The Godmother - Season 1/C3 The Godmother - Season 1
+ Add to Library
The Godmother - Season 1/C3 The Godmother - Season 1
+ Add to Library

C3 The Godmother - Season 1

Tahimik na nakaupo si Malya at mas lalo siyang nawalan ng pag-asang makatakas sa mansion para makalaya sila ng mga anak niya, nung narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pintuan ay kaagad siyang napatayo pero nawala ang mga ngiti niya nung makita niya si Jinno, may dalang tinapay at tubig na nakalapag sa tray at binaba sa kariton na higaan niya.

“Pati pa naman ikaw hindi rin nakontento! Anong pang balak mong gawin sa’kin ipahiya ako!” inis na sabi ni Malya at bahagyang napangiti si Jinno sa kanya.

“Ano ba, ginawa ko lang yon dahil ikaw lang ang gusto ko.”

“Gusto?! gusto ang tawag don!! Hindi na ba talaga kayo nahihiya sa mga pinaggagawa niyo! Matapos niyong patayin ang anak ko! Ano pang gusto niyong gawin!”

“Malay ko, hindi ko ginustong pumatay…gusto ko lang naman magmahal, imbes na magreklamo ka mas magandang kumain ka na, dahil ilang minuto na lang, balik ka sa trabaho mo.”

Tinitigan lang niya ng masama si Jinno at mas gusto na niyang makaalis sa mansion.

“Bilisan mo na diyan, di ko na kasalanan yan kung di ka pa papayagang pakainin don. Buti pa nga masyado pa akong mabait sayo eh.”

Agad niyang pinagsasampal si Jinno sa sobrang galit niya.

“Ang kapal ng mukha mong sabihin na ikaw pa ang mabait ngayon! Pinahubad niyo ko, ginahasa mo pa ko! Sana mamatay ka na!!”

Pinigilan ni Jinno si Malya sa pananakit niya sa pamamagitan ng maghawak niya ng mahigpit sa mukha niya nung nagsisimula na siyang maggigil sa babae.

“Yan lang ang kaya kong gawin, buti nga hindi ikaw yung sinaktan ko. Kung gusto mong mabuhay lahat ng anak mo, gawin mo na lahat ng gusto ko, gusto namin lahat. Ngayon kumain ka ng almusal dahil hindi ako aalis dito ng hindi mo susundin ang utos ko.”

Pinakawalan niya ang pagkakahawak niya kay Malya sa pisngi at sinunod kaagad ang gusto ni Jinno dahil napilitan siyang gawin ito. Kinain niya kaagad ang tinapay at ininom ang isang baso ng tubig.

“Diba, ang simple lang ng pinapagawa ko? Ngayon wala ka ng magagawa kundi balik trabaho na.”

Pinalabas siya ng kwarto ni Jinno papunta sa labas ng mansion, lumingon siya sa likuran niya sa sala kung saan nandoon si Velma, kita niyang maraming nakabantay sa kanya at hindi magawang mahanap ang mga anak niya.

Pinapunta siya sa malawak na taniman ng mga gulay para magpitas ng mga aanihin nila nina Gemma at Glen.

“Sabihin niyo muna sa’kin kung nasaan ang mga anak ko?” napatigil si Jinno sa paglakad at lumapit kaagad kay Malya.

“Wala na akong kontrol diyan. Sila ang bahala don kaya gawin mo na lang trabaho mo, tignan na lang natin kung may magagawa ako.”

“Pwede bang tulungan mo na lang siya imbes na landiin mo!” galit na sumubat si Gemma at agad na nagalit si Jinno pero pinigilan siya ni Malya nung muntikan na siyang sugurin nito.

“Isa ka pang pakialamera ka ah!” sa sobrang inis ni Jinno, napasipa siya sa galit at umalis na siya.

Hindi mapigilang mag-alala ni Malya kaya nilapiltan niya ang mga ibang nagbabantay tulad nina Martin at Mario.

“Gagawin ko yung trabaho ko kung pauuwiin niyo na yung mga anak ko, nakikiusap ako.” pagmamakaawa ni Malya.

“Hindi ako nasusunod pagdating diyan.” napangisi si Martin nung naaatim na mapadilat siya ng walang dahilan.

Nandiri si Malya at aalis sana siya pero hinila siya ng lalaki pabalik.

“Hoy, sa’n ka na niyan pupunta? Di ko sinabing tapos na yung gagawin niyo. Pagkatapos niyan, maglilinis ka sa kusina.”

“Hindi ba pwedeng gusto ko lang makita yung lagay ng anak ko, kung ano-ano na lang yung gusto niyong gawin eh, hindi na kayo naawa sa’min.”

Biglang naalala ni Martin nung mabanggit ni Malya na isa sa mga anak niya ang kinain nila, nung gabing yon ay iyak ng iyak si Rossel habang pinapalo siya ng sinturon ni Mario. Habang si Martin naman ay tuwang-tuwang makita niyang nasasaktan ang bata.

Dumating si Stela at naiirita na sa ingay dahil sa pag-iyak ng bata.

“Pwede bang patahimikin niyo yan o kung ano pang pwede kong gawin diyan!” inis na sabi ni Stela at nahihiya silang makitang galit ang babae.

“Pagpasensiyahan mo na ate, eh kasi itong pasaway na yan balak niyang tumakas kaya dapat siyang maparusahan.”

“Kung kanina pa hindi tatahimik yung batang yan, edi karnihin niyo…katayin niyo siya para may almusal tayo. Siguiraduhin niyong malinis siya bago niyo siya lutuin.”

Tumango silang dalawa. “Masusunod ate.”

“Wag po!!” pakiusap ni Rossel habang hawak-hawak siya ng dalawang lalaki na dadalhin siya sa kusina.

Biglang napatawa si Martin ng walang dahilan nung maalala yon, hindi na nagtaka si Malya. Kung bakit.

“Nakiki-usap ako, wag mong saktan ang ibang mga anak ko. Wala kang ideya kung anong pinaghirapan namin para makakain araw-araw.” pagmamakaawa ni Malya at huminga ng malalim si Martin dahil naiinip ng makipag-usap sa kanya.

Sinamahan ni Stela sina Rafael at Rosa na pumunta sa malawak na lupa kung saan nandoon ang kanilang taniman, bago sana umalis si Stela ay agad niya hinalikan si Rafael sa mukha at naging masaya ang kanyang mood.

“Wag kang mag-alala, palaging magsasama na tayo simula ngayon. Magkakaroon din tayo ng sariling pamilya tulad din ng pinapangarap mo, lahat tayo pupunta sa ganon.” habang nakipaglaplapan siya kay Rafael, agad na siya kinalbit ni Rosa na kinainis ng babae.

“Nakikiusap sana ako ate kung pwede na kaming umuwi.” nagmamakaawang pakiusap ni Rosa, kaagad siya sinakal ni Stela ng walang dahilan pero sa galit.

“Alam mo yan ang ayoko sa mga taong pasaway tulad mo!!” mahigpit pa niyang sinakal si Rosa at umabot sa puntong hindi na siya makahinga, hindi siya maawat ni Rafael dahil sa lakas niya pero hindi na niya kinawa na maging tahimik at natakot siya.

“Tama na, gagawin ko na lahat ng gusto niyo ate.” sabi ni Rafael at napatigil si Stella sa pagsakal niya kay Rosa.

“Sigurado naman akong gagawin mo lahat ng gusto ko dahil mahal na mahal kita.” biglang nawala ang galit niya at hinila si Rafael para gawin ang gusto niya.

Dahil sa takot ni Rosa, hinanap na lang niya mag-isa si Malya nung mahuli siya ni Mario na tumatakbo siya at hindi niya ginagawa ang trabaho niya, hindi ang bata pabalik at sinampal siya ng malakas.

“Hindi ko sinabing maglaro ka diba! Oras ng trabaho ngayon!” tinutukan niya ng baril si Rosa at sa sobrang takot niya ay napaluhod siya.

Habang namimitas ng gulay si Malya narinig niya ang pag-iyak ni Rosa at lumapit siya sa narinig niyang ingay at hinarangan niya ang bata kay Mario.

“Nakikiusap ako, wag niyong idamay ang bata!” mahigpit na inakap ni Rosa si Malya nung magkita sila ulit.

“Kung gusto mong di mamatay yan, magtrabaho kayo!”

“Gagawin niya basta magkasama kami…” sabi ni Malya at kaagad niyang pinapunta si Rosa sa malawak na taniman kung nasaan sina Gemma at Glen nagtatrabaho.

“Buti na lang ligtas siya.” nakahinga ng maluwag si Gemma nung makita ulit na maayos ang lagay ni Rosa.

Nag-aalala parin si Malya dahil hindi niya parin nakikita ang mga ibang anak niya.

“Rosa, buti naman sa wakas nagkita rin tayo mas maganda kung magkakasama tayo nina Glen at Gemma sa ngayon, hindi tayo ligtas dito. Subukan mo lang na maging matapang, kakayanin natin ‘to.”

“Mama, paano po tayo niyan makakaalis dito?”

“Hindi ko alam pero kailangan natin hanapin yung iba mong kapatid.”

“Hinahanap po kayo non ni kuya Rossel at kuya Tonyo para hanapin kayo kagabi pero ngayon hindi pa sila bumabalik.”

Huminga ng malalim si Gemma nung hindi niya makalimutan na maalala kung paano namatay sina Tonyo at Rossel.

“Kagabi, balak namin tumakas ni Glen…mas inuna namin isipin yung mga bata pero pasensiya na sa sasabihin ko na pinatay sila ng mga nagbabantay sa labas. Yung dalawang batang lalaki.” sabi ni Gemma at mas lalong nalungkot si Rosa nung nalaman niya ang balita sa kapatid niya.

“Bakit nila gagawin yon sa mga kapatid ko? Wala naman silang ginagawang masama.”

“Alam ko lahat tayo wala namang ginagawang masama. Sa sobrang tagal ko ng nabulok dito sa mansion na ‘to. Gustong-gusto ko na talagang tumakas dito.”

Ramdam ni Malya ang paghihinayang nung sumama siya kay Velma para pakainin sila sa mansion at hindi niya alam sa huli ay mapapahamak sila.

“Alam ko kasalanan ko ‘to, dapat noon pa man hindi na ko sumama sa kanila. Mas magandang nasa kalsada kami kaysa napahamak ko tuloy sila.” sabi ni Malya at di sang-ayon si Gemma kaya napailing siya.

“Nangyari na ang nangyari, pakiramdam ko hindi na matatapos yung ganitong kalbaryo. Sa susunod na araw, mangunguha nanaman sila ng mga bata, para may kasama silang gawin katulong dito.”

“Gemma, salamat na lang dahil sinubukan mo silang bantayan pati pala si Glen. Kung hindi dahil sa inyong dalawa, baka mas lalo kong hindi malalaman na mapapahamak sila dito.”

Nginitian siya kaagad ni Glen. “Wala lang yon, gusto lang namin tulungan yung mga biktima na tulad mo, tulad din ng ginagawa nila sa’min. Sa ngayon magagawa natin ay magtulungan kahit bantay sarado sila sa’tin.”

Sa loob ng mansion ay nakaupo si Velma sa isang malaking sofa habang nagpapatugtog sa radyo ng lumang tugtugin, habang minamasahe siya nina Jendel at Jon sa mga paa niya habang nakahubad sila.

“Ngayon mas lalo tayong nagkakaintindihan, simula ngayon magiging isa tayong malaking pamilya, may gagawin kayong dalawa pagkatapos niyan…” sabi ni Velma at mas lalong naiirita si Jon nung makita niyang masaya ang babae.

“Di ka ba naaawa sa’min? Nilalalamig na kami dito, bigyan mo man lang kami ng tuwalya.” sabi ni Jon habang tinitiis niyang minamasahe ang matanda.

“Bawas-bawasan niyong magreklamo baka kung anong balak kong gawin sa inyo.”

Tinitignan ni Velma silang nakahubad at mas lalo siyang naaaliw ng tignan niya ang maseselan nilang katawan. Napapansin nilang dalawa ang pagtingin niya sa mga katawan nila at napatigil sila sa ginagawa nila.

“Ano ba, hindi ko sinabing tapos na kayo diba?” biglang nagalit si Velma sa kanila at tumayo si Jon kaagad sa harap niya sa galit.

“Akala ko ba tutulungan niyo kami? Narinig namin yon kahapon pero bakit ganon.” galit na tinitigan ni Jon si Velma.

“Wag na wag niyo kong susubukang magalit baka di niyo alam kung anong pwede kong gawin sa inyong dalawa.”

“Ang gusto lang namin ay pauwiin niyo na kami, nakikiusap lang ako!”

“Simula ngayon ay dito na kayo titira, wala ng aalis dito at ako ang palaging nasusunod dito!”

“Paano kami mag-aaral niyan?” Pag-aalalang tanong ni Jendel.

“Wala akong pakialam sa pag-aaral na yan! Anong mapapakain sa inyo yan, lalo na kung gugustuhin niyo naman sa buong mundo na mag anak ng anak eh diba ganon mga trabaho niyo bilang mga lalaki!”

Agad sinuntok ni Jon si Velma para patakasin si Jendel pero nagalit si Velma at hinila si Jon at hinampas ang mukha niya sa mesa. Nahuli ng mga dalawang lalaking nagbabantay si Jendel at saktong dumating si Jinno, nakita din niya ang buong pangyayari.

“Ano nanamang kadramahang nakikita ko dito?” pagtataka ni Jinno makitang galit na galit si Velma sa dalawang lalaki.

“Kadramahan? Itong dalawang lalaking yan bakit ang tigas ng ulo! Akala ko ba nababantayan niyo sila ng maayos, pero pasaway yung dalawang yan.”

“Hindi niyo naman kami masisisi dahil hindi na namin kaya yung mga pinapagawa niyo.” mabagal na bumangon si Jon pero hinampas ulit siya ni Velma sa mesa niya sa galit.

“Hirap ang aabutin mo kung di kayo marunong sumunod! Ngayon ramdam mo na yung sakit, mas malala pa diyan ang ibibigay ko sa inyong dalawa.”

Hindi na rin makaalis si Jendel dahil mas aalarma ang dalawang lalaking tauhan ni Velma sa kanilang dalawa at lumapit sa kanya para lumuhod sa kanya.

“Pasensiya na sa ginawa ng kuya ko, gusto talaga namin umuwi.” sabi ni Jendel at biglang nawala ang inis ng matanda.

“Gusto mong umuwi pero wala naman kayong uuwian, ano ba yan.”

Tinawanan sila ni Jinno at napatingin sa kanya si Velma dahil seryoso siya dahil sa ginawa niya ay napatigil siya sa kakatawa.

“Pasensiya na, ma.”

“Ngayon alam mo na kung bakit si Stela ang palagi kong inaasahan pagdating sa ganito hindi yung puro na lang mali ang alam mo!” nanggigil si Velma at kita niyang pinipilit ni Jon na patayuin si Jendel.

Pero inutos niya sa dalawang lalaki na paluhudin din si Jon at ginawa nila yon utos niya sa pamamagitan ng pagbaba ng kamay niya, nung napaluhod nila si Jon ay natuwa naman ang babae sa natupad niyang pinapautos sa tauhan niya.

“Gusto ko ang mga masunuring lalaki, walang kaarte-arteng nalalaman. Hindi ako natuwa sa ginawa ninyo, gusto niyo bang maglaro…mga bata?” natakot sina Jon at Jendel sa tanong ni Velma at nagtaka sila kung bakit.

“Mas maganda kung umuwi na lang talaga kami. Pauwuin niyo na kami nina Mama, pakiusap lang. Wala kaming sasabihan kung saan kami napunta….” naputol ang sasabihin ni Jon nung tinakpan ng babae ang kanyang bibig.

“Sinungaling. Marami na kong naririnig na nagsasabi ng ganyan at hindi mo ko mauuto kaya dahil diyan, ikaw yung pambato ko. Mamayang gabi kaya meron pa kayong natitirang oras.”

“Kung ganon ako na lang yung papayag na maiiwan dito, paalisin niyo na sina mama pati na yung mga kapatid ko.”

Napailing si Jinno at nanlisik ang mata niya. “Mas isipin mo yung matira matibay sa inyong dalawa, tsaka kakasabi lang sayo na sina Malya pati lahat ng kapatid mo kung ano man yung pangalan nila.”

Biglang napaisip si Velma nung matapos niyang humihit ng sigarilyo na alamin ang kanilang mga pangalan, para sa kanyang magiging plano.

“Ikaw matapang ka, pangalan mo.”

“J as in Jar.” sabi ni Jon at mas lalong nagalit ang babae kaya binaba niya muna ang sigarilyo niya at kinuha ulit ang baril niya na nakalapag lang sa mesa.

“Kung makikipagbiruan ka sa’kin ngayon, baka meron akong masabing hindi maganda.”

“Jon si Jendel yung kasama ko…”

“Malinaw na ang lahat. Kung sino man yung matatalo sa inyo kakarnihin namin kayo.”

Biglang nagulat sina Jon at Jendel at nung dumating si Malya habang pagod na pagod at may mga putik na ang damit niya, mas nag-alala siya na makita niya ang dalawa niya pang anak ay nakabantay kay Velma at ng iba niyang pamilya.

“Anong ginagawa niyo sa mga anak ko?! di ako makapaniwalang sa tanda mong yan papatulan mo pa sila!” lalapitan sana ni Malya ang mga anak niya para kunin sila pero napatayo si Velma para pigilan siya.

“Oh sandali lang, ang bilis mo naman magpadalos-dalos. Nag-sasawa na kong pagsabihan kayong hindi na kayo aalis dito sa ayaw o sa gusto niyo, kapag di ka pa nakinig niyan, pwes tignan mo kung ano pang pwedeng mangyari sa inyong lahat.”

“Eto na lang ba palaga yung ginagawa niyo ni Jinno? Paglalaruan niyo na lang ang mga buhay namin.”

Sarkastikong natawa si Velma sa kanya. “Bakit hindi mo rin ba pinaglaruan yung buhay mo? Kaya mo rin naman magparami ng anak, wala naman pinagkaiba don ah! Ginusto mo rin naman yung ibigay sa buhay ng anak mo na maging pulubi sila, ang bagay sayong trabaho yung paanakan ng mga lalaki, baka 30 anak kaya mo.”

Tawang-tawa ang babae na kinagalit ni Malya at inawat siya kaagad ni Jinno nung muntik na niyang sugurin si Velma.

“Nakikiusap akong wag mo ng saktan ang mga anak ko. Maawa ka din sa kanila, lahat naman ng gusto niyo ginagawa ko kahit pagod na pagod ako…”

“Huli na ang lahat, basta sulitin mo na ang buong araw na nakasalalay sa kanilang dalawa ang buhay nila. Maya-maya makikita natin kung sino ang magiging bagong parte ng Gatzambide. Habang hindi pa lumalaki ang anak ni Stela, hahanap ako ng tagapag-alaga bago pa sila tumanda.”

“Ano ba naman yan, marami tayong mga bata na pwedeng magbantay diyan.” sabi ni Jinno habang tinitignan niya si Malya at naiirita na si Malya sa kanya.

“Kadiri kung sino-sino na lang talaga ang pinapatulan ninyo? Nakikiusap ako sa inyo na itigil niyo yan. Kung hindi niyo sila titigilan, kahit bugbugin niyo pa ko ng ilang beses isusumbong ko kayo sa pulis!”

Lumapit sa kanya si Velma at mas maigi niyang nilapitan ang ulo niya sa ulo nito. “Wala akong pakialam, di ako takot.”

“Ibig sabihin niyan eh wag na natin pahabaan pa yung usapan, ikulong na yan.” sabi ni Jinno at kaagad tumango si Velma kaya sinunod sila ng mga tauhan niya.

Mas lalong nabalisa si Malya nung kukunin nila ang mga anak niya at sinusubukan niyang harangan ang mga lalaki na kukuha sa kanila.

“Nakikiusap ako sa inyo na wag ninyo silang, saktan! Paglaruan niyo na lang ako kung gusto pero wag sila, ang babata pa nila para madamay sa ganito.” sa sobrang pag-aalala ni Malya napahawak si Jon ng kamay para magawa niyang makalapit sa kanya.

“Ma, alagaan niyo din ang iba kong mga kapatid…” malungkot na sabi ni Jon at pinilit na ng mga lalaki na hilain siya.

“Jon!!! Jendel!! pakawalan niyo na sila!!” napasigaw si Malya sa sobrang desperada niyang kunin ang mga anak niya pero pahigpit na hinihila siya ni Jinno.

“Hayaan mo na silang dalawa, isipin mo na meron ka ng natitirang araw dito sa bahay namin.” ngiting-ngiti si Jinno habang hawak-hawak niya ng mahigpit si Malya.

Pilit na pinapunta ni Jinno si Malya sa kusina para gawin na niya ang paglilinis. Pumasok si Gemma sa loob ng abandonadong bahay kung saan naging pahingaan sa loob ng kwarto ay naghahanap siya ng patalim para maging depensa niya, kaso lang wala siyang mahanap na pwede niyang gawing depensa, bigla siyang nagulat sa pagdating ni Rosa.

“Anong ginagawa niyo, ate?” pagtataka ni Rosa at huminga muna ng malalim si Gemma nung makita niya ang bata.

“Naghahanap lang ako na pwede nating gamitin na depensa para kung sakaling makatakas tayo, pero sa ngayon kailangan dahan-dahan lang tayo sa pag-plano para kapag nakatakas tayo, pwede na natin silang maipakulong.”

“Ate, paano kung mahuli tayo niyan?”

“Sana nga hindi, kasi kung mahuhuli man tayo, mas lalong lalala yung sitwasyon natin dito.”

“Paano natin gagawin yon ate?”

Pinakaisip ni Gemma ang gagawing niyang plano at meron bigla siyang naisip na paunang posibleng maging plano nila kahit hindi pa niya sigurado.

“Sa magiging plano ko sana, dapat kailangan natin tatagan ang mga sarili natin kahit mahirap dahil habang nandito tayo, matutuwa silang paglaruan tayo habang hindi tayo gumagawa ng paraan para tumakas dito.”

“Kung ganon, hindi ba pwedeng sumakay tayo dun sa may parang itim na van tapos makakatakas na tayo agad.”

Pinag-isipan din ni Gemma ang ideya ni Rosa at biglang pumasok sa isip niya ang pagtakas nila ng gabi kasama si Malya habang hawak-hawak niya ang kahoy.

“Wag na wag mo kong tatakasan!” bumangon si Jinno habang nagdurugo ang ulo niya para huliin siya.

Papunta sila sa garden kung saan nakaparada doon ang itim na van at doon huminto si sa pagtatakbo si Malya at doon niya nakita si Velma na bigla niyang napalo sa kamay bago siya nabaril nito at inakap siya ng mahigpit ni Jinno pagkatapos ay patakas na sana sina Glen at Gemma kasama ang mga bata papunta sa van matapos nilang makuha ang susi ng sasakyan.

“Hinding-hindi mo ko matatakasan! Lalo na yung pagmamahal natin, hinding-hindi mawawala!” halos mabaliw si Jinno sa kakaakap sa kanya at sinusubukan ni Gemma ni iligtas siya.

“Tama na! Pakawalan mo na kami!! sawang-sawa na ko sa kakatiis sa inyo!” inis na sabi ni Gemma at hawak-hawak niya ang mga bata para protektahan sila nakabangon si Velma sa pagkapukpok sa kanya ni Malya.

“Ginusto niyo yan ah, mamatay kayong lahat!!” pupulutin sana ni Velma ang nahulog niyang baril sa sahig pero tinulak ni Glen at nakagat siya ng babae ng malalim hangga’t sa makain ang kanyang balat.

“Glen!!” sigaw ni Malya.

Biglang natakot si Gemma sa naging imahinasyon niya at hindi niya inaasahan na pinagpawisan siya.

“Ate, narinig niyo ba yung sinasabi ko?” nagulat si Gemma na biglang nagsalita si Rosa sa tabi niya.

“Pasensiya na, marami akong iniisip.”

“Bakit?”

“Basta ayokong isipin na magiging perpekto yung gagawin nating plano kung may masasaktan nanaman sa’tin.”

Biglang napaupo si Gemma sa kariton habang napaisip siya sa balak niyang gagawin.

“Sige na, pakawalan niyo muna ang nanay ko para sumama ako!” pilit nilang galadgarin si Jon para ikulong siya sa kwarto at paghiwalayin sila ni Jendel.

“Imbes na mag-ingay! Matulog na kayong mabuti sa kwarto!” sagad na tinulak ni Martin si Jon sa kwarto at kinulong siya tapos ay kinandado niya ang pintuan, para hindi siya makatakas.

“Nagmamakaawa ako sa inyo! Palabasin niyo muna ang nanay ko! Nakikiusap na ako sa inyo ng maayos!!”

Gigil na gigil si Jon at paulit-ulit niyang sinisipa ang pintuan dahil desperado siyang makalabas ng kwarto habang umiiyak siya, nakulong din ng dalawang mga lalaki si Jendel sa kabilang kwarto at desperado din siyang makalabas tulad ng kapatid niya.

“Humanda na kayo sa laban mamaya, lalo ka na Jon. Ikaw din naman ang pambato ko!”

“Ayokong labanan ang kapatid ko!!” sigaw ni Jon at narinig nina Martin at Mario ang boses niya galing sa kwarto.

“Wala akong pakialam, mamatay kayong dalawa!”

Kinalabog ni Mario ang pintuan ng dalawang kwarto para gulatin sina Jon at Jendel kaya tinawanan pa silang dalawa at nagsimula na silang magbantay sa tapat nila. Natapos na si Malya sa kakapunas ng mga alikabok sa mesa gamit ang malinis na basahan habang bantay na bantay siya ni Jinno.

“Ang sarap lang tignan na mas lalo akong naaakit ako sayo.” ngiting-ngiti si Jinno sa kanya at nilapitan siya para akapin si Malya pero sinampal siya na mukha ng malakas.

“Tama na tigilan mo na ko! Ginawa mo na lahat ng gusto mo, di ka pa kontento. Mas gusto kong makita sina Jon at Jendel. Sabihin mo sa nanay mo na pakawalan na sila, ngayon na!”

Huminga ng malalim si Jinno kitang inis na inis ang babae. “Kung di lang pasaway yung dalawang yon, edi hindi sila makukulong sa kwarto na yon.”

”Kahit na! Di ako papayag na ipaglaban mo sila o kung ano pa yung pwede niyong gawin sa kanila!”

Sa sobrang pag-aalala ni Malya sa dalawa niyang anak, biglang pumasok sa isip niya kung anong pwedeng mangyari nung gabing yon.

Pumasok si Malya sa mansion para makita niya ang mga anak niya, narinig niya ang pagsigaw ni Jon habang kinakaladlad siya papunta sa sala at sinusubukan niyang awatin sina Martin at Mario na tigilan sila nina Jendel.

“Nakikiusap ako wag niyo silang idamay dito!” sabi ni Malya at sa inis ni Stela dahil sa kakapigil niya sa plano ni Velma, tinulak siya ng sagad at nasaktan ang kanyang tuhod at mas lalong nag-alala ang dalawang lalaki.

“Wag niyong sasaktan ang nanay ko!!” pag-mamakaawa ni Jendel at tinulak siya ni Jinno sa rag para doon siya ilaban kay Jon.

Mas lalong nasaktan si Malya nung maisip niya na pwedeng possibleng mangyari iyon sa mga anak niya kapag wala siyang ginawa at tinitigan niya agad ng sobra si Jinno.

“Ano bang kailangan niyo sa’min, pera? Sabihin mo na! Balak niyo pa kaming ibenta sa ibang tao, yun ba yung balak niyong gawin?!”

Tawang-tawa si Jinno sa kanya. “Talaga sa tingin mo ibebenta ko sila….kanino?”

“Kahit kanino basta makawala na sila dito!”

Napahawak si Malya sa damit ni Jinno ng pagkahigpit-higpit at iniisip din ni Jinno ang kanyang binabalak.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height