+ Add to Library
+ Add to Library

C11 CHAPTER 9

CHAPTER 9

ADIRA POV

"Hi cam."

Napaikot nalang ang mga mata ko ng makarinig ng malanding boses. Sobrang tinis at halatang pabebe na ang sakit sa tenga. You see those movie having a character similar to leeches? This girl is probably qualified to be one.

"What do you want?" Malamig naman na tanong ni bwiset bago ko narinig ang malanding tawa ng babaeng hindi ko kilala.

"Just checking on you. By the way, do you want to have lunch with me later?"

"No."

Gusto ko nalang matawa sa inasta nito. Mabuti nalang ako lang yung nandito sa classroom kung hindi mapapahiya talaga ang babaeng kausap nito.

"But---"

"If you don't have any business with me then leave." Malamig pa rin na ani nito kaya inangat ko ang tingin ko at nakitang nakatitig pa rin ito sa hawak na libro habang ang babae naman ay halos dumikit na sa kanya.

"But cam--"

Natigil ito sa pagpupumilit kay bwiset ng marinig nito ang mahina kong pag bungisngis. Tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa akin pero nang uuyam ko lang syang tinignan.

"Mukha kang tanga." Ani ko at binitbit na ang bag para umalis. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito pero ngumisi lang ako bago sila iwan.

Tamad lamang akong naglakad sa pasilyo habang sinasalubong ang mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga estudyanteng nadadaanan.

"Is she the girl who punched pres?"

"Yes, twin of akira."

"Oh gosh! Akala mo naman kagandahan."

"Yeah, anong karapatan nyang suntukin si pres?"

"Parang walang manners."

"Pareho talaga silang dalawa ni Akira na parang basura."

Tumigil ako at dahan-dahang nilingon ang mga babaeng nagbubulungan sa likod ko. If it is a whisper since I think everyone heard it. Malamig ko silang tinignan pero tumaas lang ang kilay nila dahilan kung bakit sumilay ang ngisi sa labi ko. Matapang pala ang mga ito.

Lumakad silang lima palapit sa akin at mataray akong tinignan mula ulo hanggang paa bago sila ngumisi sa isa't-isa. Tamad ko na lamang silang tinignan at hinihintay ang susunod nilang gagawin. Ramdam ko din ang pagtahimik ng paligid at ang mga nang-uusisang tingin na nakapalibot sa amin.

"So you're the girl who punched Camerone?" Tanong ng babaeng nasa gitna kaya tamad ko lamang syang tinapunan ng tingin.

"Ano ang karapatan mong ganyanin siya? Hindi mo ba alam kung gaano sya nirerespeto dito?" Uso mga judgemental dito. Hindi pa nga nila alam ang dahilan kung bakit ko sinapak ang pres nila. Well kung gagawin naman sa kanila ng pres na yun ang ginawa sa akin ay maglulupasay pa sila sa kilig. Pero ibahin nila ako.

"Oo nga. Bagong salta ka pa nga lang dito kung sino ka na umasta."

"Yeah, akala mo kung sinong reyna kung mag reyna-reynahan."

Tumaas naman ang kilay ko pero hindi ako sumagot. Mukhang napansin naman nila iyon kaya tumaas ang kilay nila.

"Bakit hindi ka sumasagot?"

"Sumagot ka!" Sigaw ng isa at tinulak pa talaga ako sa balikat kaya nainis ako pero hindi ko agad pinakita yun. I tried to remain calm as possible. Baka hindi ko sila matantya at mabasag ang mga pagmumukha nila.

"Oo nga! Akala mo matatakot kami sayo?" Mataray naman na sagot ng isa bago ako tinulak pero hindi ako natinag sa pwesto ko at tamad lamang silang tinitigan like they are some kind of uninteresting creature in the earth.

"Ano? Tutunganga ka na lang dyan? Hindi ka lalaban?" Tanong ng isa bago ako hinawakan sa braso atsaka diniinan ang kuko niya sa akin. It looks like they are so done with me.

"Answer us bitch!" Sigaw ng babaeng nasa gitna at nanggigil akong sinabunutan. Hinawakan naman ako ng dalawang babae sa magkabilang braso bago ko naramdaman ang pagsampal ng babae sa akin.

"What is happening here?" Isang malamig na boses ang dumagundong sa pasilyo kaya kita ko ang pamumutla nila samantalang blanko lamang ang mukha kong nilingon ang direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon. Kitang kita ko ang madilim nitong titig sa amin.

"P-pres..." Namumutla nilang turan kaya gusto ko nalang mapangisi.

Tinignan kami nitong anim bago nilibot ang paningin sa paligid.

"Sino ang nauna?" Malamig niyang tanong kaya agad namang tinuro ng mga estudyante ang limang babae na namumutla na ngayon.

"P-pres..."

"All of you, follow me to the headmaster while you." Turo nito sa akin bago tinignan ang braso kong may kalmot na nag dudugo. "Go to the clinic." Anito at nauna ng maglakad at parang tuta naman na sumunod ang lima sa kaniya.

"Wait." Tawag ko at agad naman silang huminto.

Lumakad ako palapit sa kanila at nakangising hinarap ang limang babae.

"I just need to do this." Ani ko at malakas silang binigyan ng suntok sa mukha kaya napasinghap ang mga nasa paligid.

"Mckenson--"

"Ciao!" Tanging tugon ko at umalis na doon.

******

Written by: MissNaViee

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height