The Desires/C15 The Truth behind her Plans
+ Add to Library
The Desires/C15 The Truth behind her Plans
+ Add to Library

C15 The Truth behind her Plans

Walang idea ang lahat kung nasaan o ayos lang ba si Ashley. Kahit hindi pa totally recovered si Luis ay napilitan itong lumabas ng ospital para tumulong sa paghahanap sa kaibigan. Maka ilang beses na ring hinimatay si Gracelyn sa sobrang pag-aalala sa anak.

Lakad rito, lakad roon. Lingon dito, lingon doon. Iyon ang naging ikot ng lahat sa sitwasyon habang naghihintay ng balita sa mga police na kanilang kinontak. Kahit nga si Alyssa ay wala pa ring maisip na dahilan para mangyari iyon kay Ashley.

"Hindi kaya, kinuha siya ulit ni Charles? Baka posible iyon dahil, minsan na niyang kinuha ang asawa ko bago ang araw ng kasal namin, officer." Abot ang haplos ni Luke sa mukha niya sa sobrang pag-aalala para sa asawa.

Nagkatinginan na lang ang lahat nang tumunog ang telepono sa sala. Dahil sa possibilities na naisip ni Alyssa, kinonek nila ang telepono ng lahat, nilagyan ito ng mga GPS para ma-trace ang tawag kung sakaling kidnap for ransom ang nangyaring pagkuha kay Ashley.

"Hello, is this the family of Mrs. Ashley Montecillo?" rinig nilang lahat ang tinig ng isang babae sa tawag.

"Yes, who's this?" ani Luke kaya hinanda niya ang sarili sa isasagot ng babae.

"I'm sorry pero pinaki-elaman ko na ang gamit at cellphone niya. Nga pala, nandito ako sa ospital. Kung gusto n'yong malaman ang condition niya, ite-text ko ang address ng ospital," binaba ng babae ang tawag at isang message ang kanilang natanggap mula sa parehong number na tumawag sa kanila.

Nang mabasa nila ang text, hindi sila nagdalawang isip na puntahan ang ospital para siguraduhin kung totoo ang sinasabi ng babaeng iyon.

..........

Dahil masyadong malayo ang address ng ospital, isang oras nila itong binayahe.

"Ikaw ba ang pamilya ng pasyente?" ani doctor sa babaeng nakatayo sa labas ng operation room.

"Kami. Kami ang pamilya ng pasyente,"

"Doc, kamusta ang asawa ko?" diretsahang tanong ni Luke kahit hinihingal pa ito.

"Magpasalamat na lang tayo dahil ligtas sila ng anak niya-"

"Anak?" nanlaki ang mga mata ni Luke nang marinig na buntis ang asawa niya.

"Walang organ naman ang tinamaan ng baril mabuti na lang na naagapan ang tinamo niyang sugat. Marami rin ang gasgas sa mukha niya. May possibility na bakas iyon ng sampal at may singsing ang gumawa no'n. Congratulations, she's two weeks pregnant. Excuse me," ani doctor at nilisan ang Luke na napahagulgol na lang sa iyak. Hindi rin mapigilan ni Gracelyn ang kanyang emosyon at tuluyan na itong hinimatay sa narinig sa doctor.

"Luke," mangiyak ngiyak na tinig ni Allen na tinawag ang kaibigan. Napa-upo at napasandal na lang sa pader ng OR si Luke. Naghahalong emosyon ang nararamdaman ni Luke sa mga oras na iyon. Napapaiyak siya sa sobrang saya nang malaman na konting buwan na lang ay magiging ganap na Ama na siya.

"Magiging ayos ang lahat, don't worry,"

"Yeah. She will be fine. Kilala naman natin si Ash, 'di ba? Nailigtas nga niya ang anak n'yo eh," ani Vina sa mangiyak-ngiyak na boses.

"Luke. Luke," napalingon na lang si Luke sa kinatatayuan ng tinig na iyon.

"Magiging Ninong na tayo, David," nakangiti si Johnny rito at napanatag ang kalooban ng binata.

"Alam n'yo na pala," ngumiti ito at tinuloy ang sinasabi. "Tinawagan ako ng kasamahan ko sa ospital at sinabing siya 'yung doctor na nag-examine kay Ash. She's two weeks pregnant, Luke. Finally, isa na kayong ganap na isang pamilya. I'm happy for you, Luke," ngumiti ito at binaling ang tingin aa mag-asawang Gracelyn at Rafael.

"Ngayon alam ko na kung bakit ayaw n'yo ako para sa anak n'yo, Mr. and Mrs. Briones. Ginawa n'yo lang ang nararapat gawin," anito at bahagyang lumapit sa mag-asawa.

"Naiintindihan ko na ang lahat. Siguro, ito ang huling pagkikita nating lahat. Mrs. Briones, tinurong ko na kayo bilang isa kong Ina," bumuntong hininga ito bago pinagpatuloy ang sinasabi. "Kahit ngayon lang po. Pwede ko po ba kayong tawaging-"

"David hijo, patawarin mo ako. Pwedeng pwede. Form now on, just call me Tita, okay?" tinapik nito ang likod ng binata. Hindi na napigilan ni David ang maluha sa sinabi at nang mahagkan siya ng Tita Gracelyn niya.

"Sino ang pamilya ng biktima?" dalawang lalaking pulis ang lumapit sa kanila.

"Kami ang mga magulang at siya naman ang asawa niya," pagtuturo ni Rafael sa asawa at kay Luke.

"May nakapagturo kung sino ang gumawa nito sa inyong anak. Nasa prisinto sila ngayon,"

"May naiisip ba kayong maaaring dahilan kung bakit nagawa nila ito sa inyong anak?" ani ng dalawang pulis. Nagtinginan ang nga ito bago sumagot sa mga ito.

"Isang attorney ang asawa ko at marahil anak o kamag-anak ng mga napakulong niya ang gumawa nito," sinserong sabi ni Luke sa pulis habang hawak-hawak ang balikat niya ng kaibigan na si Allen.

"Kung gano'n, sumama kayo para siguraduhin ang totoong dahilan. Sumama kayo sa prisinto at harapin ang dalawa ro'n,"

Naiwan sa ospital si Luke at si David habang sumama naman sa prisinto ang iba.

..........

Natulala at nanlaki ang mga mata ng mag-asawa nang makita ang dalawang suspect na tinutukoy ng mga pulis. 'Ni hindi magawang makapagsalita ng mga ito dahil sa ang babae at ang lalaking gumawa na iyon sa kanilang anak ay isa sa mga pinsan ni Ashley at isa sa mga tinurong na kaibigan ng kanilang anak na si Dianna.

"Mr. and Mrs. Briones, kilala n'yo ba sila?"

"Nga pala, ito ang nakapagturo sa amin sa dalawang ito," pagtuturo ni Police officer Corpuz sa nakakita at nakapagturo ng lahat.

"Nagulat ba kayo, Uncle Rafael?" He smirk at them at tumawa na lang ng malakas.

"P-Paano n'yo nagawa ito kay Ashley?"

"Dahil ayokong maging masaya ang anak n'yo?" Gracelyn slap him at pinagmumura sa harap ng mga pulis.

"Wala kang respeto sa Tito mo." Gracelyn shouted at hinarap ang pamangkin.

"Respeto? Sa mga kasalanan n'yo sa tingin n'yo ba deserve n'yo ang respeto ng iba? Hindi magkaka ganito ang lahat kung hindi n'yo pinatay ang Ama ko." Sumabat na si Dianna at pinanlisikan ng tingin ang mga ito.

"Hindi n'yo naaalala ang mga pinaggagawa n'yo? She deserve to die."

"Walang hiya kang bata ka." Kung hindi napigilan ng mga bata si Gracelyn marahil ay naabot nito ang mahabang buhok ni Dianna.

"Mas walang hiya ang asawa mo. Pinatay niya ang Papa ko. Pinatay niya ang Papa ko."

"Nagkakamali ka. Hindi ko siya pinatay at kung hindi ka naniniwala, wala na akong magagawa ro'n."

"Sinungaling ka. At huwag kayo mangingi-elam. Mga pakilamera." Hindi na napigilan pa ng mga pulis ang galit na mayroon ang dalawa.

"Nang dahil sa'yo, nawalan ako ng Ama. Nawalan ako ng Ama na mag-aalaga at magpo protekta sa akin sa tuwing binu-bully ako. Nang dahil sa'yo, naging miserable ang buhay ko at ng Mama ko. Kinailangan niyang dalhin at manatili sa mental ospital para mabantayan ng mga doctor. Nabaliw ang Mama ko dahil sa pagkawala ni Papa at dahil iyon sa iyo."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height