The Gangster's Revenge/C12 CHAPTER 10
+ Add to Library
The Gangster's Revenge/C12 CHAPTER 10
+ Add to Library

C12 CHAPTER 10

CHAPTER 10

ADIRA POV

Tinaasan ko ng kilay ang babaeng kaharap ko na titig na titig sa akin. Kanina pa nila ako tinitignan mag mula ng makapasok ako sa history subject namin.

"What?" Iritang tanong ko sa kanila.

"Anong kaguluhan na naman ang pinasok mo kahapon dei?" Tanong ni chloe kaya isang ngisi ang sumilay sa labi ko.

"Nothing." Ani ko at agaran naman ang pagtaas ng kilay nito.

"Naku dei iba na yan. Baka sa susunod na araw expelled ka na." Aniya kaya napairap ako. Mangyayari lang yun pag hindi ko ginagamit ang utak ko. And they can't just expelled me since it is not me who started it.

"Wag kang mag alala loe. Hindi mangyayari yan."

Bumuntong hininga naman ito at tsaka lumapit sa akin para bumulong.

"Pero dei, may plano ka na ba kung saan ka magsisimula sa pag hahanap ng hustisya?" Bulong nito kaya natigilan ako. I was frozen on my spot while her question keeps on repeating inside my head.

Simula ng pumasok ako dito ay walang plano na nabuo sa isipan ko. Ang sa akin lang ay ang mahanap ang hustisya para sa kapatid ko. F-ck! I am being impulsive again. I didn't even noticed that until chloe asked me.

Mukhang nakuha naman nito ang ibig sabihin ng ekspresyon ko kaya napabuntong hininga ito. Hinawakan niya ang kamay ko bago marahang pinisil ito.

"Hindi pwedeng wala kang plano dei." Nag aalala niyang tanong kaya ako naman ngayon ang napabuntong hininga. Saan nga ba ako magsisimula? This isn't the first time that I let my emotions controlled me. It happened before but this one is different. I have this feeling that there is something more than what our naked eyes had seen. Noong mga panahon na pinangunahan ako ng emosyon ko ay kahit papaano naging successful pa din naman ang ginawa ko.

"But don't worry. I'm here to help you." She said and I am touched by her words. I am really grateful that she is my friend. I may not be able to say it to her, but she mean so much to me.

Now that I realized my actions, I need to come up with a plan. Hindi ako pwedeng sumugod nalang sa gyera na walang nabuong plano. Hindi ko pwedeng maliitin ang mga taong nasa likod ng pagkamatay ng kapatid ko. Yes, hindi maalis sa isip ko na may mga tao na nasa likod ng pagkamatay nya. I am very sure of that. And I will make sure to prove my speculation. One person can't kill my sister.

"Hoy ano ang ibinibulong--"

"Good morning class."

Isang babae ang pumasok sa classroom namin. Si Miss Sierra Gadott, ang Philippine constitution teacher namin. Miss Gadott is a 27 year old woman with a very beautiful face but exudes a strict aura. Other than that wala na akong masabi sa kanya. Basta magaling itong magturo kaya okay na.

"Good morning miss." Bati ng mga kaklase ko maliban sa akin na tamad magsalita.

Tumango ito bago kami nakangiting tinignan. She smiles a lot but I can tell that we should not trust that smile. Kahit nakangiti ito ay hindi pa rin maalis ang kakaibang aura nito na nagsasabing wag siyang maliitin.

"Now, hahatiin ko kayo by pair and you will make a bill making it into law." She said. Since she already discussed it last day, I already expect that we will have an activity but I never expect that it would be done by pair.

"I will be the one to choose your partner. Now starting with..." At nag umpisa na itong magtawag ng pangalan at tamad naman akong nakinig. I don't even know the names of my classmates. Atsaka hindi ko naman sila kakailanganin in the future.

Eunbi and chloe ended up together and I just sighed. Mas gugustuhin ko pang mag solo nalang kaysa ang magkaroon ng pabigat sa akin. And I can feel that my classmates especially girls, hates me. Though I don't care if they hate me or not. They can hate me until their last breath and I don't give a d-mn.

"Mckenson and Hudson."

Naparolyo nalang ang mga mata ko sa narinig. Kung sinuswerte ka nga naman. Ang bwiset pa na lalaking yun ang magiging partner ko. Kakasabi ko lang kahapon na hindi kami pwedeng pagsamahin dahil baka mapatay ko lang yan sa inis. Wala pa syang ginagawa ay inis na inis na ako.

Tinapunan ko ito ng tingin at tinaasan ako nito ng kilay kaya naparolyo ulit ang mga mata ko bago nag iwas ng tingin. Parang bakla kung makataas ng kilay sa akin.

"Swerte mo naman Adira. Sobrang talino ng partner mo. Pero hindi ko sinabing hindi ka matalino ha? Iyon lang talaga mas mapapadali kayo." Puna naman ni Eunbi kaya napa 'tsk' nalang ako. Anong swerte doon? Saan? Tsaka mapapadali? Baka nga mas madami pang oras ang pag aaway namin eh. Pagbukas palang kasi ng bibig nya ay inis na inis na ako.

"So sinasabi mo na hindi mapapadali yung atin dahil hindi ako matalino insan?" Singit naman ni Chloe habang nakataas ang kilay sa pinsan.

"Hindi naman sa ganun pinsan. Pero aminin na kasi natin na mas matalino sa atin si Cameron. Hindi yun magiging SSG president kung hindi yun matalino. President's lister kaya yan." Anang pinsan nito.

"Oo nga naman." Pagsang ayon naman ng isa habang tumango tango pa kaya napailing nalang ako. Halata naman sa lalaking ito dahil parang bookworm din. Ilang impormasyon kaya ang pumasok sa utak niya kada araw?

"Now, go to your partner and discuss everything. I will give you 35 mins." Anunsyo ng guro namin at naupo na sa kanyang upuan. Nagsipuntahan naman ang mga kaklase ko sa kani-kanilang grupo habang ako ay nanatiling nakaupo sa pwesto ko.

"Oyy dei. Ba't hindi mo pa pinupuntahan si Pres?" Takang tanong ni chloe ng mapansing hindi ako gumagalaw sa pwesto ko.

Nilingon ko ang lalaking bwisit at nakitang nakaupo lang din ito sa upuan niya at nagbabasa ng libro. Napataas ang kilay ko bago umirap. Kung hindi siya pupunta sa pwesto ko, pwes hindi din ako lalapit sa kanya.

Mas pinili ko nalang na tumingin sa labas ng bintana. Mas may kabuluhan pa na tumingin sa labas kaysa ang makasama ang bwisit na lalaking iyon.

"Dei. Dei." Ramdam ko ang pagsiko sa akin ni Chloe kaya agad ko syang sinamaan ng tingin.

Bumuntong hininga naman ito bago napailing at umiwas ng tingin.

"Bakit pa kasi pinagsama ang dalawang ma pride." Rinig kong bulong nito na hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin.

Pumalumbaba ako sa desk ko at hindi na namalayan ang oras. Nabalik lang naman ako sa realidad ng sabihin ng guro namin na sa lunes ang deadline ng activity. At weekend na bukas kaya may dalawang araw kami ni bwisit sa paggawa nito.

"Class dismiss."

Lahat nag sialisan na pero nanatili pa rin akong nakaupo. Nagtaka ako ng umalis na ang mga kaklase ko ay yung dalawa ay nasa tabi ko pa rin.

"Dei--"

"Bukas 8:00 am. Field."

Napatingin ako sa mokong bago kumibit balikat ng naglakad na ito paalis matapos sabihin iyon. Okay.

*****

WRITTEN BY MissNaViee

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height