The Desires/C11 The Rivalry
+ Add to Library
The Desires/C11 The Rivalry
+ Add to Library

C11 The Rivalry

Bumalik ng hotel ang mga ito at sinamahan ni Luke ang asawa para mag-impake ng mga gamit. Hindi mapaliwanag ni Luke ang sayang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hawak-hawak niya ang kamay ng asawa habang naglalakad pabalik ng kwarto.

"Are you done?" tumayo si Luke sa pinto ng banyo habang pinapanood ang asawa na nag-iimpake ng mga gamit nito.

"Paano mo ako natunton na nandito ako?"

"Asawa kita Ash, kaya alam ko kung nasaan ka at ano ang ginagawa mo," ngumiti ito bago lumapit sa kinauupuan ni Ash. He kiss her forehead at hinagod ang buhok nito.

"You're my wife and my life, Ash. Hindi ako papayag na may magbago pa ro'n," sinsero nitong sabi sa kaharap niyang asawa.

"To be honest, pabalik na ako ng Manila kanina. Pero gumanda ang alon sa dagat kaya nag-iba ang isip ko. Naalala ko na ang lahat, Luke," she stared at him at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ng asawa bago itinuloy ang sinasabi.

"Ginusto ko ang umalis para sigaraduhin ang mga imahe na sumusulpot sa isip ko tuwing pinipikit ko ang aking mga mata. Luke, sorry, kung hindi kita naalala sa maraming taong lumipas. Nag college ka ng malayo sa akin. Pinagtabuyan kita dahil kinilala ka bilang isang playboy ng iba. Sorry, kung nakalimutan ko na boyfriend kita. Sorry, dahil ngayon ko lang naalala ang lahat. Sorry pero thank you. Thank you because I have you right now," anito at marahang hinalikan ang asawa.

Mula sa labas ng kwarto ay rinig na rinig ng lahat ang pinag-uusapan ng dalawa sa loob. Kung kanina ay may isang matalim na kutsilyo ang tumusok sa puso ni David, ngayon ramdam niya na mas bumabaon pa ang tusok ng kutsilyong iyon.

"David," awang awang boses ni Vina na tinawag ang pangalan ng kaibigan.

"Siguro, kami na ang maunang bumalik ng Manila," singit ni Allen at inalalayang maglakad si David.

"Sandali," tumakbo si Johnny sa harapan ng magkakaibigan.

"David, I know huli na pero patawarin mo sana kami. We didn't mean it. Hindi namin ginusto na itago sa'yo ang lahat. Sadya talagang hindi maaaring malaman ng iba ang tungkol sa nangyari sa kanilang magkapatid. I'm sorry," hindi na nagsalita ang binata at nilisan na lamang ang kanyang pwesto.

Halos langgamin na ang sasakyang sinasakyan ng mga-asawa kasama ang mga kaibigan nila sa sobrang sweet nila sa isa't isa. Sinubukang bigkasin ni Luis ang pangalan na David at mahahalata sa mukha ni Ashley ang biglaang pagkawala ng saya nito sa labi at sa mga mata.

"Sorry," ani Luis.

"No. It's okay," pilit na ngumiti si Ash sa kaibigan at binaling ang tingin sa bintana ng sasakyan.

..........

Gabi na ng makauwi ang mga ito. Hinatid ng mag-asawa ang kanilang mga kaibigan sa kani-kanilang mga bahay bago dumeretso sa bahay nila Ashley.

"Ashley hija," niyakap ni Gracelyn ang anak sa labas pa lang ng pinto ang nga ito.

"Two weeks from now, birthday na ni kuya Allison. So, what's you and Daddy's plan about it? I want to visit his grave. Gusto ko siyang pasalamatan sa ginawa niyang pagliligtas sa akin. Kung hindi dahil sa akin-"

"Ssshhh, sapat na naalala mo ang lahat. No one knows how much I'm happy right now dahil unti-unti ng bumabalik ang memorya mo anak ko. Alam kong masaya ang kuya mo dahil sa nakikita niya ngayon," hindi mapigilan ni Gracelyn na maiyak habang yakap-yakap ang anak.

"Hindi mo kasalanan ang nangyari, Ash. Ginawa iyon ng kapatid mo dahil gusto niyang ikaw ang mabuhay. He sacrificed his life para magawa mo ang lahat ng pangarap mo sa buhay. Remember, you have same dream in life. Gusto mong maging dancer at gusto niya rin ito. Nagawa mo ang bagay na gusto niya, hija. I'm happy that you're finally back sa amin ng Daddy mo,"

"Your Mom's right. Ash hija, dadalaw tayo sa puntod niya don't worry," ngumiti si Rafael sa anak and he tapped Luke's shoulder.

"Ow by the way, kumain na kayo?"

"Yes Mom, kasama namin ang barkada,"

"Lagi namang maayos ang kwarto mo hija. Magpahinga na kayo," dumeretso ang dalawa sa kwarto ni Ashley para magpahinga.

..........

"Ashley my dear. You're back!" kunot-noong hinarap ni Ashley ang babae mula sa kanyang likuran.

"Hindi ko inaasahan na dito pa tayo magkikita. So, nage-expect ka pa rin ba hanggang ngayon na-"

"Mrs. Montecillo, thank you for coming! I didn't expect na papayag ka sa invitation ng school. We're glad to have you here for this special event of our previous school. By the way, how are you?" ani Dianna- one of Ashley's batch mate. Elementary pa lang sila ay magkaklase at batch mates na silang dalawa. Alam niya rin ang nangyaring aksidente sa kanilang magkapatid pero nilihim niya iyon sa iba para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng buhay ni Ashley.

"Heto, kasal na and you?"

"Yeah I heard you're marriage with Luke. Noon pa lang naman alam na natin na kayo ang ikakasal, hindi ba? But, how about David? Nakita mo na ba siya? I heard, bumalik siya from U.S. at isa ng tanyag na manunulat at doctor. Gumanda ang buhay niya nang nakapag-aral siya ro'n. Sa bagay, hindi naman natin malalaman ang kapalaran ng isang tao hangga't hindi ito nakakapagtapos," bakas sa mukha ni Ashley ang lungkot nang marinig niya ang pangalan ng binata.

"By the way, ikaw ang guest speaker-"

"What do you mean by that, Dianna? I thought I'm-"

"As far as I know Sophia, hindi ikaw ang valedictorian? So, what's wrong with you? You're still expecting too much. Hindi ikaw si Ashley," ngumiti ito sabay tumalikod kay Sophia.

Ang araw na iyon, ika-4 ng Marso ay gaganapin ang pagtatapos ng mga estudyanteng nasa sekondarya. Teacher roon si Dianna. Malapit na malapit ang loob ni Dianna kay Ashley kahit nga bata pa lamang ang mga ito. Katulad siya ni Ashley- palaging pinag-iinitan ni Sophia nang makatungtong sila ng high school.

"Nang nasa senior high tayo, akala ko si David ang ka-forever mo, Ash? Hindi pa rin nawawala ang-"

"Kung ako sa'yo, hindi ako mangingi-elam sa buhay ng ibang tao, Sophia. Masyado kang pakilamera ng iba." Ani Luke nang makita ang asawa at si Sophia. Kunot-noong tumingin si Sophia sa direksyon ni Luke.

"To be honest, hindi ko hinayaan na dapuan ng lamok ang balat ng asawa ko o kahit isang insekto na katulad mo." He grabbed Ashley's waist as he smirk to Sophia.

"Hindi pa tayo tapos." Nanggagalaiting sabi ni Sophia bago iniwan ang mag-asawa.

"Hindi mo naman kailangan pumunta rito,"

"Hindi nga, pero gusto ko," he kiss his wife bago niyakap ng mahigpit.

"Maraming tao-"

"Wala akong paki-elam sa kanila. Asawa kita at ganito ang ginagawa ng mga mag-asawa," anito sa pilyong boses at tinadtad ng halik ang leeg ni Ashley.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height