C12 Sa Pagitan ng Buhay at ng Kamatayan
"Hindi ka bulag para hindi mo makita na masaya siya sa kasal nila, Charles. Why don't you move forward and look your future with someone na deserve ng pagmamahal mo? Charles, kailan mo matututunan na hindi ka minahal na higit sa kaibigan ni Ash? Almost ten years na patay na patay ka sa kaniya. Panahon na para makalimot, at, buksan ang puso mo para sa taong nagmamahal sa'yo. Charles."
"Hindi mo ako naiintindihan, Sophia. Ganito ang nararamdaman kapag totoo ang pagmamahal mo sa isang tao. Handa kang-"
"Handa kang umasa at masaktan ng paulit-ulit, gano'n ba Charles? Almost ten years. Halos sampong taon akong umaasa, na kaya mo rin akong mahalin tulad ng pagmamahal mo sa kaniya. Ako 'yung palaging nasa tabi mo. Ako 'yung laging concern sa'yo. Pero bakit hindi na lang ako? Charles, kasal siya, hindi mo ba nakikita iyon?"
"Wala kang alam-"
"Of course I know everything. About your f*cking feelings to her. You still admitting na siya, siya 'yung nasa puso mo, siya 'yung mahal mo. Bakit hindi mo palayain ang puso mo? Bakit Charles? Dahil mo siya. Lagi na lang si Ashley. Si Ashley ang mahal mo. Si Ashley na matalino, mabait, si Ashley na magaling sa lahat."
"Hindi ako kailangan dito. Kaya mauna na ako,"
"Hindi ka isang tanga na pinanganak sa mundong 'to para lang umasa sa taong hindi ka naman kayang mahalin. Makikita at mare-realize mo, hindi siya ang babaeng nararapat sa'yo."
"Charles." Galit na galit na tumingin si Sophia sa entablado kung saan nakaupo si Ashley.
"And now, we will procede to the message of our guest speaker today. She's one of the best, top and model student here. She's a dancer, choreographer and she's attorney also. She came from Briones family. She got married last month with her handsome husband. So, let's give around of applause, Mrs. Ashley Briones Montecillo!" pagpapakilala ni Dianna kay Ashley. Binigyan niya ito ng masayang ngiti bago binigay ang mic para magsalita.
"Thank you teacher Dianna for your warmth introduction about me! To all students and graduates, teachers and parents. Isang mapagpalang araw at makulimlim na umaga sa inyong lahat! Ngayong araw ang isa sa pinakamahalagang parte ng inyong buhay. Ngayon ang araw ng inyong pag-ani sa itinanim n'yong sipag, tiyaga at dedikasyon sa pag-aaral. And because of that, you should be proud to yourselves. Education is not only how to learn to speak, to write our names but it is also about how people courage themselves for proving that there's success after many of struggles they experienced. You as a student, you deserve this accomplishment! Hindi ko alam, ang lahat ng pinagdaanan n'yo bilang mag-aaral sa school na 'to but all I know is........"
"Ashley, aalis ka na?" ani Dianna rito.
"Yeah. May client akong kikitain after lunch. Napagkasunduan namin ni Luke na sabay kaming magla-lunch with our parents. Sorry,"
"No, it's okay. Thank you for coming. Ang ganda ng message mo sa kanila,"
"It's my pleasure! So, I have to go. Bye," umalis si Ashley sa harapan niya.
Mula sa paradahan ng sasakyan sa campus ay naghihintay roon si Luke para sabay na silang magpunta sa restaurant kung saan mayroon silang reservation. Halos trenta minuto rin ang naging biyahe nila papunta sa restaurant. Nang makarating sila sa table nila- naroon na ang pareho nilang mga magulang.
"Tingnan n'yo itong mga batang 'to, bagay na bagay sa isa't isa," pagpuri ni Emma sa dalawa nang makaupo sila sa upuan.
"Mommy naman," natatawang sabi ni Luke sa kanyang Mommy.
"Bakit? Totoo naman ang sinasabi ng Mommy mo Luke. Kung ako ang tatanungin n'yo, bagay talaga kayo para sa isa't isa, 'di ba Honey?" ani naman ni Gracelyn. Ngumiti ang mga ito sa sinabi ni Gracelyn.
Sinimulan nila ang pananghalian habang masayang nagku-kwentuhan. 'Ni hindi nila alintana ang paglipas ng mga oras. Halos kalahating oras na lang ay magsisimula na ang meeting ni Ashley sa isang kliyente niya.
"Kanina pa tumatawag ang secretary mo, Ash. Baka urgent-"
"Oh my gosh! May meeting pala ako Mom. Sorry but I have to go. Enjoy and have fun!" hindi na hinintay pa ni Ashley na makabalik si Luke galing ng restroom at dali-dali siyang pumunta ng firm.
Mahalaga man sa kaniya ang pagkikitang iyon kasama ang asawa at pamilya nila lalo na at naalala na ni Ashley ang nakaraan, pero mas mahalaga para sa kaniya ang trabaho at tungkuling makatulong sa mga taong hindi nabibigyan ng sapat na hustisya. Pinili niya ang kursong abogasya dahil iyon ang gusto niya. She want to be a choreographer and dancer but, she wanted also to be a lawyer who can help other people especially those people who can't able to have their own lawyer because of their estate in life. Bata pa lang si Ashley ay palagi na niyang sinasabi sa kanyang kuya Allison na gustong gusto niyang maging abogado. No matter what it takes, sinuportahan siya ng kuya niya kahit nasa elementary pa lang ang mga ito.
Allison is one of a kind, lovely and caring brother to Ashley. Walang sino man ang makakapantay sa pagmamahal nito bilang kapatid kay Ash. Ang ibang bata noon ay hinangad na rin siya na maging kuya nila, pero si Ashley ang may ayaw na mangyari iyon. Ayaw niyang ipamigay sa iba ang nag-iisa nitong kapatid. 'Ni kahit sa girlfriend ni Allison noong nasa sekondarya ito ay hindi hinahayaan ni Ashley na ilaan ang buong oras niya rito kahit gustong gusto niya ang dalaga para sa kapatid.
..........
"Sorry I'm late,"
"As always naman, Ash. By the way, we have thirty seconds left so, let's go?" mula sa lobby ng firm, dali-dali silang umakyat para kitain ang kliyente niya.
"You have to be thankful Ash, dahil kaibigan mo ang secretary mo here kung hindi, baka puro negative feedback ang makuha mo sa mga kliyenteng hawak mo? Ash, alam kong-"
"Sorry okay? Nagkaroon lang ng lunch together with our parents kaya sorry na," paglalambing ni Ash sa secretary slash best friend.
"May magagawa ba ako?" nagkibit balikat na lang si Luis sa dalaga at natawa na lamang silang dalawa. Sa mga oras na iyon, katatapos lang ang meeting nila sa kliyente.
BOOM! Isang putok ng baril ang unalingangaw sa labas ng opisina ni Ashley. Dahil sa takot, itinago ni Luis ang kaibigan sa ilalim ng lamesa. Nang tumahimik ang paligid ay siya namang pagbagsak ng katawan ni Luis sa harapan ni Ashley.
"Luis. Luis. Guard. Dito. Luis. Luis...."
"Nurse. Nurse. Nurse, dito ba dinala si Ashley Montecillo?" Hindi mapigilan na mag-alala ni Luke sa asawa. Agad niyang tinungo ang kwarto na sinabi ng nurse sa nurse station sa first floor ng ospital.
"Ashley? Ashley," huminto na lang siya sa pagtakbo nang makita na ligtas ang asawa- nakaupo ito at nangangatog ang tuhod habang yakap-yakap ang sarili.
"L-Luke," pautal-utal nitong ani sa asawa habang hindi mapigilan na tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi.
"Ssshhh, you're safe," pagpapakalmang sabi nito sa asawa. He hug her tightly. Hinaplos nito ang likod ng asawa para pakalmahin sa iyak.
"Everything is gonna be okay, trust me Ash. Maliligtas ng mga doctor ang kaibigan natin," he kiss her forehead at muling yinakap. Sa puntong iyon, tumigil sa pag-iyak si Ashley.
Umupo sila at hinintay ang mga doctor na nag-opera sa kanilang kaibigan. Sa isip-isip ni Ashley, kasalanan niya ang nangyari sa kaibigan na si Luis. Kung hindi dahil sa kaniya, makakalaya sana ang Ama ng lalaking kanina na sumugod sa firm nila at magwala ito. Kung hindi ginawang itago siya ni Luis ay siguradong siya ang nasa operation room ngayon- nilalabanan ang kamatayan.
Halos dalawang oras nang naroroon sila sa labas ng OR- naghihintay pero hanggang sa mga oras na iyon ay walang kahit isang doctor o nurse ang lumabas.
"Luke. Ash, are you okay?" Pag-aalalang tanong ni Vina. Nangungusap na tiningnan ni Luke ang mga kaibigan nang hindi sumagot ang asawa niya sa tanong ni Vina.
"Ash, don't blame yourself for what happened to Luis. Hindi ibig sabihin na niligtas ka niya at nangyari ito sa kaniya, kasalanan mo na. Ikaw na rin ang nagsabi sa amin hindi ba? Gano'n ang mga responsibility ng mga lalaking kaibigan sa kaibigan nilang mga babae, 'di ba? He will be fine, okay?"
"Doc. Doc, kamusta ang kaibigan namin?" hindi nag-alinlangan na tanungin ni Allen ang isang doctor na lumabas sa OR.
"Tatapatin ko kayo. Masyadong maraming dugo ang nawala sa katawan ng pasyente. Kinailangan alisin ang bala sa katawan nito at masalinan ng dugo. For now, iniaayos na ang kwarto na paglilipatan niya. Nothing to worry about. He's fine and his condition is on stable. Excuse me," nakahinga ng malalim ang lahat nang marinig ang sinabi ng doctor. Luis is safe. Sapat na iyon para makampante silang lahat lalo na si Ashley.