C8 Truth or Dare
"Ano ang nangyayari rito?" naguguluhang tanong ni Ashley nang makita ang tatlo sa harap ng kwarto.
Namamasa na ang mga mata ni Vina pero hindi niya ito pinahalata sa kaibigan. Umalis ito na hindi tinitingnan ang pwesto ni Ashley.
"Ashley hija, I heard from your husband na hindi ka umuwi kagabi? Saan ka natulog, Ash?" ani ng kanyang Mommy Emma at ngumiti lang siya.
"Sorry Mommy pero, mauna na po muna ako sa kwarto. Have a safe trip!" she move her legs without looking to her Daddy.
Gustuhin mang magsalita ni Luke nang lumitaw sa kanyang harapan ang asawa pero nagbulagbulagan na lamang siya at hindi naririnig ang asawa. Ashley shutted down her phone at sinaksak ito sa ibabaw ng small cabinet malapit sa pinto ng bathroom. Noon pa lang ay nahiligan na nito na mag charge ng cellphone sa banyo. Ayaw niya na hindi malapit sa kaniya ang phone lalo na kapag may hinihintay siyang message from Johnny.
"Call me if you're done, Luke. I need some cold water to refresh my body," anito at lumabas ng banyo. Sa salita pa lang ni Ashley ay nanggalaiti si Luke sa narinig. 'Need some cold water to refresh her body' what does it mean? Pero gayunpaman, pinigilan niyang magsalita.
He keep unconscious sa kung ano ang totoong nangyari kahapon sa asawa. Bakit niya kinailangan magsinungaling sa kaniya? Kliyente nga ba ang rason?
"Your turn." Malamig nitong sabi sa asawa pero hindi siya nito pinansin. Nakahiga at nakapikit ang asawa niya sa kama- namamasa sa pawis ang dibdib.
Hindi niya maiwasan na titigan ang maamong mukha ng asawa habang nakapikit ito. Sa pagiging cold at unreceptive guy nito ay nagawa pang kumutan ang asawang natutulog sa mga oras na iyon. Lumalambot ng pilit ang puso niya sa tuwing nakikita ang asawa- tulog man o kasama niyang nakikipag-usap. His heart started to beat so fast and faster as Ashley took his hand into her tummy. Ramdam niya ang pagkalam ng sikmura nito.
"Saan ka ba talaga nagpunta kahapon?" mahina nitong tanong sa natutulog na si Ashley. Hindi niya mapigilan ang haplusin at ayusin ang buhok na humaharang sa ganda ng mukha ng asawa.
"What are you doing?" napa atras na lang siya nang magsalita si Ashley.
"A-ah kasi... tapos na ako maligo. Ang sabi ng Mommy mo, need mong pumasok ngayon dahil may board meeting at exactly eleven in the morning. You have two hours left to get dressed and go there," pag-iiwas nito sa malambing na tingin ng asawa.
"Truth or dare, Luke?" nanlaki at naging istatwa si Luke sa narinig mula sa asawa.
"What do you mean?"
"Just choose one, Hon," nanlaki na lang ang mga mata niya sa salitang binigkas ng asawa niya. 'Hon? Argh! Gosh! What should I say?' makulit at malikot nitong pag-iisip habang mas lalong lumalapit sa kaniya si Ashley.
"You want me to choose one between truth and dare? If I choose truth? What-"
"Are you happy with our marriage?" agad nitong tanong sa kaniya. Bumuntong hininga ito bago sumagot sa tanong ng kanyang asawa.
"Let me ask you first, Ash. Are you with David yesterday?" tumingin ng mata sa mata si Ashley at sinagot ang tanong ng asawa.
"Are you jealous?"
"So, I don't have reason to answer your question. Mauna na ako."
"At bakit hindi? Alam mo bang-"
"Ano? Mahal mo na siya? Nahihirapan ka o nagsisisi dahil pumayag ka sa kasalang ito?"
"Kung sabihin ko na oo, nagsisisi ako ano ang gagawin mo?"
'Pero bakit? Akala ko mayroon ka ng nararamdaman para sa akin, Ashley?' anito sa kanyang isipan.
"Do whatever you want. Pero hindi ako papayag na magkaroon ng hiwalayan sa pagitan nating dalawa."
"Tinatanong kita kung bakit? Kung hindi ka masaya sa marriage na ito-"
"Wala akong sinabing hindi ako masaya, Ash. Hindi dahil unti-unting naaayos ang gulo sa kompanya, kung 'di ayokong mawala ka. Sinabi ko na sa'yo noon, magkakamatayan kami ng lalaking gustong umagaw sa'yo sa akin. Hindi ako makakapayag na mawala ka."
"One and half hour left, Ash. You must be there bago magsimula ang meeting. I have to go," umalis sa kinatatayuan niya si Luke at nilisan ang kwarto nilang dalawa habang nanatili sa kinatatayuan si Ash.
"Mr. Montecillo, this is a urgent meeting with our investor," ani Kenneth- ang secretary ni Luke nang makalabas siya ng bahay.
"Let's go." Tipid nitong sagot pero agad na napansin ni Kenneth na nakakunot noong sumakay ng sasakyan ang boss niya.
"Nasabi ba ng secretary niya kung ano ang pag-uusapan at nagpatawag siya ng meeting ng ganitong kaaga?" Walang emosyong tono nito sa sinabi habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.
"She was planning to complain annulment to her husband," nagulat ito sa sinabi at inutusan ang driver na bumalik sa bahay.
"Yaya? Yaya? Ang señorita mo?"
"Kaaalis lang po. May isang bag na dala-dala,"
"Wala ba siyang sinabi o iniwan?" tumango lang ang katulong at nagmamadaling umakyat sa kwarto.
Walang pigura ng asawa ang naroroon. Agad niyang tinungo ang closet room pero wala na ang mga gamit nito. Wala na rin ang mga sapatos at iba nitong mga accessories. Tanging ang wedding gown na sinuot nito ang iniwan sa ibabaw ng kama. He started to fell himself to it and his tears was gradually drop on his face.
Doon lang siya nagkaroon ng idea kung bakit naitanong ng asawa ang bagay na kung masaya ba siya sa marriage nilang dalawa.
Ilan pang minuto ay muli siyang tumayo para ayusin ang sarili. He was about to wash his face nang makakita siya ng isang papel na nakadikit sa salamin. Nanlamig ang mga paa nito nang mabasa ang sulat mula sa asawa.
Agad siyang tumakbo palabas ng bahay at dali-daling tinungo ang airport kung saan naka book ng flight si Ashley sa mga oras na iyon. Walang nakalagay sa sulat kung saang bansa siya pupunta para hanapin ang sarili. Nakalagay rin doon na hindi alam ng mga magulang niya ang desisyon niyang ginawa. She chose to leave everything on his hand. Sapat na ang nagawa niya para mawala ang issue sa parehong kompanya ng pamilya. Aalis siya dahil gusto niyang makaramdam ng tunay na kaligayahan tulad ng naramdaman niya noong kasama niya pa si David.