The Desires/C13 Breaking the Rules
+ Add to Library
The Desires/C13 Breaking the Rules
+ Add to Library

C13 Breaking the Rules

Nang malaman nilang nasa ligtas na kalagayan ang kaibigan na si Luis, nagdesisyon ang iba na kailangan ng iuwi si Ashley para makapag pahinga. She needs rest. Kailangan niyang makalimutan ang nangyari sa araw na iyon. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili at huwag sisihin dahil napahamak ang kaibigan imbis na siya dahil sa paghihiganti ng anak ng taong

"Hey! Nagseselos na ako sa pag-aalala mo kay Luis. He's fine right now. You heard it from his doctor. Pwede namang ako naman ang alalahanin mo," pilyong sabi nito.

"Luke,"

"Ang bait mo talagang kaibigan. Noon pa lang ganito ka na," anito at ngumiti sa asawa. Mula sa harapan ni Ash ay kinulong nito ang asawa sa kanyang mga bisig.

"Remember, ako ang asawa mo kaya dapat, sa akin ka lang nag-aalala," marahan niyang pinisil ang pisngi ni Ash at hinalikan sa mga labi nito.

"We're in a fake marriage remember?" binitawan ni Luke ang asawa at inalis ang suot na coat.

"Yes, pero pwedeng baliin ang mga conditions do'n 'di ba?" he grabbed Ashley's waist at tuluyang inangkin ang mga labi nito. He softly kiss her lips at marahang inihiga sa kama. Ramdam nila ang parehong pagbilis ng mga dibdib nila nang magdikit ang kanilang mga katawan. Ashley placed her right arm on Luke's nape. She close her eyes at tumugon sa bawat halik ng asawa.

..........

Maagang nagising si Luke at pinagmasdan ang maamong mukha ng natutulog niyang asawa. Unan unan nito ang kanyang kanang braso at nakayakap sa kaniya. Marahan niyang hinipan ang tainga ng asawa dahilan para magising ito.

"Good morning," ani Luke at binigyan ng morning kiss ang asawa. Bumiling at tumalikod sa kaniya ito at pinagpatuloy ang pagtulog.

"Hey! May trabaho ka, at hindi kailanman nale-late ang mga abogado sa firm nila lalo na kung maraming kaso na hawak," anito at yinakap nito ang asawa mula sa likuran.

"Inaantok pa ako," halos bulong na lang na sabi ni Ashley sa nangungulit na asawa.

"Gusto kitang makasabay maligo eh," anito sa nakakaakit na boses at hinipan muli ang tainga ng asawa.

"Loko," napa ngisi na lang si Luke sa sagot ni Ashley. Tumayo ito at nagtungo sa banyo.

"Bumangon ka na rin riyan at bibisitahin natin si Luis bago kita ihatid sa firm," dagdag nito nang makapasok sa banyo. She immediately get up at pinigilan ang antok.

Halos sampong minutong naghintay si Ashley sa labas ng banyo. Nang makalabas si Luke ay nakasuot na ito ng pang trabaho. Naka black na coat at pants. Perfect couple and color of his outfit as CEO of their company.

"See you in dining," he kiss his wife na nakatayo sa labas ng pinto bago lumabas ng kwarto. Nagsimula namang maligo si Ash at namili ng susuutin para sa araw na iyon.

After eating break fast, dumeretso sila ng ospital bago pumasok sa kani-kanilang mga trabaho.

"Tinawagan ako ni Luke kanina, dadaan sila dito bago pumasok ng trabaho. Binilin ni Ashley at ni Luke na huwag kang hayaang lumabas ng ospital hangga't hindi ka pa nakaka recover," ani Vina nang hanapin ng binata ang mga kaibigan.

"Si Heizelle ang siyang nagbantay sa'yo magdamag. Dumating kami rito kanina na gising pa siya kaya, pinahatid ko na lang siya sa driver para makapag pahinga na rin," ani Johnny at umupo sa sofa malapit sa kama.

"Si David?" nagtinginan na lang ang dalawa sa tanong ni Luis.

"Wala pa siyang alam tungkol sa nangyari. Ang balita ko, umuwi siya sa probinsya nila at nag leave sa trabaho. At narinig kong... dalawang linggo ang bakasyon niya sa probinsya," nagbalat ng mansanas si Vina nang masabi niya ang mga iyon.

"Ah, gano'n ba. Ayoko ng mansanas,"

"Pero kailangan iyan ng pasyenteng katulad mo, Luis. Huwag matigas ang ulo. Boss mo ako at secretary lang kita kaya, susunod ka sa utos ko," ngumiti si Ashley sa mga kaibigan.

"Let me peel this one, Vina,"

"Kagabi pa nag-aalala si Ash sa iyo Luis, kaya hayaan mo na lang siya. Alam mo naman kung paano siya mag-alaga sa tuwing nagkakasakit ang isa sa atin," pagpapatawang sabi ni Luke sa mga kaibigan. Nang tumingin ito sa asawa, pinanlakihan na lang siya ng mata nito.

"Don't deny it, Ash. Totoo naman," dagdag nito kaya hindi na nila napigilan na tumawa pa ng malakas.

..........

"Ms. Ana, planado na po ang lahat. Signal n'yo na lang ang hinihintay ng mga tauhan natin. Sabihan n'yo lang kami kung kailan gagawin ang plano," ani isang lalaking nakasuot ng black mask.

"Siguraduhin na walang makakaalam ng plano," ani Ms. Ana. Nakasuot ito ng black hoodie. Bumalik sa pwesto nito ang sigurong kanang kamay ng Ms. Ana na iyon.

Habang nagmamasid si Ana ay isang lalaki ang lumapit sa kaniya. Naka white coat at pants ito. Bumuntong hininga ito bago nagsalita at punahin ang plano ni Ana.

"Siguraduhin mong mamamatay siya, Ana." Walang emosyong sabi nito. Sandaling tumahimik ang paligid sa dalawang taong iyon.

"Nothing to worry about. Narinig mo ang sinabi ng tauhan ko. Planado ang lahat kaya wala kang dapat ikabahala pa. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito kaya, sisiguraduhin kong mamatay siya."

"Don't calm yourself about that. Hindi natin kontrolado ang lahat. Isa lang ang masasabi ko, mag-iingat ka dahil hanggang ngayon ay nakapaligid sa kaniya ang mga kaibigan at maging ang tinaguriang devil CEO na asawa niya. Baka dahil sa kanila ay maudlot ang matagal nating planong ito. Ayokong magdaan pa ang taong ito, na buhay at masaya siya sa lahat ng mayroon siya."

"Nagkakamali ka riyan dahil kontrolado ko ang lahat. Mababasa mo na lang sa dyaryo na pinatay siya ng hindi nakikilang mga tao." Gumuhit ang isang matalim na ngiti sa labi ni Ana at tumalikod ito sa lalaking kausap niya. Tinungo niya ang isang pasilyo na halos hindi na maaninag ang daan sa sobrang dilim.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Ana. Masyado kang kampante sa lahat ng planong ginagawa mo." Ani ng lalaki sa isip habang pinagmamasdan ang Ana na papalayo sa kanyang pwesto. Bumuntong hininga ito at nilisan na rin ang pwesto niya.

Sa mga oras na iyon, ang buong building ay binalot ng katahimikan at tanging huni ang ibon at hampas ng mga dahon ang maririnig.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height