The Days Of Sunshine/C5 Chapter five
+ Add to Library
The Days Of Sunshine/C5 Chapter five
+ Add to Library

C5 Chapter five

Nakaramdam ako ng sobrang lungkot habang patuloy pa ring nakaluhod. Nakayuko lamang ako at hindi na pinigilan pa mga luhang bumabagsak. Wala akong pakialam kung anong isipin ng mga tao, hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko.

Nakarinig ako ng mga yapak ng paa na tila papalapit sa'kin. Napabuntong hininga ako at sunod-sunod na pinunasan ang luha ko gamit ang likuran ng kamay.

Napamaang ako nang may mga kamay na dumapo sa magkabilang braso ko at tinulungan ako makatayo.

"Oh, ang bilis ko no! pagod ka no'n? huh! pasalamat ka tinulungan pa kitang makatayo kasi 'di mo 'ko mahab--" Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil agad ko siyang hinarap. Gamit ang nagpupuyos na galit ay agad ko siyang binigyan ng suntok sa dibdib, alam kong namataan n'yang susuntukin ko s'ya pero hindi man lang s'ya umilag.

"A-ah aray! b-bakit ka ba umiiyak? para 'yun lang? ang sakit mo sumuntok ha! Tsk. Late na ako nito sa date ko!" Angal niya, pero tila hinihintay nito ang sagot ko habang nakahawak sa didbib, kung sa'n ko s'ya sinuntok.

Napabuntong-hininga ako bago nagpakawala ng sigaw.

"AHHHHHHHHH!!!! BWISIT KA! NAKAKABWISIT KA! ANO BANG AKALA MO, M-MALIIT NA BAGAY LANG 'YUN? H-HINDI MO ALAM ANG APEKTO NO'N SA'MIN! KASI WALA KANG ALAM SA BUHAY KO! AT PWEDE BA, ITIGIL MO NA ANG PANINIRA! HINDI MO DAPAT GINAGAWANG K-KALIGAYAHAN ANG P-PAGPAPAHIRAP SA BUHAY N-NAMIN! HINDI MO ALAM! WALA KANG... A-ALAM!" Bulyaw ko sa mukha n'ya. Nadala ako sa sobrang galit at lungkot, hindi ko rin maipigilan ang sarili ko. Hinayaan ko na lang na umiyak ako sa harap ng lalakeng 'to.

Binigyan ko s'ya ng mapupusok na tingin. Nakatingin lang s'ya ng seryoso sa mga mata ko at nakabagsak na ang mga kamay. Tila ba hindi n'ya alam ang mararamdaman. Hindi ko hinihiling na maawa s'ya sa'kin, gusto ko lang na tumigil na s'ya!

Hindi n'ya alam kung anong nagawa n'ya!

"A-ah kun--" Hindi ko na siya pinatapos sa kan'yang sasabihin at agad na akong tumalikod saka inumpisahan ang paglalakad.

"K-kung sa'yo, m-maliit lang na b-bagay 'yun, sa'kin...hindi!" Sigaw ko sa gitna ng hikbi na may halong inis at galit. Agad akong naglakad hanggang sa makalabas ng eskinitang ito.

-

"Sabado na, makakadalaw na rin tayo kina Venz at Vanz bukas. But for the mean time, magtitinda na muna tayo." Nakangiting sabi ni Peil. Tila excited na tumulong sa'min sa pagbebenta. Narito silang dalawa ni Lance sa maliit na karenderya namin.

As what they've said last time, tutulong sila sa'min ni Mama na magtinda kada weekend. Masaya naman si Mama dahil sadyang matulungin 'tong mga kaibigan ko. Mamamalengke kasi s'ya ngayong araw dahil bukas hindi s'ya makakabili dahil dadalaw kami sa hospital. Nasa loob pa si Mama ng apartment at may hinahanda.

Isasama rin namin sina Lance at Peil sa pagdalaw sa kanila. Nag-insist nga sila na sila na ang bahala sa pamasahe nila kaya wala na kaming nagawa ni Mama.

"Tara na kasi, simulan n'yo na ang pagsayaw!" Seryosong sambit ni Lance. Laglag panga naman kaming napatingin kay Lance.

"Aba gago ka, Lance ah! hindi 'to bar, karenderya 'to 'no! Utak naman!" Singhal ko sa kan'ya. He chuckled.

"Hoy Lance, kahit hindi naman kami sumayaw ay marami pa rin namang bibili rito kasi nga sa kagandahan namin! eh ikaw, anong maipagmamalaki mo? 'yang tangkad, tangos ng ilong at puting balat mo?" Pagiinsulto ni Peil kay Lance, pero tila nasiyahan si Lance sa mga sinabi nito at napangisi.

"Oh, wow! just wow! you're not insulting me, you're giving compliment. In short kasi, GWAPO." Tila in-emphasize pa ni Lance 'yung word na 'gwapo' kaya napamaang ako.

"Ang hangin n'yo naman! bilisan n'yo, magbenta na lang kaya tayo? ikaw na ang magsulat ng menu, Peil. Pwede?" Utos ko kay Peil. Agad naman s'yang tumango at sumunod sa sinabi ko.

"Eh palibhasa kasi, hindi maganda ang sulat mo, Carren! hays! turuan nga kita pag mag-time!" Pang-iinis n'ya. Tumawa naman silang dalawa ni Lance at nag-apiran pa.

"Sabi n'yo kasi, tutulong kayo 'diba? anong hindi maganda ang sulat ko, Gtech ka lang kaya maganda ang sulat mo sa school!" Banat ko naman. Napailing s'ya dahil sa sinabi ko. Pikunin ko kaya 'to?

"Hoy! hindi na ako nagG-Gtech!"

"Hindi na ba? sinungaling."

"Carren, isasaksak ko muna 'yung water dispenser sa loob." Paalam ni Lance. Napatango ako saka siya tumungo sa likuran.

"'Nak, mamamalengke na ako. Oh, salamat talaga sa mga kaibigan mo, 'nak ah. Pagbutihin n'yo ang pagbebenta. Alis muna ako." Napalingon kami kay Mama na nasa pintuan na pala. Napatango-tango naman si Peil sa sinabi ni Mama. May hawak na siyang eco bags para sa pamamalengke, dala na rin ang wallet n'ya.

"Nako, 'wag na 'wag po kayong mag-alala tita! madadala ang mga taong dadaan dito sa charm ko! kami na pong bahala rito! buy well!" Ani Peil. Nagagalak namang tumawa si Mama.

"Oo nga tita, ingat na lang po!" Nakabalik na pala si Lance. Napatango-tango naman si Mama bago muling nagsalita.

"Sige, salamat sa inyo. Alis na muna ako," Binalingan ako ng tingin ni Mama. "Ikaw na ang bahala sa mga kaibigan mo, 'nak. Bye!"

Umalis na si Mama at kaming tatlo na lang ang naiwan rito. Paunti-unti lang ang bumibili, pero at least, meron naman. Ako ang taga-balot ng binili ng mga customer. Si Peil naman ay ang taga-hiwa ng mga calamansi at taga-trapo ng lamesa at paga-asikaso.

Si Lance nag-decide na siya na lang raw ang maghugas ng mga pinagkainan ng mga tao, since meron namang sink at gripo dito sa karenderya.

"Sumayaw na lang kaya tayo 'no?" Suwesyon ni Peil. Nagtagpo ang tingin namin ni Lance at parehong napakunot ng noo.

"Totohanin mo talaga 'yun, babae?" Tanong ni Lance.

"Oo, nga. Serious ka gurl?" Pag-sang ayon ko kay Lance. Peil just clicked her tongue at agad na tumayo mula sa pagkakaupo.

"You guys want sample?" Natatawang saad niya. Nagpigil kaming dalawa ni Lance ng tawa. Naka-droga ba 'to?

"Jusko. Para kang kalansay kapag sumasayaw, Peil! 'wag na!" Pambabasag ni Lance sa sinabi nito. Para naman 'tong naging tigre at sinugod si Lance.

"Hoy! awat na nga!" Tawa ako ng tawa habang tinitingnan silang dalawa. Medyo tama naman talaga 'yung sinabi ni Lance. Na-trigger lang masyado si Peil. Bahala nga sila d'yan.

"Tao po!"

"Pabili po!"

"Anong gulay n'yo rito?"

"Afritada po, dalawang serve."

Napalingon ako at napaharap sa tindahan. Nakatalikod kasi ako kanina at nakaharap kina Lance at Peil. Maging sila ay natigil sa pag-aaway at tinulungan akong harapin ang mga customers, real quick!

"Ano pong sa inyo?" Tanong ko sa babaeng nasa hinarap ang mga tao. Sinabi nito ang bibilhin at agad naman akong kumilos. Naramdaman kong lumapit sa magkabilang gilid ko si Lance at Peil.

"Oh, hindi pa nga ako nakakasayaw, meron na agad customers!" Bulong ni Peil sa'kin. Mukhang narinig naman iyon ni Lance.

"Hoy, kabahan ka nga sa sinasabi mo,"

Hindi ko na lang sila sinagot dahil parami ng parami na ang bumibili. Nagtulungan na lang kaming tatlo na mag-entertain sa mga customers. Narinig namin ang bulungan ng dalawang customers sa gilid.

"Sana masarap talaga ang ulam nila rito, just like what the handsome guy said!"

"Yah! kung hindi lang talaga dahil sa charm no'n eh! pero nagugutom naman na talaga tayo 'no!"

"We can afford more fancy restaurants though. But ok, babalikan natin 'tung poging guy mamaya! nakita kasi niya tayong tumawid dito kaya baka naisip niyang bumili talaga tayo!"

Saka namin narinig ang tilian nilang dalawa. Dahil siguro sa curiosity ay narinig kong napatanong si Peil sa kanila, mukhang narinig din nila ang bulungan ng dalawa.

"Sinong handsome guy ang sinasabi n'yo na nag-suggest ng karenderya namin?" Binalingan ko silang dalawa ng tingin pero kalauna'y binalik din sa mga taong sine-serve-an ko ng ulam.

"Thank you po." Abot ko sa ale ng cellophane na may lamang ulam na binili n'ya. Sinuklian ko naman agad s'ya.

"A-ah, 'yung lalake do'n sa labas ng university sa kabilang kalsada. Lahat ng napaparaan ro'n sinasabihan n'yang kumain at bumili dito e," Napatigil ako sa sagot na narinig mula sa babae.

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height