C23 Surprise
Lugmok na lugmok ang pakiramdam ni Lara sa pagkawala ng kanyang Ina. Hindi niya alam kung anong buhay ang naghihintay sa kaniya kung wala ng Silvia na parating nasa tabi niya sa tuwing kailangan niya ng comfort at pagmamahal ng isang Ina. She was hurt. She doesn't know how to forget everything- their memories they had, her laughs, smiles and laughters.
Tahimik na umiiyak sa kanyang silid and dalaga habang yakap-yakap ang mga bagay na iniwan ng kanyang Ina. She can't even control herself to remember on how Silvia take care of her. Ang paggising nito sa umaga para lang maipagluto siya ng almusalan bago pumasok ng school. Kung paanong nikilinis kahit banyo ng ianyang kwarto ay bigla bigla na lang mababago ang ikot ng buhay niya. It seems that Silvia is a part of her daily life na ikababagsak niya once na ito ay nawala sa katawan ng dalaga.
Naisin mang lapitan ni Emma ang dalagang halos pumutok na ang mata sa sobrang pamamaga nito dahil sa iyak ay hindi niya magawa dahil alam niyang hindi niya kayang pagaanin ang loob ng dalaga kahit isa rin siyang Ina tulad ni Silvia. Alam niya kung paano mag-alaga ang kaibigan niyang si Silvia kaya hindi niya kailanman ito mapapantayan.
"Sino ang maiiwan sa kaniya kung aalis tayo?" halos bulong na sabi ni Emma sa asawa nang magyaya itong umuwi.
"Pero kailangan mong magpahinga, Emma. Baka naman ikaw ang magkasakit sa ginagawa mong iyan," ani Nilo habang yakap-yakap niya ang asawa.
"Where are you going, hon? Ash? Ash?"
Ashley approach Lara. Lumapit ito kahit sobra ang kabang nararamdaman subalit hindi siya nagdalawang isip na hindi damayan at yakapin ang ate Lara niya.
Bumuntong hininga siya bago nagsalita, "Ate Lara," nilingon siya nito na nilalamon ng lungkot ang makinis nitong mukha.
Yinakap niya ang ate Lara niya at halos humihikbi na itong umiiyak. Hinaplos haplos niya ang likod ng dalaga ng kanyang kanang kamay habang ang kaliwang kamay ay sa ulo ni Lara.
"W-Wala na si Mama," halos bugang sabi nito kay Ashley. Mas hinigpitan pa ni Ashley ang pagkakayakap nito sa ate Lara niya.
"Magiging ayos din ang lahat ate. Nandito kami para sa'yo. Nasa likod mo kaming lahat kung kailangan mo ng pamilyang masasandalan. Ate, alam kong nasasaktan ka pero, hindi magugustuhan ni Tita Silvia na umiiyak at nahihirapan kang i-let go siya. Everything is gonna be okay magtiwala ka lang na kaya mong lampasan ang sakit ngayon," pinigilan ni Ash ang patuluin ang kanyang mga luha pero kusa na itong nag-una unahang umagos sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.
She could feel the pain na nararamdaman ng kanyang ate Lara. At kahit anong gawin niya ay hindi niya maikakailang naaalala niya sa mga oras na iyon ang mga memories na kasama niya pa ang kanyang kuya Allison.
"Mag-isa na lang-"
"Don't say that ate. Kasama mo pa kami. Kami ang pamilya mo at ang pamilya ay nagdadamayan no matter what it takes. You have to be stronger lalo na at wala na siya. Ate, always remember that we, we are willing to help you to forget the pain magtiwala ka lang sa amin,"
Paghikbi ng patago. Ito ang kadalasan na ginagawa ni Ashley sa tuwing naaalala niya ang kanyang kuya Allison. Halos hindi niya mapigilan ang puting likido sa kanyang mukha habang nakaharap sa salamin ng banyo.
Palihim na nanonood si Luke sa pag-iyak ng kanyang asawa. Naka-awang ng bahagya ang pinto ng banyo kaya rinig niya kung gaano kalakas ang pagbuntong hininga ng asawa.
He deep breath before he approach Ashley, "Hey! What's wrong?" dali-daling pinunasan ni Ashley ang mga luha bago pa man din tuluyang makalapit sa kaniya ang asawa.
"Is it about kuya Allison? Naalala mo ba siya dahil kay ate Lara?" tahimik itong yumakap kay Luke. He kiss Ashley's forehead bago ginantihan ng mahigpit na yakap ang asawa.
"You missed him? Gusto mo bang bumisita sa puntod niya? Hindi ka naman pinagbawalan ng doctor mo na pumunta sa mga gano'ng lugar," she smiled at him as he kiss her on her lips.
"Thank you,"
Ashley's POV
Halos isang buwan na rin ang nagdaan nang mawalan ng magulang si ate Lara. Hindi man niya gano'n limot ang lahat pero unti-unti ko ng nakikita ang kaaliwasan ng kanyang mukha sa tuwing magkasama kaming lahat.
Nagkakaroon na rin kami ng hang-out, bonding together. Madalas na rin kaming manood ng sine para naman makatulong kami ni Luke na maibsan ang sakit ng kahapon.
"Masyado kang nagpapagod, Ashley," malambing na tinig mula kay ate Lara ang bumungad sa akin nang maimulat ko ang dalawa kong mga mata.
"Alalahanin mo, buntis ka sa panganay n'yo kaya hindi ka pwedeng magpakapagod o magpuyat man lang," anito as she kiss my forehead.
"Good morning anyway. Nagising ba kita?"
"Nope. Sakto ka sa alarm ko," I nodded and I show my phone as it rang.
"May new launch ng merchandise ang store na paborito mong puntahan. Want mo bang bumili tayo at the same time, makapili tayo ng mga gagamitin n'yo para sa baby girl n'yo ni Luke? Free ako today at gusto ko ring gumala sana kaya pinagpaalam na kita sa asawa mo," she shake her head at tumawa ng marahan.
"Ate,"
"Come on let's go. Nagpahanda ako ng favorite breakfast mo. Gusto ko kasabay ka kumain kaya hinintay na rin kita,"
Konti na lang, okay na ang lahat. Makakalimot na siya sa sakit sa pagkawala ng Mama niya. Hindi ko masyado nakilala si Tita Silvia pero kung tutuusin parang same lang sila ni ate Lara. Mabait at mapagmahal.
"Okay, I'll call you kapag nakauwi na kami ni ate Lara. Bye," I said to him.
Makulit talaga si Luke. Pinagpaalam na nga ako sa kaniya pero tawag ng tawag pa rin ito. Muntik ko nga pa lang makalimutan, obsess siya sa akin. HAHAHA joke lang.
"Ready ka na ba para sa surprise ko?" anito sa makahulugang tinig. Napatango na lang ako nang maibaling niya ang tingin sa bandang harapan namin.
Hindi siya gano'n kakilalang store dahil siguro bago pa lang itong establishment. I opened my phone to capture some beautiful view as I saw one familiar person na ngayon ay kausap na ni ate Lara.
Nang magtama ang mga tingin namin ni ate Lara ay ngumiti ito sa akin. Kakaiba ang mga ngiting binitawan at binigay sa akin habang katabi ang taong iyon. Ramdam ko ang biglang pagsikip ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Ngumiti ito tulad ng kanyang ginagawa noon.....