+ Add to Library
+ Add to Library

C6 CHAPTER 4

CHAPTER 4

ADIRA POV

I rolled my eyes and sighed. Hindi ba talaga nila magawang hindi tumingin sa akin? Gusto kong dukutin ang mga mata nila sa sobrang inis.

"Kalma dei." Bulong ni chloe pero hindi na ako sumagot at deretso lang ang lakad papuntang classroom.

Masama ang tingin ko sa bawat taong nadadaanan ko at agad naman silang umiiwas ng tingin. Napabuga na lamang ako ng hangin. They've been staring at me since the moment I got out from our dorm.

This is sh1t!

"Get used to it dei. Sa ganda mo ba namang yan sino ang hindi titingin?"

"Right! Tsaka ikaw lang naman ang bumara kay Sloane at sa mga alalay nya. At isa pa--ikaw lang ang sumagot ng ganun kay pres." Sabat naman ni Eunbi. Nakita ko pa ang pag ngiwi nito sa huling sinabi.

Mag kaklase kaming tatlo sa unang subject na history and the rest ay hindi na. I don't actually care about it since I can take care of my self. Maybe it bother the two. According to them, they want us to stay close to each other all the time. I want to protest since I can't stand seeing their faces every minutes. Ayoko din sa lahat ay ang panay istorbo sa akin.

I actually want Chloe to investigate and we can't do that if we are together all the time. Kung magkahiwalay kaming kumilos ay hindi masyadong halata at mas mapapadali pa. I tried to explain it to her that is why she calmed down.

I stop from talking before glancing at them.

"Wala akong pakialam sa rason nila. Basta ang akin lang ay wag nila akong tapunan ng tingin dahil baka hindi ako makapagpigil at madukot ko ang mga mata nila." Malamig na ani ko at pabalyang binuksan ang pintuan ng room.

Lahat ng mga mata ay napatingin sa amin kaya naparolyo nalang ang mga mata ko. Hindi ba sila titigil sa kakatingin? Can they act like they didn't see me? Argh!

"Stop staring." Malamig at may diin kong sabi. Napaiwas naman agad sila ng tingin kaya pumwesto na ako sa may pinakahuling row malapit sa may bintana.

"Nakakatakot talaga sya." Rinig ko pang bulong ni Eunbi pero hindi ko na sya pinansin pa at sinubsob nalang ang mukha sa desk.

I put my armor on, show you how strong I am.

I put my armor on, I'll show you that I am.

I sang inside of my head. I am singing since I don't want to hear the voices of my classmates. It is irritating me but I am trying not to mind them.

I did not dare to interact with them. And why would I do that? They are just a waste of time. I don't want to waste my time bragging about my branded bags and my crushes.

I am unstoppable, I am a porche with no brakes

I am invincible, Yeah I win every single game

Bakit ba kasi ang tagal ng prof? Ilang minuto na syang late oh. Hindi ba nya alam na sayang ang ilang minuto nya?

Napabuntong hininga ako. Eh kung hindi ko nalang kaya to pasukan? Nakakainis. Pinipilit ko na nga lang ang sarili ko na pumasok dito kahit na alam kong mabobored lang ako.

This subject is also testing my patient huh?

Tamad akong napatingin ng oras sa cellphone ko at limang minuto ng late ang prof kaya napagdesisyunan kong tumayo. Napatingin naman sa akin ang dalawa na kapwa natigil sa pag uusap.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Chloe ng bitbitin ko na ang bag ko na wala din namang ibang laman kundi isang notebook at isang ballpen.

"Hahanap ng tatambayan." Simpleng sagot ko. Napakunot naman ang noo nito ng parang may naalala.

"Anong? Oyy may klase pa tayo."

Napairap naman ako at tamad syang binalingan.

"Pake ko?" Ani ko at umalis na.

Lahat naman ng mga kaklase ko ay sa akin nakatingin. Agad ko naman silang sinamaan ng tingin kaya agad silang nag iwas.

Hahawakan ko na sana ang handle ng pinto ng bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang lalaking walang kaemo-emosyon.

Tinapunan ko muna ito ng isang tingin bago dumaan sa gilid nya. So kaklase ko pala ang presidente na ito? Aba't eh kung sinuswerte ka nga naman.

"Where do you think you are going Ms. Mckenson?" Ani ng isang malamig na boses.

"Wala kang pakialam." Sagot ko at rinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase kong mga tsismoso at tsismosa.

Big deal ba sa kanila na sagutin ang kanilang presidente? Oo nga naman. Sino ba naman ang hindi rerespetuhin ang isang presidente?

Ikaw.

"I do have a right to asked you that because I am the SSG president."

Agad ko syang hinarap at pinagkrus ang mga braso sa may bandang dibdib. Nakatingin lamang ito sa akin ng walang emosyon. He looks intimidating but not to me. He posses a powerful aura that can make your knees wobble, but again, it won't work on me.

"And so?" Nakataas kilay kong turan. Kita ko ang pagdilim lalo ng kulay asul nitong mga mata.

"It is my duty to discipline students especially students like you."

"Tsk mind your own business." Inis na turan ko at tumalikod na. "Ciao."

Hindi pa ako nakakalimang hakbang ng marinig ko ulit itong nagsalita.

"Try to make another step and I will make sure that your parents will know about this." Banta nya kaya agad akong napatigil. No! Hindi nila pwedeng malaman ito dahil baka papalipatin nila ako ng skwelahan and worst sa ibang bansa pa.

I know my parents. Kaya nga nila ako pinag aral ng high school sa ibang bansa dahil sa nagawa ko noong elementary kami. Sino ba naman kasi ang babangas sa guro nyong ubod ng gwapo? Gwapo nga pero manyak naman. He tried to touch me on my private parts but I punch him and kicked his balls. Sinabi niya sa parents ko na hindi ako pumapasok sa klase nya which is true. Plus, I tried to cheat daw. I don't actually know how he planted his fake proofs. But the fact that he tried to touch me made my blood boils. Kaya wala akong pagdadalawang isip na gawin sa kanya iyon.

Well, hindi lang naman iyon ang rason kung bakit nagalit ang parents ko. Because of what he said to my parents, tinambangan ko siya pagkatapos ay binugbog. Ayon, nacomatose sa hospital ng ilang buwan.

And that is why I am afraid that he might tell my parents about this. Sa tingin ko pa naman sa kanya ay gagawin niya talaga ang mga bagay na sinasabi niya.

Huh! Jerk!

Napakuyom ang kamao ko at unti-unting lumingon sa kanya. Nakapoker face pa rin ito habang nakatingin sa akin. Masama ang tingin na ipinupukol ko sa kanya pero parang wala iyong epekto. Tumalikod lang ito at pumasok na sa loob ng classroom.

"Go back inside Mckenson." Aniya kaya nagpupuyos ako sa inis na bumalik sa loob.

Lahat sila ay nagbubulungan kaya agad ko silang tinapunan ng masamang tingin. Agad naman silang tumahimik at nag iwas ng tingin.

Pabagsak akong naupo sa upuan ko at masamang tinapunan ng tingin ang presidente ng skwelahan. Umakto lamang itong parang wala lang kaya mas lalo akong nainis. Argh! That man!

How dare he? Ngayon lang nangyari ito. Walang sino man ang nakakapagpasunod sa akin. Kung hindi lang dahil sa banta nya ay nunkang babalik ako sa classroom na ito at makinig sa boring na klase.

"Mukhang may katapat ka na dei." Bulong ni chloe kaya agad ko syang sinamaan ng tingin kaya natatawa nyang tinaas ang dalawang kamay nya na para bang sumusuko.

"Si pres lang pala ang--Okay, I'll shut up."

I hate this man! I really hate him! Humanda ka talaga sa aking bwiset kang lalaki ka.

****

WRITTEN BY: MissNaViee

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height