C16 The Farewell
David's POV
Pinagmasdan ko ang kabuuang pigura ni Luke habang nakaupo at nagpapadyak padyak ang mga paa nito. Sampong metro ang layo nito mula sa kinatatayuan ko tulad ng sabi niya. Gusto niyang may distansya sa pagitan naming dalawa. Halos dalawang oras nang mailipit si Ashley sa private room para doon magpahinga. Lumabas si Luke ng kwarto dahil ayaw niyang makita na gano'n ang kalagayan ng asawa.
"Luke, can we talk?" I step my leg at lumingon siya. Nangungusap ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
"What for? To be honest, bakit sa ating dalawa ikaw pa... ikaw pa ang unang nakaalam na buntis ang asawa ko?"
"Nilihim ko ang bagay na 'yon dahil gusto kong sa kaniya mo malaman but all of a sudden, something wrong happened to her. Alam mo, ang swerte ng magiging anak n'yo. Imagine, magkakaroon siya ng mga magulang na sobrang caring sa iba nilang kapwa at sobrang mapagmahal. Bro, ingatan mo siya," nilingon niya ang pwesto ko at nagbigay ng nangungusap na tingin.
"Remember, 'yung doctor na nakilala ko sa America? Inaalok ako ng trabaho sa ospital nila at, pumayag ako. Tinanggap ko ang alok niya at mag-stay na lang sa bansang iyon. This is the last time na makakapag-usap tayo. I'm sorry kung hindi ko nalaman ng maaga ang lahat. Sorry, kung minahal at nasaktan ko si Ashley," sabi ko na hindi nililingon si Luke.
"David,"
"I know bro, alam ko. At ngayon, para matuto akong makalimot, ako na ang lalayo dahil iyon naman ang nararapat kong gawin in the first place. Ang paglayo ko sa inyo ni Ash ang dapat kong gawin para wala ng mahirapan at masaktan pa. She deserve to be loved. She deserve someone like you kaya, kakalimutan ko na siya," hindi ko alam kung totoong dapat ko siyang kalimutan pero ang sakit sa tuwing nakikita ko siya kasama si Luke. Nilingon ko si Luke nang masabi ko ang mga iyon.
"You don't have to," sabi nito habang nakatingin sa akin. All of a sudden mas lalo akong naaawa sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay nasa tabi ako ng lalaking minamahal ng mahal ko. I don't why, pero ang sakit na. Mas pinipili kong makita pa ang lalaking noon pa lang ay nasa puso na ni Ashley. I can't even imagine, na sa halos walong taon kong pagkakakilala sa kaniya, ay may lihim pala siyang hindi maaaring malaman ng iba. Lumingon ako sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng mga luha ko.
"But I have to do this, Luke. Hindi ako makakalaya kung hindi ko siya kakalimutan. Hindi ako makakahanap ng tunay na kaligayan sa America kung hindi ko kakalimutan ang nag-iisang babaeng minahal ko. Luke, both of you deserve to be happy, I deserve to be happy either kaya gagawin ko ito," ngumiti lang ako sa kaniya at tumayo sa upuan.
I was about leave him alone as she speaks, "Aalis ka ba na hindi ako kakausapin para magpaalam? How heartless guy you are, David?"
"A-Ashley?"
"Don't change the topic. Bakit kailangan mo akong kalimutan para lang makahanap ng tunay na kaligayahan? David, hindi ganito ang kaibigan na kilala ko," she smiled at me- genuinely. She open her arms at hinihintay akong lumapit sa kaniya.
"Thank you, Ash,"
"Ako ang dapat magpasalamat sa iyo, David. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako makakaranas na magmahal habang nasa-"
"Sorry, sorry kung minahal kita habang may mahal k. Sorry," ramdam ko na humigpit pa ang yakap niya sa akin.
"Bakit hindi mo hintayin na makalabas ako ng ospital bago ka umalis? Gusto kong ikaw naman ang mag-alaga sa akin habang nandito ako," anito sa tinig na naglalambing. Bumitaw siya sa yakap ko at tiningnan ako sa mga mata.
"Hindi mo naman siguro hahayaan na mapahamak ang baby ko, 'di ba? Gusto pa naman kitang kuning Ninong niya," ngumiti ito at sabay tiningnan ang asawa niya sa likod ko.
Narrator's POV
His heart beat so slow habang naglalakad sa lobby ng ospital. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo niya nang muli niyang nakita ang mga ngiti ni Ashley. 'Ni hindi niya maialis sa isipan ang imahe nito. Ramdam niya ang pagkirot ng dibdib niya nang makitang yumakap si Ashley kay Luke nang papalayo ito sa kanila.
"Kanina ka pa hindi nagsasalita ah? May problema-"
"Nagseselos ako," ani Luke sa mahinang boses. Hindi siya lumingon sa asawa at pupunta sana ng banyo.
"Naks, dapat ba akong kiligin sa sinasabi mo? Luke," she started to kiss his forehead pero kunot-noo siyang tiningnan nito.
"Nagseselos talaga ako. Bakit ang higpit ng yakap mo kay David? Tapos sa akin-" she grabbed his lips at inangkin niya ito. They close their eyes at sabay pinakinggan ang pagtibok ng kanilang mga puso.
"Nagseselos ka pa ba?" ngumiti ito at yinakap ang asawa.
"Alam na alam mo na kung paano ako pakalmahin at tanggalin ang selos ko," bulong nito at hinigpitan ang pagkakayakap kay Ashley.