C25 He is Back
Halos hindi makagalaw si Ashley sa kinatatayuan nang magtagpong muli ang kanilang mga landas. Her heart started beat so slow na tila bumalik muli ang sakit noong kasama niya pa ang taong iyon.
Unti-unting lumalapit si Lara kasama ang lalaki sa pwesto ni Ashley na unti-unti ring ikinaa-atras nito.
"Ashley, I would like you to meet my cousin, David. And couz, I would like you to meet my sister-in-law, Ashley. Ashley Briones Montecillo!" masiglang pagpapakila ni Lara sa binatang si David.
"Kamusta ka na? Almost two months, right?" naguguluhang tiningnan ni Lara ang dalawa.
"Yes! Welcome back, David," nilahad niyang muli ang ngiting sa binata niya lamang pinapakita.
Kailanman ay hindi nagawang ngumiti ni Ashley sa kanyang asawa na ganoong kasaya. She treasured their friendship and the past they had.
"Ate Lara, she's the Campus Queen na kinukuwento ko sa'yo online. Nagkakilala na pala kayong dalawa? Take note, kapatid mo pa ang kaibigan ko,"
Kahit minsan sa pag-uusap nila online ay hindi niya nakuwento ang pangalan ng mga kaibigan sa pinsan niyang si Lara kahit nga ang name ni Ashley ay hindi niya binigay sa pinsan. Tanging Campus Queen lang ang pagkakakilanlan nito sa dalaga.
"Hindi ko inaasahan na ikaw pala ang first love ng pinsan kong ito, Ash. By the way, sorry pala sa matagal na paghihintay mo. May pinamili pa kasi kami for their baby girl," pagtuturo nito sa tiyan ni Ashley.
"Woah! Mabuti naman na babae ang panganay n'yo Ash, kung hindi, baka maging katulad siya ng Daddy niya," pagbibirong sabi ng binata kay Ashley. Sinabayan na lang nito ang tawanan ng magpinsan kaysa umarko ang kilay nito sa sinabi ni David.
"Let's eat?"
"Sorry pero kayo na lang muna. May emergency sa firm kaya papunta na si Luis dito para sunduin ako. Ate Lara sorry, bawi ako next time. Sorry talaga David, ate. Enjoy,"
"Ihahatid na kita-"
"Hindi na. Nagtext naman na si Luis so, hintayin ko na lang siguro siya sa labas? Enjoy yourselves!" ngumiti ito bago tinalikuran ang dalawa.
Napa buntong-hininga ito nang makalagpas sa magpinsan.
Hindi niya gustong magsinungaling pero ayaw niyang makausap ang binata sa mga oras na iyon kaya niya nasabi ang dahilan na 'yon.
"Napatawag ka?" ani Luis nang masagot ang tawag mula kay Ashley.
"Gano'n ba? Sige, hintayin mo ako riyan. Nalapit naman ang restaurant na pinuntahan ko kaya masusundo kita sa oras na sinabi mo sa kanila. Nothing to worry about, Ash. Okay bye," isang malalim na hinga ang ginawa ni Luis nang maibaba ang tawag.
Unti-unti niyang binilisan ang takbo ng sasaktan para masundo si Ashley sa sinabing lugar nito. He was absolutely savior of Ashley. Lagi siyang nasa likod nito kapag kailangan ng back up. Kapag nasa gitna ng problema. At maging sa pagsisinungaling ng kaibigan ay handang sumakay si Luis para mapagtakpan lang ito.
Pasakay na ng sasakyan si Ashley nang isang boses ng babae ang narinigan niya mula sa likuran ng kotse.
"Ako na ang bahala sa kaniya. Hindi ka mabibigo sa pakikipagtulungan mo sa akin." Anito sa kausap sa telepono.
Tumayo lang si Ashley at pinagpatuloy ang pakikinig sa kausap ng babae kahit hindi niya alam kung sino iyon.
"Sige. Magkita tayo sa dating tagpuan. Aasahan ko ang pagbagsak niya sa tulong mo." Ngumisi ito na tila may masamang pinaplano.
"Mrs. Montecillo? I didn't expect na makikita kita rito? How are you?" nangungusap niya itong tiningnan. Ang buong kabuuan ng katawan ng babae ang siyang dahilan para magtaasan ang balahibo nito.
"I'm okay," tipid nitong sagot sa babae.
Aakma na sanang tumalikod si Ashley sa babae nang magsalita ito sa maarteng tinig, "Hindi ko rin in-expect na ikaw ang naging asawa ni Luke? Paano mo ba siya naakit kahit alam naman ng lahat na may gusto si Claudia kay Luke?" Nanlaki ang mga mata ni Ashley sa narinig niya. She didn't expect na totoo ang narinig niya nang mag-usap usap ang magkakaibigan na sina Allen.
"Bakit? Nagulat ka ba dahil alam ko kaysa sa'yo? No no no, I can't believe this. Don't tell me hindi sinabi sa'yo ng asawa mo?" tila nabingi si Ashley sa pangit na balita ni Mia.
"So you mean, kinakabahan ka dahil dalawa kaming karibal mo sa asawa ko?" Taas noon itong sabi sa babae. Napakagat dila na lang si Mia dahil sa sinabi ni Ashley.
"Natahimik ka yata, Mia? Na-offend ba kita sa sinabi ko? Come on Mia, alam rin naman kasi ng lahat na may gusto ka kay Luke pero kung hindi iyon totoo, hindi rin siguro totoo na may gusto si Claudia sa asawa ko? Maiwan na kita."
"Tama ka. Bakit ko sasayangin ang oras ko sa walang kwenta mong asawa? Bagay nga kayong dalawa. Pareho kayong loser." Akmang sasampalin na sana ni Ashley si Mia nang dumating ang dalawa- sina David at Lara.
"Bakit mo sasayangin ang kinis ng palad mo sa magaspang niyang mukha, Ash? Sa mga katulad niyang walang modo ay hindi pinag-aaksayahan ng oras. You have something very important to do, kaya iwan mo na lang siya rito." Tumalima sa sinabi ni David si Ashley.
Iniwan niya ang pwestong kinatatayuan at muling sumakay ng sasakyan.
Nasabi iyon ni David dahil alam niyang dagdag stress para kay Ashley kung paoatulan niya oa ang mga katulad ni Mia. Alam ng binata ang dapat niyang gawin as a doctor kaya hindi niya hahayaan na may mangyaring masama kay Ashley.
"Wala kang alam sa relasyon nila, Mia. Bakit ba hindi mo paki-elaman ang buhay mo at inuuna mo pa ang mga sabi-sabi sa paligid? Loser? Eh, ikaw nga ang talunan sa inyong dalawa ni Luke."
Tumalikod ang binata sa dalaga at sumunod naman ang ate ate Lara niya.
Napasandal na lang di Ashley sa bintana nh sasakyan habang binabalikan ng kanyang isipan ang mga sinabi ni Mia sa kaniya tungkol sa asawang si Luke. Agad siyang nakaramdam ng pagkirot ng dibdib nang sumaging muli sa kanyang isip na ang mismong kaibigan ni Luke na si Claudia ay may gusto pala rito.
Hindi pinansin ni Luis ang pagiging tahimik ng kaibigan. Sanay naman siyang tahimik ang kaibigan kapag may problema at magsasalita lang kapag gusto niyang i-share ang mga ito.