The Godmother - Season 1/C10 The Godmother - Season 1
+ Add to Library
The Godmother - Season 1/C10 The Godmother - Season 1
+ Add to Library

C10 The Godmother - Season 1

Hindi natuloy ni Velma ang gagawin niyang paputukin ang baril dahil naramdaman niya ang pagdating ni Malya na kita rin nito na meron siyang dalang baril.

“Hindi mo pakakawalan si Rosa, o gusto mo uubusin ko lahat ng mga tao dito. Ramdam mo na ngayon na mawalan ng anak. Wala si Mario at gusto mo sunod si Jinno tapos ikaw.” sabi ni Malya at napangisi sa kanya ng kinagalit ng matanda.

“Alam ko sa umpisa, hinding-hindi ka nagsisi sa ginawa mo kay Mario, pagbabayaran mo yan!”

Binaril niya kaagad sa tuhod si Malya at napasigaw si Rosa dahil sa pag-aalala niya.

“Wag niyong papatayin ang mama ko, gagawin ko lahat ng gusto niyo.” umiiyak si Rosa sa pag-aalala.

“Hindi na ako maniniwala sa inyo simula ngayon.”

Mabilis na bumangon si Malya habang hawak niya ang kanyang tuhod.

“Kung gusto mong mabuhay lahat ng mga anak mo, ngayon pa lang. Palayain mo si Rosa!”

Umiling kaagad si Velma. “Pinagbigyan na kayo ng ilang beses at sinayang mo yon. Wala na kong problema sayo.”

Pinaputok ni Malya ang kanyang baril na tinamaan si Velma sa kanyang kamay kung saan dun ang hinahawakan niyang baril sa kanan niyang kamay.

Mas lalong kinabahan si Rosa nung makita na lalaban sana si Jinno at sinabuyan sila ng buhangin sa mata at napasigaw ito kaya sinugod kaagad ni Malya si Velma para hampasin ang ulo niya sa puno at kaagad siyang nawalan ng malay.

Mabilis na naghanap ng bato si Rosa para tulungan ang nanay niya at nabato niya ito sa ulo ng lalaki at napasigaw sa sakit.

“Ikaw bata ka!!” Sinugod kaagad ni Jinno si Rosa kaya sinaksak ni Malya si Jinno sa likod at mabilis na tinanggal niya ito.

“Ano!! Ganito lang yung gagawin mo sa’kin! Ang dami kong binigay na pagmamahal sayo, alam mo yan!” galit na galit na sabi ni Jinno at napailing si Malya sa galit.

“Mga nakakadiri kayo! Tigil-tigilan niyo na kami para matahimik na kayo!”

Dahil nawalan nanaman siya ng bala sa nakuha niyang baril ay kutsilyo na lang ang kanyang gamit, pabuhos na ang ulan at sinumulan ni Malya na sugatan ang kanyang braso pero nahawakan ni Jinno ang kamay niya at pinaukot niya ng kamay nito at sinipa ang katawan niya.

Hindi alam ni Rosa kung anong gagawin niya na kunin ang isang baril ni Velma na may laman pang bala at tinignan siya kaagad ni Jinno.

“Tama na yan!” Pinaputok kaagad ni Rosa ang paa ni Jinno, banda sa kanyang mga daliri sa gigil.

“Yan lang ba ang kaya mong gawin.” baliw na natawa bigla si Jinno sa kakatitig sa kanya ng bata.

Habang nagtitigan silang tatlo, meron dumating na sasakyan na pinaputok ni Rosa ang baril sa binata ng maraming beses at muntik na silang masagasahan pero aksidente nilang naipit ang paa ni Velma saktong kakakagising niya at napaiwas siya ng konti dahil nabangga ang sasakyan sa puno.

“Sa susunod mag-ingat kayo at mas bilisan niyo nga! Kita niyo bang sugatan kami!” galit na galit si Velma dahil ramdam niya ang sakit sa kanyang paa at kaagad siyang tinulungan ng kanyang doktor at armadong lalaki na makapasok sa pribadong sasakyan na kinainis ni Malya.

“Hindi ka pwedeng tumakas!”

Hinarangan siya ni Jinno at tinuloy lang ng mga armadong lalaki ang pagpunta sa mansion. Rinig nina Glen at Jendel ang pagdating ng sasakyan at hindi parin sila makalabas.

“Anong gagawin natin? Hindi tayo pwedeng mamatay dito? Paano sina Rosa?” pag-aalala ni Jendel at umiling si Glen.

“Kalma ka lang.”

Nagtatago sila sa ilalim na sofa kung saan nakita nila na dumating ang mga armadong lalaki para tulungan si Stela at Martin.

“Dalhin niyo kami sa hospital at kayong bahalang pumatay sa mga pumatay sa kapatid ko! Siguraduhin niyong patayin niyo silang lahat.” sabi ni Stela at tumango kaagad ang armadong lalaki.

“Masusunod, madam.”

Mabilis na umalis sina Stela at Martin sa mansion para sundin ang mga armadong lalaki at ihatid sila sa van, at ang isang armadong lalaki ay namaril sa bawat sulok ng upuan kung saan nabaril si Jendel sa likod at mabilis na binaril ni Glen ang lalaki hangga’t sa natumba ito.

“Jendel! Wag ka agad susuko, kailangan pa natin umalis dito.” pilit ni Glen na buhatin siya palabas ng mansion para hanapin ang kasama nila.

Nahuli nilang paalis na ang van at nainis si Glen.

“Iwan mo na lang ako dito.” sabi ni Jendel at ramdam niya ang kanyang panghihina.

“Kayanin mo lang, hindi ako papayag na walang makakaligtas sa’tin.”

Habang palabas sila ng mansion ay binalikan na nila sina Malya kung saan nandoon din si Rosa. Samantala, pilit ni Jinno na bugbugin si Malya at sinubukan ni Rosa na kurutin ang kanyang tuhod dahil wala siyang kalaban-laban at lumingon si Jinno sa kanya na nagalit ito.

“Wag niyo ng sasaktan ang nanay ko, pakiusap!”

Agad sinuntok ni Jinno ng malakas si Rosa at natumba ito sa lupa, kahit na duguan si Malya at tila humina ang ulan, bumangon parin siya para protektahan ang kanyang anak.

“Wag mong idamay yung anak ko!” siniko ni Malya si Jinno sa ulo at nasaksak siya sa bewang na mahigpit na hinawakan niya ang kutsilyo

“Tama na pakiusap!” dugong-dugo na ang ilong ni Rosa at wala siyang magawa kundi magmakaawa sa kanya.

Sinubukan ni Rosa na awatin siya at nasugatan ang kamay niya ng kutsilyo kaya napalayo siya, sasaksakin sana siya ni Jinno pero sinakal siya ng paakap pabalik sa gigil niya.

“Wag na wag mong susubukan na patayin siya!” sabi ni Malya at umurong si Jinno hangga’t sa mahampas ang katawan niya sa puno.

Paparating sina Glen at Jendel ng makita nilang sinaksak ni Jinno si Malya sa dibdib at mas lalong binilisan niya ang pagtakbo habang buhat niya si Jendel, na nanghihina na.

“Malya!!” sigaw ni Glen at nabitawan niya si Jendel dahil sinusubukan niyang iligtas ang babae.

Narinig ni Jinno ang sigaw ng lalaki at mabilis siya tumakbo para masaksak niya si Glen pero tinigil nanaman siya ni Rosa nung hinila niya ang kanyang paa na kinagigil nito.

“Ang kulit naman ng batang ‘to!!” gigil na sinipa ng malakas si Rosa sa kanyang dibdib na muntik ng mawalan ito ng hininga sa sobrang lakas ng pagkakasipa niya.

Hindi mapigilan na mainis din siya kay Glen at muntikan niyang masaksak ito at sinuntok siya ni Glen sa baba at sinipa.

“Tigilan mo na kami!” binuhat niya si Jinno at tinulak para mahulog sa hukay kung saan nandoon ang kanyang kapatid na nakahubad.

Agad na niyang pinuntahan si Malya na kita nitong patuloy na pagdurugo ang kanyang dibdib.

“Sinubukan ko ang lahat para maligtas si Jendel pero nahuli pa kami ng mga armadong lalaki, nakaalis na sina Stela.”

Kahit sugatan si Malya at napaiyak ito nung maabutan niyang patay na ang anak niyang si Jendel kaya napayakap siya ng mahigpit sa bata. Hindi rin mapigilan ni Rosa na umiyak kasama ang kanyang nanay at kapatid.

“Kailangan na natin umalis, Malya.” malungkot na sabi ni Glen at tumango lang kaagad si Malya at inakap niya si Jendel bago niya ito iwan kasama si Rosa.

Sa isang office sa bar, meron isang katawag si Rodolfo na isa sa mga katiwala si Velma.

“Ba’t nasaktan si Godmother?!” nagalit si Rodolfo sa kanyang katiwala.

“Di namin sinasadya boss, may bumaril sa’min. Sa daming nakatakas, sila na lang yung natitira pero naiwan don si Jinno.”

“Ano?! Bakit iniwan niyo siya! Lahat dapat sinama niyo! Malalagot kayo kapag may namatay sa kanila!”

“Opo.”

Kaagad ng binaba ni Rodolfo ang telepono sa galit, nung dumating si Rafael ay kitang-kita niya kung gaano kainis ang lalaki.

“Pwede ko bang tawagan ang nanay ko?” pag-aalalang tanong niya at umiling si Rodolfo sa inis.

“Hindi pa ba sapat yung pagbigay mo ng sulat!”

“Alam ko na nabasa niya yon pero paano naman yung mga kapatid ko, wala na kong balita sa kanila. Gusto man lang sila makausap.”

Agad niyang sinampal ng malakas ang bata. “Mas magandang atupagin mo ang trabaho mo!”

Dahil sa inis ni Rafael sa lalaki ay bumalik ulit siya sa kwarto kung saan nahuli niya si Jon na merong kahalikang babae sa kama at natigil ang kanilang ginagawa.

“Kuya, pwede mo ba kong tulungan kausap yung mga kapatid ko?” pag-aalala ni Rafael at natawa silang dalawa.

“Rafael, ayaw mong sumama sa’min. Sayang kung wala tayong kikitain ngayon. Magagalit sa’tin yung boss natin.” sabi ni Jon

Napailing ang bata. “Bakit kailangan pa natin gawin yan? Di na ba tayo uuwi?”

“Uuwi? Diba wala na kayong bahay?” pagtataka ng babae at natawa na lang si Jon sa kanya at hindi pinansin ang kapatid niya.

Sa isang gate, palabas sa isang mansion sinubukan ni Malya na maging alerto kahit sina Glen at Rosa sa paglabas nila dahil silang tatlo na lang ang natitira.

“Mama, paano na tayo makakaalis? Paano kung mahuhuli nila tayo dito? Diba dapat bumalik tayo sa mansion, baka meron tayong mahingian ng tulong don sa telepono.” sabi ni Rosa at kaagad umiling si Glen habang mabagal silang naglalakad.

“Kung gagawin man natin yon, wala tayong alam kung sino yung hihingan natin ng tulong. Mas magandang umalis na lang tayo dito kaysa wala tayong gagawin.”

Habang paalis sila, merong silang narinig na tunog ng patulis na pana na naramdaman ni Malya na nasaksak siya sa likod at tinanggal niya ang kahoy na nakapatusok sa kanya.

“Bilisan niyo!” sigaw ni Malya at nagmadali silang tumakbo hangga’t sa nabangga siya sa van at mabilis na bumaba ang lalaki sa sasakyan para tutukan siya ng baril.

“Sandali! Wag niyo kaming sasaktan, wala kaming isusumbong kahit kanino. Basta pakawalan niyo na kami!” sabi ni Glen at sinubukan niyang protektehan si Malya na sa ngayon mahigpit niyang hinahanda ang kanyang baril.

“Dapat pa kayong parusahan, pagdating sa kanya. Hindi niyo siya pwedeng takasan kung hindi lahat kayo babarilin namin!” sabi ng lalaki na may hawak na baril.

Natakot si Rosa at kaagad itong nagtago sa likod ni Glen. “Wag niyo na po kaming saktan, natatakot na kaming ulitin yon. Nakikiusap lang kami.”

“Tama na yung paawang yan!”

Nagalit ang lalaki at ipakuha sila sa dalawa pang kasamahan na lalaki pero agad na nilapitan ni Malya na hindi na siya maawatan nina Glen at Rosa.

“Sabihin mo din sa sarili mo na wag kang sunod-sunuran!” Sinipa ni Malya kaagad ang lalaki sa singit nung pagkalapit niya kaya nahugot niya ang baril at binaril ang kaharap niya.

Binaril niya din ang nasa tabi niya bago siya mabaril at agad napasigaw si Rosa nung bumagsak si Malya sa lupa.

“Mama!!” sigaw ni Rosa at napaiyak ng di inaasahan.

Agad hinawakan ng bata ang mukha ng nanay niya na pilit niyang, haplos-haplosin ang mukha nito sa mukha sa sobrang lungkot niya.

“Di niyo po kami pwedeng iwan…hindi kayo pwedeng mamatay.”

Napahagulgol ang bata sa iyak at pinigilan din ni Malya na maiyak habang sobrang nanghihina na kahit ito ay duguan na ang katawan.

“Rosa, anak...kailangan mong magpakatatag.” bahagyang napangiti si Malya at hinaplos din niya ang mukha ng kanyang anak.

Napailing si Glen sa sinasabi niya at nilapitan siya.

“Malya, wag kang magsalita ng ganyan. Hindi mo pwede kaming iwan dito. Kailangan na natin umalis baka meron pang makahanap sa’tin dito, kasi nandyan pa naman yung sasakyan nila, pwede natin magamit.”

“Glen, di ko na kaya….umalis na kayo, protektahan mo si Rosa.”

Hindi rin napigilan ni Glen na maging malungkot at kaagad na hinawakan ang kamay ni Malya, mabagal na pinatayo ng lalaki si Rosa at sumakay ng sasakyan para iwan si Malya.

Habang nakahiga si Malya ay sinubukan niyang makalingon sa kaliwa, at muling nakita si Gemma palapit na ito sa kanya.

“Gemma…” napangiti siya nung makita niya ulit si Gemma at sinubukang hawakan ang kanyang kamay.

“Sa wakas, nagkita rin tayo ulit…”

Nung napangiti siya ay tumulo ang kanyang luha na ramdam niya ang naging kalayaan niya sa pagkakakulong niya sa mansion at nawalan na ito ng hininga.

Lumipas ang isang oras habang nagmamaneho si Glen para makaalis sa gulat kasama si Rosa, saktong nakarating na si Velma sa bar kasama ang kanyang mga tauhan. Napayuko kaagad si Rodolfo sa kanyang kapatid bilang paggalang sa kanya pati ng mga kasamahan niyang lalaki.

“Godmother, masaya akong ligtas kang nakarating.” sabi ni Rodolfo at kaagad siyang binigyan nito ng baril.

“Hindi masaya ang araw ko dahil halos ang daming nawalang importanteng bagay sa mansion ko! Mga tauhan ko pati na yung mga tumakas na may kasalanan sa’kin! Pinatay nila si Mario!”

“Sinisigurado ko sa inyong, mahigpit ang pagbabantay ko dito.”

“Dapat lang, kundi paparusahan ko sila ng matindi.”

Pinasukan ni Velma ang bawat kwarto kung saan nagtatrabaho ang mga lalaki, kasama na doon sina Rafael at Jon na kinagulat nilang dalawa nung makita siya, mayroon siyang sugat na nakabalot ng bandage sa kamay at paa niya.

“Gusto kong malaman yung tungkol sa nanay ko.” sabi ni Rafael at agad na natawa si Velma na biglang nilapitan niya ang bata, hanggan’t sa napatigil ito sa tawa.

“May problema ba?” tanong ni Jon ng may pag-aalala.

Hindi pinansin ni Velma si Jon at tinitigan niya ng mabuti ang bata hanggang sa bigla na lang itong nagalit at sinuntok siya sa tiyan, bumagsak si Rafael sa sahig at namilipit sa sakit.

“Puro kayo salita! Wala kayong ibang alam gawin kundi hindi marunong tumupad sa usapan! Hindi kayo marunong makontento!”

Sinipa niya ng malakas ang dibdib ng bata at walang magawa si Jon kundi panoorin sila.

“Anong meron ba?”

“Anong meron Jonny-boy! Sabihin mo yan sa kapatid mong biglaang nakatakas, hindi parin siya mahanap!”

Humarap ang matanda kay Jon sa inis at natakot ang lalaki na inaakala niya na pati siya ay sasaktan rin, huminga ito ng malalim at akala niya ay papatayin na siya pero hinalikan siya kaagad ni Velma sa mukha at hinaplos ito.

“Hindi ka ba masaya na nabago ang buhay mo dito?” napangisi ang matanda at tumango kaagad si Jon.

“Sa sobrang hirap ng buhay, Madam. Wala na rin akong mauuwian…hindi ko rin alam kung saan ako pupunta, pagod na akong magdampot ng basura, kumain ng pagkain, saan na rin papunta ang buhay ko. Wala.”

Napangisi agad si Velma. “Kung gusto mong mas sumarap ang buhay mo dito. Hindi lang magiging pera ang habol mo dito. Pararamihin mo ang mga lahi, ng mga Gatzambide. Mas magiging kapangyarihan ako, parang ang gagawin mo, aanakan mo lang ang mga babae sa pamilya namin, at aanakan nina Jinno kung sino ang gusto niya.”

Nagulat si Jon sa naging pabor niya pero dahil wala siyang ibang gustong gawin kundi sundin na lang ito.

“Kung ganon magiging madali lang yon…”

Mas lalong napangiti ang matanda at inakap din siya ng matindi ng may pagnanasa.

Lumipas ang isang oras matapos magkaroon ng meeting sina Velma at Rodofo, ay naiwan siyang mag-isa sa office habang umiinom ng kanyang whisky.

“Wag kang mag-alala Mario, sila na ang bahala ang maghihiganti para sayo…yung batang yan ay walang kalaban-laban.” tumawa si Velma habang kausap ang sarili sabay inom ng kanyang alak.

Maya-maya napatigil ito sa kakatawa nung nakita niya bigla si Malya sa hindi niya inaasahan.

“Kahit magparami-rami kayo ng lahi, hinding-hindi niyo kami mapapabagsak.” sarkastikong nginitian siya ni Malya at tinawanan lang siya ni Velma.

“Akala mo takot na takot ako sayo, pero ngayon sila naman ang natatakot sa’kin. Tignan ko lang yung dalawang yan kung makakatakas pang buhay…”

“Simula ngayon, hinding-hindi mo na ako makikita!”

Nung uminom pa siya ng alak ay biglang nawala si Malya sa harap niya ay tumawa na lang ang matanda sa walang kadahilanan na parang hindi na ito maikontrol ang kanyang tawa.

How dare would you survive?

-Godmother (quote)

End….

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height