The Desires/C20 Lara's Back
+ Add to Library
The Desires/C20 Lara's Back
+ Add to Library

C20 Lara's Back

Unfamiliar voice awaken Luke at the middle of the morning. Narinigan man niya ang tinig ng kanyang asawa subalit isang hindi kilalang babae ang nabungadan niya nang mabuksan ang pinto ng kwarto.

Her look was different from Ashley. Her skin, eyes and smiles ay naiiba.

"Oh gising ka na pala? Have you met her before?" bungad na tanong ni Ashley. Tumingin ito sa babaeng katabi niya na nakangiti mula sa kanyang kinatatayuan.

"Nagkita na pala kayo mga anak," ani Emma nang makalapit ito sa tatlo. Nakangiti ito nang makatabi ang babae.

"Nakahanda na ang breakfast. Hinihintay na rin tayo ng Daddy n'yo. Let's go?" dagdag nito at inalalayan ang babaeng kanina pang nakangiti sa mag-asawa.

Pinauna ng mag-asawa ang dalawa na bumaba. Muling bumalik si Luke sa kwarto na sumunod rin si Ashley.

Luke bearon in the restroom to brush-up bago harapin ang Mommy at Daddy niya. Tumayo si Ashley sa tabi ng pinto at pinagmamasdan ang nagto-toothbrush niyang asawa.

"Kanina ka pa nakatingin. May iniisip ka ba? O may balak kang gawin sa akin dito sa loob ng banyo?" he softly kiss Ashley's forehead bago yakapin ito. Rinig niya ang pagbuntong hininga ng asawa.

"Hey! What's wrong?" tanging ngiti ang naging tugon ni Ashley sa kanyang asawa.

"Mauna na ako sa baba. Sumunod ka na lang kung tapos ka na," nilisan ni Ashley ang kinatatayuan niya habang ang naguguluhang mukha ng asawa ang naiwan sa banyo.

She doesn't know kung paano niya sasabihin ang totoo tungkol kay Lara. She's one of the important person sa buhay ni Luke pero paano kung ngayon niya lang ito makikilala o nakita? She wanted to help Emma and Nilo to reach out this matter pero she had no idea how to do it. All she know is, hindi magiging madali para sa asawa sa oras na makilala niya si Lara.

"Where is he, sweetheart?" nilingon siya ng tatlo na nasa harap na ng hapag-kainan. Emma approach her as she sit beside Lara.

"I'm here," umupo ito sa tabi ng asawa.

Lara started staring at him. Naninibago man si Ashley na may bagong tao siyang kaharap sa hapag subalit tumalima na lamang siya sa plano ng Mommy Emma at Daddy Nilo niya.

Halos kinse minuto nagtagal ang kanilang breakfast. Luke was about approaching Ashley na pabalik sa kanilang kwarto nang harangin siya ng kanyang Daddy.

Sumunod siya sa sala kung saan nakaupo rin roon ang kanina pang babaeng nagpapagulo ng isip niya.

Tiningnan siya ng kanyang Mommy ng makahulugan bago siya nginitian. Alam niyang may importanteng pag-uusapan sa mga oras na iyon kaya hinanda niya ng sarili kahi naiilang siya sa dalaga.

"Remember hijo 'yung mga panahon na hiniling mo sa amin ng Mommy mo na gusto mong magkaroon ka ng kapatid? And now, she's here. We would like youbto meet, Lara, Lara Cruz. Your long lost sister," nanlaki ang mga mata ni Luke sa sinabi ng kanyang Daddy. Hindi siya agad nakapagsalita dahil sa gulat at hindi makapaniwalang reaksyon mula sa nalaman.

"Siguro tinatanong mo kung paano mo siya naging kapatid eh, ikaw lang ang anak namin ng Daddy mo? Luke hijo, anak siya ng Daddy mo sa x-girlfriend niya," he started to staring at Lara pero tanging ngiti mula sa dalaga ang nakita niya sa mukha nito.

"Hi, it's nice meeting you, Luke!" she smiles at him genuinely. Instead approaching his sister, he ignored her at agad na nilisan ang sala.

"Luke," ani Ashley sa mahinang boses nang magkasalubong sila sa hagdan.

"Hey! What's wrong?"

"Please Ash don't... don't lie to me. You know her? How could you hide the truth to me. Why you didn't tell me-"

"Dahil iyon ang sabi ng Mommy mo at ayokong pangunahan sila tungkol dito."

"Sh*t! Why? Why you, Ashley? Sa lahat pa talaga ng tao ikaw pa ang magsisinungaling sa akin?"

"Hindi ko naman gustong sundin sila pero... where are you going? Luke. Luke please let me-" hindi ininda ni Ashley ang pananakit ng tiyan para lang habulin ang asawa na pababa ng hagdan.

Hinarang na rin siya ng mga magulang niya pero he ignored them. Kahit nga ang asawa niya ay hindi niya nagawang lingunin nang makababa ito ng hagdan. All he know, Ashley betrayed him behind his back.

----------

Halos gabi na nang umuwi si Luke sa bahay at wala kahit isa ang nadatnan niyang naroong kung 'di ang mga katulong.

"Yaya, nasaan si Ash?" walang emosyon nitong pagtatanong habang bumababa sa hagdan mula sa kwarto nila.

"Sinugod po kanina sa ospital ng Mommy at Daddy n'yo. Bigla na lang po kasing hinimatay si señorita Ashley," agad na nilisan ni Luke ang kinatatayuan para puntahan ang asawa.

Ilang beses na rin niyang tinatawagan ang cellphone nito pero walang sumasagot. Tinawagan niya na rin ang Mommy niya pero hindi siya rin nito sinagot.

Paalis na siya dapat sa bahay nang dumating ang kotse. Lumabas siya sa sasakyan para salubungin ang asawa pero walang Ashley ang nakasakay roon.

"Sumama siya kay David," tipid na sabi ng kanyang Mommy bago siya tinalikuran nito . Nilo tapped his shoulder bago sumunod sa kanyang asawa sa loob ng bahay.

Nanlumo siya sa narinig niya sa Ina. Halos hindi niya maihakbang ang mga paa dahil sa pagsisising bigla niyang naramdaman.

"Sure ka bang ayaw mo pang umuwi? Baka naga-alala na sa'yo si Luke, ang asawa mo? Let's go. Ihahatid na kita sa inyo," ani David sa tahimik na Ashley.

"Ash, alam mong hindi niya gusto mangyari ang nangyari kanina. Naiintindihan mo naman ang naramdaman niya kanina na nalaman niyang may kapatid pala siya, 'di ba? Let's go baka mahamugan ka pa rito-"

"Tama ka, alam ko ang pakiramdam. Pero bakit hindi niya maintindihan ang sitwasyon? Mabuti nga buhay ang kapatid niyang nakilala samantala ako... patay na si kuya. Ayokong umuwi muna, David," bumalik sa pagkaka-upo si David nang hindi pumayag na umuwi si Ashley.

"Kahit papaano, palagay pa rin ang loob ko sa'yo, David. Thank you, salamat dahil nandon ka para saluhin at para tulungan akong maalala ang lahat. Salamat dahil nakilala kita. Hindi kailanman ako nagsisi na nagustuhan kita habang nawawala ang sarili ko. Kailan mo ako gagawan ng tula uli?" ngumiti na lamang siya kay Ashley. Mula sa narinig niya, tila nabawasan ang sakit nang malaman niyang hindi pala pinagsisihan nito na makilala siya at naging bahagi ng buhay niya.

"Kung ayaw mong umuwi, pumasok na tayo sa loob at baka mapahamak pa kayo ng anak mo. Mabuti na lang at mahigpit ang kapit ng bata. You must be aware kung paano panatilihing maging ligtas ang pagkakapit ng bata sa sinapupunan mo. First baby n'yo iyan kaya dapat alagaan mo," inalalayan niyang tumayo si Ashley at pumasok na sila sa loob ng bahay niya.

"Hindi mo ba naisip o hiniling na mawala ang batang ito para malayo ako kay Luke?" napahinto si David sa paglakad nang magsalita si Ashley.

Bumuntong hininga siya bago sinagot ang tanong ni Ashley, "Masaya na ako na nakikita kitang masaya. Aaminin kong gusto kitang mapasa akin pero hindi ko naman hahayaan na may mangyaring masama sa batang wala pang alam at hindi pa nakikita ang mundo. Doctor ako at hindi matadero sa palengke para pumatay,"

"Thank you, David. At least alam kong pwede kang maging Ninong ng anak namin. Payag ka naman, 'di ba?" she smiles at him bago pumasok ng bahay.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height