C8 POWERS NG SHANGHAI
Nauna kaming bumaba ni Alexa at mga kapatid ko dahil naghanap pa ng parking space na hindi saklaw ng init si Fielo.
"Oii Cyszt!!!" Sigaw ni Indigo at tumakbo ng malumanay. Here he goes with his ka-tripan and kabuangan sa life.
"Oh my god cyszt ladlad ka na?" Tanong ko at humagalpak sa tawa. He has a way of making people laugh without even trying.
"Eto naman pinapasaya ka lang eh, sineryoso mo naman" sabi ni Indigo. He patted my head, he likes doing that to his friends.
"Wag kang maniwala jan tignan mo laladlad din yan" sabi ni Ysiquo. Here comes another trouble maker.
"Baka ikaw laladlad, aminin mo na kasing pinagnanasaan mo ako" Indigo teased Ysiquo and I watched the two of them go into a debate kind of way of teasing each other.
"Ikaw pagnanasaan ko? Eh mas yummy pa ako sayo" kumento ni Ysiquo
"Mas gwapo ako" Indigi Insisted. They're both good looking to be honest, so they don't really need to fight and brag about it on each other. Their faces speaks for themselves.
"Ako kaya ang mas gwapo" sabi ni Ysiquo. Hindi talaga siya papatalo kay Indigo eh, when you have friends like this, the fun never ends.
"Crizzy sa tingin mo sinong mas gwapo sa amin?" Tanong ni Indigo
"Kuya Indigo" sagot ni Crizzy at ngumiti. And they really let a kid who likes candies judge their looks? Unbelievable, sometimes grownups can be childish too.
"Crizzy, chocolates oh" sabi ni Ysiquo at kumuha ng 2 bars na kitkat galing sa bulsa niya.
"Kuya Ysiquo Gwapo" sabi ni crizzy at kinuha ang kitkat.
"Crizzy i have candies" sabi ni Indigo at kumuha ng ibat-ibang color ng mentos galing sa body bag nito.
"Ay poor Candies lang, wala bang pang Chocolates diyan?" Tanong ni Ysiquo
"Sorna hindi po ako mayaman" sabi ni Indigo at naglabas ng mini Toblerone sa body bag nito.
"Ano ka si Santa Claus?" Tanong ni Ysiquo at napa-pout, pansin niya na atang wala siyang laban sa Toblerone ni Indigo, it's a province kid's favorite kasi.
"Napaka Gwapo at batang version pre" sabi ni Indigo na nagposing pa at sinunod ang iconic line ni santa.
"Ang Yabang, Nabusted lang yumabang na" pang-aasar ni Ysiquo. Oh now they're talking about love life naman.
"Atleast ako umamin na" sabi ni Indigo at tumingin sa loob ng hall. The two of them are really killing it right now. Dami nilang bara, jusko.
"Iba nga jan wala lang jowa naging Santa Claus na, nangangamoy Matandang binata" sabi ni Ysiquo
"Ang Ingay niyo pareho lang naman kayong umaasa" Alexa said in the most savage way possible.
"Porket may rider ka lang" kumento ni Indigo
"Iba nga jan nananahimik lang pero may jowa na daw" Ysiquo acknowledge. Suddenly they all stared at me, what? I don't have a jowa? Maybe they're not looking at me, maybe I'm just assuming things.
"Hala sino kaya?" Tanong ni Indigo na may pa hanap-hanap pang motion parang pirata na naghahanap ng island.
"Oo nga sino kaya?" Tanong ni Alexa. Isa pa ito eh, walang katapusang asaran kapag andito ang babae na ito eh, she knows how to make simple scenarios seem so romantic and issue worthy.
"Ba't sino pala?" Tanong ko dahil nakatingin silang tatlo sa akin. Sakto ring pagdating ni Fielo ang ganda ng timing.
"Ayan oh" sabi ni Indigo at nag-drawing ng heart sa hangin gamit ang dalawang kamay.
"Sana oil" sabi ni Ysiquo
"Sana lahat" sabi ni Alexa
"All Sana" sabi naman ni Indigo
"Mga sira hindi ko yan jowa" sabi ko at ipinikilala si Fielo sa kanila.
"Dun din papunta yun eh" sabi ni Alexa
"Ysiquo pre" pagpapakilala ni Ysiquo
"Brioche! Brionche! Brionche!" Sabi ni Indigo at umamba ng Yakap.
"Talaga pre? Yayakapin mo?" Tanong ni Ysiquo na nakakunot ang noo sa pagtataka, pati kami ay nangunot rin ang noo dahil di naman ganyan si Indigo eh.
"Eiroile! Eiroile! Eroile!" Sabi rin ni Fielo magkakilala ata sila alam nila pangalan ng isa't-isa eh.
"Magkakilala kayo?" Tanong ko kay Indigo.
"Nakalaban namin sila noon sa finals" sabi ni Indigo. Indigo is a player, not just an ordinary one, a varsity player. He's good, too bad our school doesn't offer scholarship certificates to athletes.
"Nanlibre pa nga yan nong nanalo" kumento ni Fielo. I can't believe he will get along with my friends this fast.
"Buti naalala mo Eiroile" sabi nito hindi pa din ako sanay sa tawagan nila.
"Pwet mo mabaho Brionche" sabi ni Indigo at nag-pout. This must be an inside joke because if it's not I really don't get it.
"Hininga mo nakakasuka Eiroileeee" sabi nito. Okay ew and gross! Boys can be very disgusting sometimes, Indigo has to wish Fielo won't say that when he has a girlfriend na kasi baka di na siya halikan non kapag narinig pinagsasasabi ni Fielo.
"Okay ba't ganyan kayo? Di namin kayo maintindihan" I reminded them that we are human beings and we are with them, and they immediately acknowledged our presence thank God.
"Nadulas siya nong finals" Fielo let out a simple explanation or detail before laughing again. So ano? Tatawa nalang ba siya?
"Mabaho pwet niyan" sabi naman ni Indigo. Talagang wala kaming ma-gets kasi inuna na nila ang pagtawa kaysa sa pagkuwento sa amin ng kanilang experience.
"Pasalamat ka nga sa pwet ko nag-landing yan mukha mo di nadagdagan pagka-pangit, mabaho hininga mo" sabi ni Fielo at humagalpak sa tawa
"Mabaho pwet mo!" Sabi rin ni Indigo at humagalpak sa tawa.
"Rinig mo yun pre? Mabaho hininga mo" sabi ni Ysiquo. Oh pati ito nakisali pa, halatang magkakasundo silang lahat.
"Mabaho hininga! Mabaho hininga! Mabaho hininga!" Sabay na pagkanta ni Fielo at Ysiquo
"Eto sa inyo!" Sigaw ni Indigo at inis-sprayan sila ng Alcohol.
Naghabulan ang mga baliw parang mga bata.
"Sali ako sabi ni Alexa at kumuha ng water gun sa Cottage" inis-sprayan niya sila. I didn't know we had water guns? Omg my friends are vicious when it comes to games like this.
"Ako rin sali ako" sabi ni Yzra at nakisali na may dalang malaking water gun.
"Ako din gusto ko water gun" sabi ni Ysiquo at sabay silang kumuha ni Fielo sa ngayun sila naman humahabol kay Indigo.
Pumasok nalang ako sa Cottage upang hindi mabasa, dahil kailangan ko pang kumuha ng pictures mamaya para i-promote ang suot ko ngayun para madagdagan ang sales ng 24k.
Kanina pa pumasok si Dash at si Crizzy sa Cottage. Naglalaro sa tablet niya si Crizzy at busy naman sa phone si Dash. Pumunta ako sa kambal at nakipag-kuwentuhan.
"Pusta ko tatlong shanghai marupok si Eva" sabi ni Cazzie at inilapit sa gitna ng lamesa ang platong may tatlong shanghai.
"Pusta ko limang shanghai pag nalasing si Eva ngayun tatawagan niya yun" sabi ni Ava
"Pusta ko sampung shanghai lahat kayo malalasing mamaya" sabi ko at kumuha ng upuan upang umupo.
"Pusta ko labing isang Shanghai jojowain na ni Mira yun pagkatapos ng New year" sabi ni Eva
"Pusta ko labing dalawang shanghai ko mahahalikan na ni Mira yun bago mag New year" sabi ni Ava
"Pusta ko labing tatlong shanghai nahalikan na yun ni Mira" sabi ni Cazzie.
"Nahalikan mo na ba?" Tanong ni Eva at lumapit silang lahat sa akin naghihintay ng sagot.
"Sa pisnge lang" sabi ko at bigla-biglang kumuha ng shanghai si Cazzie sa mga plato nila.
"Hoi hindi yun counted" sabi ni Eva at inilayo ang plato niya na nakuhanan na ng dalawa.
"Hala siya ibalik mo tatlong shanghai ko, pisnge yun dapat lips" sabi ni Ava
"Hoi shanghai ko! Ibalik mo!" Sabi ko at sinubukan siyang agawan pero mautak talaga si Cazzie isinubo niya na lahat.
"Laki ng subo ah" kumento ni Eva at humagalpak sa tawa.
"Deep Throat ata, nagkasya pitong shanghai eh" sabi ni Ava at humagalpak rin sa tawa
"Huh?" Tanong ko dahil di ko alam ba't sila natatawa.
"Yung an-ano y-yung basta" nauutal na sabi ni Eva habang tumatawa. Uminom rin ng madaming tubig si Cazzie.
"Sakit ng lalamunan ko" sabi ni Cazzie at naghabol ng hininga.
"Hala napagod yata" sabi ni Ava at tumawa ulit ng pagkalakas.
"Huh? Explain niyo kasi" sabi ko pero di nila ako pinakinggan at nagsihagalpak lang sa pagtawa.
Maya-maya ay naisipan na rin ng iba na pumasok basang-basa sila kaya naghintay muna silang maiabot namin ang mga towels bago sila nagsi-upo.
"Ang lamig" kumento ni Alexa na basang-basa.
"Sino bang nagsabi sayong magpa-basa ka?" Tanong ni cazzie habang tinutulongan itong magpatuyo ng buhok gamit ang blower.
"Naku-naku naman Fiel basa ka na ang baho mo pa din" sabi ni Indigo
"Ikaw nga nasprayan ng Alcohol mo sa bibig di naman bumango hininga mo" sabi ni Fielo
"Ang laswa mo!" Sabi ni Alexa dahil naghubad ng pang-itaas si Indigo
"Yummy kasi" sabi ni Indigo at kinindatan si Alexa.
"Ano ba yan pre? Magsuot ka nga ng damit, ang laki ng bilbil mo, di naka-dagdag sa face mo yarn. San banda yummy jan?" Pang aasar ni Ysiquo
"Aysus ah, Inggit ka lang wala ka abs" sabi ni Indigo. Luh, where's the abs ba?
Nakatingin lang ako sa kanila na nagbabangayan nang tanggalin rin ni Fielo ang top niya. Oh my shanghai patawarin mo ako may bago na ata akong paborito.
"Tulo laway ni Mira oh" sabi ni Alexa. Luh I'm not tulo laway kaya, why would I drool over a man? Hindi nakaka-dalagang Filipina yon
"Oh pakisirado bunganga baka pumasok langaw" kumento ni Ava
"Nakanganga oh susubo raw siya" sabi ni Cazzie at napatingin sila lahat sa kanya.
"Susubo ng Shanghai" sabi ni Cazzie at inabutan ako ng shanghai agad namang nagsi hagalpak sa tawa si Cazzie,Ava, at Eva
"Ay iba din" sabi ni Alexa at nakisali sa tawa.
"Nice ka one" sabi ni Indigo at humagalpak sa tawa.
"Sa tingin niyo kaya?" Tanong ni Ysiquo at humagalpak na rin sa tawa.
"Sana ol gets yung joke" sabi ko na lang. Dahil dun lahat na sila tumawa pati si Fielo at Dash.
"Gets ko nga ei" kumento ni Dash
"Slow?" Tanong ni Fielo at nagsi-hagalpak sila ulit sa tawa.
"Hindi nga ako slow" sabi ko at nagcross-arms.
"Bahala kayo jan kakanta nalang ako para di ko kayo marinig" sabi ko at kinuha yung microphonr ng Videoke.
"Hala wag baka umulan" sabi ni Indigo
"Bigla nga naging kulimlim eh" kumento ni Alexa
"Ako nalang kasi kakanta Mira para di umulan" sabi ni Ysiquo at kinuha ang mic.
"May nakita akong magjowa, naglalakad sa gilid ng kalsada, magkahawak ang mga kamay masayang naglalakbay" kanta ni Ysiquo at tinuro kaming dalawa ni Fielo sabay drawing ng puso sa hangin.
At ang mga baliw sumunod na rin sa kalokohan ni Ysiquo.
"SANA ALL MAY JOWA! SANA OL MAHAL! SANA OL PINILI KA NG TAO MONG MAHAL!" Kanta nila sabay-sabay maliban sa amin ni Fielo
"Pero ba't ganun? Nilandi ka lang, pero di jinowa. Iyak ka na" kanta ni Eva at Ava kay Indigo
"Ha? Hatdog nalang sa inyo" kanta ni Indigo sa kanila ng paulit-ulit.
"SANA OL MAY JOWA! SANA OL MAHAL! SANA OL PINILI KA NG TAO MONG MAHAL!" sabay naming kanta lahat at may pawave pa ng kamay na nalalaman. Si Ysiquo rin feel na feel niya ang kanta.
"Pero ba't ganun nilandiiiii ka lang, pero di jinowa iyak ka na" kanta ni Ysiquo at may paturo-turo pa kay Indigo.
"Ha? Ha? Hatdog nalang sa inyo ohhhh! Ha? Ha? Hatdog nalang sa inyo ohhh" sabay ulit naming kanta ng dahan-dahan.
Pagkatapos non ay nagsitalon na sila sa pool. Ang sayang makitang buo ang tropa namin. Sana laging ganito, sana laging masaya, sana laging walang problema.