The Desires/C27 It's a Big Yes!
+ Add to Library
The Desires/C27 It's a Big Yes!
+ Add to Library

C27 It's a Big Yes!

Halos tatlong buwan na lamang ay isisilang na ni Ashley ang panganay na babae nilang anak ng asawa. She was bless dahil na rin sa mga mahal niya sa buhay na palaging nasa kanyang tabi kapag kailangan niya ang mga ito.

"Kailangan mo ng gawin ang plano. Hindi ako papayag na maisilang pa ni Ashley ang bata para maging masaya sila bilang isang pamilya. Hindi ako papayag, bunso."

"That is what I want to hear from you ate. Remember, ako ang kapatid mong si Mia? I will make sure, mababalitaan mo sa radyo bukas na wala na sa ating landas si Ashley." Ngumisi ito sa kapatid ng nakakagago.

"By the way ate, sa Montecillo tayo galit at gustong maghiganti pero bakit kailangan si Ashley ang mawala?" anito sa ate na nakatingin sa labas ng condo.

"Isa lang ang dahilan, gusto kong maranasan ng pamilya nila, kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Hindi ako makapapayag, na lumigaya pa si Luke kasama ang asawa niya. Mararanasan nila, 'yung sakit na binigay nila sa atin, sa pamilya natin." Halos makagat na niyo ang labi sa galit na magsalita.

"I knew it! Ang daya mo talagang maglaro, but I like it. You always impressed me the way you catch everything. I'm always at your back, if you need a back up. Darating ako kahit saan pa iyan. Let's win to this battle. Let's drop an end to this topic. Baka may makarinig at makakita sa atin na magkasama. Baka magbago ang plano kapag nangyari iyon." Ani Mia at ngumiti ng kakaiba sa harap ng kapatid.

Noon pa lang ay gano'n na ang galit ni Mia at ng kapatid niya sa pamilya ng mga Montecillo. They want to destroy his life through killing Ashley.

"Kanina pa ako naghihintay dito nasaan ka na ba?" Hindi maiwasang magtaas ng boses si Ashley sa kausap niyang asawa sa cellphone dahil sa inip nito sa paghihintay.

"Bago ka magreklamo hon, pwede ka bang tumingin sa bandang kanan mo? May nakikita kasi akong napaka gandang dilag sa totoo lang," malambing nitong tinig. Lumingon si Ashley sa pwestong sinabi ng asawa at doon, naghihintay si Luke.

Her smiles was priceless as she saw him- wearing their couple shirt with something big at his arm.

"Today is gonna be our first hang out together na walang istorbo. Today wasn't our wedding anniversary nor birthdays but, I just want to celebrate this day because for me, this is our official anniversary as a young couple since I courted you. Since you caught my attention and catch my heart. So, will you..." bahagya niyang binaba ang tuhod at tuluyang lumuhod sa harapan ng asawa. Their tears started fell on their face.

Maraming tao ang napahinto sa paglalakad, sa pagso-social media at sa kani-kanilang ginagawa. Halos sunod-sunod ang pagbuga ng malalim na hininga ni Luke nang mailabas niya ang isang maliit na kahon mula sa kanyang bulsa. Nagsimulang manginig ang mga kamay niya habang patuloy ang pagtingin sa asawang hindi na mapigilan ang luha sa mukha nito.

"Kaya kong ipagsigawan sa buong mundo, na akin ka. Akin lang. Selfish na kung selfish pero akin ka lang. Noon pa lang, humanga na ako hindi dahil maganda ka, kung 'di, napakaganda ng puso mo. You always reminds me, I have to hold other's hand if they need some kind of guide. I must do my best for my better future. No one knows, what sacrifice you've done for some people surrounds you. You always take care of us, your friends, your family and soon, our first child. I know, noong una, contract. Contract ang marriage natin dahil iyon lang ang nag-iisa na naiisip ko para maalala mo ako. Who am I from your past. Who am I in your life. But to be honest, hindi ko kilala ang sarili ko, kung hindi o wala ka palagi sa tabi ko. Nasanay ako, na, you always do comfort me. You always provide enough time for me. I love you Ash, my wife. And now, planado ito eh pero bakit, sobra ang kaba ko," natawa na lang silang dalawa habang ang iba ay naiiyak sa sobrang sweet ni Luke.

"Ashley Briones Montecillo, my dearest wife in a whole world. Will you... will you marry me, again?" napatakip na lang ng mukha si Ashley to wipe her tears on her cheek.

"Yes!"

"Yes!"

Mapa-babae man o lalaki. Bata o matanda. Single at taken. Hindi maiwasang kiligin sa tanong ni Luke sa asawa. Ang iba ngang nanonood ay naghahampasan na sobrang kilig sa dalawa.

"Yes! I will marry you, hon!" he hug her tightly. Hindi na pinalampas pa ni Luke na mahalikan ang asawa kahit sa harap pa ng maraming tao. Dahil iyon naman ang pinakagusto niyang gawin na ipakita sa lahat na sa kaniya lang si Ashley.

"Congrats!"

"Congratulations!"

Halos makipagsabayan na ang ibang taong nanonood sa magandang moment na mayroon ang dalawa. Masayang masayang tinignan ni Gracelyn ang anak niya habang yakap-yakap ang asawa nito. Maluha-luha ring nakatingin si Emma at Nilo. Natoon din si Alyssa at mga kaibigan ng dalawa. Naroon din si Lara para suportahan ang kapatid nito sa planong mag propose kay Ashley.

Halos alas-tres na ng hapon nakauwi ang lahat sa bahay. Nagtungo na rin sa kani-kanilang mga bahay ang kaibigan ng mag-asawa habang sina Alyssa at Lara ay nanatili sa bahay nina Gracelyn. Nauna na ring umuwi ang mag-asawang Emma at Nilo. Nagpasya kasing doon muna sa bahay nina Ashley sila matutulog kahit sa gabi lang na iyon. Ilan pang minuto ay nagpaalam na ring umuwi sina Lara at Alyssa.

"I didn't expect na gano'n ang magiging kalabasan ng proposal mo, hijo. Pero, napahanga mo ako na pinakita at inangkin mo ang anak namin sa harap ng maraming tao. Pero, siguraduhin mong hindi mo sasaktan ang anak ko kung ayaw mo itakwil kita," pagbibirong sabi ni Rafael.

Natawa na lamang ang apat at maging ang mga katulong nila ay naki-bonding bonding na sa kanikang kuwentuhan.

"Nga po pala, congratulations po señorita Ashley at señorito Luke!" masayang bati ni yaya sa dalawa. Ngumuti ang mga ito bilang pasasalamat nila rito.

"Oh siya, magpahinga muna kayo sa kwarto. Papatawag ko na lang kayo kapag ready na ang dinner," ani Gracelyn rito. Tumalima ang dalawa sa sinabi ng kanilang Mommy.

Dumeretso sa banyo si Ashley magpalit habang si Luke ay nagbukas ng cellphone. Sampong minutong tahimik ang buong silid. Mula sa kinauupuan ni Luke ay hindi na niya napigilan ang antok nito kanina pa habang pauwi pa lamang sila. Masaya siya pero dahil sa pagpupuyat para lang ma-perfect ang proposal nito sa asawa ay wala siyang sinayang kahit isang segundo.

"Hon Luke? It's your-" natigilang magsalit si Ashley nang makita ang asawang natutulog.

Dahil sa gusto niyang pagpahingahin ang asawa, hindi na nito inistorbo pa ang natutulog na Luke at nagpasya na lamang siyang manood ng movies sa kanyang laptop.

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height