C14 Ana's Revenge
Isang babae ang nakatayo sa labas ng bahay nina Ashley. Mula sa kinatatayuan nito ay tanaw tanaw ang nagtatawanan na sina Gracelyn at Rafael. She felt joy as she saw their smiles.
"Ate Alyssa? It's been a while. I'm glad you're back," nakangiting sabi ni Vina nang bumaba ng sasakyan ito.
"Long time no see, Vina. How are you?" sa sobrang saya ni Vina ay napayakap na lang siya sa ate Alyssa niya. Sumigaw ito sa Tita at Tito nito para makita nilang muli ang babaeng halos maging parte na ng pamilya nila. Kung hindi namatay si Allison marahil ay kasal na ang mga ito at may dalawang anak kung tutuusin.
"Alyssa hija," yinakap ni Gracelyn si Alyssa at marahang napaiyak sa sobrang sayang kanyang naramdaman. Halos labing-isang taon din silang hindi nagkita nang maaksidente ang dati nitong nobyo na si Allison.
"Tita, I missed you," anito at ginantihan ng yakap ang Ginang. Inabot nito ang kamay ng Tito Rafael niya at ngumiti rito.
"Halika sa loob at siguradong na-miss mo ang bawat sulok ng bahay. Sayang at wala rito si Ashley alam mo naman kapag kinakasal ang isang tao, lumilipat ng bahay ang babae," napangiti na lang si Alyssa sa sinabi ng Tita Gracelyn niya.
"Na-miss ko ang bahay na ito, Tita, Tito," bumakas ang lungkot sa mukha ng dalaga nang makapasok ang mga ito sa loob ng bahay.
"Ate Alyssa, kahit ano naman ang nangyari eh, welcome ka naman sa bahay na ito, 'di ba Tita, Tito?"
"Of course! Welcome ka sa bahay na ito hija at kung gustong mong palaging magpunta rito, sabihan mo lang kami ng Tita mo at kami na ang magka kansela ng mga meeting namin para makapag bonding tayong tatlo,"
"Kasama naman po ako Tito," nagtawanan na lang sila sa reaksyon ni Vina.
"Mom? Dad? Yaya? Mom?"
"Luke hijo, bakit? May nangyari ba? Bakit hindi mo kasama ang asawa mo para-"
"Nawawala si Ashley Mommy. Ang sabi ng katulong sa bahay, isang grupong mga lalaki ang nagpunta ro'n, naka itim na maskara at armado and siyang tumangay kay Ashley." Dahil sa pag-aalala ni Luke sa asawa ay hindi na nito napansin kung sino ang dalagang nasa kanyang harapan.
..........
~THROWBACK~
"Yaya, pakisunod na lang po sa kwarto ang coffee ko, salamat," ani Ashley at bumalik sa kwarto nila.
Dahil wala siyang dapat asikasuhin sa firm at nasa ospital pa rin ang secretary niya na si Luis, nanatili na lang ito sa bahay at igugol ang oras sa paggawa ng mga dance steps para sa mga bago nilang estudyante sa studio.
"Sino sila?" ani yaya nang may...
"Nasaan si Ashley?" Pagtututok ng baril ng isang lalaki sa yaya. Kumalat ang iba sa buong bahay. Tatlo ang pumunta sa kusina at sa likod-bahay habang lima naman ang nagpunta ng second floor. Bantay bantay pa rin ng lalaking nagtutok ng baril ang mga katulong habang naghahanap ang mga kasamahan nito.
"Bukas iyan yaya... sino si-" Nawalan na lang ng malay si Ashley nang may kung anong tinukop sa ilong nito.
~END OF THROWBACK~
Halos dalawang oras ng walang malay si Ashley habang nakatali ang dalawa nitong mga kamay.
"Sinabi ko naman sa'yo, kontrolado ko ang lahat. Sa tingin mo ba, may makakapag ligtas pa sa kaniya? Wala." Tumawa ito habang pinagmamasdan ang kawawang Ashley na nakagapos sa mga oras na iyon.
"Gising ka na pala? Nakikilala mo ba kung sino ang mga kaharap mo?" She smirk at her ridiculously.
"I-Ikaw?"
"Absolutely! Ako nga, Ashley. Ikinagagalak kong makita ka rito, Mrs. Ashley Briones Montecillo."
"Huwag kang mag-apura sa gusto mong gawin. Wala namang makakaalam kung nasaan tayo hindi ba? Easy," nilingon nito ang pwesto ng lalaking nagsasalita at.....
"Austin? Bakit?"
"Nakakaawa ka my dearest cousin," binaba nito ang balikat para magpantay ang tingin nila ni Ashley.
"Ano ang ginawa ko sa inyo para ganituhin n'yo ako?"
"Wala ka ba talagang alam, Ashley?"
"Ssshhh, kalma. Narito lang siya oh. Calm," nilayo ni Austin si Ana at muling binaling ang tingin sa pinsan. Napa buntong-hininga ito bago pa man din lumapit sa pwesto ni Ashley.
"Do you have any idea kung bakit, nandito ka? Dapat lang naman kasi, 'di ba Ash? Matalino ka, abogado pa nga eh. Nalaman kong naalala mo na ang lahat tungkol sa nakaraan mo? Eh, naalala mo ba, kung paanong-"
"Wala akong alam sa sinasabi mo, Austin. Aksidente ang nangyari at hindi ginusto 'yon ni kuya."
"I'm glad to here that from you. Naalala mo nga."
"Pero hindi ginusto-"
"Syempre iyan ang alam mo. Iyan ang pina alam sa'yo ng kuya mo. Hindi mo man lang inalam ang totoo, Ash. Nang dahil sa inyo, walang naniniwala sa akin alam mo ba iyon? Nang dahil sa inyo, namatay ang girlfriend ko."
"Hindi siya patay."
"HAHAHA. Oo, hindi patay pero parang gano'n na dahil hanggang ngayon, komatos pa rin siya. Ang sakit, Ash alam mo ba 'yon?" Halos masakal ni Austin ang pinsan sa sobrang galit niya rito.
"Hindi ko alam pero bakit ako? Bakit ako ang pinaghihigantihan mo? Kung kasalanan iyon ni kuya, wala na siya Austin. Why don't you look and move forward-"
"Move forward? Ginagawa lang iyon ng mga taong wala ng naiisip na solusyon sa problema nila pero 'yung akin Ash, ikaw. Gagawin ko ang lahat para hindi ka maging masaya. Tinanggalan ng kuya mo ng kalayaan na maging masaya ang girlfriend ko tapos ikaw, magiging masaya't malaya na kahit kailan ay hindi na maaaring mangyari kay Bella. Hindi ako makakapayag ro'n."
"Kaya ka ba?" lumingon siya sa pwesto ni Ana pero matatalim na tingin ang binigay nito sa kaniya.
"Diana," nangungusap at nagmamaka awang boses nito sa dalaga.
"Kung ano man ang kasalanan ko sa'yo, please, pag-usapan natin-"
"Pag-usapan? Kapag ba pinag-usapan natin ang problema ko, maibabalik mo ba ang buhay ng Papa ko?" Nanlaki ang mga mata ni Ashley sa narinig. Lumapit si Dianna kay Ashley at sinampal, sinakal ito.
"Kung hindi dahil sa pamilya mo, hindi pa sana patay ang Papa ko. Masaya pa sana kami ngayon. Alam mo ba ang nangyari kay Mama nang mamatay si Papa, ha Ashley? Hindi, dahil hindi mo naramdaman 'yung sakit na pinaranas sa amin ng pamilya mo."
"H-Hindi k-ko alam-"
"Sinungaling ka. Kitang kita ng dalawa kong mga mata, Daddy mo Ash... ang Daddy mo ang siyang pumatay sa Papa ko. Pinatay ng Daddy mo ang Papa ko." Halos maiputok nito ang baril na hawak sa naka gapos na si Ashley.
"Tinanggalan niya ako ng Ama, kaya ipaparanas ko rin sa Daddy mo, kung paanong mawalan ng mahal sa buhay."
BOOM!