The Desires/C17 My Restaurant's Dream
+ Add to Library
The Desires/C17 My Restaurant's Dream
+ Add to Library

C17 My Restaurant's Dream

Scarlett's POV

"Kung lang naging makitid ang utak mo, sa tingin mo malalaman nila na ikaw ang gumawa na 'yon kay Ashley? Ang hina kasi ng utak mong bata ka." Panenermong bungad ni Mom nang makapasok ito sa kwarto ko.

Imagine, natutulog ka pa at gusto mo pang tapusin 'yung seremonya ng kasal mo kasama ang taong mahal mo, 'yung taong gustong gusto mong makasama habambuhay pero ang dada ng kasama mo sa bahay.

Argh! Kaasar ang maging bahagi ng pamilyang ito. Humanda ka talaga Ashley Briones. Papatayin kita! Lagi na lang ako napapagalitan dahil lang sa'yo.

"Mom. Can't you see? Napagod ako sa exams ko in a whole week. Don't you want me to take even a little rest? Nakakaasar ka naman eh," pero syempre kailangan kong magpabebe kung hindi, baka ako ang patayin ni Dad kapag narinig akong sumasagot kay Mom. Ayoko pa kayang mapalayas at ma-freeze ang account ko. Saan ako kukuha ng perang pang gastos, 'no?

"Ikaw talagang bata ka. Dumating kanina ang kuya mo. Bumaba ka na at sabayan mo kaming mag-almusal. Ipapakaladkad kita sa yaya mo kapag hindi ka bumaba."

Natakot ako Mom, sobra. HAHAHA. Tawa muna tapos iyak mamaya. Shit!

Pero kahit papano, nag-ayos ako ng itsura ko bago harapin si Dad. Jusko, ang taong iyon, dadaigin yata si Lucifer sa tuwing nagagalit siya. Ang noo, naku po... daig pa ang malalakas na alon ng dagat kung gumuhit ang mga kilay nito.

Pababa pa lang ako ng hagdan, rinig ko na ang malakas nilang mga tawanan dahil usual, narito si kuya. To be honest, si kuya lang ang nagdadala ng saya sa bahay na ito. I mean, buhay ang araw ng lahat kapag kasama si kuya. Kahit nga ang mga katulong, close na close kay kuya. Bata pa lang kasi siya, sa kanila na ito lumaki dahil busy si Mom and Dad namin sa pagpapatakbo ng business. Ewan ko kung bakit... bakit parang nakikita ko na ang mga totoo naming mga magulang ay sina Manang at si Mang Ogie- ang driver ng pamilya. Hala, baka ampon talaga kami ni kuya. Shit! Baka si kuya ay anak sa labas lang. Joke.

"Good morning Scarlett ko!" ngumiti si kuya nang makaupo ako sa tabi niya pero si Dad, magagalit na naman ba siya sa akin?

"By the way hijo, kamusta ang pamamalagi mo sa Auntie mo sa Australia?" napahinto si kuya sa pagkain at seryosong hinarap si Dad and Mom.

"Sorry, Dad, Mom. Hindi ko gustong mawala ang pinagkahirapan n'yong project na binubuo together with Montecillo's family dahil sa ginawa ko. I didn't mean it. I'm sorry," suminghap ng malalim na hininga si Dad bago kausapin ang kuya.

"Charles hijo, it's okay. Huwag mo na problemahin pa ang bagay na iyon. Tutal, nakabawi naman na ang kompanya natin so nothing to worry about, okay?"

Akala ko magagalit na HAHAHA pero bakit ang sama ng tingin ni Dad sa akin? Haler, Dad anak mo rin kaya ako at hindi isang utusan sa kompanya na lagi mong-

"Scarlett, simula ngayong araw. School at bahay lang ang pupuntahan mo. Ayokong mangyari ulit ang ginawa mo kay Ashley. Ikaw talagang bata ka oo," argh! Bakit ako?

Gusto ko sana mag drama pero baka tuluyan akong mapalayas eh kaua sige na nga, payag na ako.

"Whatever you say, Dad... by the way, I saw your secretary yesterday Mom, buying some raw materials-"

"Utos iyon ng Daddy mo, Scarlett. Ang plano niya kasi, after mong makagraduate ng college ay iha-handle mo ang restaurant na sisimulan ng kuya mo this coming year. Alam naman ng Daddy mo kung anong kurso ang tinatapos mo. Proud lang siya sa unti-unti mong nararating sa buhay. Sooner, you will become a professional chef of our family so, huwag mo kaming bibiguin Scarlett hija, okay?" tila nanlamig ang buo kong katawan sa aking narinig from Mom and the smiles of Dad and kuya.

"S-Seriously?" pautal-utal kong pagtatanong kay Mom habang nanginginig ang mga kamay ko.

"Kaya dapat Scarlett, sundin mo si Dad. Huwag kang magsisi-sama sa mga kaibigan mong puro bar ang alam na gawin. Tigilan at huwag ka na ring makipag-usap kay Sophia. Wala siyang maitutulong na mabuti sa iyo. Payong kuya lang bunso," his voice and concern sana totoo na lang. I mean, nevermind.

"For sure kuya. I'm willing to do anything to prove myself to you, Dad, Mom. Pangako, hindi na ako sasama sa mga kaibigan ko at hindi na rin ako makikinig kay ate Sophia kuya," binigyan nila ako ng totoong ngiti at pinagpatuloy ang kani-kanilang pagkain.

Sa sobrang saya ko ngayon, daig ko pa ang nakatakas mental kung magtata-talon sa kama ko.

I was surprised! I didn't expect na gagawin talaga nila ito para sa akin.

"Sana palagi ka na lang ganiyan, Scarlett," ani kuya habang nakatayo ito sa pinto ng kwarto ko. Umupo ito sa tabi ko.

"I hope, this surprise escape you from your anger to Ashley. Scarlett, you're now a college student. You must enjoy your journey as a student. You don't need someone like her in your life. Don't waste a lot of your time para gawan lang siya ng masama. Don't be like Sophia," bumuntong hininga ito nang banggitin ang pangalan ni ate Sophia.

"What do you mean, kuya? Is there something-"

"Nothing, Scarlett nothing," iniangat ko ang kanina niya pang nakayukong ulo at tiningnan ko- mata sa mata. Ramdam ko ang sunod-sunod nitong pagbuntong hininga at tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina pa pala gustong bumitaw sa kanyang mga mata.

"H-Hindi ko matanggap na kasal na siya, Scarlett. Hindi ko kaya," all of a sudden, my heart beat slow as I heard his cry. Umiiyak si kuya dahil hindi niya matanggap na hindi siya minahal ni Ashley at nasasaktan ako dahil nasasaktan siya.

"I lost her. I lost her. I-I lost the memory that we had. Hindi ko kaya," my tears was gradually dripped on my face. I can't stand with him but, I want to comfort him kahit ngayon lang.

"Hindi masama ang magmahal kuya, pero bakit siya pa? Bakit si Ashley pa? Ano ba ang nakita mo, bakit lahat kayo gustong makasama ang tulad niya? Everyone deserve to be happy. Everyone deserve to be loved at kahit ikaw, kuya, deserve mo ang mahalin, deserve mo ang maging masaya. Hindi lang naman siya ang-" ramdam ko ang tila wala ng tibok nitong puso nang yakapin niya ako.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height