The Desires/C9 We both Loving the Person who can't Love us Back
+ Add to Library
The Desires/C9 We both Loving the Person who can't Love us Back
+ Add to Library

C9 We both Loving the Person who can't Love us Back

"Ayusin mo ang sarili mo. Isa kang CEO at hindi isang empleyado. Ikaw ang boss sa kompanya na ito kaya huwag kang magpadalos dalos sa paggawa ng desisyon." Pagsesermon ni Emma sa anak. He smirk at them.

"Whatever you say my dearest Mom."

"Secretary Kenneth, ikaw na ang bahala rito. Siguraduhin mong matino ang boss mo kapag pumasok ng kompanya."

"Yes madam,"

"May balita na ba kung nasaan ang asawa ko?" Anito nang makaharap sa salamin.

"May tao tayong nagbabantay sa mga lugar na madalas niyang puntahan. Nakausap ko na rin ang mga kaibigan niya pero wala silang alam kung nasaan si señorita Ashley sa ngayon. Sinubukan ko ring kausapin si sir David para malaman kung alam niya pero wala. Until now, hindi pa rin alam ng mga magulang niya ang ginawang pag-alis ni señorita," sinserong sagot ni Kenneth sa boss niya. Sa sobrang galit, nasuntok na lang ni Luke ang salamin sa harapan niya.

"Tawagan mo ang grupo, at siguraduhin n'yong mahahanap siya as soon as possible." Bumuntong hininga ito bago hugasan ang kamay na nababalot na ng dugo.

Isang buwan na buhat noong umalis ng bahay si Ashley. Walang sino man ang nakakaalam kung saan siya naroroon. Kahit nga ang mga magulang nito ay hindi niya nagawang sabihan.

"You're here too, Mr. Montecillo. So, how's your marriage with Ashley?" napa kunot-noo na lang si Luke sa babaeng nasa kanyang harapan.

"As far as I know we're not close to answer your question about our marriage. Excuse me."

"Kahit nagpapanggap lang kayo? Nagulat ka yata? Luke, he's back. Alam mo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko, 'di ba?"

"Tama ang pagkakakilala ko sa'yo, Sophia. Masyado kang magaling umalam ng sikreto ng iba pero mas madaling alamin ang buhay mo. Yes, David is back but I don't care. He's my friend and Ashley's high school friend-"

"Her high school lover. Tandaan mo iyan, Luke. Bye," anito sa malanding tinig. Napadakot na lang ng kamay si Luke sa galit. Ano man ang gawin niya ay hindi maitatanggi na may nakaraan ang dalawa- si Ashley at si David kahit hindi naging in a relationship ang dalawa but love is already there between them.

"Luke," tawag ng isang lalaki mula sa main door ng kompanya. Kumalma siya at kalmadong tiningnan ang kaibigang papalapit sa pwesto niya.

"Naparito ako para tanungin kung may plano ka na about your wife's birthday?" nanlaki na lang ang mga mata ni Luke sa sinabi ng kaibigan. All this time, hindi niya alam ang date ng birthday ng asawa.

"Birthday? Ni Ashley?"

"Sino pa ba ang asawa mo? So, almost a month na kayong kasal pero hindi mo pa rin alam ang birthday niya? Bro, mahilig siya sa mga surprises," napa buntong-hininga na lang si Luke sa nalaman. Hindi siya nagkakamali, mas kilala pa ni David ang kanyang asawa kaysa sa kaniya. It seems that, mas tiwala ang asawa niya sa ibang tao kaysa sa kaniya.

"Should I prepare some surprises for her? To celebrate her birthday?" Walang emosyong sabi nito sa kaibigan. Napa-iling na lang si David sa narinig.

"She's gone. I know na alam mo na fake marriage ang nasa pagitan naming dalawa. So, should I do that?" Tinalikuran niya si David na hanggang sa mga oras na iyon ay naguguluhan sa narinig.

Paulit-ulit niyang tinatawagan ang cellphone number ni Ashley pero paulit-ulit rin itong hindi sinasagot ni Ashley. Pinuntahan niya na rin ang mga lugar na madalas nitong tinutulugan, pinuntahan niya na rin ang iba nilang kaibigan pero wala siyang nakuhang sahot at hindi nakita ang babae. He started to feel something wrong sa paglipas ng mga oras na hindi niya nakakausap si Ashley.

"Masyado mong pinapagod ang sarili mo sa paghahanap sa kaniya, David. Si Luke ang asawa niya,"

"Claudia, bakit nangyayari ang mga bagay na ganito sa mga taong kasiyahan lang naman ang gusto sa buhay? She don't deserve any sadness in life. Bakit kasi si Luke pa?" Nag-uunahang pumatak ng luha nito sa kanyang pisngi.

"Sana pala hindi ako ang tinawagan mo. I can't comfort you,"

"Kung kaya ko lang ibalik ang araw na iyon, Claudia... hindi ko na lang sana iniwan si Ashely. Sana naging matapang na lang ako para naipaglaban ko siya at ang nararamdaman namin sa isa't isa. Kung kaya ko lang," hindi na napigilan pa ni David ang humagulgol ng iyak.

"And now, umalis siya. Alam mo 'yung masakit? Parang walang paki-elam si Luke sa pag-alis niya. Nasasaktan ako... dahil nangyayari ang lahat ng ito sa babaeng pinakamamahal ko. Saan ko siya hahanapin?"

"Ikaw na rin ang nagsabi sa akin. Kapag gustong lumayo ni Ash, wala siyang pagsasabihan. Dapat sanay ka na, dahil nangyari na ito noon. Everything is gonna be okay, David. Trust me," bumuntong-hininga ito bago nagsalita ulit, "Nasasaktan ka, dahil nagmamahal ka. Pareho lang naman tayo, David. Pero at least ako, alam ko na, kaya kong dumistansya sa taong nagugustuhan ko. Sana magawa mo rin iyon, para hindi ka na masaktan at umasa ng sobra. You don't deserve any sadness either, David," tumayo ito at nilisan ang kwarto ng binata. Pilit niyang pinipigilan na tumulo ang mga puting likido sa kanyang pisngi. Ayaw niya na may makakita sa kaniya sa ganoong sitwasyon.

"Pareho lang tayo, David. Pareho lang tayong nagmamahal sa mga taong kasal na," anito nang maisandal ang likod sa driver seat ng sasakyan. At sa mga oras na iyon, her tears was gradually drop on her face. Napa hagulgol na lang siya ng iyak habang pilit na yinayakap ang sarili. She want comfort from him tulad ng ginagawa ni Luke sa kaniya noong nasa America pa lang sila. He was deeply in love with Luke pero tanging kaibigan ang turing nito sa kaniya. He can't even praise her tulad ng pagpuri nito sa asawa kahit alam naman nilang lahat na nasa fake marriage slash marriage contract ang dalawa.

"Hello?" anito nang masagot ang kanina pang tumatawag sa kaniya.

"Narito ako sa tapat ng bahay nila David. May problema ba?" kinalmahan niya ang paghinga at nakinig sa tsismis ng kaibigan na si Clark.

"Bukas na lang tayo magkita. Pauwi na ako," she ended the call kahit ayaw pa ni Clark.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height