The Desires/C26 Claudia vs. Ashley
+ Add to Library
The Desires/C26 Claudia vs. Ashley
+ Add to Library

C26 Claudia vs. Ashley

Tahimik na pinagmamasdan ni Ashley ang paglitaw ng araw sa balkonahe ng kanilang kwarto. Ramdam niya ang unting init nito na dumadampi sa kanyang balat.

Hindi na napansin pa ni Luke ang asawa na naroroon. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto nang may tumawag sa kaniya. Ashley felt uncomfortable on what Luke's action. And all of a sudden, muli na namang sumagi sa kanyang isipan ang tungkol sa nararamdaman ng dalagang si Claudia para kay Luke.

"Ano ang nangyari sa kaniya? Is there something bothering her lately? Akala ko stay na siya sa America bakit ngayon napauwi kayo?" natatarantang tanong ni Luke kay Allen nang makarating sa condo unit ni Claudia.

Bago pa man din nangyari ang lahat kay Ashley ay nakaalis na ang dalaga ng bansa at iyon ang alam ng mag-asawa. Clauida decided to live and stay in America to kept distance from Luke. Para hindi na siya masaktan sa tuwing nakikitang masaya si Luke sa asawa nito.

Umiling-iling si Allen bago nagsalita, "Sobra ang pag-aalala namin sa kaniya kaya kami napabalik. Hindi siya kumakain sa tamang oras kaya tinanong namin kung bakit pero... gusto niya dito mag stay sa Pilipinas. Kaya heto kami,"

"Ayaw mo ba na makasama kami?" ani Claudia sa mahinang tinig. He sighed at lumapit sa dalaga.

"Not just like that, Claudia. Pero akala ko ba, gusto mo sa side ng Mommy mo kaya ka bumalik ng America? For what kind of reason na nagpabago ng isip mo?" she started stared at him meaningfully.

"Ikaw, Luke," naglakihan ang mga mata ng magkakaibigan sa kanilang narinig.

"Claudia. Are you out of your mind?"

"Sana nga gano'n na lang guys. Sana nga nasisiraan na lang ako ng ulo para mas maintindihan ng lahat na gusto ko si Luke. Gustong gusto ko ang kaibigan ko." Halos pabulol niyang binibigkas ang mga tagalog na salita na iyon.

"Why don't you love me the way I love you, Luke? Why don't you leave Ashley for me? Am I not enough for your love? Am I not worth it for that? What? Luke, I told you, minahal na kita as I met you. Why?" Halos duruin na niya ang kaibigan sa sinasabi. She pointed her finger to Luke's chest and pushed it.

"Alam mo na dapat ang mga sagot sa tanong mo, Claudia." Pagsingit ni Clark sa dalawa.

"Bakit nga siya pa at hindi na lang ako Luke? Ano ba ang nakita mo sa kaniya kung bakit hindi mo kayang tumingin sa iba? I did everything para pansinin mo lang ako. Sinasaklolohan kita kapag may problema ka. Nasaan si Ashley sa mga panahon na nahihirapan ka? Sino ang kasama mo kapag nagre-review sa library kapag inaaral ang mga bagong lessons? Ako. Ako Luke. Ako ang kasama mo sa lahat ng iyon pero bakit siya pa rin ang mas pinipili mo?" Halos lumuhod na ito sa sobrang sakit. Her tears started fell on her face.

"Hindi mo ako naiintindihan, Claudia-"

"Of course I am. I always understand you, Luke. Ako ang hindi mo naiintindihan sa nararamdaman ko. Patayin mo na lang ako kaysa buhayin mo na unti-unti namang dinudurog at pinapatay ang puso ko."

"Una pa lang, ikaw na ang gusto kong makasama Luke. Pero bakit kahit konting pagnamahal mo hindi ko magawang makuha?" Halos hingalin na ito kakasigaw sa pagsasalita.

Nanatiling nakatayo ang apat na lalaki sa paligid ni Claudia. Ramdam ni Allen ang sakit sa bawat salitang pinapakawalan ng dalaga.

"Reason why I don't love Allen, is just because I love you. No one can change that. Wala Luke. Kahit si Ashley pa. Ako na lang huwag na siya," tuluyan ng napaluhod si Claudia nang masabi niya iyon.

----------

"Oh jusko, tumawag ka ng driver bilisan mo." Aligagang aligagang pag-uutos ni Emma sa katulong nang madatnan niyang walang malay si Ashley sa kwarto.

Dahil sa sobrang pag-aalala ni Emma sa manugang ay hindi na niya pang nagawang tawagan si Luke nang madali ito sa ospital. Halos sampong minuto na kasing nasa under observation si Ashley sa doctor niya pero hindi pa rin ito nagkakaroon ng malay.

"Oh jusko, iligtas n'yo po Ama ang aking anak at apo. Nakikiusap ako sa inyo," paulit-ulit nitong binibigkas.

Lakad paabante at lakad pasulong. Halos tingnan na siya ng mga nurse at mga pasyenteng lumalakad sa hallway ng floor ng ospital kung saan tinitingnan si Ashley.

"Madam, hindi pa po ba natin tatawagan si señorito Luke para malaman ang-"

"Huwag mo ako tarantahin, yaya. Kinakabahan ako kaya pwede ba, tumahimik ka muna riyan at maupo." Hi di man gustong sigawan ni Emma ang katulong ay hindi na napigilan pa nito ang sarili.

Tumahik ang yaya katulad ng sabi ni Emma. Umupo ito at pigil na pigil na huwag buksan ang cellphone niya para hindi matawagan ang señorito Luke niya. Pero hindi niya kakayanin ang sisi at galit nito kapag hindi niya nalaman ang nangyayari sa asawa nito.

Pinilit nilang pakalmahin ang kanina pang nagwawalang kaibigan. At sa mga sandaling iyon, naisipan ni Luke ang magbantay pansamantala sa dalaga kasama ang mga kaibigan niya nang may natanggap siyang mensahe mula sa katulong nila sa bahay.

Napatayo ito nang mabasa ang nangyari at kung nasaan sa mga oras na uyon ang kanyang asawa. Sa labis nitong pag-aalala sa asawa ay agad agad itong nagpaalam sa mga kaibigan.

"Mauna na ako, nasa ospital si Ashley. Kayo na ang bahala sa kaniya,"

"Sige bro, balitaan mo kami kung ano ang kalagayan ni Ash,"

He was about to open the door as she speaks, "Magpapakamatay ako kapag lumabas ka ng pintuang iyan, Luke."

"Claudia?"

"Claudia."

"Claudia."

Napa buntong-hininga ito nang bitawan ni Luke ang door knob ng pinto. Alam kasi nila na hindi kakayanin ni Luke kapag may masamang mangyari kay Claudia. Marahan siyang lumingon sa kinatatayuan ng dalaga at ng iba pa niyang mga kaibigan.

"You know how important you are to me but don't be too selfish, Claudia. You want me to choose you over my wife and child? Are you serious about that? Mahalaga ka, alam mo iyan pero kung papipiliin mo ako between you and my family. Alam mo rin ang sagot. Alam na alam mo ang isasagot ko. Claudia, hindu na ikaw ang kaibigan ko. Nilalamon ka ng insecurities mo. Kung ang pagpili ko sa'yo ang ikasasaya mo?" Nanlaki ang mga mata ng mga binatang nasa likuran ng dalaga.

"Gano'n din ang mararamdaman ko, kapag pinili ko ang taong mahal ko. Mabait kang kaibigan, pero hindi ako ang lalaking para sa'yo. Hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na sinasabi at hinihingi mo. Your reason why you don't love Allen, is because of me? Nagkakamali ka, dahil ang totoo, hindi mo matanggap na hindi ikaw ang pinili ko kaya hindi ka makalaya sa sakit ng kahapon na ikaw rin mismo ang gumagawa. I'm sorry," tumalikod ito at nilisan ang kwarto para puntahan ang asawa nito na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa nagkakaroon ng malay.

"Bakit siya pa." She yelled as she clutter her things on the floor.

"I will kill her. I'll make sure of it."

"You are too much, Claudia. Hindi mo man lang ba naririnig lahat ng pinagsasasabi mo? You're going to kill someone na wala na mang ginawang masama sa'yo. You're not Claudia na kaibigan ko for so many years. Kasi sa totoo lang, ang nakilala kong Claudia, mapagmahal kahit iba ang lahi niya. 'Yung Claudia na kaibigan ko, mas gugustuhin niyang maging masaya ang iba lalo na ang taong mahal niya kaysa magawa niya itong saktan. Hindi ko inaakala na masasabi mo lahat ng ito sa amin. You're too much. You're too much." Agad na nilisan ni Clark ang kinatatayuan nito malapit sa dalaga. He leave them alone na siyang kinanlumo ng mga mata ni Claudia.

Anthony deep breath before he leave Allrn and Claudia. Hindi magawang iwan ng binata ang dalaga dahil sa sobra nitong pag-aalala rito.

"Nagbago ka na, Claudia,"

"Nagsisisi ka na ba kung bakit mo ako nagustuhan?" tumalikod ang dalaga at nagtungo sa banyo.

"I'm going to cook your favorite food. Sandali lang iyon, tatawagin kita kapag luto na,"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height