C10 HIS PASSION FOR PHOTOGRAPHY
Lumabas ako ng kwarto mga ala siyete na ng gabi. Si Alexa ay nakikipaglaro kay Crizzy at Si dash ay tumutulong kay Fielo magluto. Come on it's the last day of the year, I can't be depressed and sad about what happened earlier, I have a loving family and friends over here. The happiness can overflow the sadness that man gave me. Im lucky that they're here, I should keep myself focus on them the way they're focus on me.
"Mukhang masarap niluluto niyo ah" sabi ko nong lumapit ako sa kanila.
I tried letting them know that I'm okay and ready to face the new year with them. If there's someone I want to be with this upcoming year, it's these people. Though I also wish that somehow my parents are here, it's not easy kasi talaga.
"Oh great nandito ka" sabi ni Dash at binigay sa akin ang Apron at Sandok. This boy is really annoying sometimes, he's lucky I'm his sister, other girls would snap if he does this to them. Leaving your work to girls aren't very gentleman of him.
"Hindi ka pa tapos mag-luto oyyy" sabi ni Fielo. Looks like he was teaching Dash. He's a good kid, but he never helped in the kitchen, Fielo must've felt the need to teach him.
"Maya na magluto, one game muna" sabi ni Dash kaya wala akong nagawa kundi bantayan ang kaninang hinahalo ni Fielo.
"Pancit?" Tanong ko at napangiti. Pancit means long life to whomever eats it in new year is what they say, I really like serving pancit because it somehow gives me assurance or hope that we'll still be there for a long time. We'll survive this life even without the support of our parents.
"Huwag mo pilitin ngumiti kung hindi mo pa kaya" sabi niya sa akin pero mas napangiti lamang lalo ako nito. Letting me know it's okay not to be okay might be the best advice I've gotten this year.
Yung iba sasabihin nilang dapat masaya lang dapat lagi lang nakangiti. They don't see the need for you to be sad kasi you're pretty, and rich and all these stuff, but the truth is hindi na kami ganun. May mga problems na din kami, so why can't they leave other people be? Hindi naman nila alam ang buong story.
Pero siya may pake siya sa nararamdaman ko, he doesn't make me feel disregarded or doesn't invalidate what I currently feel or going through.
"Kaya ko na, huwag ka mag-alala naiyak ko na lahat" sabi ko sa kaniya. Pagkatapos niyang maghiwa ng gulay hinugasan niya na ito.
"San ka natuto magluto?" Tanong ko sa kanya
"Kay mama, alam mo ba't nagluto ako ng pancit?" Tanong niya sa akin habang hinahalo ang gulay na hiniwa niya.
"Aba malay ko sayo" sabi ko sa kanya
"Sabi ng mama ko pampahaba daw ng buhay ang pancit" sabi niya sa akin at ngumiti.
"Gusto mong magkaroon ng mahabang buhay?" Tanong ko sa kanya.
"Oo sana" sagot niya na ikinakunot ng noo ko
"Bakit sana?" Tanong ko sa kaniya
"Kung hindi rin lang ikaw makakasama ko sa mahabang buhay na yun wag na" sabi niya at tumingin sa akin.
Kinabahan ako bigla. Bumabalik nanaman ang anxiety ko. Nag-o-overthink nanaman ako paano kung maging tulad din siya kay Rowver, Paano kung di ko siya mapagbigyan?, Paano kung di kami same feelings. Napansin niya siguro na lumalim ang mga iniisip ko kaya nagsalita siya.
"Di kita prini-pressure, Chill ka lang. Hihintayin kita kung kelan pwede na" sabi niya at ngumiti.
"SANA ALLLLL!!!!" sigaw ni Alexa mula sa sala.
"Sana ol Chismosaaa!!!" Sabi ko rin at siniguradong maririnig niya.
Di pa nagtagal ay naluto na rin ang niluluto niyang pancit.
"Oh kain tayo" sabi niya sa akin at binigyan ako ng Platitong may pancit.
"Ayaw ko, busog pa ako sa Shanghai" sabi ko
"Pero luto ko yan" sabi niya sa akin at nagpout.
"Sige na nga" sabi ko at kumain na.
"Ayan pareho na tayong magkakaroon ng mahabang buhay" sabi niya sa akin.
"Naniniwala ka dun?" Tanong ko sa kanya
"Walang masama kapag maniniwala" sabi niya at sinubuan ako ng pancit nong magsasalita ako.
"Ang dami mong tanong kumain ka lang kasi" sabi niya sa akin.
"Bakit ba? Nagtatanong lang eh" sabi ko
"Gusto kong tignan yung clouds kasi mamaya di na yan clear dahil sa usok ng mga paputok" sabi niya.
"Ba't hilig mong tignan ang mga ulap?" Tanong ko
"Kasi gusto ko" sabi niya
"Ba't mo gusto?" Tanong ko
"The day before i met you, i took a picture of the clouds" sabi niya sakin
"Maganda?"tanong ko
"Oo maganda ka" sabi niya sakin namula yata tenga ko
"Hindi ako yung picture" sabi ko.
"Oo maganda pareho, humiling ako nong gabi na yun na sana kasing ganda din ng ulap ang babaeng makikilala ko" sabi niya sa akin.
Nakatulala lang ako sa kanya dahil wala akong masabi.
"And the Clouds Gave me you" sabi niya sa akin.
"Fan ka ba ng photography?"tanong ko sa kaniya
"Actually yes, kasali ako sa journalism back when i was still in High school" sabi niya sa akin.
"Weh? Talaga bah, magaling naman kaya?" Tanong ko
"Gusto mo kuhanan kita eh" sabi niya sakin.
"Sige ikaw bahala" sabi ko at ngumiti.
"Sige i suggest sa farm nalang namin, andun kasi mga cam ko" sabi niya.
"Sige bah, just name the date I'll see what i can do about my sched" sabi ko sa kanya.
"How's School? And your Parents" tanong niya.
"How did you know?" Tanong ko
"I'm not dumb, no parent will leave her sosyal kids like this if there's nothing going on" sabi niya
"Hindi kaya ako sosyal" sabi ko.
"That's not the point, kamusta? Parents mo kamusta sila" tanong niya ulit now im being suspicious bat niya ba tinatanong.
"I dunno mom never called, ba't mo ba tinatanong?" Tanong ko sa kanya.
"Kalma, i just want to suggest something. You can't stay like this forever Mira mahihirapan kang buhayin ang dalawa" sabi niya sa akin.
"What are you suggesting?" Tanong ko sa kanya
"I dunno, gusto kang makilala ni mama. She wants to help you" sabi niya at tumingin ulit sa clouds
"Your mom knows about me?" Tanong ko sa kanya. Kinilig ako dun ah ba't kasi kailangan pa ikwento tungkol sakin sa mama niya. Ba't gusto ako tulungan.
"Yes naman kinuwento kita" sabi niya at nginitian ako.
"Alam mo Pafall ka" sabi ko sa kanya. Pero nong nasabi ko yun agad kong pinagsisihan.
"Pa-fall ako?" Tanong niya ulit.
"Ewan" sabi ko at tinarayan siya.
"Bakit nafa-fall ka na?" Tanong niya sa akin.
Pinipigilan kong mamula sa sinabi niya
"Hindi kaya, try harder" sabi ko sa kanya at sinuklian ang ngiti niya.
"Bakit ako pa-fall?" Tanong niya sa akin.
"Ngiti ka ng ngiti, pa-fall yung ngiti mo" pag-amin ko sa kanya.
"Eh ano gusto mo di ako gumiti?" Tanong niya sa akin
"Wala naman akong sinabing ganun, basta ganun" sabi ko sa kanya
"Huh ano daw?" Tanong niya
"Sabi ko pasok na tayo sa loob" sabi ko sa kanya
"Sige" sagot niya sa akin
Habang naghihintay mag-alas dose ay naglaro kami ng kung ano-anong laro at nagkuwentuhan hanggang sa last five minutes na lamang.
"Tara na doon na tayo sa labas" sabi ko sa mga kapatid ko
"Kuya Dash hurry up!" Pagmamadali ni Crizzy kay dash na antagal magsuot ng kanyang tsinelas.
Lahat ng kapitbahay ay nasa labas na at nagsisimula nang magbilang.
"TEN!!!!" sigaw namin
"Sampung segundo bago magbagong taon.I am thankful I'm spending this with you" sabi ni Fielo
"NINE!!!" sigaw nila
"Ang corny mo" sabi ko
"EIGHT!!!" sigaw namin
"Sagutin mo na kasi Mira" sabi ni Alexa
"SEVEN!!!!" sigaw nila
"Ba't nanliligaw bah?" Tanong ko
"SIX!!!" sigaw namin
"Criziene Mirald Briguenza" tawag ni Fielo sa akin.
"FIVE!!!" sigaw nila.
"Pwede ba akong manligaw?" Tanong niya
"FOUR!!!" sigaw nila
"Umu-o ka na dai" sabi ni Alexa
"THREE!!!" sigaw nila
"What's that? Tanong ko nang may hinigit siyang box mula sa kaniyang bulsa at binuksan ito na naglalaman ng kuwintas na may designs na clouds na may pangalan kong nakaukit.
"TWO!!!" Sigaw nila
"For you" sabi niya at isinuot sa akin.
"ONE" sigaw nila
"YES" sabi ko ng buong galak.
"Yes? YESSSS!!!!" sabi niya at binuhat ako at niyakap.
"OA niyong dalawa ligaw pa lang oi di pa po kayo" sabi ni Alexa at nagtatatalon.
"Hoi Mirald kapal ng Mukha mo talon na bansot" sabi niya sa akin habang tumatalon.
"Mas bansot ka" sabi ko at mas tinaasan pa ang talon kesa sa kanya.
"Pareho lang kayo!" Sigaw ni Dash habang tumatalon rin.
"Hoi tumalon ka din" sabi ko kay Fielo
"Damn woman i'm 5'8 i don't need New Year's magic para tumangkad" sabi ni Fielo
"Ang yabang" sabi ni Alexa at nagtatatalon.
"Super Yabang" sabi ko at tinarayan siya habang tumatalon.
"Eto na nga tatalon na nga" sabi niya at sumabay na rin sa amin.
Pagkatapos ng halos sampung minutong pagtalon napagpasyahan na naming pumasok na at magsikuha na ng makakain.
"Ang ganda noh?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami sa labas dahil nanonood kami ng mga Fireworks.
"Oo pareho sayo" sabi niya. Eh paulit-lit na siya lalaki na talaga ulo ko, lagi niya nalang ako sinasabihan ng maganda.
"YIEEEE SANA OLSSSS" sabi ni Alexa at kumain na habang nagce-cellphone.
"SANA OLS MAY KACHAT" sabi ko sa kanya
"Ulol" sabi niya
"Ako pwede mo akong i-chat" sabi ni Fielo
"Di na andito ka lang naman lagi sa tabi ko. So what for?" Tankong ko sa kanya
"Bagong taon na Sana ols pa din ako ng sana ols, kelan kaya darating yung akin noh?" Tanong niya sa akin
"Malay mo baka yang ka-chat mo" sabi ko
At ganun nga namin ipinagdiwang ang bagong taon sana naman maging maganda ang taon na ito para sa min.