mga numbers and letters.

Napatigil kaming tatlo nang unti-unting bumukas ang pinto nitong kwarto.

"Oh, Ma," Sambit ko. Nginitian kami ni Mama at mabilis na sumali sa laro namin.

-

"Ma, natanggal ako sa trabaho." Nakayuko ako habang sinasambit ang mga salitang 'yan. Agad namang sumagot si Mama na ikinaginhawa ng kalooban ko.

"Ayos lang 'yun nak, may iba pa namang solusyon. Marami pa." Her voice is reassuring.

Naglalakad kaming ngayon sa gilid ng kalsada. Mula nang makababa ng bus kanina ay nilakad na lang namin hanggang sa tinutuluyan namin. Gabi na rin kasi at wala ng mga pumapasada na mga tricycle sa mga oras na ito. Sanay na rin naman kami ni Mama sa ganitong sistema. Pero mas sanay si Mama sa ganitong estado.

Ganito rin ang ginagawa ni Mama araw-araw, samantalang ako... maghihintay lang sa kan'ya sa apartment na inuupahan namin kapag kauuwi lang galing ng paaralan. Buti na lang ay naipon ko ang sweldo ko kaya nakapag-bayad na rin ako ng upa kahapon.

"Nak, nga pala... nakausap ko si Doc. kanina. Kailangan na talaga nating makapag-ipon para sa therapy ng kambal Napag-desisyunan ko rin kanina na iwanan muna sila kay Chaine." Dire-diretsong sambit ni Mama dahilan para matigilan ako sa paglalakad at agad na tiningnan siya. May bahid ng lungkot at awa ang tinging ipinukol ko sa kaniya.

"Syempre, magiging abala na tayo kasi nga kailangan nating mag-ipon. Hindi biro ang laki ng halaga na kailangan natin. Mas ti-triple ang kailangan nating pagti-tipid, kaya nga nag-decide ako na hindi tayo araw-araw makabibisita sa mga kapatid mo para iwas sa gastos." Paliwanag n'ya. Napabuga ako ng hangin, itinuloy na namin ang paglalakad ngunit nakayuko lamang ako.

"Ma, malulungkot 'yung dalawa na 'yon." Komento ko. Napasimangot ako habang inaalala ang mukha ng mga kapatid ko. Pero ano pa nga ba ang magagawa namin? kailangan naming mag-sakripisyo.

"Bibisita naman tayo. Dalawang araw sa isang linggo. Masakit ding hindi ko sila maalagaan katulad ng nakasanayan nila. Pero sinabihan ko na si Chaine, kung anong dapat n'yang gawin kung sakaling umiyak ang kambal o malungkot. Big boy naman na sila." Sa oras na ito, mas lalong lumaki ang pagkamangha ko kay Mama.

Determinado siyang makaipon agad para sa kambal. Kung dati ay hindi n'ya gustong magtrabaho para hindi mapalayo sa akin at sa kambal, ngayon ay napag-desisyunan n'yang hindi sila mabisita para sa kapakanan nila.

"Pero 'nak," Sinulyapan ko si Mama nang hawakan n'ya ang braso ko dahilan para mapatigil kaming dalawa sa paglalakad. "Magbebenta na lang tayo ng ulam araw-araw. Malaki ang kitaan do'n. Diba nga umaabot sa 15-50 pesos ang presyo ng ulam na bine-benta?"

"Oo nga ma." Napatango-tango ako sa ideyang iyon. Tiyak makakaipon agad kami ni Mama. Ang galing ng naisip n'ya. "Gawin na lang nating puhunan 'yung maliit na halagang naitabi natin pambayad sa hospital. 'Yung naitabi ko." Meron pa akong kaunting naitabi dahil hindi ako maluho o magastos.

"Ibabalik din naman natin agad, 'nak. Sana lang talaga swertehin tayo at lumago ito." Mabilis na pagtango ang tinugon ko kay Mama. Nagsimula na ulit kaming maglakad sa madilim na gabi at tanging mga street lights lang ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran.

"Syempre naman ma! tutulungan din kita! tulungan tayo. Diba nga, culinary arts 'yung kinuha mong kurso no'ng college! Ikaw pa ma, kaya natin 'to!" Pagmo-motivate ko sa kan'ya. Inakbayan ko si Mama na parang mag-tropa lang kami. Napangiti naman s'ya at masigla naming nilakbay ang daan pauwi.

-

"Bili na po kayo!" Masiglang sigaw ni Mama. Agad akong pumasok sa maliit na karenderya namin kung saan naka-display ang sari-saring mga ulam. I crossed my arms habang tinatanaw ang mga taong dumaraan sa harapan ng tindahan namin. 'Di kalayuan ay matatanaw ang isang school, ang isang private school na kung saan marami ng naglilipanang estudyante sa labas no'n dahil lunch time na.

May maliit kaming pinagdi-displayan ng ulam na binebenta namin. Pinagawa rin namin ito gamit ang pera at nakapwesto ito sa harapan ng kalsada kung saan ay 'di nalalayo sa aming apartment. Ang mas pinagtuunan naming bilhin ni Mama ay ang mga kagamitan sa loob nito o mga kakailanganin.

"'Nak? bakit nakasimangot ka?" Rinig kong tanong ni Mama. Agad kong binago ang ekspresyon ng mukha ko para 'di s'ya mabahala.

"Wala ma, ang init lang sa labas. Ako na muna d'yan ma, mamaya pa naman ang pasok ko." Agad kong hinubad ang bag at tumayo. Lumapit ako sa pwesto ni Mama.

"Sure ka ba?"

"Oo ma, mamaya na ako kakain. May isang oras pa naman, eh."

"Sige, maghuhugas muna ako ng mga nagamit na plato sa loob." Napatango ako sa sinabi ni Mama. Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Mama ay agad akong napabuntong hininga. Pinatong ko ang dalawang kamay sa lamesa.

"Tsk. Bagsak na naman sa ikatlong quiz. Si Lance kasi."

-

Third person's PoV

Naglalakad ang isang lalake sa gilid ng daan kung saan nakakasabay n'ya rin ang mga kapwa niya estudyante. Napalinga-linga s'ya sa paligid habang patuloy na sumisipol-sipol. Nakapamulsa rin siya na tila ba'y isang pa-cool na lalake.

"Ang init ng panahon at nakakagutom. I Need to eat already." Bulong n'ya sa sarili. Agad siyang tumawid ng pedestrian lane na sa pagkakataong iyon ay hindi pa masyadong busy ang kalsada. Nang may nakitang tindahan ng mga tila ulam ay dahan-dahang s'yang naglakad palapit dito.

Bumungad sa kaniya ang nakasimangot na dalagitang halos kasing edad n'ya kung pagbabasehan sa mukha. Sinipat niya ang mukha nito. Hindi pamilyar. Nagkibit-balikat s'ya at agad na nagtanong.

"What's the menu?" Diretsong tanong nito. Napamaang s'ya nang itinuro lang ng dalagita ang isang gilid kung saan nakasulat sa white board ang menu. Agad n'ya itong binasa isa-isa. "Kare-kare? magkano?"

"30 pesos per serve," Seryosong sagot ng babae. Napalingon ulit s'ya rito. Nakatingin lang sa harapan ang dalagita, sinundan n'ya kung ano ang tinitingnan nito. Nakatulala lang ang dalaga sa kalsada pero mukhang inis at malalim ang iniisip.

"Isa," Sambit ulit ng binata. Agad namang kumilos ang dalaga at akmang sasandukin na n'ya ang putaheng bibilhin ng binata nang magtanong muli ang ito. "'Yung menudo, magkano?"

"Pareho lang, 30 din." Tiningnan s'ya ng dalaga na parang isang nakakaumay na nilalang.

"Ok, 'yun na lang." Napatango naman ang kaharap n'ya. Akmang sasandukin ulit ito ng dalaga nang magsalita ang binata, may kalukohang naisip.

"Stop."

"Ano?"

"Eto na lang." Turo n'ya sa isang putaheng hindi niya mawari kung ano. Hindi kasi siya madalas nakatitikim ng iba't ibang uring lutong bahay.

"Sige." Akmang sasandukin na ng dalaga ang itinurong putahe nang magsalita na naman ito.

"Ito na lang pala." Sambit ulit nito. Napakagat labi ng dalaga at lumipat na naman ng pwesto kung saan kaharap na ang putaheng tinuro ng binata.

"Eto na lang pala,"

"Ah, eto na lang."

"Magkano ba 'to? ah nagbago na ang isip ko... Ito na lang."

"Ay afritada na lang pala."

"Ano ba?! bibili ka ba o ano?" Napaatras ng bahagya ang binata nang sumigaw ang dalaga. Napa-'woah' siya sa isipan at napangisi ng patago. Tila ba'y nakatunog ang dalaga na siya'y pinagtri-tripan lang.

"Costumer is always right nga diba?" Napa-cross arms ang binata.

"Pero hindi sa lahat ng pagkakataon! lalo pa't mukhang hindi ka naman bibili. Alam mo bang badtrip na nga ako, sumasabay ka pa. Alis na nga!"

"Alis? pinapaalis n'yo ang customer? mukhang hindi nga masarap ang luto n'yo! at hindi ko naman alam na badtrip ka. And I won't even spend a second to know it." Parang lumaki ang butas ng ilong ng dalaga.

"Excuse me? luto 'to ng Mama ko kaya masarap. Ikaw, wala ka bang magawa sa buhay? 'wag dito, oy! pinagtri-tripan mo lang naman 'tong paninda namin, eh!" Hindi ito nagpatalo at sumigaw rin.

"Wow! Bibili naman ako eh! I'm still deciding whic—"

"Deciding mo mukha mo! lumayas ka."

Mukhang hindi pa nga kami nakakabenta ng marami, may bwisit ng nilalang." Bulong ng dalaga sa kan'yang sarili na mariing narinig ng binata.

"Anong sabi mo? bwisit na nilalang? paki-ulit nga!" Animo'y may apoy na lumabas sa ilong ng binata dahil tinawag s'ya nitong bwisit.

"Sabagay, kaya nga wala pang bumibili kasi nga ang panget ng luto n'yo rito, ang sama pa ng tindera. Sinong bibili nito sa inyo kung ang tindera'y panget na nga, masungit pa?" Inis nitong rebat sa kausap na ngayon ay nagpupuyos na sa galit. Nasisiyahan siya sa palitan nila ng sigawan na tila ba'y sa anumang oras ay sasabog ang kaharap.

Nagbangayan sila nang nagbangayan hanggang sa walang gustong magpatalo. Napakababaw man ng dahilan ay walang nagpapaawat sa kanilang dalawa. Away-kalye man kung tawagin ngunit ito ang kanilang ginagawa

"Masarap ang tinda namin dahil nga luto 'to ng Mama ko, ikaw nga tingnan mo 'yung mukha mo! mapait pa sa ampalaya! at wala kang pake kung may naiistorbo ka!"

"How dare you? ikaw lang may sabi sa'kin n'yan ah!"

"Talaga! ang kapal mo!"

"Pwes, sisiraan ko 'tong karenderya n'yo para wala ng bumili! You deserve that!"

"Aba, subukan mo lang! nakakainis ka!"

"Fine! nawala na ang appetite ko, bye!"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height