The Days Of Sunshine/C4 Chapter four
+ Add to Library
The Days Of Sunshine/C4 Chapter four
+ Add to Library

C4 Chapter four

"Sige na ha, 'wag na kayong makulit. Basta, bibisita naman ako at ang ate n'yo rito sa Sabado. Okay?" Kinakausap ngayon ni Mama si Venz at Vanz, nakasimangot lang silang dalawa habang nakatingin kay Mama. Mukhang 'di nila gusto ang pasya namin.

Napasugod kami rito sa hospital dahil tumawag si ate Chaine. Nagwawala raw si Venz at sobrang likot nito at gustong-gusto kaming makita, samantalang dalawang araw pa lang naman kaming 'di nakakabisita.

Wala namang sinabi si ate Chaine na pumunta kami rito, pinaalam lang n'ya ang nangyayari sa kambal.

Ako na lang ang nag-suggest kay Mama na puntahan sila rito para ipaintindi sa kanila ang sitwasyon namin. Sa murang edad, alam naman naming maiintindihan na nila 'yun. Na ginagawa namin 'yun para makaalis na sila agad dito.

"Mama! Ate!" Sigaw ni Vanz. Nginitian ko lang silang dalawa bago binigyan ng halik sa noo. Agad akong nagpaalam kay Mama na lumabas na ng kwarto nila. Gustong-gusto ko na silang makalabas dito. Gustong-gustong gusto ko na.

Gusto ko ng magkasama kaming muli hindi sa ganitong sitwasyon. 'Yung wala silamg iniindang sakit at maayos ang kalagayan namin.

_

"'Nak, maraming natirang ulam ngayon. Kaunti lang ang bumili. Siguro mga 300 pesos lang 'yun, at nabawasan pa dahil magkano rin 'yun pamasahe natin pauwi. Ewan ko nga kung anong nangyari. No'ng isang araw ay mas malaki ang kinita natin. Nasa seven hundred rin 'yun. Ang hirap talagang kumita. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko 'to." Nasa likod ko lamang ang dalawang kamay habang tinatahak namin ni Mama ang kahabaan ng kalsada sa malamig na gabing ito.

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Oo, mahirap ang buhay. Napakagat labi ako dahil sa inis nang maalala ang lalakeng sinabi ni Peil na naninira sa maliit na karenderya namin. Siya 'yung lalakeng nakasagutan ko. Marahil ay tinotoo niya ang sinabi sa aking sisiraan niya ang karenderya. Hindi ko magawang hindi mainis sa kaniya. Nakakasira siya ng hanapbuhay.

"Stage 3 na pala ang Leukemia ng mga kapatid mo, kaya ako kinausap ng Doctor no'ng nakaraang araw. Kaya rin tayo nagsa-sakripisyo sa ganitong sitwasyon ngayon dahil kailangan nating makaipon." Malungkot niyang ukol. Ang sakit marinig ang ganoong balita. Nangilid ang mga luha sa mata ko, tila anumang sandali ay nais na nitong bumagsak.

"Hindi ko alam kung sa'n tayo makakahanap ng pera, wala na akong mapasukan na trabaho, anak. Akala ko talaga makakatulong 'tong karenderya na 'to. Hindi pa nga nabawi 'yung puhunan natin." Parang puno ng hinanakit ang boses niya. Puno ng sakit at awa ang nararamdaman ng puso ko ngayon. Agad na bumuhos ang nagbabadyang luha mula sa aking mata.

"M-Ma, Sa tingin ko pwede ulit ako maghanap ng trabaho katulad ng ginawa ko dati. Besides, pa-bakasyon naman na rin. Pagtapos ng mga dapat ayusin sa school, magsa-summer job ako, 'ma. Pangako!" Tinaas ko ang tingin sa madilim na kalangitan na tila sinusumpa ko ang sinabi at hinihiling na sana ay swertehin ako kahit papaano.

Napabuntong-hininga si Mama bago ako hinawakan sa wrist. "Tiwala lang, kaya natin 'to." Binigyan niya ako ng ngiting payak. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko at tinahak na namin ang kalsada pauwi.

_

"Pakialamero 'yung boy na 'yun e, siraan ba naman 'yung karenderya niyo? Hanapin kaya natin iyon tapos pagtulungan?" Usal ni Peil habang nakatayo at nakapamewang. Nakasimangot siyaa at gaya ko, halatang naiinis sa pangyayari

"Amazona ka talaga, 'no?" Singit naman ni Lance, naka-cross arms din ito habang nakaupo at nakaharap sa'kin.

Nandito kami ngayon sa Classroom. Lunch time na pero nag-uusap-usap lang kaming tatlo rito. Kinuwento ko sa kanila na pumunta kami sa hospital kahapon, na binisita namin si Vanz at Venz. Naikwento ko rin 'yung sinabi ni Mama na mas lumalala na ang Leukemia ng mga kapatid ko.

Naiisip ko pa lang ay naaawa na ako sa kanilang dalawa. Nabanggit sa'kin ni Mama na minsan ay parang nao-over fatigue silang dalawa. Epekto iyan sa katawan nila ng Leukemia. Hindi lang 'yun, minsan nahihirapan rin sila sa paghinga at pag-ubo.

Madalas si Mama ang nakakasaksi no'n dahil s'ya ang nagbabantay kina Venz at Vanz. Ayoko ng lumala 'yong nararamdaman nila. Alam ko ring minsan ay sumasakit 'yung ulo nila at umiiyak na lang sila dahil wala silang magawa kundi tiisin 'yun.

As their sister, masakit na masakit makita ang kalagayan nilang 'yun. Nagsu-suffer sila sa isang sakit kahit ang bata-bata pa nila.

"Hoy, ano ng plano? kahit pogi 'yun, papatulan ko 'yun eh! wala naman akong pake sa mukha niya. Sisirain ko 'yun!" Nabalik ako sa katinuan nang yugyugin ni Peil ang balikat ko. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses.

"Ayos ka lang ba? tutulungan ka namin. Mag-fundraising na lang kaya tayo?" Nabaling ang tingin ko kay Lance nang magsalita siya. Mabilis akong umiling. Nangingilid ang mga luha sa mata ko.

"Hindi ko alam, hindi ko alam." Umiling-uling ako bago tumayo. Hinablot ko ang bag at humarap sa kanilang dalawa. May lungkot sa mukha nila habang nakatingin sa'kin. "Maya na lang tayo mag-usap. Kailangan ko na pa lang umuwi. Bye!"

Agad akong tumalikod sa kanila at hindi na naghintay ng anumang tugon. Agad akong lumabas ng Classroom at mabilis na tinahak ang mga hagdan pababa ng building. Oo, alam ko na 'di dapat mawalan ng pag-asa pero sa lagay ng kambal, 'yung pag-asang meron ako ay lumalabo nang lumalabo.

I pity my siblings. Sana hindi na lang sila nagkaroon ng sakit. Kung sana'y maayos lang silang naglalaro ngayon sa bahay habang tinutulungan ko silang sagutan ang mga assignments nila.

Pinunasan ko ang luhang akmang kumawala na naman sa kaliwang mata ko. All I can feel is pity. Not for me but for my family.

_

Tulala lang ako habang nagdi-discuss ang prof. namin. Hindi nga ako nakapag-cooperate sa activity na ginawa namin kanina, wala rin ako sa tamang kaisipan at kung ano-anong problema ang lumalakbay sa isip ko. Wala akong pakialam kung hindi nila ako nasali sa list ng mga members na tumulong. The only thing I want to think is how can I help my family.

Palapit na rin ang bakasyon. Dalawang linggo na lang ay mag e-exam na for the final quarter. Kailangan ko na pa lang mag-advance review at study. Anytime soon ay tiyak kong magbi-bigay ng surprise quiz ang mga Prof.

Tila pumasok lang ako ngayong hapon para maging lutang sa klase.

Naglalakad lang ako ngayon dito sa gilid ng kalsada, pauwi na. Nakabagsak ang balikat ko habang nakatanaw sa harapan kung saan makikita ang likod ng mga tao habang unti-unting naglalakad papalayo. Ang iba ay papunta sa kasalungat kong direksyon. Napabuga ako ng hangin dahil sa inis.

Maririnig ang sunod-sunod na pagbusina ng mga sasakyan sa anumang sulok ng kalsada. Hindi naman malayo ang school ko mula rito pero hindi rin malapitan. Siguro ay aabutin ka ng 15 minutes sa paglalakad o kaya'y 25 minutes kung sadyang mabagal ka.

Nakailaw na rin ang ibang street lights sa kalsada. May mga nakakasabay akong kapwa estudyante sa paglalakad pero nagpahuli ako. Anim sila at nagtatawanan lang habang nagku-kuwentuhan.

Natanaw ko rin ang mga estudyante sa 'di kalayuan na halatang hinihintay ang mga sundo nila. Nasa tapat ng unibersidad. Malapit na rin ang tinutuluyan namin sa kabilang kalsada. Tatawid pa ako.

Merong nakatayo habang nakaharap sa kalsada, merong nag-uusap-usap sa mga kaibigan, meron ring mga loner na naka salpak ang earphone sa magkabilang tenga at meron ring may kausap sa cellphone.

Napayuko ako at pinagmasdan ang semento habang naglalakad. Napahinto ako nang mapagtanto ang isang bagay. Agad kong tinaas ang tingin at sinulyapan ang lalakeng may kausap sa cellphone n'ya kanina.

Itinago na niya ang cellphone, mukhang tapos na makipag-usap. Pakiramdam ko ay biglang tumaas ang dugo sa katawan ko at umusok ang ilong ko nang makita s'ya.

"That's it! baka sinisiraan ang tindahan n'yo, Carren."

Bigla kong narinig ang tinig ni Peil sa isipan. Napakuyom ang kamao ko habang nakatingin sa lalakeng 'yun sa 'di kalayuan. Nagpapalinga-linga siya sa paligid. Naningkit ang mata ko sa galit nang magtagpo ang tingin namin.

Halatang nagulat siya sa presensya ko ngunit agad ding nakabawi at ngumiti nang nakakainis.

Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya. Alam kong s'ya iyon base sa pag-describe ni Peil, at wala naman na akong naging kaaway. Siya rin iyong nagbanta na siraan ang karenderya namin kaya sigurado akong siya 'yun! sa tingin niya ay halatang alam niya ang iniisip ko. Alam niya ang ginawa niyang pagpinsala sa'min.

Nag-igting ang panga ko at agad na kumaripas ng takbo papunta sa direksyon niya. Kung kanina ay matamlay ako, ngayon ay lumabas na ang nagbabadyang enerhiya ng katawan ko. Dala na rin siguro ng inis at galit.

Wala akong pakialam kung tinitingnan na ako ng tao habang tumatakbo. Inuunahan ko pa 'yung ibang naglalakad dito sa gilid ng kalsada.

"Walangya ka!" Sigaw ko sa kawalan habang unti-unting lumiliit ang distansya namin. Nakakuyom na rin ang kamao ko, kahit hindi ako marunong sumuntok, wala siyang takas sa'kin dahil bubugbugin ko s'ya.

"What the? Hoy! pakiramdam mo may super speed ka 'no?" Rinig kong sigaw n'ya habang papalapit na ako sa kaniya. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin habang pinapatigas ang kamao ko nang bigla kong mapagtantong ilang hakbang na lang ay magbabanggaan na kami at sobrang bilis ng patakbo ko. Hindi ko na maipreno ang mga paa.

"A-aray! ang bigat mo!" Nanlaki ang mata ko nang marinig siyang nagsalita. Agad akong umayos sa pagkakatayo dahil nakayakap na kami sa isa't-isa at tinulak ko siya nang malakas. Hinanda ko ang kamao ko upang bigyan siya ng malakas na suntok sa mukha.

Puno ng pangagalaiti ay agad kong pinakawalan ang kamao, pero tila kumumpas lang ito sa hangin, hindi ko natamaan ang mukha n'ya dahil nakailag s'ya agad.

"Siraulo ka! alam mo ba ang pinanggagagawa mo?" Puno ng galit na sigaw ko sa pagmumukha n'ya. Napa-cross arms lang s'ya at tamad akong tiningnan.

"Anong pinanggagagawa? ikaw nga 'tong tumakbo papunta sa 'kin! runner ka ba? hindi ako finish line." Nakaangat ang gilid ng labi nito dahilan para sumabog ang sistema ko dahil sa inis.

"Kung wala kang magawang matino sa buhay mo, mag-isip ka 'no? hindi 'yung nakakapwerwisyo ka ng tao!" Tinawanan lang n'ya ang sinabi ko. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalakeng ito! nakakainis ang pagmumukha niya. Wala siyang dulot. Wala siyang kwenta. Nakakainis!

"Well, kung hindi ka naman kasi nauna, hindi ko naman gagawin 'yun. And besides, nasa tao naman 'yun kung paniniwalaan nila ang sinabi ko. Unfortunately, naniwala talaga sila na mapupunta sila sa hospital pagkatapos nilang kumain d'yan!" Nguso n'ya sa kabilang kalsada kung nasaan banda ang tinutuluyan namin na tapat lang ang karenderya. Sarado na kami ngayon dahil hapon na.

"Nage-enjoy nga kasi ako, they even thank me for saving their ass. Opsss. 'Wag mo nang pagpilitan na masarap ang luto niyo do'n!" Dagdag pa niya. I gritted my teeth because of hatred that I'm now feeling. "At pwede ba, don't look at me like that! it seems like you want to kill me. Para 'yun lang? tch! nonsense."

Bago pa man ako makabawi sa mga sinabi niya ay agad na siyang tumalikod at tinakbuhan ako. Tumawid s'ya sa kabilang kalsada at lumiko. Nag ala-runner naman ako sa pagtakbo para maabutan s'ya, kahit isang tatlong suntok lang! makabawi lang ako sa mga sinabi niya!

"Hoy bumalik ka rito!!" Sigaw ko habang pilit siyang hinahabol. Nakakainis lang kasi ang tagal umusad ng mga estudyanteng tatawid. Hindi tuloy ako makatakbo nang maayos. Napahinto naman ito at napakunot noo nang tuluyang mapansin ako. Sige, d'yan ka lang. Pero tila nakuha nito ang gusto kong gawin. Agad siyang kumaway at tumakbo habang tumitingin sa'kin, inaalam kung maaabutan ko na ba s'ya. Nang makaliko ay mas binilisan ko ang pagtakbo, ang laman ng utak ko ay ang desididong makaganti.

"Hoyyyyyyyy!!!!!!"

Hingal na hingal na ako sa pagtakbo. Hindi ko na rin napansin na nakarating na pala kami sa isang eskinita. Tagaktak na ang pawis ko pero nakakuyom pa rin ang kamao.

"Hoyyyyy!" Patuloy ako sa pagtakbo. Gusto ko s'yang suntukin! Gustong-gusto ko siyang sapakin! nararapat iyon sa kaniya.

Napapatingin pa rin siya ngayon sa'kin habang patuloy na tumatakbo. Natatawa pa siya at tila nagpapahabol. Ba't ang bilis n'yang tumakbo? nakakainis! mas lalo akong naiinis sa kaniya. Meron pala talagang mga taong walang pakialam sa kapwa nila kahit nakakatapak na sila ng tao.

Tila sa mga sandaling ito ay bigla na lang akong napatigil. Pakiramdam ko ay tumamlay ang mga paa ko at hindi na ako makahinga nang maayos dahil sobrang hinihingal na ako. Tagaktak ang pawis sa aking noo at leeg dahil hindi ako sanay tumakbo ng malayo.

Unti-unti akong napaluhod dahil sa pagod na nararamdaman. Napapikit ako habang hinahabol ang hininga. Nag-uunahan din sa pagtibok ang dibdib ko.

"Hindi ko alam kung sa'n tayo makakahanap ng pera, wala na akong mapasukan na trabaho, anak. Akala ko talaga makakatulong 'tong karenderya na 'to. Hindi pa nga nabawi 'yung puhunan natin."

"Stage 3 na pala ang Leukemia ng mga kapatid mo, kaya ako kinausap ng Doctor no'ng nakaraang araw. Kaya rin tayo nagsa-sakripisyo sa ganitong sitwasyon ngayon dahil kailangan nating makaipon."

"'Nak, maraming natirang ulam ngayon. Kaunti lang ang bumili. Siguro mga 300 pesos lang 'yun, at nabawasan pa dahil magkano rin 'yun pamasahe natin pauwi. Ewan ko nga kung anong nangyari. No'ng isang araw ay mas malaki ang kinita natin. Nasa seven hundred rin 'yun. Ang hirap talagang kumita. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko 'to."

Bigla kong naalala ang mga salitang sinabi ni Mama kagabi. Kanina pa ito gumugulo sa isipan ko. Kasabay ng pagtulo ng pawis at paghahabol sa hininga ay s'ya namang pagtulo ng likido mula sa mga mata ko.

_

Third Person's PoV

Nilingon ng binata ang babae sa likuran habang kasalukuyan pa ring tumatakbo. Nilingon n'ya ito upang malaman kung maaabutan na ba s'ya ito. Natatawa na lamang siya.

Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi n'ya at dahan-dahang itinigil ang pagtakbo. Hiningingal s'ya ng kaunti.

Napatingin siya sa babaeng nakaluhod ngayon sa semento habang nakayuko, medyo malayo na rin ang distansya nila.

Napalunok siya at nagdalawang-isip kung lalapitan ba niya ito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height