+ Add to Library
+ Add to Library

C5 CHAPTER 3

Adira POV

"Anong palabas ang ginawa mo sa canteen kanina huh adira?" Bungad sa akin ni chloe ng makapasok ako sa dorm. Nakaupo naman ang pinsan nito sa sofa at nakatingin lang sa amin.

Nakapameywang ito at para bang nanay na sinisermunan ang anak. Bumuntong hininga naman ako at pabalyang umupo sa sofa.

"I just gave them what they are asking." Tamad kong turan at kita ko ang pagtaas ng kilay nito.

"What?" Inis kong tanong ng titig na titig ito sa akin. Napataas ang kilay ko ng bigla itong ngumiti at lumapit sa akin.

"Ano? May bali ba? Naku sana pinuruhan mo! Aba! Kitang kita ko ang pag tapon sayo ng cake at juice. Kaya bagay lang sa kanila ang ginawa mo. Pero mas maganda sana kung mas napuruhan pa sila!" Anito kaya sandali akong natigilan.

See? Nagkamali talaga si dad na kay chloe nya ako iniwan. Sinasabi ko na kunsintidor ang isang to eh. Pero mas mabuti na rin ang ganito. Para walang may magsumbong kay dad ng mga pinaggagawa ko dito.

"Ang astig mo kanina doon Adira! Bagay na bagay yun sa tatlong feeling queenbee ng school. Yuck!" Sabat naman ni Eunbi jung. Ang pinsan ni chloe na purong korean talaga.

"Kaya nga! Kaibigan talaga kita! Mana ka sa akin eh." Ani naman ni chloe kaya napailing ako.

"Pero!" Sigaw naman ni Eunbi kaya napataas ang kilay ko.

Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatakip ang mga kamay sa bibig. Pareho namang napataas ang kilay namin ni chloe dahil sa inasta ng pinsan nya.

"Bakit insan?" Tanong ni chloe.

"Omygosh! Ba't ganun mo lang sagot- sagutin si Pres?" Tili nito kaya napaikot ang mga mata ko. Pres? That guy earlier?

"Eh ano naman ngayon kung ganun ko sya sagot-sagutin?" Tamad kong tanong. Pakialam ko sa lalaking yun?

"Bruha!--Oppsss! Pero bakla! SSG president yun! Ang dakilang si Cameron East Hudson!" Eksaheradang turan nito kaya mas lalong napataas ang kilay ko.

"Ano naman ngayon?" Kunwaring walang pakialam kong tanong. Ang totoo nyan ay kinakabahan ako. Baka kasi makarating to sa headmaster tapos isusumbong ako kay dad. And if it happen then my plan would fail.

Bumalatay ang gulat sa mukha ni Eunbi pero umiling na lamang ako at pumanhik na sa kwarto ko.

Agad akong pumasok sa banyo at bumabad sa ilalim ng shower. Bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina. They bullied my sister. I can't help it. I want to wringed their neck!

How dare them!

I want to keep my profile low. But what happened awhile ago will make it hard for me to do it. At kahit anong pilit ko sa sarili na hayaan nalang ang tatlong babaeng yun ay hindi ko magawa. Iniisip ko palang na pinahirapan nila ang kakambal ko ay gustong gusto ko na silang bugbugin. Nawawala sa isip ko na may iba pa akong dapat gawin dito.

Napahilamos ako ng mukha at itinukod ang kamay sa tiles. Kumuyom ang kamao ko at napayuko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Baka pag hindi ko mapigilan ang sarili ay mapapaexpell ako ng wala sa oras.

Inoff ko na ang shower at sinuot ang roba bago lumabas. I sat on my couch and heaved a sigh. What did my sister do to be treated like that? I know na masyado syang malambot para lumaban.

Napagdesisyunan kong tumayo at nagbihis bago lumabas ng kwarto. Dere-deretso ang lakad ko pero agad na may pumigil sa akin. Nilingon ko kung sino iyon at bumungad sa akin si chloe. Nakataas ang kilay nito at nagtataka akong tinitigan.

"Where are you going?" She asked.

"Unwind." Simpleng sagot ko at inalis na ang kamay nito sa braso ko.

Aalis na sana ako ng humarang ito sa daanan ko. Malamig ko syang tinignan pero hindi man lang ito natinag. Napabuga na lamang ako ng hangin at umupo sa sofa.

"You can't fool me dei." Seryosong turan nya kaya napaiwas ako ng tingin. Kumuyom ang kamao ko ng maalala ang sinabi nila kanina sa akin. I just can't imagine my sister's face when they are hurting her, humiliating her infront of so many people.

"They must pay for what they did to my sister." Malamig na turan ko at tatayo na sana ng pigilan ako nito.

"Don't be impulsive dei." Aniya at umiling naman ako.

"You don't understand loe."

"No. I understand where you are coming from dei. But you can't just let your emotions control you. Look, if you will hurt them, and if tito will find out then your mission will fail. And it means one thing." Tumigil ito at tumitig sa mga mata ko. "Hindi mo mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid mo."

Her words is like a magic. The anger that I feel earlier vanished.

I sighed. She is right. Hindi ko dapat hinayaan na kontrolin ako ng emosyon ko. But I can't just help it. Ibang usapan na pagpamilya ko na ang involve. Hindi ko na nakokontrol ang emosyon ko. Nagiging mapusok ako pag sinaktan mo na ang isa sa pamilya ko. I valued my family so much.

"Okay." Ani ko at agad naman ako nitong niyakap. Napabuntong hininga ako at niyakap sya pabalik. Chloe is been my bestfriend since we were in elementary. Madami kaming differences pero kahit ganun ay naiintindihan pa rin namin ang isa't isa. We are not showy but we know that if someone is in danger. We are here to rescue each other. That's our kind of friendship.

"Don't worry dei. I will help you." Aniya.

"O siya halika na. Kakain tayo. I cooked your favorite teokbokki." Yaya nya at pumanhik na kami sa kusina. There, I saw my favorite korean food that chloe always cook for me. Umupo na kami at nagsimula ng kumain. Hmmm...she never disappoints me. Parang bumalik yung gutom ko kanina. Nawala iyon ng istorbohin ako ng powerpuff girls.

"Wag kang mag alala dei. Kung gusto mo ako na ang babasag sa pagmumukha ng tatlong yun eh. Aba't sisiw lang yun." Turan naman nya kaya napailing nalang ako. Ngayon na nahimasmasan na ako ay napagdesisyunan ko na mabuting wag nalang silang patulan pa. Kung ano mang nagawa nila sa kapatid ko ay mas mabuting e set aside ko muna. Mas importante ang hustisya para sa kakambal ko.

"You don't need to. Just let them." Ani ko at umaktong nagulat naman ito.

"Omygosh ikaw ba yan adira?" Kunwari'y gulat nitong usal kaya naparolyo ang mata ko.

"Charr lang! Pero dei, bago yan sayo ah. Hindi bagay na maging pasensyosa ka."

Tumaas ang kilay ko sa kanyang tinuran. Paiba iba din ng isip ang babaeng to eh.

"Kanina gusto mo na maging pasensyosa ako tapos ngayon naman..."

Nagpeace sign naman ito sa akin kaya napailing nalang ako. Ang hirap talagang basahin ng babaeng ito.

Coming from you?

"Oyy ba't hindi man lang kayo nag imbita?"

Napalingon kami kay Eunbi na kakapasok lang ng kusina. Mukhang kakaligo lang nito dahil basa pa ang buhok nito.

Naupo ito sa tabi ni chloe na nakataas ang kilay habang nakatingin sa pinsan. Nakamasid lamang ako sa kanilang dalawa at nagtataka sa inaakto ni chloe.

"Bakit pinsan?" Tanong ni Eunbi sa pinsan na nakataas pa rin ang kilay na nakatingin sa kanya.

"Naligo ka pa kahit hapon na? Gusto mo bang mapulmonya?" Saway nito kaya nakangising napayuko na lamang ako sa kinakain.

Oh I forgot that chloe is so protective and caring.

****

Written by MissNaViee

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height