The Desires/C21 The Great Wish of Him
+ Add to Library
The Desires/C21 The Great Wish of Him
+ Add to Library

C21 The Great Wish of Him

"Thank you, David. At least alam kong pwede kang maging Ninong ng anak namin. Payag ka naman, 'di ba?" ramdam niya ang sinsero sa tinig ni Ashley.

----------

David's POV

The way she care someone, that's the main reason kung bakit mabilis akong na-in love sa kaniya.

"Gising ka na pala? Pakukuluin ko lang itong sabaw at ready na ang breakfast," nakangiting sabi niya.

Ganito ang madalas cycle ng buhay namin noong high school kami. Mahilig siyang mangi-elam ng kusina ng ibang bahay. Abogado na chef ang labas ng skills niya. Marami siyang potahe na alam lutuin kahit ang dami nilang katulong sa bahay.

"Umupo ka na at ihahatid pa kita," sabi nito nang nakapaglagay siya ng sabaw sa dalawang mangkok.

"Ano ito?" isang sobre ang inabot niya nang makaupo ako.

"Dahil sa akin hindi natuloy ang flight mo kahapon so, nagpabili ako kay Luis ng ticket mo para mahabol mo pa ang start ng work mo ro'n. Ayokong masira ang tiwala ng kaibigan mo sa New York nang dahil lang sa akin. Don't feel thankful dahil ako dapat ang makaramdam ng bagay na 'yon. You'd sacrifice a lot for me. Salamat sa oras mo kahapon at hayaan mo naman ako ang bumawi sa'yo,"

"Hindi naman kailangan-"

"Of course not. Sa ayaw at gusto mo, ihahatid kita sa airport bago ako umuwi sa bahay. Pinaiwan ko na kay Luis ang kotse ko kaya nothing to worry about. Hindi naman sinabi ng doctor kahapon na bawal magmaneho ng kotse ang buntis. And don't worry about me, may driver namang iniwan si Luis to give us a ride, okay? Let's eat," anito at sinimulan niyang higupin ang sabaw sa mangkok niya.

This is what I'm talking about. Caring, lovely and one of a kind best friend si Ashley sa lahat ng kaibigan niya. Napaka swerte ni Luke na siya ang naging asawa niya. At lalo pa siyang naging swerte dahil siya ang magiging Ama ng anak ni Ashley na minsan kong hiniling sa mga panahon na kami pa ang magkasama.

"Handa ka na ba, Dr. David sa bago mong mundong pupuntahan?"

Narito kami sa airport. Ang daming tao pero ang lakas niya kung magsalita. Dinaig niya pa ang may mic na hawak para ipagsigawan na aalis ako ng bansa o para ipaalam sa lahat ng naririto na isa akong doctor?

"Pasaway ka, Ashley," she started to laugh at me dahil sa sinabi ko. Akala ko kukunot ang noo niya pero tatawa lang pala siya.

I took all of my things- maleta at two additional bags sa likod ng sasakyan at the same time, nagpaalam na rin sa kaniya.

"Tumawag ka kapag nakababa na ang eroplano sa New York. Mami-miss kita, David," ramdam ko ang sinsero sa kanyang sinabi. All I can do is to hug her sign of my farewell to her.

"Umuwi ka na at baka ma-stress ka pa sa traffic kapag naabutan ka. Pasok na ako? Lagi mong iingatan ang sarili mo at ang baby n'yo. Tatandaan ko ang sinabi mo Ash, Ninong ako ng anak n'yo," napa ngiti na lang siya sa sinabi ko. Tumango ito at kinaway kaway ang pareho nitong mga kamay nang makalayo ako sa pwesto niya.

I was about turning off my cellphone as he call, "Pauwi na siya kaya huwag ka na mag-alala pa. Ligtas naman ang bata kung iyon ang iniisip mo. I was there not to claiming her but she want me to be with her side. Naiintindihan ka ng asawa mo bro pero, sana maintindihan mo rin ang kalagayan ngayon ni Ashley. You love her, right? Then prove it. Kapag nalaman kong nasaktan siyang muli, hindi ako magdadalawang isip na kuhanin siya mula sa'yo,"

"Thank you, David for being there to save Ashley. I know you're talking about. Ingat ka sa New York," anito sa kabilang linya at pinutol ang tawag. Rinig kong bumuntong hininga ito bago pa man din pinatay ang tawag.

----------

Nilisan ni Ashley ang airport nang makapasok sa loob si David. Hindi man niya gustuhin na umuwi sa bahay nila pero nangako siya sa binata na sa oras na maihatid niya ito ay uuwi siya ng bahay.

"Manong, sa bahay muna namin bago tayo umuwi sa bahay nina Luke," isinandal niya ang ulo sa bintana habang iniisip ang nangyari kahapon.

Handa na ba ang sarili niyang harapin ang asawa matapos ang nangyari?

Ilang beses ng tumatawag si Luke sa asawa pero kahit isang tawag niya ay hindi sinasagot ni Ashley. Tinawagan na rin niya ang Mommy Gracelyn para alamin kung naroroon sa bahay nila ang asawa pero walang sagot mula sa Mommy kaya sinubukan niyang kontakin si Luis at Johnny.

"Bakit?" mahinang sagot ni Ashley nang sagutin ang tawag ng Mommy niya.

"Huwag n'yo na lang sasabihin kay Luke na uuwi ako riyan. Gusto ko mapag-isa Mom," anito at binaba ang tawag.

Bumuntong hininga ito bago pinikit ang mga mata.

"Ano ba talaga ang nangyari at makailang beses tumawag dito si Luke? Ashley? Ashley?" Nagkibit balikat na lang si Gracelyn sa harap ng asawa niya nang lagpasan lang sila ni Ashley.

"Hayaan na muna natin siyang mapag-isa, hon," kalmadong sabi ni Rafael sa asawa.

"Hayaan? Pero paano? Ngayon ko lang nakitang gano'ng kalungkot ang anak natin, Rafael. Paano ako matatahimik nito kung nakikita ko siyang ganiyan, sige nga? Pupuntahan ko siya-"

"Gracelyn, hayaan muna natin siya okay? Hayaan natin siya ang magsabi sa atin, huwag mong pilitin baka, makasama pa sa kalagayan niya. Hon?" Garcelyn deep breath as Rafael hug her.

Pinilit ni Gracelyn ang kumalma kahit alam niya sa sarili na may mali at may pinagdadaanan ang kanyang anak.

Everything started came out on Ashley's mind. Naalala niya kung paanong ginusto ni Luke ang magkaroon ng kapatid lalo na babae.

~FLASHBACK~

"Babe, malapit na ang birthday mo. Nakaisip ka na ba kung ano ang wish mo for the one of the special event of your life?" nagkibit balikat lang si Luke sa tanong ni Ashley.

"Sige na, Luke. As your pretty girlfriend dapat alam ko ang wish mo, 'di ba? Unless, gusto mong makipag break sa akin?"

"Ashley naman. Kahit kailan hindi ko inisip na makipaghiwalay sa'yo kaya huwag na huwag kang mag-iisip ng ganiyan," he deep breath bago tinuloy ang sinasabi sa nobya. "Ang tanging wish ko lang naman ay magkaroon ng kapatid like you and kuya Allison. I want to experience the care from my sister or brother. I wanted to be a good brother to my sibling like what kuya Allison did to you. How he care for you. Gusto ko maranasan ang love sa pagitan ng magkapatid," hinawakan niya ang kamay ng dalaga bago hinalikan sa noo.

Noon pa man ay legal sa parents nila ang paghalik ng binata sa noo ng dalaga huwag lang sa labi nito. He has respect for Ashley. At hining hindi niya iyon hahayaang masira.

"Pwede mo namang ituring na kapatid si kuya," ngumit ito ay yinakap ang nobyo.

"Huwag ka lang magbago sapat na sa akin kahit hindi matupad ang hiling kong iyon. Ash, mahal na mahal kita," ramdam ni Ashley kung paano hinigpitan pa ng kanyang nobyo ang pagyakap sa kaniya.

~END OF FLASHBACK~

She remembered the smiles on Luke's face. 'Yung panahon na hiniling niya na sana ay magkaroon siya ng kapatid. He wanted to be a good brother pero kung ngayon ay mayroon siyang makikilalang kapatid ay siya ngayon pang paglimot nito sa kanyang kahilingan.

Agad na namasa ang mga mata ni Ashley nang maalala niya ang lahat. Her tears started drip on her face.

Tumayo siya at tinungo ang little cabinet malapit sa labas ng banyo ng kwarto niya. She took a photo album. Their photos remind her how he was happy despite wanting to have a sibling and to be a good kuya. And all of a sudden, her heart beat fast as he came in her front.

The tone of his voice was full of regrets and sadness. 'Ni hindi niya kayang makitang ganoong masaktan ang asawa. He felt unworthy for her tears. He doesn't know kung paanong ang mga luha ng asawa ay mawala sa kanyang mukha.

"I-I'm sorry-"

"Luke," mangiyak-ngiyak na Ashley na hinagkan ang asawa.

Luke grabbed the moment para makahingi ng sorry sa kanyang asawa. He was deeply hurt.

I'm sorry. I'm sorry. Iyan ang tanging bukang-bibig ni Luke habang yakap-yakap ang asawa.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height