The Desires/C22 Reunited
+ Add to Library
The Desires/C22 Reunited
+ Add to Library

C22 Reunited

Kinaumagahan ng umuwi ang dalawa. Pinalipas ni Ashley ang galit ng asawa sa nangyari at sa pagkaalam ng katotohanan.

Nasa biyahe pa lamang ang dalawa ay paulit-ulit humihingi ng sorry si Luke sa asawa. He doesn't describe what possible outcome sa muling pag-uusap ng kanilang pamilya.

"Ashley hon, I'm sorry. I didn't mean everything what happened yesterday. Sadya lang talagang-"

"You're afraid to have her in your life? You have to be happy because all of a sudden, 'yung pangarap mo ay magkakatotoo na. Luke, alam mo kung gaano nagiging masaya ang tao kapag may kapatid sila. All I can do for your family especially in you, nakikiusap ako hon, please, let her enter in your lives. Mommy told me that she knows everything. Ate Lara will be your shoulder to cry on. Ayaw mo ba no'n? May ate ka na," she smiled at him.

Hinaplos niya ang mukha ng asawa bago bumaba ng sasakyan. Sinalubong sila ng mga katulong habang sa pintuan ng bahay ay naroroon ang tatlo- si Emma, Nilo at si Lara.

"Thank you Ash," halos bulong na sabi ni Emma kay Ashley nang makalapit sila sa mga ito.

She hold Luke's hand bago pumasok ng bahay. Ramdam ni Luke ang tila isang malamig na dumampi sa kanyang puso nang hawakan ang kanyang kamay ng asawa. Every time na hahawakan ni Ashley ang asawa ay may kung kuryenteng dumadaloy sa mga katawan nila. He can't explain yet but he can feel it.

Nagpahanda ng pagkain si Emma sa katulong bago dumeretso sa sala. Katabi niyang umupo si Lara habang sa pang-isahang sofa naman umupo si Nilo.

"Anghel dela guwardiya ka talaga ng anak namin, Ashley. You're such a good wife for our son. Thank you!" a complement from Emma makes Ashley happy.

"Because this is all I can do, Mom. I wanted to fix this issue and to be honest, I wanted to have a new sibling from Luke's side. I know that, kuya Allison was gone already but it doesn't mean, I don't want to have a sister like ate Lara. Noon pa man gusto ko na, tulad ni Luke at tulad ng iba. Sana nga Mom, anghel dela guwardiya ako ng asawa ko, ng anak n'yong sobrang tigas ng ulo," she softly laugh sa miamong harapan ng lahat.

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ng asawa bago nagsalita si Lara. Noong una ay hindi magawang tingnan ni Luke ang dalaga pero dahil sa halos mala-anghel nitong tinig ay napataas na lamang siya ng ulo para tingnan ang mukha ng nagsasalita.

"Hindi ko gustong sirain ang buhay na mayroon kayo ngayon. Hindi ko rin plano na may magbago sa inyo. The way how you treat each other especially to your son- Luke. Isang dahilan kung bakit ako nagpakita at naparito..." she deep breath bago tinuloy ang sinasabi. "Wala na akong malapitan para... mailigtas si Mama," nanlulumong napatayo si Nilo nang marinig iyon sa dalaga.

"Ano ba ang nangyari sa kaniya, hija?" kalmadong pagtatanong ni Emma sa dalaga.

"Sa hindi ko alam na dapat gawin nang malaman ko ang totoo sa kung bakit parating umaalis ng bahay si Mama dahil... nagpapatingin pala siya sa doctor. Wala akong kilalang kamag-anak namin dito kaya dumeretso ako sa inyo Mr. Montecillo," nagsalubong ang mga kilay ni Nilo nang galangin siya ng dalaga. Nagkibit balikat naman ang iba.

"So, ano ang sakit ng Mama mo?" ani Emma bago nilingon ang daughter-in-law.

"Cancer sa bituka po," yumuko ito at sabay sabay tumulo ang mga luha. Ashley approach her.

"What should we do now, Nilo? You have to do everything to save her life. I will remind you, Silvia is a part of your life. You have to do something para hindi mawalan ng Ina si Lara, ang anak mo," halos gawin na ang lahat ni Emma para sa Ina ng dalaga.

Halos hindi maigalaw ni Nilo ang katawan sa kinatatayuan nito habang patuloy pa ring nangangamba si Emma sa kalagayan ni Silvia.

Noon pa man ay hindi tinuring na karibal ni Emma si Silvia dahil naging ex-girlfriend siya ng kanyang asawa.

Silvia is one of her childhood friend until their relationship changed. They fell in love with the same man and he's Nilo.

High school student sila nang magkaroon ng relasyon ang dalawa- si Silvia at Nilo. Madalang na rin silang magkasama at magkasabay sa uwian. They had a lot of good memories and at the same time, bad memories.

Malapit na malapit ang loob ni Nilo kay Emma kaya minsan na silang napagselosan ni Silvia. Ngunit ang tanging dahilan ni Nilo ay anak si Emma ng kaibigan ng Mama niya kung kaya't hindi niya matanggihan na hindi samahan si Emma sa tuwing gusto nitong maggala o manood ng sine.

A lot of rumors came out every time na silang dalawa lang ang magkasama. Nang dahil sa mga rumors na iyon at sa selos ni Silvia, dumistansya si Nilo sa kaibigan kaya unti-unting napanatag ang loob ni Silvia.

Nasa balkonahe ng kwarto si Ashley nang dumating si Luke. He hug her from her back at hinalik halikan ang leeg nito.

A beautiful sunset makes Ashley's mind calm. Sa tuwing tinitingnan niya kasi ang paglubog ng araw ay tila isang stress reliever ito. The beauty of it, the calmness of her surroundings, sapat na para malaman niya ang dapat gawin sa susunod nilang pag-uusap.

Luke putted a kiss mark on Ashley's neck bago ito nagtungo ng banyo. Hindi gumalaw sa kinatatayuan si Ashley para sundan ang asawa bagamat pinagpatuloy ang panonood ng paglubog ng araw.

"Can we talk, Mr. Montecillo?" ani Lara sa Ama. Tumango na lamang si Nilo bilang tugon sa dalaga.

"Hindi ko po kayo inu-ubliga na tulungan si Mama dahil sa may nakaraan kayo pero... wala na po talaga ako mahingian ng tulong kung 'di kayo lang," halos yumuko na ang dalaga sa pakiusap na iyon sa Ama. She wanted to save her mother's life kaya handa niyang gawin kahit ang pakikiusap sa hindi niya nakilalang Ama.

"It's okay hija," he tapped Lara's shoulder bago yinakap ito.

Ramdam niya ang gaan nang mahagkan niya ang anak. Kung kaya niya lang sabihin sa kanyang asawa, ang pagkakayakap niya sa dalaga ay siyang siya sa tuwing yinayakap niya noon si Silvia.

"Dad?"

"Can I call you Dad?" ramdam niya ang mala-anghel nitong tinig.

"Do I disturbed you guys?" ani Luke sa dalawa. Nilingon ni Nilo ang direksyon ng anak.

"You? Can you call me bunso, ate?" nanlaki ang mga mata nina Lara at Nilo sa sobrang saya. Gano'n din ang naramdaman ni Ashley at ni Emma.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height