C3 Chapter three
"Sige Ma, alis na ako. Bye!" Paalam ko kay Mama. Agad akong tumakbo palabas ng apartment. Nagluluto pa kasi s'ya ng ititinda mamaya. Isang putahe na lang naman 'yun at patapos na rin, maaga kasi kaming nagsimula kanina. Nang makalabas ay agad akong tumakbo sa gilid ng kalsada.
Marami ng mga nagdadaanang mga estudyante. Maraming bumubusinang sasakyan at may mga usok na galing sa mga bus, van, jeep at motorsiklo ang mapapansin at malalanghap sa kalsada.
Sa kabilang dako ng kalsada kasi ay isang unibersidad kaya busy ang kalsada ngayon dahil sa mga taong dumaraan o humihinto roon. Marahil ay marami ang mga estudyanteng lulan ng mga ito o kaya mga estudyanteng bababa sa nasabing paaralan.
Napamaang ako nang mapansin ang lalakeng nakatayo sa 'di kalayuan, nasa kabilang parte ng kalsada kung nasaan ang tinutukoy kong unibersidad. Nakaharap siya sa kalsada at parang nakatingin sa gawi ko. Ano? nakatingin sa gawi ko?
Huminto ako sa paglalakad at malalim ko itong tinanaw mula sa malayo. Napataas na lang ang dalawang kilay ko nang mamukhaan ko kung sino 'yun. 'Yun 'yong lalake kahapon, ah? aba! anong tinitingin-tingin niya?
Umirap ako nang pasimple dahil sa ideyang iyon. Masyadong presko, antipatiko at bastos!
-
As usual, pagkarating na pagkarating ko ng classroom ay binati agad ako ni Lance. Nilampasan ko lang s'ya hanggang sa makarating na ako sa pwesto ko. Hindi pa rin maalis ang pagkainis ko sa kaniya. Napaka-ano naman kasi 'tong lalakeng 'to.
Naramdaman ko ang pagsunod niya sa'kin at umupo rin sa katabing silya.
"Carren? narinig mo naman siguro ako?" Usal n'ya. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Magkaibigan kami kaya marahil alam na niya ang dahilan kung bakit ako umakto ng ganito.
"Sorry pala kahapon, napalabas tayo sa quiz ni Ma'am Hesoven, bagsak tuloy tayong dalawa." Napakamot siya sa batok n'ya na tila nahihiya. Medyo magulo ang itim nitong buhok katulad ng nakasanayan. Wala namang nagbago, palagi namang magulo ang buhok ng isang 'to. 'Yun nga lang, hindi siya mukhang dugyot.
"Pinaalala mo pa. Nakakabwisit ka talaga Lance! alam mo bang hanggang ngayon ay bwisit na bwisit pa rin ako sa'yo?" I said straight-to-the-point. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya.
"Grabe naman 'to sa 'bwisit' na word. Para bang sinisi mo na sa'kin ang lahat ng problema ng mundo."
"Okay lang sana kung isang beses lang no? tatlong beses na Lance oh! tatlong beses na tayong pinalabas dahil sa kauusap mo sa'kin habang nagte-take ng quiz!" Iniharap ko sa kaniya ang kamay kong nakaangat ang tatlong daliri.
"Sorry ha? kasalanan ko ba talagang binasa mo rin 'yung paper na inabot ko? sana naman... sana 'di mo na lang binasa at sana hindi tayo nahuli diba?" Sagot niya na tila sinisisi pa ako. Ang kapal naman nito!
"Kung magtatanong ka kasi ng sagot, sumenyas ka na lang, pwede? hindi 'yung may pa pasa-pasa ka pa ng papel." Nagbangayan pa kami nang bangayan. Usually, ito ang ginagawa namin kapag walang gustong magpatalo sa sagutan. Hanggang bangayan lang naman kami.
"Hoy, mga aso't pusa!" Napahinto kaming dalawa ni Lance sa pagbabangayan nang pitikin ni Peil ang tenga naming dalawa. Napahawak ako rito dahil napadiin ang pagpitik n'ya na tila ba'y pati loob ng balat ko ay apektado.
"Ang aga-aga naman, Peil!" Suway ko sa kan'ya. Pinameywangan lang kami at inilingan ako. "Ang du-dugyot ng ugali n'yo. Maliit na bagay lang, nag-aaway na kayo?"
Tumayo ako sa mula sa pagkakaupo at agad din s'yang pinitik sa tenga "Maliit na bagay? 'yung tatlong quiz na bagsak? maliit na bagay ba 'yun, Peil?" Nanlaki naman 'yung mukha niya at napatingin kay Lance, umiwas si Lance ng tingin pero hindi rin pinalampas ni Peil ang pagkakataong kurutin ito sa tenga. Ilang segundo rin ang tinagal no'n bago niya ito tuluyang binitawan. Napangiwi na lang sa sakit si Lance at napahawak sa tenga niya namumula.
Oo na, si Peil na ang mapanakit.
"Nagkasakit lang ako ng 2 days at hindi nakapasok, eto na ang nangyari sa inyo? pahamak talaga 'to si Lance!" Binatukan n'ya nang mahina si Lance. Napapakamot na lang ito sa batok habang nakatingin sa'ming dalawa ni Peil. Kung pagiging biyolente ang pag-uusapan, ilalaban ko si Peil.
—
"Talaga? may karenderya na kayong dalawa ni tita? owws, good!" Komento ni Peil. Nandito kami ngayon sa school canteen. Sinenyasan ko s'yang hinaan ang boses n'ya dahil ang lakas nito kahit magkaharap lang naman kami.
"Pwede namang magsalita nang hindi sumisigaw, Peil. Oo nga! pero 'yung maliit lang na karenderya. Pwede rin kung gusto n'yo, do'n na lang kayo bumili ng ulam pang-lunch?" Pag-hihikayat ko sa kanilang dalawa. Dahil nga sa pagtitipid, at alam na din naman nila 'yun, sandwich at iced tea lang ang binili ko.
"Mmm... Go! Sure na masarap 'yung mga pabenta n'yo ah. Si tita ang nagluto, hindi ba?"
"Ye--" Hindi pa man ako nakasasagot nang sumingit si Lance sa usapan.
"Syempre naman si tita ang nagluto. If it's not her, who could be? hindi naman pwedeng si Carren. Lalasunin lahat ng bibili do'n." Tumawa silang dalawa at nag-apiran pa. Napangiwi naman ako.
"Seryoso ka d'yan sa sinasabi mo, Lance? ni paglagay nga ng mantika sa kawali, hindi mo alam kung paano, eh." Tinaasan ko s'ya ng kilay. Tumatawa pa rin ito.
"Psh! stop it. Kumusta na pala 'yung kambal?" Tanong ni Peil. Biglang nagseryoso ang ekspresyon ng mukha ko at napatingin sa kawalan.
"Need namin mag-ipon ng malaki for chemo. Sana makaipon kami agad. Ang gastos kaya." Naalala ko tuloy 'yung mukha nung kambal. Pilit akong napangiti.
"Pwede ka naman naming tulungan ni Lance kada weekends, diba Lance?" Sinagi ni Peil si Lance gamit ang kan'yang siko. Magkatabi kasi silang dalawa ngayon, nasa harapan ko.
"Oo, syempre. Hindi naman na ako kailangang sikuhin no?" Pagsusungit n'ya. Inatupag na lang nito ang pagkaing nasa harapan at nagsimulang lumamon.
_
"Carren, bilisan mo namang maglakad kaya? pabagal na nang pabagal 'yang lakad mo e, nagiging pagong ka na ata?" Umakto ako na tila susuntukin ko s'ya sa dibdib. Naglalakad kaming dalawa ngayon dito sa gilid ng kalsada pauwing apartment namin. Hahabol na lang daw si Peil dahil may kukunin lang s'ya sa library, tutal ay may isang oras pa naman para sa afternoon class kaya 'di kami rush.
"Sino ba kasing nagsabing maglakad tayo? diba ikaw nag-decide? diba, Lance?" Singhal ko sa kan'ya. Nakahawak lang ako sa strap ng bag ko habang naglalakad kami.
"Eh sino bang nagtitipid? diba ikaw? Diba ikaw, Carren?" Ginulo nito ang buhok ko.
Huminto ako sa paglalakad at tinaas ang tingin sa mukha n'ya. Bigla akong napaiwas ng tingin dahil sa liwanag ng araw.
"Halika ka na nga, ang bagal mo. 'Wag mo na akong tangkaing sabunutan pa." Hinila na n'ya ako. Alam niyang plano ko siyang sabunutan sa mga oras na ito.
_
"Ang tagal naman ni Peil? gusto ko ng kumain, e." Angal ni Lance. Nakaupo na kami ngayon dito at magkaharap sa lamesa.
"'Wag ka nga d'yan, Lance! mukha ka ng patay-gutom sa lagay mong 'yan?" Pang-aasar ko sa kan'ya. Nginisihan lang ako nito.
"Auntie Selva, ohhh."
"A-ano 'yun, Lance?" Nagtataka namang tanong ni Mama. May bumibili kasi kanina kaya ngayon lang nakaharap si Mama. Humalakhak lang ako, mukhang hindi naman s'ya narinig. Buti nga sa kaniya.
"Ah, wala po. Sabi ko po, mukhang masarap 'yung adobo. Kaso ang tagal ni Peil, 'di pa kami makakalamon." Hinimas n'ya ang tiyan. Natawa naman si Mama sa kaniya.
"Oh, ayan na pala si Peil." Sambit ni Mama. Napataas kami ng tingin at tila humaba ang leeg naming dalawa. "Charot lang." Tawa ito nang tawa dahil nauto niya kaming dalawa.
"Ma naman!" Tumawa kaming dalawa ni Lance.
"Tingnan-tingnan mo muna 'tong tindahan. Papasok lang ako sa loob, 'nak." Paalam ni Mama. Napatango naman ako, napansin ko ring napatango si Lance.
"Opo, kami na pong bahala dito, auntie!"
Umalis na si Mama. Si Lance naman ay todo tingin lang sa pagkaing nasa harapan namin ngayon. Naka-pout pa s'ya. Natatawa tuloy ako sa lagay niyang 'yan.
"Hoy, Lance? Carren?" Napatayo kaming dalawa nang marinig ang boses ni Peil. Agad s'yang pumasok dito sa karenderya. May bahid ng pag-aalala sa mukha n'ya na tila ba'y hindi pangkaraniwan.
"Buti naman nandito ka na!"
"Anyare sa'yo?" Tanong ko.
"30 minutes na 'no? kanina pa ako gutom, e." Ungas ni Lance. Tinaas ni Peil ang kamay para patahimikim siya sa pagrereklamo.
"Kilala mo ba 'yung lalake sa labas ng university sa kabilang kalsada? 'yung medyo maputi, matangkad, payat, tapos gwapo?"
"Sino ba 'yun? bakit?" Naguguluhang tanong ko.
"Ano ba naman 'yan, Peil. Kailan ka pa hindi nahilig sa gwapo?" Naka-cross arms na tanong ni Lance habang bored na nakatingin kay Peil.
"Tumahimik ka nga, Lance. Eh kasi, mukhang sinisiraan n'ya 'tong karenderya n'yo? dumaan kasi ako sa kabilang kalsada tapos nakatayo s'ya doon. Baka napansin niya na patawid ako rito sa karenderya n'yo kaya kinausap niya ako! Ang sabi niya sa'kin, 'wag daw ako kumain dito dahil hindi raw kaaya-aya ang luto at may nalason na sa ulam ninyo?"
"Tsk. Hindi pa nga sikat 'tong tindahan n'yo, may naninira na? kababago pa nga lang nito, eh. Ang lakas naman ng loob." Saad ni Lance. Hindi ako nagsalita at napakunot-noo lang. Iniisip ko kung sino ang lalakeng 'yon.
"Marami na bang bumibili rito kanina?" Tanong ulit ni Peil na nagpaisip sa 'kin.
"Isa pa lang ang napansin ko." Mabilis na sagot ko. Napatango namin si Lance, mukhang napansin rin n'ya 'yun. 'Yun iyong customer na inasikaso ni Mama kanina.
"That's it! baka sinisiraan ang tindahan n'yo, Carren." Nagbagting ang tenga ko sa narinig.