The Desires/C10 Boracay
+ Add to Library
The Desires/C10 Boracay
+ Add to Library

C10 Boracay

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na umalis pala ang asawa mo?" Bungad na sabi ni Gracelyn kay Luke.

"At wala ka talagang planong sabihin sa amin, ha Luke? Kung hindi pa nagpunta kagabi sa bahay si David hindi namin malalaman ng Daddy mo."

"Mommy, pinapahanap ko na siya. Sasabihan ko na lang kayo kapag may nakuha na akong impormasyon-"

"Aasa ako, Luke. Alam mo na ba kung saang bansa siya nagpunta?"

"Hindi pa," tipid nitong sabi kaya nasampal na lang siya ni Gracelyn.

"Hanggang ngayon ba Luke, nasa pekeng marriage pa rin ba ang nararamdaman mo? Nakiusap ka hindi ba? Hindi isang kontrata lang ang kasal na ito para sa'yo pero bakit ngayon, hindi mo mapatunayan na mahal mo siya. Napakahina mong lalaki. Duwag!"

"Nagkamali ba ako ng lalaking pinili para sa anak ko, Luke?" Napalingon na lang si Luke sa kinatatayuan ng kanyang mother-in-law nang sabihin niya iyon. Alam niya ang ibig sabihin nito kaya umiling-iling na lang siya sa tanong ng Mommy niya.

"We grabbed this opportunity na mag-merge kayong dalawa. Pinadali natin ang gusto mo. Nagkaroon ng issue ang mga kompanya ng pamilya natin kaya napaaga na napa sa'yo ang anak ko. Don't waste any seconds again, Luke. Baka hindi mo namamalayan na attorney niya ang pupunta sayo at papirmahan ang annulment."

Nang maka-alis ang mag-asawa, he started to recap everything behind his wish to Gracelyn.

~FLASHBACK~

"Masyado mong pinagmamasdan ang litrato ng anak ko, hijo. Maganda ba?" nakangiting tanong ni Gracelyn kay Luke.

"She's beautiful I've ever seen, Mrs. Briones,"

"Just call me Tita, okay?"

"Halika ka at magmeryenda ka muna. Pamaya-maya ay nandito na rin si Ashley," anito at umupo silang mag-asawa sa sofa na malapit sa bintana sa sala habang si Luke ay patuloy pa ring pinagmamasdan ang nga litrato ni Ashley.

Gumawa siya ng isang malalim na paghinga at lumuhod sa harapan ng mag-asawa.

"Luke hijo, ano ang ginagawa-"

"Gusto ko pong pakasalan si Ashley kapag nakagraduate ako ng college sa America," he deep breath at tumingin sa mag-asawa. Imbis na magalit sa kaniya ang mga ito ay binigyan lang siya ng isang tunay na ngiti.

"Hindi ko siya sasaktan kapag nangyari na iyon, maniwala po kayo Mrs. Briones,"

"Isang oras na lang, flight mo na papuntang America. You have my fully support hijo......"

~END OF FLASHBACK~

"Señorito, nasa baba po ang mga kaibigan n'yo," agad bumaba sa sala si Luke hindi para makita ang nga kaibigan para...

"What the hell you're thinking?" Napa aray na lang si David nang suntukin siya ni Luke.

"Bakit kailangan mong sabihin kina Mommy at Daddy na umalis si Ashley?" Galit nitong sabi habang sinusubukang pumiglas sa pag-aawat nina Clark at Allen.

"Ano ang mali sa ginawa ko dude? Magulang sila ni Ashley-"

"Pero problema naming mag-asawa iyon. At wala kang karapatan para pangunahan ako sa dapat kong gawin. Isa kang hangal."

"Hanggang ngayon pinanghahawakan mo na asawa mo siya? Nasa fake marriage lang kayo."

"Iyon ang alam mo." Nanlaki na lang ang mga mata ni Claudia sa narinig. She feel something behind his words at hindi siya nagkamali.

"Minahal ko na siya bago ka pa niya nakilala. At kung kilala mo siya talaga, alam mong hindi March 15 ang birthday niya. Bitawan n'yo nga ako. Masyado kang umaasa na sapat na ang pagkakakilala mo sa kaniya kahit hindi naman talaga. Bakit hindi mo tanungin sina Vina, Luis at Johnny? 'Di ba mga kaibigan mo sila?"

"Nagpaka cold, unreceptive guy at tinawag nilang devil CEO dahil ayokong magkaroon ng ibang babae sa buhay ko. You know why? Dahil tanging si Ashley lang ang gusto kong makasama for the rest of my life."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Hindi ka nababagay sa asawa ko. Kung malalaman mo ang totoo, susuko ka sa paghangad mo sa kaniya. She's mine at walang magbabago ro'n. Kami na noon pa lang bago ka pa niya nakilala."

"Sinungaling-"

"Totoo ang sinasabi niya, David. Sorry kung hindi namin nasabi sa iyo," napalingon siya sa pintuan at nakita niya sina Vina, Luis at Johnny na naroroon.

"Bata pa lang kami ay kami na ang magkakasama. Childhood friends to be exact. Nagbago na lang ang lahat nang maaksidente si Ash at na-coma ng halos isang taon. And everything started to change nang hindi niya maalala si Luke. Fifteen years old kami no'n noong mangyari iyon. Halos mabaliw na rin sa lungkot si Luke sa mga oras at araw na hindi siya naaalala ni Ash. Pasensya na at ngayon lang namin nasabi ang lahat sa pagkatao ni Ashley. At hindi March 15 ang birthday niya kung 'di, July 27. May isang kapatid si Ash at 'yon ang may birthday ng March 15," ani Luis sa mga ito. Nanlambot si David nang marinig ang katotohanan.

"Hindi namin sinabi sa'yo, dahil hanggang ngayon, walang naaalala si Ashley tungkol sa nakaraan niya kaya pasensya na," sinserong sabi ni Vina sa binata. "Boyfriend niya, si Luke noong panahong iyon," dagdag niya na nagpagulat sa lahat ng kaibigan ni Luke.

"P-Pero,"

"Mr. Montecillo, may balita kung nasaan si señorita Ashley ngayon," bungad ni Kenneth sa lahat.

"Nasa tinuluyan n'yong hotel sa boracay," agad na nagpalit ng damit si Luke para puntahan ang asawa.

"Pwede ba sumama?" David ask at bumalik sila sa mga sasakyan. Iisang sasakyan ang ginamit nina Luke, Kenneth, Vina, Luis at Johnny gano'n din sila David.

Bale dalawang kotse ang gamit ng mga ito papuntang boracay. Hindi maiwasan na kabahan sina David at Luke habang nasa biyahe sila. Walang uminda ng gutom o kahit ang pagka-uhaw nila.

Kinabukasan na sila nakarating sa boracay. Halos alas-nueve iyon ng umaga. Pagkatapos lang nilang kumain sa restaurant malapit sa airport ay agad nilang binagtas ang ilang milyang layo nito sa mismong hotel na tinutuluyan ni Ashley.

Nag-iinat at humihikab ang mga ito nang lumabas sa sasakyan. Agad na nagtungo si Luke sa lobby ng hotel para tanungin kung anong room naroroon ang asawa.

"Mr. Montecillo? Bakit po kayo nandito?" agad na naalala ni Luke kung sino ang kumakausap sa kaniya sa harapan ng elevator.

"It's you. Pupuntahan ko lang ang asawa ko,"

"Wala po siya sa room niya. Nagkita kami kanina sa lobby, sinabi pa nga po niya na pupunta siya sa boracay para sumagap ng sariwang hangin-" hindi na niya pinatapos ang gwardiya dahil gusto niya ng makita ang asawa.

Nang makarating sila sa boracay. Libo-libong mga tao ang bumungad sa kanila para maligo. Halos kinse minuto na silang naghahanap kay Ashley. Naghiwa-hiwalay na rin sila para mas madali nila itong makita. Nang makita ni Luke ang magandang alon ng tubig, naalala niya ang sinabi ng asawa noong mga bata pa lang sila. Hindi na niya hinayaang palipasin pa ang segundo at tinakbo niya ang lugar na panoritong spot ng asawa sa tuwing nasa boracay ito.

"She's there," hinihingal na huminto ang lahat nang makita nila si Ashley na nakaupo sa isang malaking bato habang nanonood ng pag-alon ng tubig.

"Ashley Briones Montecillo!" tawag ni Luke sa kaniya at nang marinigan siya nito ay muli siyang tumakbo para mahagkan ang asawa.

Halos isang metro ang layo nila sa isa't isa nang makalapit siya rito. He grabbed her lips at hinalikan ito. Their heart beat so fast and faster. Hindi niya hinayaan na kumawala pa ang asawa. Bawiin man ni Ashley ang kanyang labi ay hindi na niya namamalayan na kusa na itong tumutugon sa bawat halik ng asawa.

Mula sa kinatatayuan nila, isang matalim na kutsilyo ang tila ba tumusok sa puso ni David habang nakikita ang dalawa. He was in hurt. Hindi niya masabi iyon sa mga kaibigan. All this time, may naunang minahal si Ashley bago pa siya nakilala nito. His tears started to drop on his face at hindi na niya kaya pang itanggi na hindi siya ang nababagay kay Ashley.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height